Lover's Moon Chapter 14

Kinuha ni Haru ang mga gamit nila sa likod ng kotse. Saka lang niya ito binalingan at kinuha ang ilan sa mga gamit niya na hawak nito.

"Natutuwa ako at nagustuhan mo ang bahay." nakangiti nitong sabi habang paakyat na sila sa hagdanan papasok ng bahay.

"Wala akong masabi.. ang ganda dito. Ang sarap magbakasyon dito". Agad niyang inikot ang sala ng bahay pagkapasok nila sa loob.

Natatawa naman sa kanya ang binata, para kasi siyang bata.

"Kaya nga kita dinala dito para magbakasyon".

Sinundan siya ng binata sa verandah,yumakap ito mula sa kanyang likuran.

" Ang makita kang ganyan kasaya ay langit na para sa akin" bulong nito sa kanyang tenga. May hatid naman na kiliti sa kanya ang mainit nitong paghinga na dumampi sa kanyang balat. Hindi niya mapigilang mapabuntong hininga. Ilang sandali sila sa ganoon ayos bago bumitiw sa kanya ang binata.

Tinatanaw niya ang malawak na dagat na kita sa veranda na kinalalagyan nila. Nang mula sa kaliwang bahagi napatingin siya sa kagubatan tanaw mula sa kinatatayuan nila. Umagaw sa atensyon niya ang isang bangin na sa ibaba nito ay mabatong hinahampas ng alon mula sa dagat. Parang pamilyar sa kanya ito.

"Anong tinitingnan mo?" Sinundan nito ang kanyang tinitingnan.

"Wala naman.. para kasing pamilyar. " Sagot niyang hindi lumilingon dito. Hindi niya na nakita ang pagkunot Ng nuo nito sa kanyang tinuran.

"Baka kahawig lang ng lugar. Buti pa maghanda nalang tayo ng makakain." Masigla nitong yakad sa kanya.

Nakangiti naman siyang bumaling dito. Pilit niyang winaksi sa isipan ang tungkol sa nakita. Maaring tama ito kahawig lang sa nakita niya.

Magkahawak kamay silang ngtungo sa kusina ng bahay. Ilang sandali pa napuno ng tawanan ang kusina sa ginagawa nilang harutan. Para silang mga batang naglalaro.

Habang masayang magkasama sina Haru at Margaret sa San Martin,balisa naman ang matandang babaylan habang nakatingin sa kawalan.

"Masama ang aking kutob... Nararamdaman kong may panganib na nagbabadya sa hinaharap. May kinalaman kaya dito ang pagkakapunta ng kamahalan sa mundong ito?"

Napatingin siya sa kanyang paanan nang may mabalahibong kumukuskos sa kanyang paa. Ang alaga niyang aso,kinawag kawag pa nito ang buntot habang nakatingin sa kanya. Kinuha naman niya ito at kinalong.

"Alam kong parehas tayo ng nararamdaman." Pagkausap niya sa aso.. dinilaan pa ang kanyang pisngi na kinatawa niya.

Muli niyang binaling ang tingin sa kawalan. At taimtim na nagdasal sa isip.

Sa San Martin,nasa tabing dagat ang magkasintahan, gumawa ng apoy si Haru upang magsilbi nilang liwanag.

Magkatabing nakaupo ang dalawa habang nakaharap sa dagat.

"Napakatahimik ng dagat ngayon noh..".

Lumingon sa kanya ang binata bago binalik ang mata sa karagatan sa harapan nila.

"Napakahinahon nga ng dagat hindi katulad ng dumating tayo kanina,halos lamunin na ng alon ang dalampasigan sa mga hampas nito."tugon nito sa kanya.

"Iba talaga ang simoy ng hangin dito kesa sa siyudad. Mas sariwa at payapa ang pakiramdam ko dito,pag natatanaw ko ang kagubatan parang nasa Arectia ulit ako."bahagya pa niyang nilingon ang magubat na bahagi na tanaw mula sa pwesto nila. Naisip niya bigla baka kaya pamilyar sa kanya ito dahil naaalala niya ang Arectia.

