DAPAT ay makaramdam ng kaba si Cedric. Dapat ay matakot siya. Pero kahit patuloy niyang iniisip ang mga iyon ay hindi pa rin niya mapigilan ang mapangiti. Masaya siya na magkakaroon na siya ng hold na habang buhay na sa piling niya si Ericka.
Sa buong buhay niya, hindi niya naisip na maikasal. He mostly spent time alone with his self. Kagaya ng buhay ng nag-ampon sa kanya, ganoon rin ang naiisip niyang magiging buhay niya sa hinaharap. Hindi siya makatagal sa isang babae. Hindi niya maisip na maitali habang buhay sa mga ito. Kahit nga ang salitang girlfriend ay nahihirapan siyang i-label sa isang babae. Ang asawa pa kaya? Ang isang habang buhay na commitment?
Pero binago iyon lahat ni Ericka at wala siyang maramdaman na pagsisisi sa ginawa niyang desisyon na pakasalan ito.
Aaminin ni Cedric na nahirapan siyang pumunta sa desisyon na iyon kahit na ba ganoon ang payo ng mga kaibigan niya sa kanya nang ikuwento niya na nabuntis niya si Ericka. Hindi sa may mali kay Ericka. Pero ang pagpapakasal ay isang habang buhay na commitment. Kahit aminado siya na iba ang nararamdaman niya kay Ericka, sa tingin niya ay hindi pa rin iyon sapat para magpakasal siya.
Bata pa lamang si Cedric ay nakita na niya ang realidad ng mundo. Sa tuwing naiisip niya ang isang panghabang buhay na commitment, palagi niyang naalala ang mag-asawang muntik ng umampon sa kanya. Naalala niya kung paano ang mga ito na mag-away at sa huli ay naghiwalay rin. Kahit siya ay nadamay pa sa mga iyon. Natakot siyang kapag dumating siya sa puntong iyon ay ganoon rin ang mangyari sa kanila ni Ericka. Masaya naman siya sa kung anong mayroon sila. Isama pa na hindi dahil lang sa magkakaanak sila, kailangan na nilang magpakasal. Puwede naman silang mag-compromise. Hindi dahil lang sa may anak, kailangang ilagay na sa mataas na bahagi ang kanilang pagsasama. After all, buwan pa lang ang tinatagal ng relasyon nila. Hindi pa nila masasabing kilalang-kilala na nila ang isa’t isa. Lalo na ito sa kanya.
Ngunit ipinamukha sa kanya ni Matthew na mali iyon. Hindi niya nakayang makita na dahil lamang sa hindi niya maggawang panagutan si Ericka ay maaari na itong kutyain ng mga tao. Ang tingin ng mga tao rito ay masama itong babae dahil hinayaan nito na mag-live in sila at mabuntis niya pa ito ng hindi pa sila kasal. Its against the christian’s law. Hindi niya maatim na ganoon ang tingin kay Ericka ng mga tao kaya niyaya niya itong magpakasal...
“S-sigurado ka ba? Naiintindihan ko naman kung hindi mo pa kaya. Kung ayaw mo. Sandali pa lang ang naging relasyon natin at---“
“I’m sure. Hindi ko kayang makita na ganoon ang tingin sa `yo ng mga tao.” Putol niya sa sinasabi nito at patuloy na tumitingin ng singsing na babagay rito.
“Kaya ginagawa mo ito dahil nagi-guilty ka.”
Alam ni Cedric na oo. Isa rin siya sa mga dahilan kung bakit binabansagan si Ericka ng ganoon. Pero pinigilan niya na sagutin ang sinabi nito. Alam niyang maling dahilan rin iyon kung bakit gusto niyang pakasalan ito. Ayaw niyang maisip nito na mali iyon at masaktan lang ito sa huli.
“Nagpapakasal ang isang tao dahil mahal nila ang isa’t isa. Hindi dahil sa magkakaanak lang sila o gusto lang umako ng responsibilidad,” mahinang wika ni Ericka saka bumuntong-hininga.
