HINDI makangiti si Nari habang inaayos niya ang sarili sa harap ng salamin. Heck, did she really need to fix herself? Masama ang loob niya. Magde-date daw sila ni Ritter pero sa isang awkward na sitwasyon. Makakasama daw nila si Liza roon!
Excited si Ritter. Kanina pa ito hindi mapakali. Pauli-uli ito sa bahay. Nanalo daw ito ng movie tickets at makikita raw nila doon si Liza. Dahil dalawa ang ticket, isinama siya nito. Ayaw niya sana pero wala siyang maisip na rason para hindi sumama. Isa pa, curious rin siya kung ano ba ang itsura ng Liza na ito. Mas maganda ba ito sa kanya? Anong nagustuhan ni Ritter dito?
Yeah, iyon dapat ang reason kung bakit magpaganda ka, Nari! Kabugin mo si Liza!
“Mas maganda ako kaysa sa kanya!” Ngumisi si Nari nang matapos niyang ayusin ang sarili. Naniniwala siya na maganda ang pagkakaayos niya. Mas napatunayan niya pa iyon nang makapasok si Ritter sa kuwarto at makita ang itsura niya.
“Wow. Y-you look so beautiful…” Matutunaw yata si Nari sa tingin ni Ritter sa kanya. He looked so amaze.
Kinilig si Nari pero hindi niya pinahalata iyon. “Ready ka na ba?”
Lumunok muna si Ritter. “Yes. Pero ikaw yata ang hindi. Oo, maganda ka, Nari. Pero dadaigin mo pa ang mga artista sa ayos mo na `yan.”
Bukod sa makapal na make-up sa mukha, mukhang sosyalin rin ang dress na suot niya.
Inungusan ni Nari si Ritter. “So what? Artsista rin naman ako. Mukhang artista,”
Tumawa si Ritter. “Yeah, pero---“
“Wala ng pero-pero. I love my look. Let’s go…” Lumabas na ng kuwarto si Nari. Wala ng naggawa si Ritter kundi ang sumunod sa kanya. Nagdrive na ito sa mall kung nasaan ang sinehan.
Nang makarating sa sinehan, doon niya pinagsisihan ang pagiging matigas ng ulo niya. Simple lang ang suot ng iba. Marami rin sa mga iyon ang may dalang banner. “Enrique Love Liza” ang nakalagay roon. Takang-taka si Nari.
“Ano ba ang movie na ito?” Hindi na niya itinanong kay Ritter kanina kung ano nga ba ang movie na iyon. Masyado siyang binagabag sa isipin na naroroon si Liza. Kinain ng selos ang puso niya.
“Filipino Romance Movie,” Nagniningning ang mata ni Ritter habang papasok sila sa sinehan. “Pinagbibidahan ni Enrique Gil and the very beautiful Liza Soberano…”
“Ang Liza na ito… she’s an actress?” Pamilyar ang pangalan ni Enrique Gil kay Nari. Naalala niyang isa itong Filipino artist. Pero hindi siya fan nito. Hindi siya fan ng Filipino films or even shows. Hindi naman pamilyar sa kanya ang sinasabi ni Ritter na Liza Soberano.
“Yes. At crush na crush ko siya. Premiere night ng bagong pelikula nila ngayon. Nanalo ako ng ticket sa isang palaro sa Facebook Group ng LizQuen kaya tayo nandito. First time ko na makikita siya ng personal kaya masayang-masaya ako.”
Natulala si Nari. So after all, nagseselos pala siya sa isang artista!
Pakiramdam ni Nari ay ang tanga niya. Para na rin siyang nagselos sa isang fictional character. Napakalabong magkatuluyan ni Ritter at ng artista pala na pinapangarap nito!
Hanggang sa magsimula ang pelikula ay gulong-gulo pa rin si Nari. Hindi siya makapaniwala. Ang tagal niyang tiniis ang sama ng loob tungkol kay Liza. Nang makita rin niya sa personal si Liza dahil may maikling program bago ang premiere night ay lalo lang siyang nahiya sa sarili. Napakaganda nga nito. She looks so innocent and sweet. Hindi niya masisisi si Ritter kung patay na patay nga ito sa dalaga.
