KIMBURA Chapter 30

Dach

MULI akong tumayo para tumakbo at tumakas habang sapo ang humahapding bahagi sa likod ng kanan kong tainga.

Nang maramdaman kong may nabubuo na namang kulay dilaw na enerhiya sa ibabaw ng palad ko, isinalya ko iyon sa paparating na kidlat. Papalapit ng papalapit ang bawat pagkislap ng kidlat sa akin. At delikado ang mga tao. Pero paano ako? Saan ako magtatago? At bakit ako hinahabol ng kulay green na kidlat? Bakit ako? Anong ginawa ko? Anong kasalanan ko?

Bakit?!!!

Nang maibalya ko ang kulay dilaw na enerhiya, naramdaman ko na unti-unting humuhupa ang mainit at mahapding pakiramdam sa likod ng kanang tainga ko. Ibig sabihin ba noon na kailangan kong ma-irelease sa katawan ko ang kulay dilaw na mga enerhiya para makalaya ako sa hapdi at init?

Tama! Baka iyon nga. Kailangan ko ding maka-survive.

Dinalawa kong kamay na ibinuka ang mga palad ko. Kusang umaalsa sa mga iyon ang dilaw na enerhiya. Saka ko ibinalya sa paparating na mga kidlat. Tumakbo ako palayo habang umaatake. Pero patuloy pa din sa pag-ulan ng kidlat papunta sa akin. Bawat matamaan ng kulay dilaw na enerhiya mula sa akin, nawawala ang kidlat at nagiging kulay puting usok. Mas pinagbutihan ko ang ginagawa.

Takbo ako ng takbo habang umaatake. Nang mapansin ko na may nahulmang kulay itim na anino. Dumeretso iyon kay Art at pumasok sa katawan ng kaibigan ko.

Ang naka-freeze na katawan ni Art, nagkaroon na ng buhay at nagsimulang umatake sa akin. Naging mapula ang mga mata niya at parang laser na natutupok ang bawat matamaan.

“No, Art! Huwag mong gawin iyan. Alam mong hindi kita lalabanan.” Sigaw ako ng sigaw at nakikiusap sa kanya pero patuloy siya sa pag-atake sa akin. Sa background namin, patuloy na nagsasalpukan ang mga kidlat sa buong paligid.

Hindi ko alam kung paano pero nagawa kong mabilis na makailag sa kanya. Ayokong matamaan ng mala-laser niyang mga mata pero hindi ko din naman siya gustong patamaan ng kung anumang enerhiya na nanggagaling sa palad ko. Kaibigan ko siya. Siya ang best friend ko.

“Dach! Hindi na siya ang best friend mo. Kalaban mo ang nasa loob niyan. Kailangan mong lumaban!”

Natigilan ako. May narinig akong boses. At pamilyar iyon sa akin, hindi ko lang maalala kung saan ko narinig.

“Focus, Dach! Focus!”

Ayon na naman ang boses! Nang bigla kong maramdaman na tumama sa braso ko ang kung ano. Napakainit! Napakahapdi! Para akong sinusunog. Ang mga mata ni Art! Pinupuntirya na naman niya ako. Kumilos ako para makalayo at makaiwas sa kanya. Kaya lang ay may ibang madadamay na mga tao sa paligid. Hindi ko alam kung tama ba ako pero parang nabasa ni Art ang mga iniisip ko. Bigla niyang pinuntirya ang ibang mga tao na naroroon. Pati mga puno at mga bagay na makita niya, pinatatamaan niya ng mala-laser na mga mata.

“No! Stop it, Art! Tumigil ka na!” Sigaw ako ng sigaw pero patuloy siya sa ginagawa. Mas pinag-igi niya ang paninira sa lahat ng naroroon.

Nagulantang akong tuluyan nang makita kong ang swing ni Anika ang isusunod niya. Naka-freeze sa ere si Anika pati na ang swing. Sakaling maputol iyon, mahuhulog ang naka-freeze na si Anika. Baka mabalian siya. O kung minamalas, baka mas malala pa.

“Tigilan mo na iyan, Art!”

