Maggie’s Diaries Series 2 Chapter 30

NANG MAKAUWI SI KAREENE SA APARTMENT niya ay iniisip pa rin niya kung saan maaaring pumunta si Darcangelo ano ang maaaring rason kung bakit hindi niya ito ma-contact na lang basta. Magsasabi naman ito sa kanya kung sakaling may kailangan itong gawin o puntahan. Unless, may kinalaman iyon sa Rogue na ayaw nitong ipaalam sa kanya.

Nang makita niya ang relong ibinigay nito sa kanya ay agad niyang pinindot ang locator button noon. Iyon ang makakatulong sa kanya para malaman niya kung nasaan si Darcangelo dahil ito ang nagmamay-ari sa kaparehas na relo ng kanya. Ngunit walang red dot na nag-appear sa sa screen ng relo kahit global mode pa ang paghahanap niyon. Ibig sabihin ay naka-off ang locator ni Darcangelo.

Malapit na siyang mainis nang maalala niya si Shaun. Wala siyang numero nito o e-mail address man lang pero maaari niya iyong itanong kay Angel—ang manager ng isa sa branch ng Fluffy Cakes na madalas tambayan ni Darcangelo. Kaya naman tumawag muli siya sa Fluffy Cakes at tinanong niya kay Angel ang mga contact numbers ni Shaun. Agad naman nito iyong ibinigay sa kanya pero may sinabi ito na ikinagulat niya.

“Hindi pumasok ngayong araw si Sir Darc. At tumawag kanina si Sir Shaun para sabihing sa kanya na daw ulit kami magre-report. May nangyari bang masama kay Sir Darc?” tanong sa kanya ni Angel.

“Ahm, okay lang siya, Angel. May...kailangan lang siyang ayusing bagay,” pagsisinungaling niya rito. Umalis ba si Darcangelo ng bansa? Paano nito nagawang hindi magpaalam sa kanya? “Sige, Angel. Salamat ha,” aniya kay Angel bago niya tinapos ang tawag.

Nakaramdam siya ng panghihina. Pakiramdam niya’y in-absorb lahat ni Angel ang enerhiya niya kaya nawalan siya ng lakas. Tinungo niya ang kanyang kwarto dahil gusto niyang humiga sa kanyang kama. Doon na lang niya tatawagan si Shaun. Ngunit nagulat siya nang may makitang papel sa ibabaw ng kama niya. Agad na dinampot niya iyon dahil nagbabaka-sakali siyang galing iyon kay Darcangelo. At tama nga siya.

Kareene,

You’re the most stubborn woman I’ve ever known. But you’re also the most courageous one. Maybe ‘fearless’ is the right term to describe you. At first, I thought you were stupid but you’re far from that and I admire you then as much as I’m annoyed with you. Hindi ka takot na sumubok. Hindi ka takot na sabihin kung ano ang iniisip mo. Hindi ka takot na magtiwala kahit sa isang taong hindi mo naman dapat pagkatiwalaan. Hindi ka takot na magbigay ng tsansa sa isang taong hindi naman deserving. Hindi ka takot na magkamali kahit na alam mong sa una pa lang ay hindi ka na sigurado kung magtatagumpay ka sa huli. I know that you live by loving danger which makes you stupid but I admire your courage. I am the most dangerous person to ever come near you and you should be afraid of me but you did the opposite. You did the most fearless thing a person could even do—love me—the worst and undeserving person in the world to love.

Ikaw iyong tanging taong nakapagparamdam sa’kin ng tunay na pag-aalaga, pagtitiwala, atensyon, saya at pagmamahal kahit na hindi ko naman iyon hinihingi mula sa’yo. Hindi ka pa rin sumuko sa’kin kahit na ilang beses kitang itinaboy. Ikaw iyong rason kung bakit nabuhay ang puso ko. Ikaw ang bumuhay kay Darcangelo na ang tanging ginusto noon ay ang pagmamahal at kalinga ng isang tao. Ikaw ang dahilan kung bakit muli kong binigyan ng tsansa ang sarili ko na mabuhay. As in to live life. Really live life. You’re the reason why I feel again. I thought I was the most unwanted person in the world but you made me feel loved and cared for. You made me feel things that I thought I could never feel. You made me feel alive again. You made me normal.

