Love poisoned Chapter 23

TATLONG- ARAW na ang nakalipas simula nung nangyari sa kanila ni Kielton at ngayun ay nakauwi na sila sa Maynila at talagang pinanindigan niya ang pagiging sekretarya ng lalaki dahil this past few days, sobrang busy niya sa pagaasikaso sa  mga  papers  na pinapagawa ni Kielton  na kailangan niyang tapusin sa lalong madaling panahon.

Napaigtad siya sa gulat ng  pabagsak na nilapag ang mga papeles sa desk niya kaya Nagtaas siya ng tingin at hindi  na siya nagulat pa sa nakita.

Nasa harapan niya Ang lalaki na Nakatitig sa kaniya habang nakapamulsa.

"You look like a panda. Hindi ka ba natulog?"

Hindi niya alam kung nangbubwesit ba siya sa tanong nito na siyang nagpakulo ng dugo niya.

  Ang lakas ng loob nitong magtanong, e,  ito naman ang dahilan kung bakit mabigat pa sa pinapasan niyang inis sa lalaki ang eyebags niya sa mukha.

Pinaikot niya ang mga mata, para ipakita  rito na naiinis siya.

Nagbaba ito ng tingin sa mga Papeles na nakalatag sa lamesa niya. Almost hundreds of papers.

"Ito lang?" She asked him.  It's not Sarcasm pero nakita niyang tumaas ang isang kilay nito.

He shrugged.

"I have visitors mamaya. Make us some coffee." Hindi siya nito hinintay na makasagot, kaagad lang siyang tinalikuran at tuloy-tuloy na naglakad papasok sa loob ng office nito.

Actually Nasa-iisang Opisina lang sila pero may Transparent glass na naka harang ang sa lalaki.

Hindi ganito ang Opisina ng lalaki dati na may elevator. It's probably the office of the CEO at dahil nakabalik na ang ama nito, bumalik ito sa Office nito. Malaki parin naman ang office nito hindi lang katulad ng para sa CEO ng kompanya.

Napatayo siya nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa  ang isang babae na Kasing edad lang niya. May mataas na buhok na naka lugay at Naka skirt ito na sobrang ikli at halos makita na ang kaluluwa  sa suot nitong top.

"Good morning Ma'am. I'm Clarrise Santiago, Mr. Echavez Secretary. How may I help you?" She formaly asked the Woman.

"I don't care. I'm Stephanie Salmonte, I want to see Kielton." Pakilala nito. Baka ito ang sinasabi ni  Kielton na ka meeting nito Or maybe one of his flings?

Tumaas ang isang kilay niya but she composed herself to be formal kahit gusto niya nang kaladkarin ang babae palabas ng office ng lalaki.

"Are you looking for Mr. Echavez, Maam? Or Do you have any appointment with Mr. Echavez?" Tanong niya sa babae na abala ngayon  kakasilip sa lalaki na nasa loob ng Opisina nito.

She cleared her throat. Hindi lang pala ito walang repeto, bingi din pala.

"Ma'am. Do you have any appointment with Sir Kielton?" Mariin na tanong niya sa babae.  She tried to check the name of the woman sa List ng mga appointments ng lalaki pero wala talaga ang pangalan nito.

Confirmed. Maybe she's one of His Flings.

"Hindi na kailangan. Just tell him that I'm here." Pinipigilan niya ang sarili na pagtaasan ito ng kilay. Mahigpit kasing bilin ng lalaki na hindi papapasukin ang kahit an sino kapag walang appointment.

"I will ask him first. Just wait for a second, please." She rolled her eyes at naglakad  patungo sa Pintuan ng office nito at pinihit iyon. Abala ito sa papeles na binabasa kaya hindi siya nito namalayang pumasok.

Tumikhim siya dahilan para magtaas ito ng tingin.

"Do you know someone named Stephanie Salmonte? Wala kasi siyang appointment kaya-"

"I know her. Papasukin mo siya." He cut her off.

So She's one of your Flings?

Pinipigilan niya ang sariling magtanong pa kaya Tumango nalang siya at  naglakad pabalik sa kinaruruonan ng babae.

"You may now go inside Ma'am." Sabi niya sa babae habang nakangiti  na kaagad namang napawi ng nilagpasan na siya at Naglakad papunta sa opisina ng lalaki. Sinundan niya ng tingin ang babae kahit ng makapasok ito sa loob ng office ni Kielton.

