Love poisoned Chapter 16

NANG Makabalik si Claire sa Room nila agad syang nag Bihis  Dahil pupunta sila sa dalampasigan na Kung saan naghihintay ang mga kaibigan ni Kielton na sa Galbin at Gabriel. Nang matapos na siyang mag ayos ay lumabas na sila At nagtungo sa Kaibigan nito.

Habang naglalakad sila ay nakatingala sya sa itaas at pinagmamasdan ang Buwan. Hindi pa  Full moon kaya hindi masyadong Maliwanag. Kaya gusto nya mag stay sa mga beach dahil maliban sa presko ang hangin lalo na kapag gabi Maaliwalas din ang paligid at nakakarelax.

Nang makarating sila May nanunudyong ngiti ang Mukha ni Galbin. Si Gabriel naman ay tipid na ngumiti at tumango.

Nag uusap ang dalawa, si Kielton at si Galbin habang sya ay walang imik na naka upo sa Gilid. Maliit lang ito na kubo pero sobrang ganda Dahil sa lights.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas si Galbin at nang makabalik ito ay Kasama na nito si Sunny.

"Oh bat hindi ka umiinom?" Tanong ng kaibigan ng tumabi ito sakaniya.

"Wala lang. Inom ka oh." Nag salin sya sa Isang baso ng Margarita at inabit rito.

Tinanggap nito iyon at ininom.

"Oh dahan dahan. Hindi ka mauubosan." Saway nya sa kaibigan. Tumawa lang ito at nag salin ulit.

"Magkasama kayo sa iisang Room?" Seryosong tanong nito.

Huminga muna sya ng malalim.

"Oo. Wala na kasing bakante kaya Share nalang kami. Don't get me wrong, dalawa ang Kama no hindi kami sa iisang kama." Depensa niya.

"Okay na yan. Basta wag isuko ang Perlas naten jan ha? " Biro ng kaibigan. Napairap sya sa sinabi nito.

" Pwede ba sunny? Hindi ako tulad ng iba. Tsaka Lasing ka na ba? Parang wala ka ng bukas kung maka Inom eh." Saway nya rito. Umiling naman ito.

"Wala naman. Gusto ko lang eh."

"Nakakapagud 'tong gan'to. 'Yun b-bang di mo na alam pa  nararamdaman mo taposh may tao pang manhid. Haysh life." Sabi nito. Na bubulol na din ito dahil Sa dami ng alak na nainom.

"Sino ba 'yan?" Tanong niya.

Tipid itong ngumiti.

" Sekret." Napailing iling sya. Lasing na ang kaibigan kaya hindi na ito matinong kausap.

Nilingin nya ang mga lalaki na parang may mga sariling mundong nag uusap Habang nag iinoman ang mga ito.

Nagpaalam na muna sya sa mga ito dahil ihahatid nya ang kaniyang Kasing na kaibigan dahil baka ma pano pa ito. Ng makarating sila sa room Nito nagpaalam na sya sa nauna ng umalis. Mauuna na syang bumalik sa room na inuukupa nila dahil na a out of place sya sa mga magkakaibigan. You know.. Boy's talk so hindi sya nakisali.

Nang makarating na sya sa Silid nila ay Nagbihis sya agad at humiga na sa kama. Sobrang pagod ng katawan niya dahil sa byahe kaya magpapahinga na sya. Mamaya pa naman dumating si kielton at may spare key naman kaya Bahala na 'yun dahil matutulog na sya.

KINABUKASAN ng magising si Claire sa Sinag ng araw at sa araw na tumapat sa Balat nya. Tumayo sya at agad na nag tungo sa Teresa Upang Masaksihan ang ganda ng umaga dahil sa Sinag na araw. Gusto nya ng ganitong buhay. Tahimik lang at masyadong maaliwalas ang paligid. Ayaw niya na sa Syudad dahil mas gugustohin nyang manatili rito.

Wala pa syang suklay kaya sobrang gulo pa ng buhok nyang tumalikud at lalabas sana para Kumain ng Makita nya ang lalaking kakapasuk lang sa Pintuan.

"Tara." Iyon lamang ang sinabi nito tsaka sya tinalkuran. Pagak syang tumawa. Ano pa ba ang ini expect nya? Eh wala itong ka sweetan sa katawan. Well she used to it na.

"Hintay lang!" Sigaw nya rito na nakalabas na ng pintuan.

Mabilis syang nag ayos at nag palit ng damit tsaka lumabas. Natagpuan nyang Naka hilig ang lalaki sa pader habang ang Dalawang kamay nito ay nasa loob ng dalawang bulsa ng khaki shorts nito. Lihim syang Napalunok. Kahit saang anggulo ay attractive parin ito. Naka polo shirt ito at naka unbottoned ang tatlong buttones na siguradong Sinadya nito baka para magaakit sa mga babae rito. He looks so freaking Hot!