Natigilan si Cedric. Tama ito at nasapol siya. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin makumbinsi ang sarili kung mahal na nga ba niya ito. Oo, pinapahalagahan niya nang higit sa ibang babae si Ericka. Pero masasabi niya bang mahal na niya ito? Magagawa niya bang mahalin ito gayong wala namang nagparamdam ng ganoon sa kanya sa simula’t sapul? Hindi niya alam kung paano iyon. Hindi niya ginagawa iyon.
Tumingin siya kay Ericka. “Y-you don’t have feelings for me, cara? You don’t love me?”
Hindi sumagot si Ericka at nanatili lang nakatitig sa kanya. Nabasa niya ang lungkot sa mga mata nito. Hindi niya nagustuhan iyon. Nag-iwas siya ng tingin. Hindi rin naman niya kailangang-kailangan ang sagot nito. Nararamdaman niya na kagaya niya ay pareho ang nararamdaman ni Ericka sa kanya. Pareho nilang pinapahalagahan ang isa’t isa. Sapat na iyon sa kanya.
“Whatever. It doesn’t matter. Masaya tayo sa isa’t isa. Isang dahilan na rin iyon para magpakasal tayo,”
Pumayag si Ericka sa gusto niya. Dalawang linggo pagkatapos ng pangyayaring iyon ay itinakda ang kasal nila. Simpleng garden wedding lang ang kasal na pareho nilang napagkasunduan. Mga malalapit na kaibigan lang at kamag-anak ang imbitado sa kasal.
At ngayon ay ang araw na iyon. Isang oras mula ngayon ay magsisimula na ang kasal. Kakatapos lang niyang magbihis at napangiti na naman siya. Bihira lang siya ngumiti dahil bihira lang rin naman siyang maging masaya. Pero kapag naiisip niya kung ano ang magiging itsura ni Ericka mamaya at ang pangyayaring magiging dahilan para mapasakamay niya na ito ekslusibo at habang buhay ay nagpapasaya na sa kanya.
Tumunog ang cell phone ni Cedric. Isang hindi nakarehistrong numero ang kanyang natagpuan pero ganoon pa man, sinagot niya iyon. “Hello?”
“Mabuti naman at hindi ka nag-alinlangan na sagutin.” Nakilala agad ni Cedric ang boses. Si Matthew iyon. Agad na nagtagis ang kanyang bagang. Noong una pa lamang ay hindi na niya ito gusto at nang malaman na pisikal nitong sinaktan ang nobya ay mas naging matindi pa ang pagkadisgusto niya rito. Ang alam niya ay inimbitahan ito ni Ericka ngayon sa kabila ng nangyari. Sa kabila ng lahat ay pinapahalagahan pa rin nito ang kaibigan. Hindi nga lang niya sigurado kung kinumpirma ng kinaiinisan ang imbitasyon.
“Anong kailangan mo?”
“Paano kung sabihin ko na si Ericka?” tumawa pa ito pagkatapos. Kakaiba ang tawa na narinig ni Cedric kay Matthew. Nahimigan rin niya na kakaiba ang boses nito. Parang lasing.
“Alam mo na ikakasal na siya sa akin. Ngayon ang kasal namin.” Kung akala nito ay matatakot siya sa sinabi nito, nagkakamali ito. Pinagkakatiwalaan niya si Ericka. Loyal ito sa kanya. Hindi nito basta-bastang pipiliin si Matthew kaysa sa kanya kahit na ba mas matagal ang pinagsamahan ng mga ito.
“Oo. At kung iniisip mo na babatiin kita nang dahil diyan, nagkakamali ka. Nandito lang naman ako para ibulgar sa `yo ang mga sikreto niya.”
“Sikreto?”
“Sa tingin mo ba kaya sumasama sa `yo si Ericka ay dahil mahal ka niya? Na gusto ka rin niyang makasama? Hah! Ginagawa niya lang ang lahat ng iyon dahil kay Nanay. Dahil tinutulungan mo siya na pagalingin si Nanay.”