Hinalikan nito Si Kielton Sa pisngi na wala namang pakealam saka umopo sa bakanteng Upoan sa harap ng desk ng lalaki.

Umiling siya at nagmamadaling naglakad palabas para magtimpla ng kape dahil Nakalimutan niyang mag hahanda pa pala siya ng Kape para sa dalawa.

BUMUKAS ang pintuan ng opisina ni Kielton at iniluwa ang sekretarya niya na may hawak na tray na may laman na Dalawang tasa ng Kape.

Balak niyang inisin at pahirapan ito para tumigil na ito sa kahibangan sa kaniya at Para malayo sa kung ano mang Masamang binabalak ng kaniyang Ama laban rito.

Inabot niya ang isang tasa at tinikman iyon.

"May mas itatamis pa ba dito?" Nagtaas siya ng tingin sa inosenteng mukha nito.

"Diba sinabi ko na sayo na Ayoko sa masyadong matamis?" It's a lie. Sa totoo lang, si Claire ang gusto niyang mag timpla ng kape niya. It taste different kapag ang babae ang gumawa. And he likes it.

Bahagyang gumuhit ang gulat sa mukha nito.

"K-kunti lang 'yung nilagay ko kaya impossibling Matamis--"

"E  ano 'to?" Inilapag niya sa lamesa ang tasa ng kape at idinuro.

Hindi ito makasalita  at marahas na napabuga ng hininga saka  sinalubong ang titig niya.

"Okay fine." Pinaikotan siya nito ng mata at mariin siyang tinitigan bago tumalikod at umalis.

Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa reaksyon ng  dalaga. He don't know, pero Nageenjoy siyang bwesitin ito.

NAGDADABOG Siyang naglalakad hanggang sa makarating siya sa Kusina kung saan siya magtitimpla ng kape para sa lalaki.

Naiinis parin siya  rito.

Paanong naging matamis 'yun e, Hindi na nga niya nilagyan ng asukal eh.

Marahas siyang napabuga ng hininga at Tinikman niya Para masigurado kung totoo ba talaga ang sinabi nito pero hindi naman. Sakto lang at hindi matamis.

So anong pinag-iinarte nun?

Gusto lang ba siya nitong inisin at pahirapan?

Is he playing with her?

Napangisi siya.

Then She will play with his game he had started.

Kinuha niya ang phone mula sa Bulsa niya at dinial ang pangalan ng kaibigan at ilang  segundo lang bago ito sumagot.

"Hey! Anong problema?" It's Sunny's voice from the the other line.

"Nothing. Pero may... ipapabili sana ako." Mahina ang boses na pagkakasabi niya.

"At iyon ay?" May pagdududa sa boses nito.

Napangisi siya at Sinabi sa kaibigan ang maitim niyang plano sa lalaki na siguradong abot langit ang galit nito sa kaniya kapag ginawa niya 'yun.

Actually okay na ang kaibigan niya sa kagagahan niya ngayun dahil kahit anong pigil at Advice ang sasabihin nito sa kaniya, wala itong magagawa sa katigasan ng ulo niya.

"Gaga ka. Sure ka na ba dyan?" Parang hindi makapaniwala ang kaibigan sa kaniya. Napairap siya.

"Of course! Sige na, please?" Narinig niyang bumuntong-hininga ang Kaibigan sa kabilang linya.

"Okay fine. Give me 10 minutes."

"Sure. Thank Sun!" She smile form ear to ear.

"I'm sorry Daddy Kielton the hottie for doing this Stupidity." She heard sunny murmured from the other line. She rolled her eyes.

"Apologized not accepted. Anyways, Hurry up. Bye!" Piantay niya ang tawag at naghintay siya ng ilang minuto bago dumating ang bagay na siyang gagamitin niya para sa maitim na balak para sa lalaki.

May ngiti sa kaniyang labi habang nilalapag sa lamesa nito ang Kape para sa lalaki na nakatitig sa kaniya. Napatigil ang dalawa sa pag-uusap at napatingin sa kaniya.

Umayos siya ng tayo at Ngumiti ng malapad sa dalawa.

"I'm hoping it taste better now." She said, she saw Kielton look at the Coffee on his desk infront of him and look at her.

"Thanks."

She bit her lower lip when he took a sip on his coffee and Stare at him waiting for his reaction but seconds had passed, still nothing happened.

Is it fake?

"You should go. I have something to do."  Mula sa gilid, tinignan niya ang lalaki na naka kunot ang nuo at umigting ang panga.