" Tulala ka dyan? Let's go." Walang emosyong sabi nito at as usual Tinalikuran na naman sya.

Naglakad sya palapit rito at sinundan kung saan ito pupunta. Nagugutom na din sya dahil kunti lang ang kinain nya kagabi. Nang makarating na sila sa Nasabing Restaurant ay Agad silang pumasok at Iginaya sila ng Isang waiter sa may bakanteng upoan. Nang maka upo sya ay nag taas sya ng kamay ay tinawag ang waiter para um-order.

Adobo, Beef stick at rice ang in-order nya para sa lalaki. Sa kaniya naman ay Beef stick lang tsaka Tubig. Malalagot sya sa Manager nya kapag Tumaba sya.  Kaya kailangan nyang mag desiplina sa Sarili.

Nang dumating na ang in-order nila ay Nagsimula na silang kumain at sa kalagitnaan Ng katahimikan na bumabalot sa kanila habang kumakain ay binasag iyon Ni Kielton ng mag salita ito.

"For sure Malnourished bagsak mo kapag palagi ganyan nalang kinakain mo. Ubosin mo 'yan tsaka Kumain ka ng Kanin." Tukoy nito sa Beef stick nyang Isang kagat lang ang Nakain nya.

"Anong meron? My Body my rule." Tugon nya rito.

"Oh? Kaya pala takot sa manager. " Bulong nito.

Hindi na sya nag salita at Itunoon nalang ang pansin sa labas habang tinitignan ang mga  taong Nag lalaro, Masayang nag uusap, Nag susurfing at nag I scuba diving. She haven't try surfing and Scuba diving. Takot na syang maligo sa dagat simula noong bata pa sya na malapit syang malunod. She was traumatized that time kaya Ayaw na niyang maligo pa ng dagat hanggang ngayun.

"You want it?" Napalingun sya sa nagsalita.

"What?"

" Surfing and scuba diving." Sagot nito tsaka sumimsim sa Coffee nito.

"Oh.. Bakit gusto mo natanong?"

Inilapag nito ang Baso na may lamang Kape at Nilingun ang labas.

"Let's Scuba diving. Let's go."  Walang Isang salitang lumabas sa bibig niya. Nabigla sya sa sinabi nito. Anong nakain nito at Inaya sya nitong mag Scuba diving? Is this Her karma for being a Liar? For pete's sake she Hate Sea! Ang kulay Asol nitong tubig at ang lalim nito ay nakaka panghina ng tuhod and mag scuba diving pa kaya?

"Eh? Gusto mo?" Tanging natanong nya.

"Oo. Ikaw gusto mo ba?" Balik tanong nito. Gusto niyang tumanggi pero May isang bahagi ng utak nya na nagsasabing Tanggapin ang alok nito dahil kailangan nyang makuha ang Loob nito. Humogot sya ng malalim na hininga at marahas na pinakawalan bago Tumango. She have no choice!

"Let's go then." Tumayo na ito at nauna ng lumabas ng Restaurant. Ganun din sya, naka sunod lqng sya rito hanggang sa makarating sila sa may mga Staff Ng Resort. Si kielton ang nakipag usap rito at sya naman ay naka tayo lang at Nagdadasal na sana ay Di sya mahimatay o worst mamatay sa ilalim ng dagat.

"Oh gosh." Bulong nya sa hangin.

Nangangatog na ang tuhod nya. Ano ba 'tong pinasok nya?

"Ano pa ang hinihintay mo dyan? Let's go." Nilingun nya ito. Naglakad sya palapit rito at sinundan ito. Nang makarating sila don ay parang kakagaling lang nyang tumako dahil sa lakas ng pintig ng puso nya.

"May problema ba? "

"Nothing." Tipid syang ngumiti rito. Seryoso lang itong nakatingin sakaniya kapagkuwan ay tumaas ang sulok ng labi nito. Tumaas ang isag kilay nya. Confirmed! Weirdo talaga.

"What's with that face? Are you planning something no?" Supladang tanong niya sa lalaki.

He just smirked and bite his Lower lip that makes him attractive even more!

"Uhmm your face.. " Tipid Itong tumawa. "Don't worry. I won't Eat you." Nagsalubong na ang dalawa nyang kilay sa sinabi nito.

"Anong meron?"

"Wala."

"Tara na." Anito.