Si Cedric ang gustong matawa. “Kung akala mo ay maniniwala ako sa `yo ay—“
“Si Ericka mismo ang nagsabi sa akin. Hindi ba at hiningi mong kabayaran sa kanya sa lahat ng ginawa mo para kay Nanay ay ang sumama siya sa `yo?”
Natigilan si Cedric. Naalala nga niya na iyon ang kondisyon niya kay Ericka nang igiit nito na gusto siya nitong bayaran para sa pagpapagamot nito sa nag-aruga rito. Ganoon rin ang patuloy niyang pag-sponsor sa pagpapagaling. Malaki ang utang na loob ni Ericka sa matanda. Pumayag si Ericka roon ng walang kahit anong pag-aalinlangan.
Paano nga kung ganoon lang talaga ang nararamdaman ni Ericka sa kanya? Na kaya lang talaga ito sumasama sa kanya ay dahil sa malaking utang na loob nito sa kanya?
Sa unang pagkakataon ay nagduda siya sa nobya. Ginulo ng sinabi ni Matthew ang isip niya. Pinagkakatiwalaan niya si Ericka. Iba ito, nararamdaman niya. Pero may punto rin si Matthew. Ni hindi nga sinasabi sa kanya ni Ericka na mahal siya nito na kahit hindi rin naman niya inaasahan na marinig, may isang bahagi pa rin ng puso niya na gustong malaman ang tunay na nararamdaman nito sa kanya.
Naisip ni Cedric ang dahilan kung bakit ginusto niyang huwag ipakilala ang sarili sa mga tao, sa mga babae. Ayaw niyang malaman ng mga ito na mayaman siya, ang lapitan lang dahil mayaman siya. Nilapitan man at sinamahan man siya ni Ericka kahit hindi siya ganoon, hindi niya pa rin maiwasang hindi bigyan ng butas ang mga kinikilos nito sa kanya sa nakaraan. Oo, nagrereklamo ito sa mga paraan niya paminsan-minsan. Pero sa huli ay pumapayag rin ito. Hindi nito pinagpipilitan ang gusto nito para lang ma-please siya. Hindi ito kagaya ng mga asawa ng mga kaibigan niyang ramdam niyang tunay ang nararamdaman sa mga ito. Sunod-sunuran ito palagi sa kanya. Parang isang mistress sa lalaki ng mga ito...
Paano kung nagkamali siya ng pagkakilala kay Ericka?
“Walang nararamdaman sa `yo si Ericka. Sinasamahan ka lang niya dahil mayaman ka. Sino ba namang ipagpapalit ang katulad ko sa isang kagaya mo? Isa ka kasing ginto. Alam niyang matutulungan mo siya. Matalino rin ang babaeng iyon, eh. Ginagamit ka lang niya. Tignan mo na lang ang ginawa niya sa `yo noong ginamit niya ang pangalan mo para sumikat? Nakakatawa ka. Hindi mo man lang napansin iyon. Itinuring ka pa naman na isa sa mga matagumpay na tao sa mundo pero ang bobo mo. Ngayon, nabuntis mo siya. Sigurado papayag iyon na pakasalan ka. Bakit hindi? Ginto ka nga, eh. Isa pa, hindi mo rin ba naisip na baka kaya talaga siya sumama sa `yo ay dahil para mabuntis mo siya. Para lalo siyang magkaroon ng hold sa `yo. Para mas lalo siyang yumaman at sumikat kagaya na lang ng matagal na niyang gusto sa buhay niya.” Tumawa pa ito pagkatapos. “Nakakaawang nilalang ka.”