Is he mad?

Ang akala niya ay siya ang pinapailis nito pero nakatingin ito sa babae.

"But I want to stay--"

"Fuck!" He exclaimed and Look at Stephanie.

"Let's talk Some other time. I'm tired." The woman named Stephanie sighed and stood up and turn her back at him bago naglakad Patungo sa pintuan at padabog na sinarado.

KANINA PA  Pabalik- balik sa banyo si Kielton para mag bawas ng magbawas. Pawisan ito at parang nanghihina na lumabas mula sa Banyo.

She bit her lower lip.  Ang akala niya simpleng LBM lang ang mangyayari sa lalaki pero Parang sobra naman ata.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin, nakatayo lang siya mula sa hamba ng pintuan sa silid ng binata habang nakatingin sa pintuan ng banyo kung saan nasa loob ang lalaki at nag-iisip kung paano ito matutulongan.

"A-are you okay?" Tanong niya sa lalaki na nasa loob ng  banyo pero walang sumagot at ng makalabas ito ay nakita niya ang umiigting nitong panga.

"Sa tingin mo okay lang ba ako?  I'm having a diarrhea, can't you see?" Masungit nitong Tugon, napabuntong hininga siya habang pinaglaruan ang mga daliri.

"Ano bang meron du'n sa Kape ko at parang papatayin mo ata ako?"

" I- Im sorry."

Naghari ang katahimikan sa kanilang dalawa bago ito nagsalita.

"What do you mean?"

" So anong meron dun sa kape? Are you going to poisoned me? Is that so? " Nagtaas siya ng tingin at sinalubong ang madilim na titig nito sa kaniya.

"No. Kung lason 'yung nilagay ko edi sana wala ka na ngayon." 

She saw how his Jaw clenched as he look at her intently.

"Sagutin mo ako." Ma awtoridad na sabi nito.

She sighed and bit her lower lip.

" I put a drugs on it. A drugs that can cause LBM. That's why you're having a diarrhea. " Nalaglag ang panga nito at Hindi makapaniwala na nakatingin sa kaniya.

"You- Why the hell did you do that, Claire Santiago?!" Napangiwi siya sa sigaw nito. Tumaas ang boses nito at natatakot siya sa Mukha nito ngayon. He looks Deadly that even the wildest animals in forest will be afraid of him.

"Look, I'm sorry! I was mad at you kaya ko nagawa 'yun."

"Yeah? You are mad at me so that's why you put a Fucking drugs on my coffee?" He exclaimed. He is gritting his teeth. She couldn't say anything. Parang natutup niya ang bibig at hindi makapagsalita.

She feel sorry for him.

"Fuck! " kumaripas na naman ito ng takbo patungo sa banyo. Unti-unti siyang nilalamon ng guilt dahil sa ginawa niya sa binata.

Napaigtad siya ng tumonog ang telepono nito sa kama ng binata na nasa loob parin ng banyo hanggang ngayon.

" 'Yung Phone mo may tumatawag!" Sigaw niya rito.

"Who?"

Kaagad niyang tinignan kung sino ang tumatawag.

Weird man ay sinigaw niya sa lalaki.

" Asshole!"

Iyon ang nakalagay  na pangalan. Siguro isa ito sa mga kaibigan ng lalaki.

"Answer it." He answered.

"Okay.." 

Kaagad niyang inabot at sinagot ang tawag.

"Hello? This is.. Clarrise Santiago, Mr. Kielton's Secretary. He asked me to answer the call for him.  How may i help you?"

Narinig niya ang pag Tikhim sa kabilang linya.

"Oh, hi Miss Clarrice. I'm doctor Rafael Monzano-  His Friend. He ask me awhile ago kung anong gamot sa LBM so Sa tingin ko nagka LBM ang lalaking 'yan dahil kahit sino lang babaeng tintik-- oh fuck!" The voice on the other line Paused, " Anyway, Miss secretary, pakisabi sa lalaking 'yun na May gamot akong ipinadala diyan ngayon. Thankyou."

"Yes Doc. Thankyou. I'll tell him right away. "

"Thanks again. Bye!" Nang mamatay ang tawag, kaagad siyang bumaba ng may nag doorbell sa baba. Siguro 'yun na ang gamot na sinasabi nito.

Pagkatapos niyang tinanggap at nagpasalamat ay nagtungo siya sa kusina para kumuha ng tubig saka kaagad na naglakad pabalik sa silid nito.

