Malalaki ang hakbang ni Claire na lumabas mula sa masyon kung saan niya iniwan si Kielton habang panay ang pahid niya sa mga luhang kumakawala kahit pa pigilan niya. Wala eh, nasaktan siya.
Huminga siya ng malalim bago luminga sa paligid para pumara ng taxi pero walang ni isang taxi na dumaan kaya no choice siyang naglakad makalayo lang Kay kielton kahit pa tahimik at madilim ang lugar wala siyang pakealam.
Natigilan si Claire ng may biglang may bumusina na sasakyan sa likuran niya. Pagkalingun niya mas lalong na dagdagan ang inis na nararamdaman niya ng makita ang lalaki.
Malapit lang ang sasakyan nito sakaniya. Binuksan nito ang bintana at bumungad sa kaniya ang walang emosyong mukha ng binata.
Tumaas ang isang kilay niya
"Ano? Umalis ka na!" Taboy niya rito.
"Look, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang sabihan ka ng ganon. "Paghingi nito ng patawad. Nag iwas siya ng tingin.
Hindi na dapat siya umasta pa ng ganito dahil dapat nga ay siya ang lumalapit rito at dapat ay hindi na siya masaktan pa sa sinasabi nito dahil part iyon ng kaniyang plano. Pero dahil na insulto siya may karapan naman ata siyang masaktan.
"Tss. Di sinasadya my ass." Aniya bago ito tinalikuran.
Ang akala niya ay titigilan na siya nito pero nagkamali siya ng sumunod sa kaniya ang sasakyan nito habang panay ang preno. Napairap siya sa hangin at huminga ng malalim bago binalingan ang binata.
"Ano hindi ka titigil?"
"Delikado para sayo ang lugar na 'to lalo na't gabi na." Anito. Tama nga naman ito, masyadong delikado ang lugar na ito para sa kaniya peru dahil mataas ang pride niya hindi siya natitinag.
"So?" Sikmat niya rito. Tinalimuran niya ito at nag simula ng maglakad palayo rito ng magsalita ito.
"Fine. Basta ba wag mo akong sisihin kung hahabulin ka ng mga rapist riyan. " Natakut siya sa sinabi nito kaya agad siyang naglakad papasuk sa sasakyan nito kahit labag sa kalooban niya.
Pagkapasuk niya sa loob ng passengeat seat nito ay
Nahagip ng mata niyang mahina itong natawa kaya napairap siya sa hangin.
" Scared? " Tanong nito na nakataas ang sulok ng labi.
"Pwede ba? Mag drive ka na lang" Sighal niya rito. Tumahimik naman ito at pinausad ang sasakyan.
Ilang munto na ang nakalipas na walang nagsasalita sa kanilang dalawa ng tumonog ang Telepono ni Kielton.
"Paki abot," Anito.
Kinuha niya ang telepono nito at inabut rito.
"Thanks. Oh My wallet din." Anito. Nag isang linya nag kilay nito. Sana nag hire nalang ito ng Asisstant ng may mautusan ito everytime.
Inabut niya ang wallet nito at akmang ibibigay niya rito ang Wallet nito ng my nalalag na Malilit na Papel. Kinuha niya ito at tinignan kung ano iyun. Tickets
Napatingin siya sa binata na abala sa pakikipag usap sa telepono. Ibinalik niya ang tingin sa Dalawang Tickets na mula sa Wallet nito. Sino naman kaya ang aayain nito manood? O sino kayang kasama nito?
Tumikhim siya bago inabut rito ang Dalawang ticket. May pagtataka sa mukha nito ng tinanggap nito ang Tickets at wallet nito. Pagtapus nitong makipag usap sa telepono ay binalingan siya nito.
"Hindi ko sinasadyang makita. Sadyang na lag lag lang siya kaya pinulot ko." Depensa niya.
"Thanks." Anito
"And oh Sino kasama mo manuod ng Movie? Dalawa ticket mo eh." Aniya. Umayos ito ng upo.
"Wala. A friend give this to me. Peru wala akong plano pumunta. " Sagot nito.
Huminga siya ng malalim bago niya kapalan ang mukha.
"Can i come? Gusto ko kasi manuod ng movie na 'yan." Napalingun ito sa sinabi niya.
Ngumiti siya rito at nag puppy eyes.
"Please? Pretty please?" Pag kukumbinsi niya rito.
"Asan na 'yung supladang Claire?" Nagugulohang tanong nito. She chuckled.
"Sige na. You owe me remember? Nasaktan ako sa sinabi mo kaya dapat lang na bumawi ka." Casual niyang sabi rito.
" Oh? " Hindi makapaniwalang tugon nito.
"Yes." Sagot niya habang may ngiti sa labi.
Napatitig ito sa unahan na para bang may malalim na iniisip tsaka Napabuga ng hininga na para bang wala itong choice.
"Fine." Napa tili siya sa sagot nito.
"Haist."
Natawa siya sa reaction nito. Masaya siya sa kadahilanangp may paraan na siya para magkakasama sila.
"Ano? Masaya lang ako," Aniya ng makita ang Nakasimangot nitong mukha.