Ngumisi si Art na alam kong wala naman sa kanyang tamang katinuan. Tuluyan niyang pinuntirya ang swing. Hindi na ako nakapagpigil at dinaluhong ko siya. Pinigilan ko ang ulo niya para hindi na makapang-laser ang mga mata niya. Pero napakalakas niya. Kahit anong pigil ko sa kanya, patuloy siya sa pag-laser at pagpuntirya sa kapatid niya. Kaunti na lang… kaunti na lang at maaabot na ng laser si Anika. Kaunti na lang at baka masunog ang kapatid niya.

Ibinuhos ko ang buo kong lakas at naramdaman ko ang pagdaloy ng enerhiya ko papunta sa mga kamay ko. Pikit-mata at labag man sa loob ko, kailangan kong gawin. Kailangan ko siyang pigilan kundi ay madami pa ang madadamay. Ubod-lakas kong pinilipit ang leeg ni Art saka siya isinalya palayo. Bumulagta si Art kasabay ng pagkawala ng mapulang liwanag sa mga mata niya. Katulad ng napupunding ilaw, nagpatay sindi ang liwanag sa mga mata niya hanggang sa tuluyan iyong nag-shutdown. Dilat na dilat ang mga mata ng kaibigan ko habang wala nang buhay na napatitig sa akin.

Napaluhod ako sa damuhan sa harapan niya habang isinisigaw ang pagsisisi ko. “Hindi!!!”

Dumadagundong sa buong paligid ang napakalakas kong sigaw. Nawalan na din ako ng pakialam kung tatamaan man ako ng mga enerhiya at kidlat na pumupuno sa paligid. Wala na akong pakialam. Napatay ko ang kaibigan ko. Napatay ko na naman ang kaibigan ko!

Muling luminaw ang isip ko at nagbalik sa katauhan ko sa kasalukuyan. Iyak ako ng iyak habang nakaluhod sa harapan ng wala nang buhay ng kaibigan ko. Nasa kasalukuyan na akong pag-iisip pati ang katawan ko pero ang katawan ni Art, nasa ganoon pa din. Ang batang si Art. Ang anyo niya nang huling mga sandali. Ang hitsura niya noong araw na pinatay ko siya.

Pinatay ko siya. Pinatay ko na naman siya! Bakit ba paulit-ulit ko siyang pinapatay?!

Bakit? Bakit ko ito ginagawa? Bakit hindi ko magawang pigilan ang sarili ko? Bakit hindi ko siya mailigtas? Bakit hindi ko siya magawang piliin? I can’t choose him over everyone. Anong klaseng kaibigan ako?!

“Napakawalanghiya mo! Anong klase kang kaibigan? Binigyan kita ng pagkakataon para iligtas ako! Bakit pinatay mo na naman ako?!”

Nanlaki ang mga mata ko. Nandidilat sa galit na nakatitig sa akin ang batang si Art. Nakahiga siya sa lupa at para nang bangkay pero nandidilat ang mga mata sa matinding galit.

“Hayup ka!” Kasunod noon ang pagbangon niya at deretsong sinunggaban ang leeg ko. Napakahigpit ng pagsakal niya sa akin. As if he was aiming to kill me.

Nang maramdaman kong biglang nawala sa ibabaw ko si Art. Ang kasunod kong nakita ay si Anika. May hawak siyang kung anong chain at isinasakal kay Art.

“Tigilan mo na si Dach at patahimikin mo na ang kapatid ko! Tigilan mo na ang panggagamit sa kapatid ko para pahirapan si Dach! Hindi ang kapatid ko ang pinatay niya kundi ang kasamaan mo. At ang kasamaan ng kung sinong nag-uutos sa `yo para manggulo sa mundo namin!” galit na sigaw ni Anika habang nakapilipit sa leeg ni Art ang hawak nitong chain. Pino ang chain pero nagliliwanag sa kulay dilaw na enerhiya. At alam kong hindi iyon basta-basta mapuputol.

Nakita ko din ang pagdaloy ng kulay dilaw na enerhiya mula sa kamay ni Anika papunta sa chain at sinunog ang leeg ni Art hanggang sa mapigtas ang leeg. Bumagsak sa lupa ang katawan ni Art at tuluyang naging kulay itim na abo. Sumama iyon sa hangin hanggang tuluyang maglaho. Pero may narinig kaming boses mula sa kung saan… boses ni Art.