Nang makasok siya  sa silid nito, kaagad na  nakita niya ang lalaking naka upo sa couch habang hinihilamos ang dalawang kamay sa mukha. Nang magmulat ito ay agad na tumuon ang paningin nito sa kaniya at tinitigan siya  ng walang emosyon.

"Here. Inumin mo ito." Nagbaba ito ng tingin  sa Inabot niyang gamot na Ipinadala ng kaibigan nitong doctor at ang dala niyang isang basong tubig.

" Ito ang ipinadala ni Doc. Rafael Manzano na gamot." Tinanggap nito iyon ng hindi nagsasalita habang seryosong naka tingin sa kaniya.

"Again, I'm sorry." Basag niya sa katahimikan.

" leave me alone, please?"

She nodded before she turn her back at him and walked towards the Door.

NAKARINIG siya ng yabag mula sa kaniyang likuran habang siya ay naka talikud at  nagluluto ng Soup para sa lalaki at hindi na nagulat ng may  nagsalita sa kaniyang likuran.

"What is that?"

His baritone voice still sounds good to her ears.

Binalingan niya ito at nginitian ngunit seryoso lang ito habang magkasalubong ang kilay saka sumulyap sa soup na kaniyang niluluto.

" Soup. For Peace offering." Sagot niya habang malapad na nakangiti.

He chuckled.

"Baka ngayon may lason na 'yan? Ayoko pang mamatay." Marahan siyang bumuntong hininga ng nilapag ang soup sa Lamesa saka sinalubong ang tingin nito.

"Wala ng laman ang tyan mo kaya kailangan mo ng kumain." Binalewala  ang sinabi nito.

Hindi ito kumibo at seryoso lang na nakatitig sa kaniya habang nakapamulsa. He is wearing White Fitted t-shirt that emphasized his Muscles and not gonna lie, he looks so good kahit walang emosyon ang mukha nitong nakatingin sa kaniya.

"Titikman ko para maniwala ka."   Kinuha niya ang kutsyara at nagsandok ng kunti at hinipan bago isinubo.

"Masarap!" She exclaimed and lifted her head to look at him.

" Here. Try mo." Pangungumbinsi niya.

" I'm full." Walang pakelaman siya nitong nilagpasan at nagtungo sa refrigerator at binuksan para kumuha ng tubig roon.

"Kahit tikman mo lang. Please?" 

He look at her. Their eyes met.  Blanko  parin ang emosyon ng mga mata nito.

"I said, I'm full." May diin na sabi nito.

Pero pareho silang natigilan ng makarinig ng tunog mula sa tyan nito.

Tumaas ang sulok ang labi niya at nakagat ang  pangibabang labi dahil sa pinapigilan na ngiting kumawala.

"See? Kaya kumain ka na." Aniya habang may ngiti na nakapaskil sa labi. Nakita niya kung paano ito  nag-iwas ng tingin at bumuntong hininga.

"Anong nakakatawa?" Kunot ang nuo na binalingan siya nito. Wala na ang nahihiyang mukha ng lalaki.

Umiling siya. Nagpipigil ng tawa.

"Nothing. It's just, you look cute when you are ashamed of something. Gusto na tuloy kitang pahiyain."  Nakita niyang natigilan ito sa sinabi niya at napakurap-kurap saka lumalim ang gitla sa nuo.

"I see, You look even more cute when you are annoyed." She chuckled.

"Wag ka nga tumitig sa'kin, sige ka baka ma inlove ka niyan sa'kin." Aniya.

He chuckled and bit his lower lip . Still staring at her intently before he shooked his head.

"Silly."

He took a one step closer to her and lowerd his head as he look at her intently.

"K- kumain ka na baka lumamig na 'to. Hindi na masarap." Inosenteng sinalubong ang titig nito kahit ang lakas na ng kalabog ng puso niya dahil sa paraan ng pagtitig nito.

Nagulat siya ng umopo ito at nagsimulang kumain gamit ang kutsyara na Ginamit niya.

"Nagamit ko na 'yan! " kaagad siyang kumuha ng bago at inabot rito.

He lifted his head and raised his brows at her as he look at her down to the spoon she's holding.

" Why? I like this." Walang pakealam nitong tugon bago nagpatuloy sa pagsubo gamit ang kubyertos na ginamit niya.

There's no malice but isn't it called Indirect kiss?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.