Anika
SOBRANG tahimik at sobrang seryoso nina Sir Elwood at Chloris habang nakatitig sa exit door ng House Of Regrets. Doon ako itinuro ng mga androids nang hanapin ko sila sa chateâu kaya sinundan ko sila doon. Napakunot-noo ako. Nakakaramdam din ako ng mahapdi at mainit sa balat ko habang nasa loob ng time plane. Hindi naman ganoon ang pakiramdam ko kapag naroroon ako. O baka epekto lang ng panahon sa kasalukuyan. Mainit kasi ngayon sa panahon namin. Baka naman nag-a-adjust pa lang ang body temperature ko.
Nagmamadali akong pumasok ng school para makarating sa hideout namin. Gusto ko kasing ipakita sa kanila ang bagong clue ng pagkatao ko. Pero iyon ang nadatnan ko. Sobrang tahimik at sobrang seryoso. Ni walang pumansin sa akin nang pumasok na ako sa door way papunta sa French tower na tinatawag nga nilang House of Regrets.
“Anong ganap? Bakit ang tahimik ninyo? At bakit nandito kayo?” Hindi ko napigilang itanong habang ibinababa sa naroong lounge chair ang backpack ko. Nakaupo lang din si Sir Elwood at nag-aabang.
“Si Dach, ipinasok ulit siya sa House Of Regrets.” Sagot ni Chloris.
“Huh?”
Nalito ako sa sinabi ni Chloris. At nang mabanggit ang pangalan ni Dach, parang piniga na naman ang puso ko. Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Hindi ko din alam kung paano pang magwo-work ang pagkakaibigan namin matapos kong malaman ang lahat. How could I befriend someone who killed my dear brother? Hindi ko man totoong kapatid si Kuya Art, pero minahal ko siya ng totoo. Minahal ko siya bilang isang tunay na kapamilya. O baka nga higit pa. Balde-baldeng luha ang iniiyak ko noong mawala siya. Ni hindi ko na nga namalayan kung kailan ko nagawang maka-recover sa pagkawala niya. Siguro noong, palaging nandiyan si Dach at inaaliw ako.
At iyon pala… iyon pala ang ibig sabihin ng lahat ng ginagawa niya para sa akin… naghuhugas siya ng konsiyensiya!
Walanghiya siya!
Kaya lang, bakit hindi ko magawang magalit sa kanya ng sobra? Sa sulok na bahagi ng puso ko, nandoon pa din ang matinding pag-aalala ko para sa kanya dahil sa sinabi ni Chloris.
“Akala ko ba, hindi makakapasok ng sa chateâu na hindi nagdadaan sa House Of Regrets? No’ng isang araw lang, nakapasok na siya sa loob, `di ba? I thought, he was officially a member of the group?” Kahit ayokong iparinig ang pag-aalala ko, nagreflect pa din iyon sa boses ko. Talagang binubundol ako ng matinding kaba. Ano ang ibig sabihin ng lahat ng mga nangyayari?
“Let’s talk, Anika.”
Maawtoridad ang boses ni Sir Elwood saka siya lumapit sa pintuan papuntang port area na well, bigla nalang ngang lumilitaw kapag may na-detect na motion sa mismong tapat noon. Napatingin ako kay Chloris na tumango sa akin. Humakbang ako papasok at ganoon din si Chloris pero biglang huminto si Sir Elwood.
“I want to privately talk to her, Chloris. Bumalik ka muna sa harapan ng House of Regrets at abangan ang puwedeng mangyari.” Sabi ni Sir na ni hindi lumilingon.
Magmula nang pumasok ako sa secret door, nalaman kong napakalakas ng mga senses ni Sir. Malakas ang kapangyarihan nito. Kaya kung narinig man nito o naramdaman ang paghakbang ni Chloris, hindi na ako nagtataka.
“How dare you boss me around?!” pagalit na sita ni Chloris. “Bakit hindi ko puwedeng malaman ang pag-uusapan ninyo? Aint I’m one of this group?”