Malapit na sa climax ng pelikula nang mapaiyak si Nari. Hindi naman ganoon kabigat ang kuwento. Sadya lang siyang nahiya sa sarili at nakokonsensya siya. Hindi na niya napigilan ang damdamin. Napatayo siya at umalis ng sinehan. Nagagalit siya sa sarili niya.
At nadagdagan pa iyon nang sundan siya ni Ritter. Puno ng pag-aalala ang mukha nito.
“Bumalik ka na sa loob. Hindi pa tapos ang pelikula. I’m fine here.”
“No. Paanong okay ka lang? Umiiyak ka. Umiiyak ka ba dahil sa pelikula? Hindi ko inaasahan na masyado kang affected…”
Umiling si Nari. “It’s not about the movie…”
“So what is it?”
“It’s---“ Bumuntong-hininga si Nari. “Bumalik ka na sa loob. Matatapos na ang pelikula. Sige ka, hindi ka makakapagpa-picture kay Liza.”
“Marami pang pagkakataon para makapagpa-picture kay Liza. Isa pa, crush ko lang naman siya. Mas mahalaga ka sa akin. I should be here for you…” Niyakap ni Ritter si Nari.
Mas lalong napaiyak si Nari. “Oh God, Ritter. I’m so sorry…”
Hinalik-halikan ni Ritter ang tuktok ng ulo niya. “Hush, Baby. Nasasaktan rin ako kapag umiiyak ka. Ano bang magagawa ko?”
“Y-you don’t have to do anything. Ako ang masama rito. Nagseselos ako kay Liza. Iyon rin ang dahilan kung bakit iniiwasan kita…”
Natawa si Ritter. “Seriously? Pero paano mo nalaman ang pagka-crush ko kay Liza?”
Kinagat ni Nari ang ibabang labi. “Nabasa ko kasi sa comments doon sa video natin. Maraming nagtatanong tungkol kay Liza. I’m really sorry. Akala ko ay special someone mo siya. I felt insecure…”
“Sa una pa lang, naipaliwanag ko na naman sa `yo na wala akong sabit. You should have believe on me…” Napailing-iling pero ngumisi rin si Ritter. “But it’s okay. I’m glad na naapektuhan ka. It just means may nararamdaman ka sa akin.”
Humikbi si Nari. “Ayoko rin na may mga babaeng lumalandi sa `yo. Pinanood ko minsan ang isa sa mga gig mo. You are flirting with other girls---“
“Flirting is not the right term. Mas tamang gamitin ang “charming”. At parte iyon ng trabaho ko. Paano matutuwa sa akin ang mga audience kung hindi ako nakikisabay sa mga trip nila?”
“I know. I-it’s just that…nagseselos nga lang ako. And maybe I’m feeling that because I am not secured with your feelings for me…”
“Kasal na tayo, Nari. Hindi pa ba sapat na security iyon?”
“You married me only because of the---“
Pinutol ni Ritter ang sasabihin niya sa pamamagitan ng halik. “I married you because you are special to me, Nari…”
Lumambot ang puso ni Nari. “Ritter…”
Mahigpit na niyakap ulit siya ni Ritter. “Malaking responsibilidad ang isang kasal, Nari. Hindi naman ako ganoon katanga para itali ang sarili ko sa isang babae na wala akong nararamdaman. Wala pa man rin na divorce sa Pilipinas. So ang pagpapakasal ko sa `yo, pinag-isipan kong mabuti iyon. Hindi lang iyon dahil sa kailangan ng ama ng anak mo. It was also because I like you. Sa pagdaan rin ng mga araw, nakikita ko na hindi ako nagkamali. I think I’m falling in love with you, too…”
“Oh, Ritter…”
“Kaya `wag ka ng magselos, okay? Hindi ka lang responsibilidad sa akin. Mahalaga ka rin sa akin. Just trust me, too, and everything will be all right. Mabubuhay tayo kagaya ng mga prinsipe at prinsesa sa isang fairy tale. We will have a happily ever after…”
Niyakap rin ni Nari si Ritter. She promised to hold on to his words. Simula ngayon, pagkakatiwalaan na niya ang lalaki. Pagkatapos ng lahat, nararamdaman rin naman niya ang sinasabi nitong damdamin sa kanya. Pinipigilan lang niya dahil masyado siyang binulag ng mga insecurities niya. Pero ngayong malinaw na sa kanya ang lahat, pinapangako niyang hindi na magpapatalo roon.