Hindi niya alam kung paano naisip ni Matthew ang mga iyon. Puro naman paghihinala iyon at hindi diretsong sinabi rito ni Ericka. Pero lalo lang nagduda si Cedric. Totoo naman na hindi niya plinano na mabuntis si Ericka. Ayaw niya nga na magkaroon ng anak. Paano niya gugustuhin iyon samantalang alam niyang magiging mahirap? Lalo na sa kanya. Ni hindi niya naranasan na magkaroon ng tunay na ama, ng isang mabuting ama. May kasalanan rin naman siya roon at pinaniwalaan niya ang dahilan ni Ericka kung bakit nagkaganoon kahit gumagamit naman siya ng proteksyon. Pero paano kung minanipula rin nito ang lahat? Puwede naman nitong ipaalala iyon kung nakalimutan niya. After all, alam niyang ramdam nito na hindi siya handa roon dahil na rin sa palagi niyang paggamit ng proteksyon.
Pero ang higit na kinainis ni Cedric ay ang huling sinabi ni Matthew. Hindi siya nakakaawa. Hindi niya gustong maging kaaawa-awa. Hindi niya gustong iyon rin ang iniisip ni Ericka sa kanya kung tama nga ang mga hinala ni Matthew.
Galit na pinatay ni Cedric ang tawag.
Three Days Later
ANG BUONG akala ni Ericka ay magiging maayos na ang lahat sa kanila ni Cedric nang niyaya siyang pakasalan nito. Bumalik sila sa dati sa dalawang linggong paghahanda nila para sa kanilang kasal. Hindi na siya nito iniwasan nito. Pero nang maikasal naman sila ay nagbago muli si Cedric. Doon nagkaroon ng continuation ang pag-iwas nito.
Binibigyan naman siya ng dahilan ni Cedric kung bakit. Nagkaroon daw ito ng drive para magpinta. Pinagpaliban muna nito ang honeymoon nila. Noong una ay gusto niyang intindihin ito, tutal ay iyon rin naman ang gusto niya para rito. Gusto niyang bumalik ang concentration nito. Umalis ito ng unit nila at nagpunta sa farm nito sa Laguna upang doon gawin ang pagpipinta. Ayaw raw nito ng istorbo. Pero hindi mapakali si Ericka ng tatlong araw pagkatapos ng kasal nila ay hindi man lang nagpaparamdam sa kanya si Cedric. Sinubukan niyang tawagan ang bahay nito sa Batangas. Naka-off ang cell phone ni Cedric kaya hindi niya mismong makausap ito. Isama pa na sinabi rin nito na ayaw nitong magpaistorbo. Pero gusto niyang malaman ang lagay ng asawa. Ang caretaker ng farm ang nakasagot.
“Naku, Ma’am. Mukhang may problema nga po si Sir. Kapag nakikita ko po siyang gising ay palagi lang naman po siyang nag-iinom.”
Nagulat si Ericka. “Nag-iinom? Hindi po ba siya nagpunta diyan upang magpinta?”
“Hindi po siya nagpipinta, Ma’am.”
Sumama ang loob ni Ericka sa nalaman. Nagsinungaling sa kanya si Cedric.
Pinuntahan ni Ericka si Cedric. Nais niyang komprontahin ito. Hindi maaaring ganoon. Paniguradong may problema ito. Nakumpirma ni Ericka na hindi nagsisinungaling ang caretaker nang makarating siya sa farm. Nahuli niya si Cedric na nanonood lang ng TV habang may mga alak sa tabi nito. Nagulat pa ito nang dumating siya.
“Nagsinungaling ka sa akin,” akusa agad ni Ericka sa asawa.
Bahagyang nagulo si Cedric. “I-I was just having a break. Nagpipinta naman talaga ako at---“
“Hindi iyon ang sinabi ng caretaker mo.”
“Hindi niya nakikita palagi ang ginagawa ko kaya hindi niya sigurado. Go to my room. Makikita mo roon na sumusubok ako---“
“Pero wala ka pa rin nagagawa. Hindi pa rin talaga bumabalik ang concentration mo. Iniiwasan mo lang talaga ako. Aminin mo na lang iyon.”