"Nothing." Tanging sagot nito at pagkatapus no'n ay wala ng nagsalita pa sa kanilang dalawa. Excited na siya para bukas.
KINABUKASAN nagising si Claire ng may nag doorbell. Naglakad siya patungo sa pintuan at pinihit iyun. Laking gulat niya ng makita ang lalaking nasa harapan niya na Nakaayos na. Oh gosh! He's so freakin' hot!
He is wearing Black faded jeans, Black Leather jacket and Plain white t-shirt Underneath.
"Oh wait- Bakit ang aga mo?" Tanong niya rito. Nagkibit balikat lamang ito bago sumagot.
"Dahil Gusto ko. Now Change." Anito.
Ng mapansin ni Claire ang Mukha niya ngayun sa harapan ng lalaki parang Gusto niyang Buhosan ng malamig na tubig. Magulo ang buhok niya at ang worst ay hindi pa siya naka pag toothbrush!
"Relax. Hindi naman kita kakainin" Nakangisi ito habang may sinusupil na ngiti sa labi.
"Oh my- wait!" Aniya at sa hindi malamang kadahilanan ay na sirado niya ang pintuan pero ng makabawi ay agad naman niyang binuksan at nag Peace sign sa lalaki na naka busangot.
"Alam mo bang dapat pinapapasok ang bisita hindi sinasaraduhan ng pintuan." Seryosong sabi nito.
"Oh sorry my bad. Come in Sir Kielton." Aniya habang may pekeng ngiti sa labi.
Agad itong pumasok sa loob ng bahay niya at feel at home na Umopo sa Couch at nilingun siya.
"Ano?" Tanong nito ng mapansing nakatitig lamang siya rito. Umiling siya at nag lakad patungo sa Kwarto niya.
Nang makabihis na siya at bumaba ng hagdan ng makita ni Claire ang Si kielyon na Nakatingin sa Picture frame niya at ng family niya. Naglakad siya palapit sito at tumikhim para makuha ang Atensyon nito.
"Uhm Let's go?" Aniya rito. Napatingin ito sa gawi niya kapagkuwan ay tumalikud at nauna ng lumabas. Napailing siya. Ang weirdo.
Nang makapasuk na siya sa sasakyan ni kielton bumalot sa buong sasakyan ang mabango nitong Amoy. Pumikit siya ng maamoy ang pabango ng lalaki. His Scent Hits Different. Kaya parang gusto na niyang manatili na lamang sa sasakyan nito para palagi niya ng maaamoy ang Mabango nitong pabango. Marahas niyang ipinilig ang ulo. Ano ba 'tong iniisip niya.
Hindi namalayan ni Claire na nakatulog na pala siya at malapit na silang makarating sa Mall kung saan Sila manonood ng Pilikulang Gusto niyang panoorin. She's so excited!
"Andito na tayo." Anunsyo nito ng makarating na sila sa entrance ng Mall. Marahan niyang tinanggal ang seatbelt at inayos ang buhok bago pinihit ang pintuan. Nilingun niya muna si Kielton na Nauna ng lumabas. Napailing nalang siya.
Sabay silang naglakad ni Kieloton papasok sa Mall at ng makarating sila sa Entrance ay panay na ang bulong bulongan ng mga tao at halos lahat na ata ng tao sa mall ay nakatingin sa gawi nila. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa dahilang Ang lalaki Lang talaga ang tinignan ng mga ito dahil sa taglay nitong Kagwapohan. Hello? She's The Model hindi si Kielton, peru bakit halos ma bali ang mga leeg nito kakalingun sa binata.
Parang nawala siya sa mood. Nauna na siyang maglakad at iniwan ang binata sa Entrance na nakikipag usap sa Guards.
"Mamayang 10:00 A.M pa daw magsisimula ang Pilikula. Asan tayo pupunta ngayun? " Anito. Nakasunod na pala ito sa kaniya.
Tumigil siya Sa paglalakad at nilingun Ito. Napaisip ito kapagkuwan ay Parang may naisip.
" Uhmm Grocery! Oo tama. Let's go." Aniya at nauna ng naglakad papunta sa Grocery station. Naubos na kasi stock niyang pagkain. Nagiging matakaw na siya simula noong dumating siya ng Pilipinas. Magagawa niya kase lahat ng gusto niya, hindi tulad sa U.S na May Stikto siyang Manager. Kaya ang Nakasanayan niyang Mga Stock ng grocery na Good for One month ay Hanggang 2 weeks nalang.
"Alin ba dito ang Fresh pa? Eto or eto?" Tukoy ni Niya sa Dalawang Isda.
"Eto." Tinuro nito sa isang isda na Fresh kuno. Wala kase siyang alam kung tungkol sa Isda ang pag uusapan. Hindi naman kase siya kumakain ng Isda Sa U.S dahil kadalasan ay Vegetables lang siya.
Tumango siya at kinuha ang tinukoy nito sabay lagay sa cart.
Panay ang Check niya sa Expiration Date ng mga Pagkain ng Namataan niyang wala ng nakasunod sa kaniya. Lumingon siya at nakita niyang natigilan Si Kielton at seryoso na parang nagmamasid.