Kinabig siya ni Haru palapit dito,ang init ng katawan na nagmula dito ang nagsilbing pananggalang niya sa nag uumpisa ng lamig na nararamdaman.

"Isa iyan sa dahilan kung bakit ko nagustuhan ang lugar na ito. Gusto ko kahit nandito na ko sa mundo mo ay mayroon pa rin nagpapaalala kung saan ako nagmula."

Sang ayon siya sa sinabi ng binata,hindi ganun kadali ang kalimutan kung saan ito nagmula. Alam niya nalulungkot din ito sa pagkakalayo sa original na tirahan nito. Pero mas pinili pa rin siya nito kapalit ang trono at paghahari sa Arectia.

Ilang sandali pa sila namalagi sa tabing dagat bago naisipan pumasok na sa loob ng bahay.

Nasa tapat ng kanyang silid ang dalaga habang nakasandal sa nakapinid na pinto. Yakap siya ni haru habang magkalapit ang kanilang mga mukha.

"Alam mo bang hirap na hirap ako pag ganito ka kalapit sakin." Namamaos nitong sabi habang namumungay ang mga mata sa pagkakatitig sa kanya.

Nahihipnotismo naman siya sa mga titig nito sa kanya. Kahit kailan hindi niya pagsasawaan pagmasdan ang mukha ng lalaking pinakamamahal.

"Huwag mo kong titigan nang ganyan,baka hindi ako makapagtimpi ng sarili ko". Parang hirap na hirap na sabi nito sa dalaga.

Napangiti naman si Margaret sa tinuran nito.

"Buo ang tiwala ko sa iyo kahit anu pa mang mangyari. Ganun din sina mommy at Daddy."

Bahagya naman lumayo sa kanya ang binata.

"Pinagkatiwala ka nila sa akin ayaw kong masira iyon. Ang hirap lang kasi magpigil pag ganito ka kalapit. Gustong gusto ko ng dumating ang araw na kung saan malaya ko nang magagawa ang gusto ko sa iyo."

Para naman biglang na excite si Margaret sa tinutumbok ng salita ng lalaking minamahal.

Ngunit nabigo siyang dugtungan pa nito ang sinasabi. Lihim tuloy siyang nadismaya, pero hindi niya pinahalata ito.

"Malalim na ang gabi, kailangan mo ng magpahinga..alam kong pagod kana." Maya maya ay sabi nito sa seryusong tono,pero ayaw naman siyang bitawan sa pag kakahawak.

"Bukas na lang ulit. Goodnight." Siya na ang kusang kumalas dito. Marahang pumasok sa silid ngunit ng makapasok napasandal siya sa dahon ng pinto habang nakapikit ang mga mata.

Naiwan namang natitigilan si Haru sa labas ng pinto. Kinapa muna sa bulsa ng suot niyang short ang isang maliit na kahon. Napabuntong hininga na lamang siya bago tumalikod at tinungo ang sariling silid.

Sa kalaliman naman ng gabi may isang nilalang naman ang tumatakbo sa gitna ng gubat. Pilit niyang nilalabanan ang init na nararamdaman ng buong katawan,para siyang sasabog anumang sandali.

Naglublob na siya sa dagat pero hindi pa rin masugpo ang init na kanyang nararamdaman. Hindi init ng pagnanasa ang kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon.

Kakaibang init na tumutupok sa pagkatao niya. Tumakbo siya ng tumakbo hanggang makarating siya sa loob ng kagubatan. Para siyang uhaw sa kung anu pa man. Para siyang mababaliw kung hindi matitighaw ang uhaw na nararamdaman niya.

Napalugmok siya sa lupa,tumitindi rin ang init na nararanasan at wari ba'y lumalabas na sa lahat ng butas ng katawan niya.

Nagpagulong gulong siya sa lupa. Naramdaman niyang tinutubuan siya ng mga buhok sa lahat ng parte ng katawan niya. Maging mga kuko niya ay humahaba at may mga pangil na tumubo sa kanyang bibig.

Tumakbo siyang muli tiyak ang paroroonan,nang makarating sa isang burol, isang alulong ang kanyang pinakawalan habang nakatingala sa kalangitan.