Isang malamig na tingin ang ibinigay ni Sir kay Chloris. “Hindi lahat ng bagay, kailangan mong malaman, Chloris. Sometimes, it was better you didn’t know everything so you wouldn’t get bothered.”
Halatang may sasabihin pa si Chloris pero tinalikuran na siya ni Sir Elwood. Pinisil ko naman ang isang kamay niya. Assuring her that everything will be fine. Kahit pa nga maski ako, kinakabahan na sa sobrang tahimik at cold ni Sir ngayon. I mean, dati pa siyang reserved type. Pero iba kasi ang dating niya ngayon. Something was off. Something was going on.
“Don’t worry, ire-relay ko naman sa `yo ang pag-uusapan namin.”
Sa isip ay sabi ko kay Chloris. But then, napasinghap ako nang marinig ang iniisip niya.
“Thanks.”
Nanlaki ang mga mata ko nang ngumiti si Chloris. Alam kong sa isip kami nag-usap. Bukod sa hindi gumagalaw ang mga labi namin, I felt the connection between our mind. Katulad na katulad ng pakiramdam nang mag-connect ang mga isip namin ni Serene noon. I can hear her from somewhere at ganoon din si Chloris. Ang tinig niya, parang may background ng tunog ng dagat.
“Natututo ka na. Mabuti iyan.” Sabi pa niya.
“I don’t know how I’ve done this.”
“Your will did.”
“Let’s go, Anika. And stopped the mind conversation.” Paasik na sita sa akin ni Sir Elwood.
Napasinghap na naman ako at pinanlamigan. Akala ko ba hindi open ang telephatic ability niya sa aming mga priestess? Hindi daw niya naririnig ang laman ng mga isip namin? Kung ganoon ay nakikiramdam siya? Tama ba ako ng hinala na ang other enhanced senses niya ang pinagana para malamang nagte-telephatic communication kami?
Sana lang talaga hindi siya nagsisinungaling at totoong hindi niya narinig. Dahil mas matatakot na ako sa kanya. Pakiramdam ko kasi, wala na akong maililihim kay Sir. Parang lahat na lang ng gawin at ikilos ko, alam niya.
Mabilis na sumunod ako kay Sir Elwood papasok sa meeting room matapos naming makabalik sa chateâu. Nasa training ground pa din malamang sina Soleih at Alvis at nag-eensayo na mapalabas ang mga weapons nila. Habang sina Ceilah at Meteor, nasa malawak na field. Nagpapakapabebe sa ka-sweet-an. Gusto kong mainggit sa kanila. Their life went okay. Ni walang kahit anong conflict. Mabilis silang nag-click sa isa’t-isa. Ganoon din sina Soleih at Alvis na ang gaan ng samahan. Puro halakhakan lang ang maririnig sa kanila. And I don’t have the heart to ruin their happiness dahil lang sa hindi maganda ang takbo ng sitwasyon ko.
Paano kaya ako? Paano ang mga weapons namin ni Dach? Hindi ko yata kayang makipag-team work sa kanya ngayon.
Pinaupo ako ni Sir Elwood sa isang silya sa harap ng table niya. Saka pinakatitigang mabuti.
“Galit ka pa ba kay Dach?” tanong niyang bigla ding binawi. “Of course you do. Pinatay niya ang isa sa mga mahal mo sa buhay. Why did I ask, aarrgh…”
“Sir…” mahinang putol ko naman sa kanya. “Deretsahin niyo na po ako kung ano ba ang pag-uusapan. May masama bang nangyayari… sa kanya?”
Nang ngumiti si Sir, hindi ko na alam ang mararamdaman. Madaming umiikot sa isip ko. Particularly patungkol sa lagay ni Dach. Bakit ba hindi ko mapigilang mag-alala kay Dach e ang laki nga ng kasalanan niya sa pamilya ko? Hindi na ako dapat na nag-aalala!
“So, you were still concerned about him, huh?”