Nag isang linya ang kilay niya.
"Halika na!" Aniya rito. Tumalikod siya at ipinagpatuloy ang Pag Hahanap ng Pagkain niya.
"Ano ba-" Nabigla siya ng biglang Hinawakan nito ang Braso niya.
"Tumahimik ka." Hinawakan nito ang Kamay niya at nalaglag ang panga niya ng pinagsiklop nito ang kamay nilang dalawa.
What the hell is happening?
"Let's Go." Matigas nitong sabi sa kaniya saka siya hinila.
Hindi parin siya makapaniwala sa ginawa ni Kielton. Dininig na ba ang Panalangin niya? O pinaglalaruan lang ba siya ng tadhana. Kahit ano pa 'yan ay wala na siyang pakelam dahil Ang kailangan niya ay Ang Makuha ang loob nito- hindi lang loob nito kundi ang Puso rin nito. She'll make sure that he'll fall in love with her. Hard.
NAKATAYO si Kielton Sa labas ng Botique na nakakunot ang Nuo. Hindi talaga siya titigilan ng kamalasan sa buhay.
Marahas na napabuntong hininga siya Ng nilingun ang Dalagang masayang nakikipag usap sa Mga Sales lady. Hindi na sana pa Ito madadamay pa kung hindi na ito pilit pumapasok sa buhay niya.
Palaisipan parin sa kaniya kung Anong pakay ng Ama niya rito.
Nakita niya ang isa sa taohan ng ama niya kanina nong nag Grocery si Claire na kahit saan sila pupunta ay nakasunod ito kaya sigurado siyang pinapasundan siya ng ama niya para mapatunayan talagang Gumagawa siya ng paraan upang mapalapit Sa babae tulad ng utos nito pero hindi niya gagawin 'yun. Kailangan lang niyang umaktong Ginagawa na niya ang inuutos nito pero ang totoo ay Gusto na niyang Lumayo na Ang babae sa buhay niya kung hindi Mapapahamak ito. Kilala niya ang ama niya. Walang itong puso at tuso. Kaya as much as possible Gagawin niya ang lahat Para lumayo na ito ng di na ito madamay pa.
Bakit ba gusto niya itong protektahan laban sa ama niyang tuso?
Maybe because She's so innocent To get hurt and Betrayed. Ani ng munting isip niya.
"Hay! What's next hmm.. Let's go to.. " Nasa tabi na niya si Claire na may Dalang Mataas na Listahan ng mga bibilhin niya. Napiling iling siya.
"--To Restaurant. Yes! Gutom na kase ako." Anito at ngumoso. Gusto niyang Sapakin ang sarili sa kadahilanang naa attract siya rito. Well hindi naman ito mahirap Magustohan dahil halos nasa Babae ng ito ang lahat pero Matagal na mula noong Hindi na siya Nag ka gusto pa sa kahit na sino dahil Naging Bitter na siya sa Lovelife Simula noong iniwan siya ng Ex GF niya.
Huminga siya ng malalim at marahas na Pinakawalan. He need to Focus on his Plan. That is to keep on pushing her away from him and To find out What his father wants from this Woman.
NANG makarating sila Sa Bagong bukas na Restaurant Agad na Iginaya ng Paningin niya ang Mga iba't ibang putahe ng nasabing 5 star Restaurant.
Iginaya sila ng Waiter Patungo sa may Bakanteng Lamesa. At Akmang Hihilahin niya ang upuan ng maunahan siya Nito. Nalaglag na naman ang Panga niya sa inaaktu nito. Hindi lang hinawakan ang Kamay niya kundi Pinagbunot din ng upoan! Is this her lucky day?
Tipid siyang ngumiti bago umopo.
"Thanks " Aniya. Umopo na din ito sa upoan nito.
Walang nag salita sa kanila hanggang sa dumating Waiter na may dalang Menu.
"Good day ma'am and Sir, What's your order?"
"Uhm-"
" 1 cup of Rice, Chicken fillet, Chicken curry, Beff stick, Shirmp with Tomatoe On it and Lobster Bistique. And oh Two Glass of Water. That's all." Ani kielton sa Waiter. Nag isang linya ang kilay niya. Ano bang gusto ng isang 'to? Mag mukbang?
"Okay po." Akmang magsasalita ang Waiter ng Magsalita Si kielton na papansin. Naiirita na siya rito.
"You can go now." Anito. Walang nagawa ang Waiter kundi ang umalis nalang.
Hindi makapaniwalang tinignan niya ito.
"Are you going to eat those?" Usisa niya rito. Hindi halatang malakas ito kumain dahil maganda ang katawan nito at babad sa Gym kaya akala niya ay On diet ito. May halong panghihinayang ang nararamdaman niya at sa hindi malamang dahilan Napatingin siya sa 6 packs Abs nito. Hindi na niya makikita ang Pandesal nito. Palihim niyang kinurot ang Sarili sa iniisip. Kailan pa siya naging interesado sa Abs ng lalaki? Ngayun
"Nah uh. I'm not going to eat those. But you are.." He said with a smirk on his lips that makes her Throat Dry. "..Going to eat those."