“Thank you, Anika… Thank you, for setting me free. And to you, Dach. Thank you for not choosing me. Masaya akong pinili mo ang kaligtasan ni Anika at ng iba pa. Dahil kung binuhay mo ako, malamang na habang-buhay akong nagagamit ng puwersa ng kasamaan. Thank you… and Dach. Please, don’t stopped your heart, anymore… from loving her.”

Nawala na ang boses. Sa isang iglap, nagbago ang paligid. Nakabalik kami sa kawalan sa loob ng House of Regrets. Pero may liwanag na. Nasa kawalan pa din kami pero maliwanag. At ang liwanag ay nanggagaling sa hawak ni Anika.

Isang mahabang necklace chain na kulay old yellow. Or old gold yata iyon.

“Anika…”

Bigla akong sinugod ni Anika ng mahigpit na yakap habang nag-iiiyak. Agad naman akong gumanti ng yakap sa kanya. Kasing higpit o baka nga mas mahigpit pa. At dahil sa yakap na iyon, parang lumuwag ang dibdib ko. Parang gumaan ang pakiramdam ko. Parang tumigil sa pambubugbog sa akin ang konsiyensiya ko.

“I’m sorry, Dach. Jinudge agad kita nang hindi ko nalalaman ang totoong dahilan. I’m sorry if I doubted you. Kilala kita at nakasama mula pagkabata pero isang panlalason lang sa isip ko at kinalimutan ko na ang lahat ng mabubuting nagawa mo para sa akin. I’m sorry. I’m so sorry!”

Nakuha ko na ang forgiveness niya, nila ni Art. Nagawa ko na ding patawarin ang sarili ko. Iyon pala ang kailangan ko para matapos na ang lahat ng paghihirap ko. Ako lang din pala ang nagpapahirap sa sarili ko.

“Sorry din, Anika. Hindi ko agad nasabi. Hindi ko magawang sabihin. Baka lalo mo akong hindi mahalin kapag malaman mo. At natatakot ako. Natatakot akong mawala ka sa akin. Kahit pagkakaibigan na nga lang ang matira sa atin, okay lang. Basta kasama kita, okay na ako. I couldn’t ask for more. I couldn’t ask for you to love me as much as how I love you. I think I don’t deserve it. Sa laki ng kasalanan ko sa `yo at sa pamilya mo—”

“No…” Umiling-iling si Anika at hinaplos ang mukha ko. “Wala kang kasalanan. Dapat pa nga akong magpasalamat sa `yo kasi pinili mo pala ako noon. Pinili mo akong iligtas over your best friend na na-possess ng dark shadow. Wala kang kasalanan. Believe me, wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan ang lahat.”

Niyakap ko nang mahigpit si Anika. I couldn’t believe na ganoon lang niya ako kadaling mapapatawad. Isa sa mga mahal niya sa buhay ang nawala dahil sa desisyon ko. Makasarili nga siguro ako. Dahil deep inside me, paulit-ulit na mas pipiliin ko ang babaeng mahal ko.

“And I love you, Dach. I honestly love you.” Bigla akong nanigas sa narinig ko. Narinig ko ba talaga iyon? O isa lang hallucination? Dahil masyado akong overwhelm na malamang hindi na galit sa akin ang babaeng mahal ko.

Kumawala si Anika sa akin at nakangiting hinaplos na naman ang mukha ko. “Mahal na kita noon pa. Hindi ko lang maamin sa sarili ko dahil… siguro, insecure ako. Or I have doubted myself. Alam ko kasing hindi ako ang tipo mong babae. Baka pagtawanan mo lang ako at asarin kapag malaman mong may gusto ako sa `yo…”

“Damn it, Anika!” Napapitlig siya sa pagsigaw ko. Hindi ko kasi napigilan. Masyado akong masaya sa narinig ko. “Sinong may sabi sa `yo na hindi ikaw ang type ko? I love your chubby cheeks, your twinkling eyes. Ang mga pata mo. Ang mga braso mo. At higit sa lahat…” Kinabig ko siya sa baywang at hinaplos ko ang mapupula niyang labi. Nahigit ko ang aking hininga sa matinding pagpipigil. I longed to touch those beautiful lips of hers. To taste those sensual red lips of hers. “I love these pouty lips of yours. They seem soft and delectable.” Hindi ko napigilang sabihin. I really couldn’t believe my self na nahahawakan ko siya ng ganito.