Naglihis ito ng tingin sa kanya. “Isipin mo ang gusto mong isipin, Ericka. Basta hindi ko muna gustong makasama ka ngayon. I need space.”
Nasaktan si Ericka. “Kakasal lang natin, Cedric. Huwag mo namang gawin ito...”
Huminga nang malalim si Cedric. “Umuwi ka na muna, Ericka.”
Umiling si Ericka. “Paano mo nasasabi `yan? Alam ko na may problema ka tungkol sa atin. Tungkol sa akin. Dahil kung wala, hindi mo naman ako iiwasan. Gusto kong sabihin mo iyon sa akin. Ayusin natin iyon.”
Umiling si Cedric. “Hindi ko pa kaya. Ayaw ko rin muna na magkaroon tayo ng komprontasyon ngayon. Nasa maselan kang kalagayan. Baka masaktan kita kapag sinabi ko sa `yo ang lahat. Hindi ko gustong saktan ka.”
Nanghina si Ericka. “Kung ganoon ay may problema nga...”
Tumingin sa kanya si Cedric. Gulo ang nakikita niya sa mga mata nito. “Just please go. Kapag naayos ko na ang issues sa sarili ko, saka na lang muna kita kakausapin.”
“Anong mali sa akin, Cedric? Ginagawa ko naman ang lahat para sa `yo, ah. Palagi akong sumusunod sa gusto mo. Ginagawa ko ang lahat para maging masaya ka. Ako ba ang may kulang? May mali ba---“
“Ako ang may mali, Ericka.” Naglihis ito ng tingin. “At kung gusto mo talaga akong maging masaya, hahayaan mo muna ako. Kailangan ko ng oras para sa sarili ko.”
Nagbabadya ng pumatak ang luha sa mata ni Ericka. “Cedric...”
Pumikit si Cedric, mukhang iritado. “Please. Ipinapangako kong ako ang unang lalapit sa `yo kapag maayos na ako. J-just give me time.”
Tinitigan ni Ericka ang asawa. Tama ba na pagbigyan niya ito? Dapat ay inaayos nila iyon. Dapat ay alamin niya kung anong problema nito. Pero may isang bahagi rin ng puso ni Ericka na pumipigil sa pangungulit rito. Hindi siya matapang. Natatakot siya sa maaaring isagot ni Cedric. Paano kung wala na itong nararamdaman sa kanya at napagtanto nito iyon nang matapos silang ikasal? Hindi imposible iyon. In the first place, ni hindi siya nito sinabihang mahal siya nito. Kahit nang magsama na sila at kahit nang araw na ikasal sila...
Tama si Cedric. Nasa maselan siyang kalagayan ngayon. Hindi niya gustong marinig ang sasabihin nito lalo na at mukhang masama iyon. Hindi niya rin kayang harapin ang lahat ngayon. Tumalikod si Ericka at naglakad palayo kay Cedric.
NAKAHINGA ng maluwag si Cedric nang mabasa ang text ng nurse na inupahan niya upang magbantay kay Ericka. Ligtas raw na nakauwi ito at ngayon ay nagpapahinga na sa kuwarto. Hindi niya gustong saktan at paalisin ito pero dahil magulo pa rin ang isip niya, ginusto niyang paalisin na muna ito. Natatakot siyang komprontahin si Ericka dahil baka simulan niya pa lang iyon ay hindi niya mapigilan ang sarili sa galit. Masama ang loob niya dahil na rin sa nalaman mula kay Matthew. Kailangan niya munang palipasin iyon kaya pinili niya na magsinungaling rito at pumunta sa farm niya sa Laguna. Tatlong araw na rin naman ang nakalipas pero hindi niya pa rin malimutan iyon. He felt very tricked. Still, hindi niya kayang pabayaan si Ericka. Kailangan niyang malaman ang lagay nito.