Mahal na ni Nari si Ritter. At ang isang taong nagmamahal ay dapat marunong na magtiwala.
MAINIT ang pakiramdam ni Nari nang maggising siya. But it was heat that made her shiver with joy. Nakayakap si Ritter sa kanya habang mahimbing ang tulog. Dahil bati na sila, hinayaan na niya itong matulog sa kuwarto nila.
Tumingin si Nari sa orasan sa may beside table. Alas kuwatro pa lang ng madaling araw. Inaantok pa siya. Pero nawala rin iyon nang titigan niya si Ritter. Iyon na lang ang gusto niyang gawin hanggang sa sumikat ang araw. And she could get used to it everyday…
My God, I’m so in love…
Napangiti si Nari. Wala namang masama kung in love na in love siya kay Ritter. Malinaw na para sa kanya ang nararamdaman nito. Naniniwala siya rito. She was ready for everything. She could now really hear the sound of a happily ever after…
“Hmmm…What’s wrong?” Nagising si Ritter.
“Nothing. Gusto lang kitang titigan.”
He chuckled. “Guwapo ko talaga…”
Ngumiti si Nari. Totoo rin naman kasi iyon. Napaisip tuloy siya. Totoo bang kapag pinaglihian mo ang isang tao ay magiging kamukha nito ang anak mo? Dahil kung ganoon nga, gusto niyang paglihian si Ritter. Gusto niyang maging kamukha nito ang anak niya.
Napahawak si Nari sa pipis pa niyang tiyan nang maisip iyon. Napakunot-noo siya nang may maramdaman na kakaiba roon. “Ouch!”
Tuluyan ng nagmulat ang kanina ay inaantok pa na si Ritter. “Anong problema? Akala ko ba ay okay ka lang?”
Nangangatal ang buong katawan ni Nari. She doesn’t know what’s happening, too. One moment, she felt like in heaven. Ngayong biglang nakaramdam siya ng sakit ng kanyang puson ay parang napunta siya sa impyerno. Natakot siya.
At halos mahimatay si Nari ang dahilan ng pananakit ng puson niya nang tanggalin ni Ritter ang kumot sa kama. May dugo roon.
Parehong nanlaki ang mga mata nila. Pero hindi na nag-aksaya pa ng oras si Ritter. Mabilis na pinangko siya nito at dinala sa ospital.
“BAKIT gising ka pa?”
Pinilit ni Ritter na huwag magtaas ng boses nang makita si Nari sa sala. Alas onse na ng gabi at wala sila sa sariling pamamahay nila. Pagkatapos magkaroon ng threatened miscarriage ni Nari ay minabuti ng pamilya nito na patirahin na lang muna sila sa mansion ng mga Kim. Mas makakabuti raw iyon sa kalagayan ni Nari dahil mas marami ang magbabantay rito.
Na-diagnose si Nari na may incompetent cervix. It just means that her cervix started to dilate soon. Nangyari iyon dahil nagsisimula ng bumigat ang tiyan ni Nari. Nasa pangalawang trimester na ito ng pagbubuntis nito.
Delikado iyon. In-advise ito ng Doctor na mag-bed rest. Maraming bawal rito. At isa ang ginagawa nito ngayon sa ikasasama nito. Hinintay siya nitong makauwi galing sa gig niya. Pero makakasama rin dito kung sisigawan niya ito at ipapakita na galit siya dahil sa ginawa nito.
Halatang inaantok na si Nari pero naggawa pa nitong ngumiti. Hinalikan siya nito sa pisngi. “Hi. Kumusta ang gig?”
“Okay lang. Matulog ka na,”
“Sabay na tayong matulog. Kumain ka na,”
“Hindi ako gutom. Kumain na rin ako,” Ritter was lying. Nagtitipid siya kaya hindi na siya kumain. Pero gusto na niyang matulog si Nari. Kailangan nito.
“Are you sure?”