Nang bigla niyang hinampas ng malakas ang dibdib ko. “Then, bakit lagi mo akong inaasar at pinipintasan na mataba?” Naka-pout nang reklamo ni Anika.

Napatawa ako. Ang cute niya talaga. “Hindi kita pinipintasan. I meant it as a compliment. Kaya nga ganoon na lang ang galit ko nang malaman kong nagpapapayat ka dahil sa Guimard na iyon.”

“Hindi ako nagpapapayat dahil sa kanya. Para sa `yo ‘yon. Gusto kong ma-meet ang standard mo!” paangil na niyang sagot.

Napangiti na ako ng pagkalapad. Bakit kahit nakaangil siya, ang sarap pakinggan ng mga sinabi niya?

“Talaga ba?”

“Oo nga!”

“Pwes! Huwag ka na ulit magpapayat. Mas gusto ko `yong dating malaman at malambot na Anika. Wala na akong unan.”

Isang tampal na naman sa braso ang napala ko. Natawa na naman ako sa pagkapikon niya. Nakakatuwa kasi talaga siyang asarin.

Kinabig ko siya ulit sa baywang at pinakatitigan. Gumanti din siya ng titig sa akin. Kasabay noon, nakikita ko kung paanong nagliliwanag sa kaligayahan ang kanyang aura. At sigurado ako, ganoon din ako. Maligayang-maligaya ako sa mga sandaling ito. Pakiramdam ko kasi, mas nagkaroon ng validition ang damdamin ko para sa kanya. Lalo na at nalaman kong pareho lang kami ng nararamdaman.

“Will you allow me?”

Kumunot ang noo niya. “Allow you? To what?”

“To kiss you.” Derektang sabi ko. Namula naman ang mukha niya. At alam ko, hindi na kailangan ng salita para malaman ang sagot sa tanong ko.

I claimed her lips in a passionate and hungry kisses. Sandali siyang parang natigilan pero ilang segundo lang iyon. Agad din siyang gumanti ng mainit na halik sa akin. Ito na yata ang pinakamasarap na sandali sa buong buhay ko. Claiming her and sealing this very moment with passionate kisses. Naramdaman kong may parang naalis mula sa likod ng kanang tainga ko. Ang kasunod noon ay ang pagliliwanag ng mga marka namin at lumutang sa paligid namin. Nagsanib ang mga iyon at pumwesto sa gitna sa tapat ng mga dibdib namin. Saka sumabog at naging parang glittery dust. Dumeretso ang ibang dust sa hawak ni Anika na chain ng necklace. Saka biglang lumaki at tumaba.

Naging kadena na kulay ginto. Sa dulo ay ang malaking orb na kulay dilaw din pero palagay ko, walang bigat. Sa gitna ng orb ay ang marka namin ni Anika na pinag-isa. Sa paligid noon ay may guhit-guhit na katulad ng illustration ng hangin. Lumutang iyon at nahati sa dalawa. Ganoon din ang kadena. Sandali pa at nawala ang bumabalot na liwanag at nalaglag sa tapat namin ang bawat isang kadena na may yellow orb na hati na.

Nagkatinginan kami ni Anika at sabay na dinampot ang mga chains. Hating-hati ang orb at kapag pinagtapat, nagkakabit ang dalawa at nagiging isa. Pero kapag hahawakan namin, nahahati iyon at nagiging dalawa pati ang chain na hindi naman ganoon kahaba.

Kinapa ko ulit ang marka ko sa likod ng tainga at nandoon na ulit iyon. Nandoon pa din ang kapangyarihan ko. Dahil sinabi ni Elwood na sa birthmark namin lumalabas ang mga kapangyarihan namin.

Nang bumukas ang isa pang pintuan, nakita namin sa dulo ang naghihintay na mga kasama namin sa grupo. Hawak kamay, sabay kaming tumakbo ni Anika palabas ng House Of Regrets. This time, sigurado na ako, walang kahit na sino o kahit na ano pa ang makapaghihiwalay sa amin. Our marks were one. Our powers were one.

Anika and I are one.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.