The first moment we made love, it was the most beautiful thing that ever happened in my life. You are the most beautiful thing that ever happened in my life. I was so stupid and dumb to shove you off, then. Pero natakot lang ako noon dahil hindi ako makapaniwala sa mga sinabi mo. Hindi ako makapaniwala na nagawa mo akong mahalin. How could you? I’m nothing compared to you. I kill people, you help people. I’m a devil, you’re an angel. I’m a creature of darkness, you’re a creature of light. I’m born by mistake, you’re born by love. We’re the exact opposite of each other.

Nainis ako sa’yo noon dahil ipinaramdam mo sa’kin ang mga bagay na nakapagpahina sa’kin. Yes, you could make me bend and heed from you. See? The ‘I fear nothing’ statement should really come from you, not from me ‘cause you’re stronger than me. I acted like a scaredy-cat with you. Ang ironic, ‘di ba? I looked dark, strong and dangerous but my look is nothing compared to your courage. I meant it when I said you’re dangerous to me. You’re my kryptonite.

‘Tapos, na-realize ko na kaya pala gano’n ang nararamdaman ko dahil hindi ko mahal ang sarili ko. Kaya sabi ko sa sarili ko, bakit ikaw kaya mo akong bigyan ng tsansa at pagmamahal? Bakit hindi ko ‘yon gawin sa sarili ko? Kaya nang sumunod na nag-usap tayo at hiniling mo na subukan natin ang ‘tayo’, I heed. Dahil hindi na kita kayang labanan. Dahil tuwing tumitingin ako sa’yo at tuwing naiisip kita, palagi na lang akong natatalo. So, I gave in. I let my feelings broke free and I realized that I love you as much as you love me. Binago mo ang buhay ko. Kung iyon ang ibinigay na misyon sa’yo ni Professor, nagtagumpay ka. But my life with you ends here now. I love you so much that I want you to live normally like you used to.

Kaya patawarin mo ako kung kailangan kong idaan sa ganito ang pagpapaalam sa’yo. I know this way is insensitive and I know that you’ll hate me. Pero natatakot akong kapag nagpaalam ako sa’yo sa personal ay matatalo na naman ako. Kapag nakita kita, kukumbinsihin mo akong manatili ako kasama ka. Pero magiging selfish lang ako kapag nanatili ako sa tabi mo. I would let myself enjoy everyday with you knowing that any time soon, someone would hurt you. I can’t let that happen, K. I can’t risk your safety. I can’t let anything happen to you. So I have to stay away from you.

I’m sorry, Kareene. I’m saying goodbye not because I don’t love you anymore but because I love you. Buhay na ulit ang Rogue. Kapag nalaman nila ang relasyon mo sa’kin o kaya Professor, babaling sila sa’yo. This is for the best. But believe me, I love you. I never have said those things to you but I hope I had make you feel loved like what you did with me. I would treasure every moment I’ve had with you for the rest of my life. I hope you’ll find a man more worthy of you and who’s gonna love you more than himself.

Thank you for everything, Kareene.

Darcangelo

Pagkatapos niyang mabasa ang sulat na iyon ay nilamukos niya iyon saka galit na itinapon. Lumugmok siya sa kanyang kama at iniyak ang lahat ng kanyang reaksyon sa nabasang sulat ni Darcangelo. Paano nito nagawang isuko siya? May solusyon sa lahat ng problema. May paraan para maging ligtas sila. They could always go back to Palawan. They could always ask protection from River’s men. Bakit kailangang humantong ito sa desisyon na iwan siya?

“I hate you, Darc! I hate you, I hate you!” inis na sigaw niya habang umiiyak siya.

He just wants you safe, K, sabi naman ng isang bahagi ng isipan niya.