Tumango si Ritter. Na-touch siya na concern sa kanya ang asawa. Pero mas concern siya sa lagay nito.
Pangalawang beses na siyang umuuwi na sinasalubong siya ni Nari. She was acting like a typical housewife. Masaya sana pero mas nahihirapan siya. Makakasama iyon kay Nari. Bawal itong magpuyat.
Inalalayan niya si Nari papunta sa kuwarto. Mabilis naman itong nakatulog sa bisig niya. Nagugutom man ay hindi na tinangka ni Ritter na umalis. Nakayakap sa kanya si Nari. Baka magising ito kapag gumalaw siya. Mas mahalaga para sa kanya ang welfare nito.
Bubusugin na lang ni Ritter ang sarili sa pagtingin sa asawa. Maayos na siya na makitang maayos ito. Hindi na dapat maulit ang nangyari noong nakaraang linggo. Hindi man sa kanya ang sanggol na dinadala ni Nari ay mahalaga na rin ito sa kanya. Parte ito ni Nari kaya mamahalin rin niya ito. Iingatan niya ito.
Ganoon pa man, paanong magiging maayos ang lahat samantalang matigas ang ulo ni Nari? Pinagsabihan na niya ito kahapon na huwag na siyang hintayin pero ginawa pa rin nito. Responsibilidad daw nito bilang asawa na siguraduhin na maayos ang asawa nito pag-uwi. Paano iyon samantalang parte ng trabaho niya ang umuwi ng gabing-gabi na?
Gulong-gulo si Ritter. Pero umaasa pa rin siya na maiintindihan rin ni Nari ang lahat. Magiging maayos rin ang lahat…
HINDI na hinintay ni Ritter si Nari na magising kinabukasan. Alas otso na ng umaga at malalim pa rin ang tulog nito. Gutom na siya kaya pumunta na siya sa dining room. Naabutan niya roon ang ama ni Nari na kumakain. Napauwi ito galing sa Korea nang malaman ang nangyari kay Nari. Hindi nila sigurado kung kailan ito babalik.
“Good morning po,”
Binati rin ni Vincent Kim si Ritter. “Mukhang puyat na naman ang anak ko, ah.”
Tumango si Ritter. “Pasensya na po kayo, Sir. Hindi ko rin naman po gusto na magpuyat ang anak niyo kaya lang ay---“
“Mapilit siya,” ang biyenan na mismo ang nagtuloy ng sasabihin ni Ritter. “Sige, Ritter. Kumain ka na muna. Gusto sana kitang kausapin pagkatapos.”
Napakunot-noo si Ritter. Nagpaalam si Vincent Kim at may tumawag rito sa cell phone. Sinunod na lang niya ang utos nito. Pero halos hindi rin naman siya makakain. May masama siyang pakiramdam sa pag-uusap nila ng biyenan.
“Sa garden tayo,” Nang matapos silang dalawa sa parehong ginagawa ay niyaya na siya ng lalaki.
“Didiretsahin na kita, Ritter. Ayoko sa trabaho mo.”
Kumurap si Ritter. “Ano po ang ibig niyong sabihin? Disente naman ang trabaho ko at---“
“Alam ko. Naiintindihan ko na gusto mo ang music kagaya ng anak ko. I’ve already learned my lessons kaya naiintindihan ko na mahirap para sa `yo ang umalis sa trabaho mo. You enjoy it. But it’s not good for Nari…”
“Dahil palaging gabi ang trabaho ko. Napupuyat siya sa kahihintay sa akin at masama iyon sa lagay niya.”
“Exactly.”
Tumango si Ritter. Naiintindihan naman niya si Vincent Kim. Ang gusto lang nito ay ang makakabuti para sa anak nito. Pareho nilang mahal si Nari.
“Pero pamilyadong tao na po ako, Sir. Ito lang po ang trabaho ko. Nag-apply man kasi ako ng ibang trabaho ay hindi po ako pinalad,”
Walang kompanya na tumawag kay Ritter noong nag-apply siya. Madali naman na naisip ni Ritter ang dahilan. Matanda na siya at hindi naman ganoon kaganda ang experience niya.
“Susuportahan ko kayong dalawa ng anak ko.”
