KIMBURA Chapter 14

Anika

“WHAT is love?”

Napalingon ako kay Dach na biglang nagsalita sa harap ko habang nakatitig sa isang pares ng couple. Nginunguya pa niya ang sandwich niya habang nasa malayo ang tingin. Nasa edad namin ang couple. Naghaharutan sa ibabaw ng picnic blanket.

Linteken! Nainggit pa yata ang gunggong.

Nasa park kami. Nagfo-food trip. Pumayag si Mama at Papa tutal si Dach naman ang kasama ko. Ewan ko, malaki tiwala nila kay Dach eh. Matino at mabait daw. Sa kanila lang naman mabait ang gunggong.

“Malay ko nang love na iyan?” Kunwari ay wala akong paki.

But then, habang nasa malayo ang tingin ni Dach, hindi ko napigilan ang sarili na titigan siya. Napangiti ako sa sarili ko.

When I looked at you, when I watched you this close, I couldn’t help but imagine seeing my future together with you.

Hindi ko alam kung bakit at paanong bigla akong nakakaisip ng kung ano-ano habang nakatitig sa kanya. Sa imagination ko kasi, ten years from now, ganito pa din kami. Magkasama sa park. Kumakain at nagkukwentuhan ng kung ano-ano. I am looking at him with all the feelings I had in my heart. Pagkaasar, pagkabuwisit, saya at matamis na mga alaala ng kabataan namin hanggang sa paglaki. Ang sarap balikan ng lahat ng iyon. Ang ligaya ng pakiramdam ko kapag inaalala ko ang mga iyon.

Everything was just like that. Aasarin niya pa din ako kahit matatanda na kami at asar-talo pa din ako. But the day will never end that we will not laugh together.

Napangiti ako sa sarili ko. At nang bigla siyang bumaling sa akin, nasalubong ko ang mga mata niya. His fierce blue eyes were intensely looking at me. Pakiramdam ko ay hinalukay at hinigop niya ang buo kong pagkatao habang tinititigan niya ako. Bigla ding nagwala ang puso ko nang ngumiti siya. Sukdulan ang pagpintig noon na parang magma-malfunction ang lahat ng mga senses ko. I became uneasy while looking back at him. But at the same time, I like the warmth given by his gaze. His smile was so heart-melting. Parang umabot sa kaluluwa ko ang epekto ng mainit niyang ngiti. Parang hinaplos ako ng masarap na pakiramdam na hindi ko naman alam kung saan nanggagaling.

“O? Na-in love ka na naman sa akin. Ganyan ka na naman makatitig sa kagwapuhan ko.”

Nagising ang nawiwindang kong ulirat pagkarinig noon. Pinandilatan ko siya. Nagulat kasi ako. At bakit ba kasi hindi ko mapigilan na titigan si Dach? Linteken talaga!

“Excuse me? Hindi kita tinititigan ‘no?” tanggi ko nga, maisalba lang ang pride ko. Kailangan mong maisalba ang sarili ko sa kahit na anong paraan.

“E’ ano palang tawag sa pagtunganga mo sa akin?” pang-aasar niya.

“A-Ano…” Tangina ah!

“Pinag-iisipan ko lang kung sino ang kamukha mo. Sa guwapo kasi ni Tito Jutto, aba! Walang-wala kang kasina-sinabi. Hindi ka din naman kamukha ni Tita Dawn. Ang ganda-ganda niya kaya.”

Bumusangot ang mukha ni Dach. “At anong ibig mong sabihin? Na pangit ako?”

“Ikaw ang nagsabi niyan ah?”

Poker faced na si Dach at gusto ko namang matawa. Aba, asar na ito kapag ganito na ang hilatsa ng pagmumukha.

“Sasagutin ko na ang tanong mo. Kasi mukhang inggit ka na naman sa mga couples na naglalandian dito.” Nakalabing bawi ko at ibinalik sa tanong niya ang topic.

As much as I wanted to irritate the hell out of him, I refrained myself. Naalala ko kasi dati na naasar siya ng bongga sa akin. Isang linggo siyang beast mode. Kausapin-hindi niya ako noon. Ang tipid sumagot sa mga tanong ko at nagsusuplado. Katakot-takot pang suyuan ang nangyari bago siya bumalik sa dati. Kaya inite-tame ko na lang ang pang-aasar sa kanya. Asar-talo e. Pero saksakan naman ng alaskador. Ang unfair!

“Love is unexplainable.”

Napangiti ako sa kawalan habang inaalala ang mga panahon na lagi kaming magkasama ni Dach. Away-bati man pero hindi natatapos ang araw na maghihiwalay kaming may samaan ng loob. Masaya akong si Dach ang naging best friend ko sa buong mundo. Kontento na kasi ako sa kanya at sa samahan naming wala yatang katulad.