I am safe with him, sagot naman niya sa sarili.

Not with Rogue around.

Muli ay iniiyak niya ang lahat ng nararamdaman niya. Pagkuwa’y tinawagan niya si River at sinabi ditong umalis na si Darcangelo. Ang sabi nito’y maganda daw naman ang rason ni Darcangelo pero hindi nito naiintindihan ang sakit na nararamdaman niya. Bigla na lang umalis ang lalaking mahal niya. Bakit hindi na lang ito nambabae? Parang mas okay pa iyon kaysa naman sa hindi na niya ito makikita pa. At saka, bakit biglaan naman? Hindi man lang siya na-warning-an na iiwan na siya nito. Nakapaghanda pa sana siya.

Pero kahit na sinabi niyang iiwan na niya ako, I won’t ever be ready.

“READY?” TANONG KAY DARCANGELO ni Cross nang nasa tapat na sila ng pinto ng isang warehouse na headquarters ng Rogue. Magulo ang labas niyon at mukhang abandonadong gusali pero high-tech ang mga kasangkapan niyon sa loob. Nakabalik na sila sa Vancouver. Kailangan na niyang harapin si Tanya para matapos na ang lahat ng ito.

“I’m always ready,” seryosong sabi niya kay Cross.

“Not with a broken heart, you’re not. I preferred to be heartless than have my heart broken,” komento ni Cross.

“Hindi ko hinihingi ang opinyon mo,” malamig na sabi niya rito saka siya pumasok sa loob ng gusali. Hindi nito nararamdaman ang hirap at sakit na nararamdaman niya kaya hindi siya nito maiintindihan.

“Okay, fine. Showtime,” walang emosyong sabi nito nang mamataan nila ang natitirang Rogue na nakaupo sa sofa sa tambayan nila kapag naghihintay ng kliyente at misyon.

“Well, they’re all here,” pabulong na sabi niya kay Cross. Time to face our end.

“Let’s go.”

Nagpatiuna sa paglalakad si Cross kaya nauna itong makita ng mga Rogue na iyon. Binati ng mga ito si Cross ngunit hindi pinansin ng huli ang mga ito. Well, that’s Cross. The ever snob one. Pagkuwa’y sumunod siya kay Cross at doon nag-‘react’ ang mga ito. Kilala pala siya ng mga ito. Kanya-kanyang labasan ng mga armas ang pitong lalaking naroon na parehong mga naka-itim. They were all aiming at him. Of course, he was the Rogue who had gone rogue.

“Well, hello, fellas! Long time no see,” sarkastikong sabi niya sa mga ito. Dahil nakita na niya ang mga ito sa Black Chip ay pamilay na sa kanya ang mga lalaking ito. Ito ang mga lalaking hindi niya napatay dahil hindi niya kilala ang mga ito. Ang pitong natitirang Rogue. Plus, silang tatlo nina Cross at Tanya.

“Tanya needs him,” Cross told them in a lethal tone they surely did not want to mess with him. Pagkuwa’y hinila siya nito patungo sa isang kwarto na dating opisina ni Walter. Ngunit wala doon si Tanya. “She must be in the kitchen,” sabi naman ni Cross.

Kaya nagtungo sila sa kusina nang lugar. May narinig silang nagkakalampagang kasangkapan. Nang makarating sila sa kusina ay nakita nila si Tanya na nasa akto ng paghihiwa ng apple pie. May suot itong salamin, nakalugay ang copper brown nitong buhok at nakasuot ito ng simpleng pantalon, sneakers at sweatshirt. Hindi ito mukhang mamatay-tao. Sa halip ay mukha itong ordinaryong babae na mahilig magbasa ng libro. Pero sabi nga nila, looks can be deceiving. Hindi siya makapaniwala na magagawa ni Tanya ang lahat ng sinabi sa kanya ni Cross. Itinuring pa naman niya itong kaibigan.

“Tanya,” untag niya rito.