Napatungo ako. Wala namang malisya ang sinabi ni Sir pero alam kong may laman iyon. At wala na din namang dahilan para itanggi pa. Katulad nga ng nasabi ko na, alam kong kahit gawin ko, hindi pa din ako magtatagumpay na maglihim sa kanya. Malakas ang mga senses niya.
“Dumadaan sa malalim na self-denial si Dach ngayon. Sising-sisi siya sa nangyari. Hindi man niya sabihin sa akin, alam kong totoo siya sa sarili nang sabihing hindi niya sinasadya ang nagawa. Hindi ko pa siya ganoon katagal na nakikilala at nakakasama pero marunong akong kumilatis ng tao. Hindi masama si Dach. Alam kong may dahilan kung bakit niya nagawa iyon. You have to understand him. Baka kapag naintindihan mo na siya, magawa mo nang ibigay ang pagpapatawad sa kanya. Baka iyon lang ang kailangan niya.”
Isang buntong-hininga.
“Sa pagpasok niya sa House Of Regrets, lilitaw ang madaming door of decision na alam kong alam mo kung ano ang ibigsabihin. Sa una kasi niyang pagpasok, isang door of decisions lang ang lumabas dahil hindi siya confused noon. Isa lang ang aim niya, ang protektahan ka. Dumaan lang siya sa mind cleansing sa loob ng House of Regrets at halos wala namang na-cleanse dahil katulad nga ng una kong sinabi, wala siyang kahit anong confusion. Buo ang will niya na sundan ka lang at protektahan. Ngayon, alam kong iba na ang mangyayari. Nasa vulnerable state kasi siya . Nag-aalala ako na baka piliin niyang pumasok sa silid kung saan puwede niyang baguhin ang nakaraan.”
Bigla akong napatayo. “Puwede iyon? Puwedeng makabalik sa nakaraan? Puwedeng baguhin ang nangyari na?” Parang hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
“Calm down, okay?” Marahang sabi ni Sir na napabuntong-hininga. Parang mas nangunsumi siya. “Kung ang napakalaking regrets mo ay nasa nakaraan, lalabas ang room para roon at puwede mong baguhin para sa ikatatahimik ng loob mo. But beware of the consequences and trade offs. Maraming puwedeng mabago at maglaho.”
Natitigilang napaupo ako.
Maybe. He was right.
Lahat naman nga ng aksiyon ng isang tao ay may epekto para sa lahat. Maraming puwedeng mangyari. At sa tono ni Sir, malamang na masasama ang mga puwedeng mangyari.
“Nang hawakan ko si Dach, naramdaman at nakita ko ang eksena na sobrang pinagsisisihan niya. At naniniwala ako na tama ang naging desisyon niya. Tama lang na pinili niyang ibuwis ang buhay ng kaibigan niya.”
“W-what?” Nandilat ang mga mata ko. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi ni Sir. Kailan pa naging tama na pumatay ng tao? At kaibigan pa niya. Higit doon, sa batang edad ay nakapatay na si Dach! “Paanong naging tama na patayin niya si Kuya?”
Gusto ko yatang sunggaban si Sir at sampalin. Naririnig ba niya ang sarili niya?
“Why don’t you see for yourself? Find the answer for that question.”
Naghahamon naman na tinitigan ako ni Sir. Bigla, parang binuhusan ako ng sandamakmak na kaba. Bakit may pakiramdam ako na hindi ko magugustuhan ang susunod na mga mangyayari? Natatakot ako sa mga puwede at susunod kong malalaman…
“H-How?” kandautal at halos hindi na lumabas sa bibig ko ang salita. Gusto ko ba talagang malaman? Ano ang dapat kong malaman? Ano talaga ang nangyari ng araw na iyon?
“Go, enter the House Of Regrets with him. Guide him. Be with him.”
“Huh? Akala ko ba isang beses lang dapat pumasok sa House Of Regrets? Baka iluwa ako ng entrance door ng French tower na iyon.”
“Hindi mangyayari iyon.” Kumpiyansang sabi ni Sir. “Because you… also have regrets inside your heart. Hindi lang kasing tindi ng kaguluhan ng loob ni Dach pero alam kong para ka ding sinusunog kahit nakapasok ka sa loob nitong chateâu.”