Ipinagpatuloy ni Cedric ang pag-inom ng alak na para bang iyon ang magiging solusyon sa problema. Kailangan niya ng space. Nasasaktan pa rin siya kahit na ba ang isipin na alam niyang nasasaktan rin niya si Ericka dahil sa pambabalewala niya rito. Gulong-gulo ang isip niya. Lalo pang dumagdag sa gulo ng isip niya nang magkaroon siya ng pangalawang bisita sa araw na iyon ilang oras bago maghapunan.
“You’re drunking yourself to death. Hah! Maybe you have realized that you’ve been very stupid to marry, huh?”
Hindi inaasahan ni Cedric ang pagdating ng ama sa farm niya. Hindi rin niya alam na nasa Pilipinas ito. Hindi kasi ito dumalo ng kasal niya kahit na ba inimbita niya ito. Naiintindihan naman niya ito dahil alam niyang noong una pa lamang ay ayaw na nito sa relasyon nila ni Ericka. Naging maayos pa nga para sa kanya na hindi ito dumalo dahil ayaw rin naman niyang masira ang araw nila ni Ericka kung tututol o pagsasabihan pa siya nito ng kung anu-ano kahit na ba nasira na rin naman iyon para sa kanya dahil sa tawag ni Matthew.
“Its none of your business, Papa...” pinilit niyang iwasan ang mga sasabihin nito tungkol sa kanila ni Ericka. Ayaw niya lalong magulo. “Why are you here?”
May inilabas itong papel. “I accepted a contract for you about landscape paintings. You need to paint three beach---“
“Accidenti, you know that I can’t paint right now. How can you accept a contract for me?” minsan ay nakikialam rin ang ama niya sa mga tinatanggap niyang proyekto. Ito nga ang pumilit sa kanya na maging isang project-base painter. Tumatanggap siya ng proyekto sa halip na ipinta lang ang tanging gusto niyang ipinta. Madalas na sa mayayamang tao ito gumagawa ng kontrata.
“Because you need to be pressured. This is a hundred thousand euro project I just signed for you, Cedric. With that, you would be forced to paint. Stop thinking of that girl. Paint! I need---“
“You need money?” nagtatagis ang bagang na putol rito ni Cedric. “You could have just asked me! You shouldn’t do this. You shouldn’t manipulate and control me especially right now that you know my condition!”
“I-I’ve a hundred thousand euro debt, Cedric.” Bumuntong-hininga ito. “I need to pay for it...but I can’t paint now, you know. I don’t have anything to pay for it. I’ve been so much distracted because of gambling. Gambling is also the reason why I have this kind of huge debt.”
Nanlaki ang mga mata ni Cedric. Simula nang ampunin siya nito ay hindi siya namroblema sa pangpinansyal. Pero ngayon ay mukhang mamomroblema siya sa ginawa nito. Napakalaking pera ng naging utang nito!
“Y-you couldn’t be that impulsive...”
“It’s done now.”
“You don’t have that enough money in your bank. Heck, you don’t have even a hundred euro on your bank now! How can you pay that kind of money?”
“That’s why I’m here. That’s why I accepted this contract. I need you to do this. I need you to pay for my debt,”
Umiling si Cedric. “Its too much! Sure, I have that kind of money right now. But still, I can’t afford to spend that much. My financial stability will be at risk. You already know that I am married. I’m going to have a family! I need to be financially stable and---“
“What do you mean you’re going to have a family? You made Ericka pregnant?”
“Yes and---“
“I’m going to be a grandfather...” tila gulat na gulat na wika nito. Natulala pa ito.
Masasabi niyang hindi naging mabuting ama sa kanya ang nag-ampon kaya ang ikonsidera nito ang sarili bilang magiging Lolo na ay kataka-taka sa kanya. “It doesn’t matter. What we should talk about now is what happened to you. I’m sorry but I can’t pay for it. We have a lot of things to pay, you know. The palazzo, the maintenance of other properties and---“
“No! You can’t make me suffer like this, figlio mio. You are my son! You promise me that you will support me!”