Teka… love ba iyon?

Ah, oo. Love for a friend. Tutal alam kong ganoon din naman siya sa akin. ‘Di ba nga, kailangan niya akong mahalin dahil kaibigan niya ako?

“It was not easy to define but easily enjoyed, easily felt.”

Napansin kong ang tahimik ni Dach. Noon ako bumaling sa kanya. Noon ko din napansin na nakatitig na lang siya sa akin. With such intensity. Something odd creeping inside me. An odd feeling. A delicious feeling.

Parang ngumingiti din ang bluish niyang mga mata and automatically, nag-react ang puso ko. Nagkakagulo. Nagwawala na naman sa loob ng ribcage ko. Gusto kong mapasigaw dahil `yong dibdib ko, gustong maglupasay sa epekto ng mga titig niyang iyon.

Hindi ko maintindihan kung para saan na naman ang intense gaze niya. There were times that I felt so beautiful when he looked at me. Just like now. Pakiramdam ko, gandang-ganda siya sa akin. Na ako lang ang babaeng nakikita ng mga mata niya. O ako lang itong masyadong GGSS. Madalas niya nga akong laitin, `di ba?

But hell! Ano bang pakialam ko kung ano ang totoo? Ang gusto ko na lang ay i-enjoy ang mga sandaling katulad nito. Kahit ako lang ang nag-iilusyon ng mga imposible.

Nginitian ko si Dach. Iyong pinakamatamis kong ngiti. At bahala na siya kung paano siya makikipag-deal doon. Basta, I felt like it was hard not to smile to him.

“Ibig sabihin ay na-in love ka na?” bigla ay tanong niya.

Hindi ko magawang sumagot. Gusto kong magsinungaling na ayaw ko rin. I felt like my heart was bursting and it wanted to yell its peculiar feelings. Ano ba kasi itong nakakatarantang pakiramdam na mayroon sa dibdib ko?

“Hindi pa. Theory ko lang iyon.” Sabay baling ng tingin sa ibang lugar. Bakit ba kasi nagkakaganito ako?

“Theory? ‘Di nga?”

Pinili ko na huwag siyang pansinin nang makita ko `yong bata, nakatunganga sa akin. Nasa harapan lang namin siya at parang dadaan lang pero huminto sa tapat namin. Napaarko naman ang kilay ko.

“Bakit po?” tanong ko do’n sa batang nakatunganga sa harap namin ni Dach.

Bigla siyang tumalikod.

“Oy, bata! Huwag kang matakot. Hindi ako nangangain ng tao,” sigaw ko sa batang parang handa nang tumakbo palayo.

“Taba lang kinakain nito, bata,” dugtong naman ni Dach sa sinabi ko pero nakalayo na ang bata.

Hinampas ko nga si Dach na tawa nang tawa sa tabi ko. “Bastos ka talaga. Paanong hindi ako magpapapayat, lagi mo akong inaasar?”

Hindi pa ako nakontento at inirapan ko siya.

“Namamayat ka na nga, eh. Mag-vitamins ka nga. `Ayan o, buto ka na lang!” sarcastic niyang sabi, sabay ngisi na naman.

Malaki na ang nabawas sa weight ko at hindi ko alam kung aware siya doon. Pero sigurado akong pang-aasar lang itong huli niyang sinabi. Ang ending, nauwi na naman ako sa pangmamaltrato sa kanya. Daing naman siya ng daing pero hindi umiiwas. Parang gusto din ang minamaltrato.

May saltik talaga. Hindi ko maintindihan ang trip niya sa buhay.

Ganito kami lagi ni Dach, eversince. Palagi siyang nandiyan para sa akin. At masaya ako sa mga tuksuhan namin. Hindi ko alam kung paano nangyari pero para kasi sa akin, hindi buo ang araw ko kapag hindi kami nag-aasaran. Our bantering actually makes and completes my day. Halos hindi ko na nga maramdaman ang takot sa nangyari no’ng nakaraang araw. At sa totoo lang, ayoko nang maalala ang mga iyon. I am thankful Dach was always there para aliwin ako. Nakakalimot ako. Kaya sana, ganito na lang lagi. Sana… hindi na uli ako dalawin ng panaginip. Panaginip na palagay ko, totoo namang nangyari. Pero walang ibang nakakaalam kundi ako. Kaya posibleng panaginip nga. Ewan ko, naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung alin ang totoo at ang panaginip.

Natatakot ako, sa true lang. Lalo at ako lang yata ang nakakaalam noon. Pero kapag nandito si Dach at inaaliw at inaasar ako, nakakalimutan ko ang mga takot. Sana, dito nalang siya lagi sa tabi ko. ‘Wag niya akong iiwan…

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.