Mariing umiling si Ritter. “Hindi po. Nakakahiya na po sa inyo.”
Ang ama ni Nari ang sumagot sa pagpapakasal nilang dalawa ng asawa. Binigyan pa sila nito ng bahay. Bukod pa roon, pinapadalhan pa nito si Nari ng allowance. Kapag nagigipit siya, iyon ang ginagastos nila. Pakiramdam niya, baon na baon na siya sa utang rito.
“Mas nakakahiya sa `yo, Ritter. Pinanagutan mo ang anak ko samantalang hindi ikaw ang ama ng dinadala niya.”
Napakurap si Ritter. “A-alam niyo?”
Tumango si Vincent Kim. “I’ve done my research. Gusto ko lang na mauna kayong magsabi sa akin ni Nari kaya hindi ko sinasabi. “
“Mahal ko naman po ang anak niyo, Sir. Hindi naman iyon mahirap gawin.”
“Still, what you did was a brave thing to do. Hindi lahat ng lalaki ay kayang gawin iyon sa isang babae…” Tinapik ni Vincent Kim ang balikat niya. “I’m very thankful to you, Ritter. You saved my daughter from shame. It’s the least that I can do to you.”
Hindi nakapagsalita si Ritter. Kung ang ibang tao ay matutuwa na magkakaroon ng susuporta rito ng walang kahirap-hirap ay hindi si Ritter. May hiya siya. May pride rin siya.
Padre de pamilya si Ritter. Siya dapat ang sumusuporta sa pamilya niya. Pamilya na niya si Nari at siya dapat ang gumagastos rito.
Hindi gustong tanggapin ni Ritter ang alok ng biyenan. But it was all for the best. And what’s best is what Nari needs and deserves. Nahihirapan lang siya dahil hindi niya kayang ibigay iyon rito.
ALAS OTSO pa lang ay nakahiga at tulog na si Ritter. Pero kahit payapa at mukhang komportable ang itsura nito ay hindi mahawa si Nari. Hindi nagtatrabaho si Ritter. And it was all because of her.
Sinisisi ni Nari ang sarili. Dahil sa pag-aalala niya rito sa trabaho ay napagpasyahan nitong tumigil muna. Alam niya na masakit iyon. She experienced it first hand when her father doesn’t allow her to pursue music. Mahirap pigilan ang passion mo. At ang pagkanta ni Ritter, hindi lang iyon trabaho. It was also his passion.
But on the other hand, sa tingin ni Nari na mahihirapan rin siyang pigilan ang pag-aalala sa asawa. It came naturally. Parte na ng trabaho ni Ritter ang pag-uwi nito ng gabi dahil gabi naman madalas nag-o-open ang bar. At kahit sinubukan ni Ritter na mag-apply ng trabaho ng araw ay kung hindi ito matanggap, hindi rin nito matanggap. May offer rito na maging wedding singer na lang. Okay sana dahil puwede naman ang boses ni Ritter sa mga wedding songs. Kaya lang, kailangang kapag kailangan ay pumunta ito anumang oras. May mga kasal na gabi ginaganap ang reception at gagabihin rin ang lalaki. Dedepende pa sa reception ng kasal ang pag-uwi nito. Hindi na rin ito pinayagan ng Daddy niya.
Ramdam niya na hindi gusto ni Ritter iyon. Pero napilitan ito dahil sa kanya. Nakokonsensya siya.
Bumangon ng kama si Nari. Gusto niyang kausapin ang Daddy niya. Sasabihin niya rito na huwag ng sikilin si Ritter dahil lang sa kanya. Pero bago niya maggawa ay may naagaw ng isang papel na naipit sa drawer ng beside table ang pansin niya. Kinuha niya iyon at nakita niya na para kay Ritter iyon. Out of curiousity, binasa niya ang nasa letter.
Halo-halo ang naramdaman ni Nari. She was shocked, confused but happy at the same time. Dream come true iyon para kay Ritter. She should be happy for him.
And support him.
Matagal-tagal rin na hinawakan ni Nari ang sulat. Nag-isip siya. She knew she had to make a decision…
A good wife should not be selfish…
Buo na ang loob ni Nari nang lumabas siya ng kuwarto. Madali naman niyang nakita ang Daddy niya na nanonood ng TV sa sala. Mag-isa lang ito.