Nag-iwas siya ng tingin rito. “You provided for me, teach me a lot of things when I was younger. But you have never been good to me. You control me. You showed me nothing. You showed me no l-love. And now, you are asking too much.”
Naging madilim ang mukha nito. “You know right from the very start that I am not capable of loving.”
“And to agree to be with you, to come with you, is the biggest regret I have in my life. You are not even a father to me!” Hindi na naiwasan na sabihin ni Cedric rito.
Isa sa mga dahilan kung bakit hindi niya nagustuhan na nabuntis niya si Ericka ay dahil natatakot siyang maging ama. Hindi siya nagkaroon ng sariling ama, hindi siya nagkaroon ng mabuting ama. Paano niya malalaman kung paano maging isa? Hindi niya masabi kay Ericka na mahal niya ito dahil hindi siya nakaramdam sa kahit sino. Ang tanging pagmamahal lang na naranasan niya ay ang pagmamahal na iniiwan rin sa huli. Hindi niya gusto iyon. At si Maximo Guidicelli, kahit ngayong sumikat na siya ay wala man lang siya rito ni katiting na pagmamahal na nakukuha. Kagaya pa rin ito ng dati. Puro pa rin pangongontrol ang alam nito.
Marami bagay na masama ang na-develop niya lalo na nang tumira siya sa isang kagaya nito.
Ngumisi ang matanda. “You shouldn’t regret coming and living with your real father, Cedric.”
Kumunot ang noo ni Cedric. “Che? What are you talking about?”
“Don’t you see the resemblance we have with each other? You looked Italian like me. You are very good in painting like me. And you’re as cold hearted as me...”
“N-no...” nanghihinang wika ni Cedric. Napansin na rin naman ni Cedric ang pagkakahawig nila ni Mr. Guidicelli. Pero ayaw niyang isipin. Hindi niya gustong isipin. Kung totoong anak siya nito, hindi siya nito itatrato ng ganoon. Matatanggap pa niya kung tratuhin siya nito ng ganoon dahil ampon lang siya. Pero ang malaman na tunay niyang ama ito? At ngayon lang nito iyon sinabi sa kanya? Sasabog na yata ang damdamin niya sa sobrang sama ng loob.
“Do you think someone with the attitude of mine will go to an orphanage to adopt some sort of a child? Do you think a sister will let someone like me adopt a vulnerable child like you? I didn’t adopt you, Cedric. They gave you to me because I am your real father.”
“Father.... You’re my real father...And you made it a secret to me. You didn’t even intend to tell me that. Until now...” napahawak si Cedric sa pader ng kuwarto upang hindi siya mabuway sa naging rebelasyon.
NAALIMPUNGATAN si Ericka sa pagpapahinga nang marinig niyang may kumalabog sa labas ng kuwarto. Bumangon siya para tignan iyon. Sila lamang dalawa ng personal nurse ang nasa unit at ang alam niya ay maaga rin itong nagpahinga kagaya niya. Nang lumabas ay nakita niya ang magulong itsura ni Cedric na halos humalik na sa sahig. Mukhang lasing na lasing ito.
“A-anong...” sinubukan niyang pabangunin ang asawa. Tinulungan siya ng driver na kasunod nito, mukhang sinundan ang asawa dahil na rin sa lagay nito.
“Lasing na lasing siya, Ma’am. Kahit noong nasa kotse at nagpahatid dito ay umiinom pa rin siya...”
Matindi ba talaga ang problema niya at naggawa niyang maglasing ng ganito? Hindi maiwasang maitanong ni Ericka sa sarili. Tinanguan niya ang driver. Nagpatulong siya sa driver upang dalhin sa kama si Cedric na mukhang gusto na yatang matulog sa sahig dahil sa sobrang kalasingan. Kapagkuwan ay pinaalis na niya ang driver.
Inasikaso ni Ericka ang asawa. Kumuha siya ng bimpo at binasa iyon para punasan si Cedric. Pagbalik niya upang isagawa iyon ay nakita niyang nagmulat ng mata si Cedric. He still looked groggy. Tinitigan siya nito habang pinupunasan niya ito.