Napasinghap ako at natigilan. Oo, kanina ko pa iyong nararamdaman sa pagpasok palang. Hindi lang ako makapag-reklamo at iniisip ko nga na bahagi lang ng adjustment ko. Pero ngayon, lalo kong naramdaman ang init at hapdi nang malinawan na ako.
“Magkarugsong kayo ni Dach. Magkarugsong ang mga nangyayari at nararamdaman niyo. Magkarugsong ang mga regrets niyo. May doubt ka sa kanya but you can’t stop yourself from caring for him. Because you love him.”
Mas ikinagimbal ko ang sinabi niyang iyon. Ni hindi ko alam kung paano iyon itatanggi. Gusto kong itanggi pero ayoko. At bakit ba niya nasasabi iyon? Mas marunong pa siya sa akin samantalang ako itong nakakaramdam.
Nag-iwas ako ng tingin. “Galit ako sa kanya, Sir. Paano ko mamahalin ang lalaking kumuha ng buhay ng kapatid ko? Kaibigan pa naman niya si Kuya at nagawa niya iyon. Isa siyang traydor!” pilit kong pinangibabaw ang galit. Ang dapat at tamang maramdaman ko para kay Dach. I shouldn’t allow my self to care for him, in the first place. I shouldn’t. I didn’t!
“Pero hindi iyan ang sinasabi ng damdamin mo, `di ba?”
Nanlaki ang mga mata ko at lalong naging mailap na masalubong iyon ni Sir. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at huwag ipakita ang nawiwindang na reaksiyon.
“How could you say that, Sir? Hindi ko mahal ang lalaking iyon!”
Hindi dapat!
“It was written all over your face, Anika. Hindi na kailangan ng magic o emotion reader. I can see that.” He said knowingly. Smiling knowingly and malisciously.
Parang bigla akong naging uneasy. Knowing na nababasa niya ko, sinong mapapakali? At bakit ganoon ang nababasa niya? Mali ang nababasa niya sa akin. Pero bakit hindi ko din maramdaman ang buong pusong pagtanggi?
“Funny, but you were never aware that you love him. That deep inside, you aim to please him. Na maraming beses, ginusto mong makita ka niya hindi bilang isang kaibigan lang. Kaya nga unaware kang baguhin ang figure mo dahil sa mga pang-aasar niya sa `yo…”
“S-Sir…” Parang gusto ko nalang maglaho. Bakit pati iyon, alam niya?
“You were subconsciously aiming him to like you back. Because you like him. Very much. Natatabunan ang katotohanang iyon sa isip mo ng pagkaaasar mo sa kanya dahil sa mga pang-aalaska niya. But that reality was all over inside your heart. Kaya nga may malaki siyang pwesto diyan sa puso mo, `di ba? Kaya nga kahit nalaman mo ang kasumpa-sumpang kasalanan niya sa pamilya mo, hindi mabuo-buo ang galit diyan sa puso mo. Because deep inside, hindi mo kayang magalit sa lalaking mahal mo, Anika. Accept it. Accept that and free yourself. Palayain niyo ni Dach ang mga sarili niyo sa napakaraming regrets para matahimik na tayong lahat dito!” Tumaas ng bigla ang boses ni Sir. Parang napipika na siya dahil nahihirapan nang paliwanagan pa ako.
Hindi ako nakapagsalita. Kasi totoo naman. Hindi ko agad iyon na-realize. Bakit si Sir pa ang naunang naka-discover noon samantalang ako naman ang nakakaramdam?
“Go ahead. You guys were making my headache. Hindi pag-aayos ng love life ng may love life ang misyon ko pero parang ganoon ang nangyayari ngayon.”
Ang dami-daming sinasabi ni Sir pero hindi ko na maintindihan. Only one thing was swirling inside my head. I love him. I love Dmitri Chad. But how? How can I admit loving someone who killed my brother? How can I accept that I am in love with someone who had sin so big on us?
Just how?!