“Can I talk to you, Daddy?”
Tinapik ng ama ang upuan sa tabi nito. “Sure, baby. Ano iyon?”
Umupo si Nari sa tabi ng ama. “I want to go to New York,”
Nagkibit-balikat ito. “Wish granted.”
“Pero hindi ko kasama si Ritter. Ako lang ang pupunta roon. Mas makakabuti sa lagay ko `yun `di ba? They have advance technologies. Who knows, may maggawa sila para hindi ako ganitong mahirapan sa pagbubuntis ko…”
“That’s good. Naisip ko na rin nga ang tungkol diyan at pinapatanong ko na sa Tito Nikos mo ang details. Hinihintay ko lang ang details niya. Masyado lang busy iyon sa ngayon dahil sa nangyari kay Nicollo.”
Naka-base ang pamilya ng Tito Nikos niya sa New York. Sa pagkakaalam rin niya ay nagkaroon ito ng problema sa panganay na anak na si Nicollo. Sumabog kasi ang sasakyan na sinasakyan nito ilang buwan na ang nakakaraan. Ilang buwan rin na nasa critical na kondisyon ito.
Tumango si Nari. “Thanks, Daddy.”
“Pero teka, bakit hindi kasama si Ritter? You need him for sure---“
“Yes. Pero mas kailangan siya rito. He has a bright future here…” wika ni Nari at ibinigay sa ama ang sulat na nabasa para maipaliwanag rito nang mas maayos ang desisyon niya.
Ritter has to pursue a life-changing opportunity that just recently came. Hindi dapat siya maging hadlang at ang anak niya roon.
“MALI ang lahat ng ito, Nari.” Nasa airport na ay pinipigilan pa rin ni Ritter si Nari papunta ng New York. Dalawang araw pa lang ang nakalilipas simula nang magdesisyon itong umalis pero buong-buo na ang loob nito. At kahit kumbinsihin pa siya nito na para sa ikabubuti ng sitwasyon ang pag-alis nito ay mahirap pa rin para sa kanya na intindihin. Paanong magiging maayos ang lahat samantalang aalis ito sa tabi niya?
Hinalikan siya ni Nari sa labi. “Naka-chartered flight kami. Hindi risky ang biyahe.”
Pumikit si Ritter. Kaunti na lang at malapit na siyang umiyak sa lungkot. “Alam mo na hindi lang iyon ang tinutukoy ko.”
Hinaplos ni Nari ang balikat niya. “Tatawagan naman kita palagi, okay?”
“Iba pa rin ang pakiramdam ng personal, Nari. I want to take care of you.” Tumingin si Ritter kay Vincent Kim. “Dad, sasama na lang rin ako.”
Tinignan ng biyenan si Nari. “Ayokong pangunahan si Nari sa lahat ng ito. After all, siya ang nagdesisyon.”
Umiling si Nari. “You have a career to pursue, Babe. Hindi mo kailangan ng alagain sa tabi mo. Hindi mo kailangan ng isang demanding wife. Magiging ganoon ako kapag nasa tabi mo ako. Masisira ang bubuuin mo pa lang na malaking career.”
“I need an inspiration. I need you!” Tuluyan ng napaiyak si Ritter. At naiinis siya dahil parang ang kalma-kalmado ng asawa niya. Hindi siya mahawa rito.
“Nandito pa rin naman ako. Pupunta lang ako ng New York. Kapag nakapanganak ako ay babalik rin ako sa Pilipinas.” Inalis ni Nari ang luha sa pisngi niya.
Three days ago ay may natanggap na sulat si Ritter mula sa isang recording company. Nakita daw ng mga ito ang cover videos niya sa Youtube. They were looking forward to have a recording contract with him. Nakita ng mga ito ang potensyal niya.
Ritter was of course very happy. Pangarap niya ang sumikat `di ba? Pangarap niya nga na maging kagaya ni Vincent Kim---sikat, mayaman at matagumpay sa buhay. Puwede na niyang stepping stone ang invitation ng recording company roon. Hindi pa huli ang lahat sa pangarap niya.