Mula sa pinagkukublihan natanaw ng isang nilalang ang isang kubo na gawa sa pawid. May malamlam na liwanag dito na nagmumula sa gasera. Naamoy niyang may tao sa loob niyon,dahan dahan ang ginawa niyang paghakbang.

Walang anumang sinira nito ang dingding ng kubo..isang nakakakilabot na sigawan ang sunod na maririnig na animoy kinakatay.

Napabalikwas ng bangon si margaret..nanlalaki ang mga mata habang nakahawak sa dibdib,hingal na hingal din siya na parang galing sa mahabang pagtakbo.

"Ang panaginip na namang iyon. "

Pinilit niyang ikalma ang sarili,bago kinuha ang cellphone sa tabi ng kanyang kama. Nakita niyang mag aalas kwatro palang ng umaga. Humiga siyang muli,nais sana niyang matulog ngunit naging mailap na ang antok sa kanya.

Nagpasya siyang bumangon na lamang at lumabas ng silid. Hindi na lamang niya binuksan ang ilaw sa pasilyo bagkus ginamit nalang niya ang flashlight ng kanyang cellphone.

Dahan dahan ang ginawa niyang pagtungo sa kusina,nagtimpla ng kape at nagtungo sa verandah. Doon na lamang niya hihintayin ang pagsikat ng araw. At pag gising ni Haru, malamang himbing pa ang tulog nito ng mga oras na iyon.

Natigil siya ng pagdadala sana ng mug sa bibig ng makarinig siya ng mga kaluskos sa kanyang likuran sa may sala ng bahay. Tanging ang ilaw sa kusina ang iniwan niyang bukas na bahagya nang umaabot ang liwanag nito sa sala.

Bahagyang siyang humakbang palapit sa switch ng ilaw upang buksan sana ito. Ngunit isang ingay ang narinig niya sa kusina. Agad siyang nagtungo sa kusina ngunit wala naman siyang nakitang anu pa man.

"Baka pusa lang na nakapasok".

Pabalik na sana siya sa verandah para ipagpatuloy ang naudlot na pag kakape nang mapadako ang kanyang tingin sa bintana ng kusina.

May isang nilalang na may mapupulang mata ang nakatingin sa kanya.

Labis siyang pinanginigan ng takot at isang impit na sigaw ang kumawala sa kanya bago magdilim ang kanyang paligid.

Nang magising ulit si Margaret,nakahiga na siya sa sala at mukha ni Haru ang nakatunghay sa kanya. Mababakas sa gwapong mukha nito ang labis na pag aalala sa kanya.

Akma siyang babangon na sana ng pigilan siya nito.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong nito sa kanya na mababakasan ang tono ng pag aalala nito sa kanya.

Tumango siya at inayos ang pagkakasandal sa upuan.

"Narinig ko ang malakas na sigaw mo,nakita nalang kita na walang malay sa kusina. Anu bang nangyari? Bakit ang aga mo nagising?"

"Ngkakape kasi ako sa may verandah ng makarinig ako ng kaluskos at ingay kaya pumunta ko sa kusina.. nakita kong may mga matang nakatingin sakin, nakakatakot siya!" Sinidlan ulit siya ng takot ng maalala ang nakita kanina sa may bintana ng kusina.

Niyakap siya ng binata upang makalma at hinalikan sa noo. Sa yakap ng binata sa kanya kahit papaano nawala ang takot na nararamdaman niya.

Tinanung siya nito kung saan niya nakita at nagpaalam sandali sa kanya. Nasundan na lang ng tingin ng dalaga ang papalayong binata.

Lumabas ng pinto ng kusina si Haru, tiningnan niya ang labas ng bintana kung saan nakita ni Margaret ang nilalang na sinasabi nito.

Walang siyang bakas na nakita,ginala niya ang paningin sa paligid hanggang mapadako sa isang daan na patungo na sa magubat na parte na hindi na sakop ng lupang kinatitirikan ng bahay. Muli na sana siyang papasok na may mahagip ang kanyang mga mata, iglap din nawala ito sa paningin niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.