Loving the Forbidden Charmer (Filipino) Chapter 13

“Ipinapaliwanag ko lang kung ano ang nakikita ko, Sir. Maybe your former secretaries are not mercenaries. Nagustuhan ka talaga nila. And you can’t exactly blame those girls for trying. Hindi kayo mahirap na magustuhan.”

“Pero hindi pa rin ibig sabihin no’n dapat kong I-encourage ang office romance. Fraternization in the office is a big no for me. If I will allow that to spare their feelings, it won’t be good for the company. Lalo na kung hindi ko naman masusuklian ang nararamdaman niya. I personally know how an office romance could blow up to everyone’s faces. It could ruin lives. Hindi ko hahayaang mangyari iyon sa akin.”

She was taken aback by the sadness in his voice. Ano ang naging karanasan nito sa palpak na office romance? Na-in love na ba ito sa katrabaho nito dati pero sa huli ay pinerahan lang ito o kaya ay ginamit lang ito para mapalapit kay Amadeus? Firing those women is just a way to protect himself and the company’s integrity.

“Why are you giving me a heads up about this? Hindi mo ba naisip na baka makagawa ako ng strategy para hindi mo mahalata na in love na ako sa iyo o pasimple kitang inaakit?” tanong niya sa binata at uminom ng kape.

“You are welcome to try. That would be fun,” anang lalaki sa magaang boses at kumagat ng toast.

“Hindi mo man lang ako susungitan o hihigpitan para ma-discourage ako na magkagusto sa iyo?” tanong niya.

“Nah! That’s too Amadeus dela Merced. I am the kill them with kindness type. And besides, I want to see how you with deal with my sweetness. Ngayong alam mo na kung ano ang special powers ko sa mga babae, gusto kong malaman kung paano mo mapaglalabanan ang tukso.” Hinaplos nito ang gilid ng labi niya at inilapit ang mukha sa kanya. “Should I notch up the level?”

Nahigit niya ang hininga dahil halos isang pulgada na lang ang layo ng labi nito sa kanya. Would he actually kiss her? Would he really try? And would she kiss him back? Definitely because he is a good kisser. Then goodbye career after that.

Sa pagkakataong ito ay ginamit ng dalaga ang utak niya. “Kiss me and I will file a sexual harassment case against you.”

Lumayo sa kanya ang binata at malakas na humalakhak. “There you go, tigress. Iyan ang nagustuhan ko sa iyo. Kaya nga hindi pa ako nag-request ng kapalit mo. How long can you resist me, Lexie? I really wanna know.”

Matalim niya itong tiningnan. “You are a cruel, cruel man, Aiden dela Merced. This is silly game you play with poor women must stop.”

“Then stop me. You can stay as my assistant as long as you won’t fall in love with me.”

DOUBLE time sa trabaho si Lexie. Isang araw lang na nawala si Aiden sa trabaho ay natambakan na siya. Hindi pwedeng ipilit na punuin ang schedule ng binata dahil baka mabinat ito sa trabaho. Kaya naman sinasalo niya ang ibang work load nito at siya ang nag-overtime.

Pagdating niya sa desk ay may paso ng halaman doon na may bulaklak na pahaba na violet ang kulay. Sinamyo niya ang bango niyon. “Lavender?” usal niya at dinampot ang card na nakadikit sa gilid ng paso.

Iba iyon sa mga bulaklak na padala sa kanya ng binata. This one is a live plant. Hindi gaya ng mga ibang flower arrangement na padala nito.

It reminds me of you. Take care of this baby for me. - A

Isang beses pa niyang inamoy ang bulaklak bago nag-brew ng kape para sa binata. Dala ang kape ay tumuloy siya sa opisina ni Aiden. Inangat nito ang tingin sa computer nang makita siya. “Hi!” bati ng binata.

“Galing sa iyo ang lavender sa table ko?”

Tumango ito. “I hope you like it. It has the same scent of your perfume.”

Naglakad siya palapit sa desk nito. “Are you trying to seduce me with flowers, Mr. Dela Merced. Because that won’t work on me.”

Tumayo ito at lumigid sa desk nito. “Suspicious much? Ipinapakita ko lang sa iyo kung ano ang pwede kong itanim sa flower farm ko. As far as I know, wala pang lavender farm sa Pilipinas. Can you conduct a study for me? Of course, I will pay you extra from my personal account.”

“Okay,” matipid niyang sagot at in-encode sa cellphone note niya. “Gusto ko lang malaman mo na kung plano mo akong akitin o mahulog sa iyo, hindi bulaklak ang effective na paraan.”

“How about my gorgeous body? Do you think it will be effective?”

Napalunok siya at nag-flash sa isipan niya ang itsura nito sa ilalim ng shower nang maabutan niya ito. “Nakita ko na lahat ng iyan, Sir. Hindi naman ako affected.” Liar, liar, pants on fire.

“Nah! I was sick then. I was not in my best form. But I will show you…”

Nanlaki ang mga mata niya nang akmang huhubarin nito ang coat. “Sir, huwag po!” Walang hubaran. My ovaries can’t take it.

“Huwag ano? Huwag ipakita ang research na gusto kong ipasa kay Kuya Amadeus?” tanong nito at patuloy na hinubad ang coat. Bumalik ito sa swivel chair nito. “Ano ba sa palagay mo ang gagawin ko? Open that monitor.”

At itinuro nito ang LED monitor na nakaharap sa kanya para makita niya kung anuman ang nasa laptop nito. Mukha itong seryoso pero may kinang ng kapilyuhan sa mga mata nito. Drat! Ang aga-aga pero napagti-trip-an siya ni Aiden.

Umupo siya sa upuan sa harap ng desk nito at binuksan ang extension monitor. Lumabas ang isang article tungkol sa backpacking. “This one is starting to become a bigger market. Maraming millenials na gustong mag-travel as backpackers at mga tourist na usually mababa lang ang budget. Our hotel is more on the high end market. And I want to create a proposal to my brother on how we can get this market. Nakakapanghinayang kung di natin sila makukuha.”

“So you want a study on this?”

“Yes. And we must come up with a good proposal. Hindi natin pwedeng balewalain na lang ang market na ito.”

“I agree. And we must move fast. Hindi natin pwedeng pakawalan ang market dito.”

Natawa si Aiden. “Nakikita ko ang peso sign sa mga mata mo. Akala ko pa mandin heart sign ang makikita ko dahil hahanga ka sa idea ko.”

“Sorry to disappoint you, Sir. I’ll choose money over love anytime.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.