Pero naisip niya si Nari. Itinigil na nga niya ang trabaho niya sa bar. Hassle iyon sa pagsuporta at pag-aalagang ibinibigay niya dapat dito. Pero kung tatanggapin niya ang recording contract at sumikat nga siya, mas lalo siyang magiging busy. Baka umagahin na siya ng uwi. Lalo lang niyang pag-aalalahanin si Nari. He was torn between career and his family.
Binigyan ni Nari si Ritter ng easy way out. Ito na mismo ang nag-adjust. Pero mas lalo lang siyang nahirapan sa desisyon nito. Aalis ito ng bansa para sa kapakanan daw niya.
“Mas mag-aalala ka kapag nasa ibang bansa ka.”
“Mas mag-aalala ka sa akin kapag nandito ako sa Pilipinas. Madali akong makakapagreklamo sa `yo. Lalong hindi ka makakapag-concentrate sa career mo. Remember the time na nag-perform ka tapos hindi mo naggawa ng ayos dahil nag-aalala ka sa akin? Isipin mo na lang rin na mas maalagaan ako sa New York kaysa dito sa Pilipinas. Mas advance ang technologies roon…”
May point si Nari. Pero gusto niyang makasama ito. Ano pa ang silbi ng magandang career kung wala sa tabi niya ang mga taong pag-aalayan niya ng mga iyon?
Pero naisip rin naman ni Ritter, paano niya patutunayan ang sarili niya sa binuong pamilya? Paano siya maipagmamalaki ni Nari? Ng anak nila? Hindi niya gustong umasa na lang sa pamilya ni Nari habang buhay. It was his only chance to a good and wealthy life that Nari and their future baby deserved.
“Ilang buwan na pagtitiis ito, Ritter. `Wag mong alalahanin si Nari. We will hire the best nurse in New York for her. Sisiguraduhin ko rin na palagi kaming nasa tabi niya. Everything will be fine,” sumabat na ang biyenan.
Sa huli, wala na rin naggawa si Ritter kundi ang pumayag. Niyakap at hinalikan niya si Nari. “I will miss you so much.”
“Me, too…”
Hinalikan niya ang maumbok-umbok ng tiyan ni Nari. “Magpapakabait ka rin, ha? `Wag mong pahihirapan si Mommy…”
Nang tumingala si Ritter sa asawa ay may luha na sa mga mata nito. Ito naman ang yumakap sa kanya. Mahigpit iyon. “I love you so much, Ritter. There were many miles to count between us. But let just count how much the love we have for each other…”
“Mahal na mahal kita, Nari Kim Salazar. And there’s no end to that…” Malungkot man ay gumaan ang pakiramdam niya nang masabi ang nararamdaman nila para sa isa’t isa.
Ngumiti na si Ritter. Distance doesn’t matter as long as they love each other…
“I’M SO happy for you, Babe…” wika ni Nari kay Ritter habang nagkukuwento ito sa kanya ng mga nangyari sa araw nito. Magka-video chat silang dalawa. Dalawang linggo na siyang nasa New York pero parang buwan na ang nakalilipas. Missed na missed na niya ang asawa. Napakarami rin na nangyari sa buhay nito sa loob ng dalawang linggo na iyon.
Napakabilis ng mga pangyayari. Nang makapagrecord si Ritter ng version nito ng isang sikat na David Pomeranz na kanta ay lumabas rin iyon sa mga radio. His revival instantly became a hit. Isa na ang kanta ni Ritter ngayon sa mga most requested songs. At ngayon ay ibinalita pa nito na kasali ito sa production ng sikat na variety show kapag Linggo para mag-perform. Masayang-masaya ito.
“Thank you, Babe. I just wish you were here. Gusto kong mapanood mo ako ng live habang kumakanta ako. Gusto kong titigan ka habang kumakanta ng love song. Gusto kong makita ng mundo na ikaw ang inspirasyon ko.”
Ngumiti si Nari. “Gusto ko rin iyon. Pero sa ngayon, let’s just be contented on what we have.”
“Oo, at---“ Natigil sa pagsasalita si Ritter nang may tumapik sa likod nito. Kasalukuyan nitong hinihintay ang manager para makipag-usap ng iba pang projects nito sa linggo. “Wait lang, ha.”