NAKAHIGA si Claire Sa isang Yatch na walang malay habang si Kielton ay nagma mouth to mouth resuscitation Kay Claire. Ilang minuto na ang nakalipaa na hindi parin nagigising si Claire Nilukob na ng Pag aalala at kaba si Kielton. This is his fault. Kung hindi sya nag aya edi sana Hindi 'to nangyari. Sinisisi nya ang sarili nya. Nakita nya kasing Natatakut ito kaya na challenge sya kaya niya ito inaya . Gusto nya kasing Magsisisi itong pumasok ito sa buhay nya at para lumayo na ito sa kaniya.

"Please! Please.. Gumising ka. Please.." Pakiusap nito kay Claire na wala pa ring malay.

"I'm sorry. Kasalanan ko 'to." Sabi nito habang Nakatitig sa mukha ng dalaga. Mouth to mouth resuscitation At CPR na ang ginawa ni Kielton para lang Magising ito.

Ilang segundo lang ay Umobo na si  Claire. Nagkaroon na ito ng malay kaya nakahinga sya ng maluwag. Para syang nabunotan ng tinik. Simula noong nawala na ang mga Importante sa buhay niya, ang Ina at kapatid nya ay wala na syang pake pa sa mga taong nakapligid sa kaniya. Hindi sya nag aalala kaya nakaka pagtaka kung bakit sobrang nag aalala sya sa babae. Siguro dahil Guilty lang sya. Pag kokumbinsi nito sa sarili.

"Uhmm.. Saan ako? At bakit parang ang sakit ng ulo ko." Agad na tanong Ni Claire ng magising ito habang Nakahawag sa Ulo nito.

Tumayo si Kielton At umayos ng tayo.

"Nawalan ka ng malay sa ilalim ng dagat."

Naalala niyang nawalan sya ng malay sa ilalim ng dagat nang Maiwan syang mag isa sa Malalim at Madilim na dagat. Bumalik ang Nangyari sa kaniya noong bata pa sya kaya sumakit ang ulo niya at dahil sa takotat nawaln sya ng malay.

"Naalala ko na. Thankyou for saving me." Aniya rito.

"No. It's my fault. Sana hindi nalang kita inaya. I'm sorry." Mahinang sabi nito. Tipid syang ngumiti rito.

"It's okay. I'm fine. Bumalik lang sa alaala ko ang Nangyari noong bata pa ako. I was traumatized because of what happen back then. Kaya eto nangyari." Aniya.

"Okay. Uwi na tayo. Para makapag palit kana dahil Nilalamig ka na." Anito tsaka Sya tinalikuran at Nauna ng bumaba sa yatch at lumipat sa nakaabang na Bangka. Laking gulat nya ng Inilahad nito ang kamay sa harap nya para mahawakan nya para makatawid sya. Lihim syang napangiti sa inakto nito. Lumalabas na naman Ang  Gentleman side nito. And She likes it.

"Thanks." Aniya Rito ng tanggap nya ang nakalahad nitong kamay. As usual, Wala itong reaksyon. Nanatiling seryoso ang mukha nito pero nasanay naman na sya. Malapad syang ngumiti rito bago Umayos ng upo.

Nang makarating sila sa Room nila ay agad syang nag tungo sa Banyo para mag bihis pagkatapus ay lumabas sya at nagpatuyo ng buhok. Natagpuan nya ang Lalaking nakatayo sa Teresa habang naka hilig sa railings. Parang malalim ang iniisip nito habang may dalang Baso na may lamang alak. Akmang Tatalikud na sya ng mag salita ito.

"Lalabas na muna ako. Matulog ka na. Lock the door. Don't open the door even though you think it's me. I have my Duplicate key here so don't bother to open The door for me. Good night." Anito at sumimsim sa Alak nito.  Nakaharap na ito sakaniya.

"Uhm sure." Mahina nyang tugon rito. Na Curious sya kung saan ito pupunta. "Uhh.. Saan ka pupunta?" Nabigla din sya sa tanong nya ganun na din ang lalaki. Pero wala naman atang problema kung mag tanong sya diba?

He cleared his throat before he answered.

"D' club.  Why?" Tanong nito.

"Nothing. Just Take care." Aniya Na may ngiti sa labi. Seducing Kielton ang plano pero bakit naging Seducing Claire? Wala rin syang ediya kung bakit ganito ang inaakto ng lalaki pero kahit na naging kabaliktaran gagawin nya parin ang lahat.

"Uhmm Can I come with you?" Nabigla ito sa tanong nya. Sya naman ay  Nag puppy eyes rito, nagbabakasakaling gumana pero Tinalikuran lang sya nito. Napasimangot sya.

"Magpahinga ka lang jan." Sinarado nito ang pinto pagkasabi niyon. Humogot sya ng malalim na hininga at marahas na pinakawalan iyon at  tsaka humiga sa kama nya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.