“X? Y-you’re here. Great! I prepared something for you,” nakangiting bungad nito sa kanya. Nilapitan niya ito at hinawakan sa siko.

“We need to talk, Tanya,” malamig na sabi niya rito.

“See you later,” paalam sa kanila ni Cross.

“Cross?” kunot-noong ani dito ni Tanya. Nagtanguan silang dalawa ni Cross bago ito lumabas. Nang silang dalawa na lang ni Tanya ang natira ay pinaupo niya ito sa isang upuan doon kaharap niya. “So, he told you everything, huh? I shouldn’t have trusted him,” pagkuwa’y sabi nito sa kanya.

“What’s the big deal? You’re gonna confess it all to me sooner or later, right? Cross just sped up the process for you,” walang emosyong sabi niya rito.

“That’s a bugger. I could’ve done it romantically. But okay then, I love you, X. I love you from the very first time I saw you. When Professor told us to live life freely, I hold on to that thought and I see you being free with me,” amin nito sa kanya. Tama ito. Hindi nga iyon ‘romantic’ lalo na’t wala siyang pagmamahal o pagkagusto na nararamdaman dito. Noon pa man ay kaibigan at kapatid na ang tingin niya rito.

“Cross told me that you’ve plotted everything that happened. What is really your plan? And what did you seriously think would be the outcome of all this?” seryosong tanong niya rito.

“I’m really sorry about Professor. I didn’t know Walter would kill him. I—“

“Of course you knew he’d kill him,” inis na singit niya rito.

“But I told him not to. I just want the Black Chip. I asked for it to him then, but he didn’t trust me with it. It was the only key to our freedom, X. So, I told Walter about Professor’s plan of getting out of Rogue. I didn’t know he’ll kill Professor or hurt you. I’m sorry. But I wanted to be free and I want you to be free with me. I needed that chip to know every Rogue in the whole world for me to kill every one of them. So, when we’re free, no one will hunt us down and kill us. But then, you did all the work for me. We could kill the remaining Rogues except for Cross and get out of here. We’ll be free. What do you think?”

Hindi niya inakalang makakaisip si Tanya ng ganoon. Nalungkot siya para dito dahil mali ang paraan nito ng pagpapakita sa kanya ng pagmamahal. Pero sino ba naman siya para pigilan ito sa nararamdaman nito sa kanya? Hindi nga niya napigilan ang kanyang sarili na mahalin si Kareene sa loob lang ng isang linggo, ito pa kayang nakasama niya sa loob ng pitong taon? Hindi man niya tinatanggap ang pagmamahal nito’y alam niya kung ano ang pakiramdam kung paano magmahal.

“Look, Tanya. I’m sorry about your mom and...Walter. I’m sorry about everthing that happened. And I’m sorry that I can’t return whatever feelings you have for me. I understand your love but I don’t understand your way of showing it,” seryosong sabi niya rito. Sukat sa sinabi niya’y lumapit ito sa kanya at lumuhod sa harap niya.

“What do you want me to do, X? I have Walter’s money now. I can give you everything you want,” pakiusap nito sa kanya.

“I don’t need anything, Tanya.” I need Kareene.

Sana ay maayos ang lagay ni Kareene sa Pilipinas. Sana ay pino-protektahan ito ni River katulad ng usapan nila. Sana ay hindi ito labis na nasaktan sa pag-alis niya. Sana, sooner or later, ay maka-get over din ito sa lahat ng nangyari at makahanap ito ng isang lalaking mas makapagmamahal dito kaysa sa kanya. She only deserves the best guy in the world. Someone perfect for her.

“Why can’t you love me? I can change for you. Am I not sexy enough? I could...I could—“

“Tanya, don’t do this. You’re just making me feel bad,” aniya rito. Inalalayan niya itong makatayo. “I’m really sorry about this,” aniya rito.

Kasunod niyon ang putukan ng baril sa labas. Hiniling niyang sana’y nakalayo na doon si Cross. Alam niyang ayaw magpakulong ni Cross, pero siya ay handa na.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.