“O-okay ka na ba ngayon kaya pinili mo na bumalik sa unit?” sinubukan ni Ericka na magtanong.
Umiling ito, pero nanatili pa rin nakatitig sa kanya. Nasaktan siya sa sagot nito pero hindi niya maiwasang magtaka sa klase ng titig nito. It looks something special even though she could surely say there are sadness in those. Pero pinilit niyang huwag pansinin iyon. Ang mahalaga ay bumalik na si Cedric sa unit. Sooner or later, magkakaayos rin sila. Gusto niyang umasa. Hindi niya kayang mawala ito sa kanya, lalo na ngayong magkakaanak na sila.
Nang matapos sa pagpunas sa itaas na parte ng katawan nito kung saan paniguradong nararamdaman nito ang kalagkitan ay nakatitig pa rin ito. “Gusto mo ang ikuha kita ng kape para mahulasan ka?”
Umiling pa rin si Cedric pagkatapos ay niyakap siya. Bahagyang nanginig si Ericka sa ginawa nito. Naramdaman niya ang kapanabikan sa yakap ni Cedric. Ganoon rin naman siya. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Na-miss niya ito. “H-huwag kang gagaya sa kanila, ha? Huwag mo akong iiwanan...”
Tiningala niya ang asawa dahil na-weird-uhan siya sa sinabi nito. “Anong---“
“Hindi mo ako iiwan `di ba? Dito ka lang palagi sa tabi ko. Sasamahan mo ako habang buhay. M-mamahalin mo ako.”
Tinitigan niya ang asawa. “Cedric, hindi mo na kailangang sabihin `yan.”
“Kailangan kong malaman, Ericka. Sabihin mo na mahal mo ako. Na hindi mo ako iiwan. Na hindi ka magsisinungaling sa akin...Please,” naramdaman ni Ericka ang pagkapaos sa tinig ng asawa. May tumulo rin na luha sa mata nito nang hawakan ang mukha nito habang nagmamakaawa. Medyo matagal bago naka-react si Ericka.
Bakit sinasabi ni Cedric iyon sa kanya? Hindi ba ito nagtitiwala sa kanya? Sa kabilang banda ay hindi rin naman niya ito masisisi. Kagaya nito, hindi rin niya ito binibigyan ng kasiguraduhan. Tanging pinapadama lang niya rito ang pagmamahal. Mahal niya si Cedric pero malaking bahagi ng puso niya ang gustong dito muna marinig ang mga salitang iyon.
Hinawakan rin ni Ericka ang pisngi ni Cedric. Kung ano man ang problemang pinagdadaanan nito, obligasyon niyang damayan ito. Obligasyon rin niya na iparamdam rito na nandito lang siya palagi sa tabi nito. Hinalikan niya ang labi nito. “Hindi mo na kailangang ipakausap sa akin ang lahat ng `yan, Cedric. Palagi lang akong nandito sa tabi mo. Hindi kita iiwan. Hindi ako magsisinungaling sa `yo. And yes, mamahalin kita habang buhay. Mahal na mahal kita.”
“T-totoo ba `yan? Mahal mo ba talaga ako? Hindi mo lang `yan sinasabi sa akin dahil nakakaawa ang lagay ko?”
Kumunot ang noo ni Ericka. “Siyempre, hindi. Ngayon ko lang nasabi sa `yo dahil hindi ko gustong ako ang mauna na magsabi. Pero noon pa man, mahal na kita, Cedric. Mahal na mahal kita.”
Kagaya niya kanina, matagal rin bago nakapag-react sa kanya ang asawa. Tumulo lalo ang luha sa mga mata nito pero ngayon ay nakangiti na ito. Hinalikan siya nito at pagkatapos ay niyakap nang mahigpit. “Salamat. Salamat sa pagdating sa buhay ko...”