Sandaling umalis si Ritter sa video. Nang makabalik ito ay malungkot na ang mukha nito. “I got to go, Babe. Marami daw sasabihin sa akin si manager. I’ll just see you later?”
Umiling si Nari. “Bukas na lang, Babe. Pagod na ako, eh.”
“All right. I’ll see you tomorrow. Mahal na mahal kita…” Nag-pout pa si Ritter sa camera na parang mahahalikan siya nito. She said the same words and did the same thing.
Nang matapos ang tawag ay isinandal ni Nari ang ulo sa headboard ng kama. Wala pang kalahating oras silang nag-usap ni Ritter ay parang pagod na pagod na siya. Sabagay, nakakapagod rin naman kasi talaga ang magsinungaling.
Humawak si Nari sa tiyan niya. She uttered a small prayer for it. Maya-maya ay pumasok ang Daddy niya sa kuwarto.
“Everything went well?”
Tumango si Nari. “Magaling pala akong artista, Daddy.”
Bumuntong-hininga si Vincent Kim. “Hindi tama ang lahat ng ito, Anak.”
Yumuko si Nari. Napabuntong-hininga rin siya. Tumingin siya sa kanyang tiyan. May kalakihan na iyon. She should be happy knowing that her baby is growing.
Kung hindi nga lang mas tumataas ang risk na mawawala ito sa kanya habang lumalaki iyon…
“Ito ang tamang gawin, Daddy. Hindi puwedeng malaman ni Ritter ang lagay ko. Nagsisimula pa lang ang career niya. And he’s doing very well. Ayokong makasira ang kondisyon ko sa ginagawa niya. What he was doing is a once upon a lifetime opportunity.”
“Pero masama pa rin ang magsinungaling…”
Hindi sumagot si Nari. Ilang beses na siyang kinumbinsi ng Daddy niya na aminin kay Ritter ang totoong lagay niya. Pero hindi puwede. Iniisip niya ang kapakanan ng lalaki. Lumayo na nga siya para hindi na ito mag-alala sa kanya. Kapag sinabi niya kay Ritter ang totoong sitwasyon niya, paniguradong magpa-panic ito. Paano kung iwan nito ang binubuong career para puntahan at alagaan siya?
Hindi nagsisinungaling si Nari nang sabihin niyang masaya siya sa narating ng asawa. Ang hindi lang totoo ay ang mga sinabi niyang okay lang siya. Hindi talaga siya okay. Kung delikado na ang pagbubuntis niya sa Pilipinas, mas lumala iyon nang dumating sila sa New York.
Halos apat na araw siyang nanatili sa ospital. Nanghihina siya at ilang beses na nanakit ang tiyan niya. At kahit mas advance ang technology sa New York kaysa sa Pilipinas ay hindi pa rin iyon sapat para maging maayos ang lagay niya. Mataas pa rin ang risk na malaglag ang batang dinadala niya.
Si Nari pa rin ang may problema. Everything happened because of her incompetent cervix. Dahil lumalaki na ang tiyan niya ay bumibigat rin iyon na siyang dahilan kung bakit bumubuka ang cervix niya. She was advised to have a complete bed rest. Hindi niya ipinaalam kay Ritter ang lahat ng iyon dahil siguradong mag-aalala ito. Delikado ang lagay niya. Mabuti na nga lang talaga at hindi nito nahahalatang nahihirapan siya kapag nagkakausap sila.
Niyakap si Nari ng Daddy niya. “No matter what happened, I’m always here to support you, Anak.”
Naiiyak si Nari. Kahit masama ang lagay, masuwerte pa rin siya. Napaka-supportive ng pamilya niya sa kanya.
“Thank you---“ Natigil si Nari nang makaramdam na naman siya ng pananakit sa puson niya. Mas masakit iyon kaysa sa normal. Napahawak siya roon.
Naging alerto naman ang Daddy niya. Mabilis siyang sinuri nito at halos sabay na nanlaki ang mata nila nang makitang bukod sa sakit ng puson ay mas may matindi pa silang ikababahala.
“Y-you’re bleeding again…”