“Ilang anak ang gusto mo?”
“Dalawa?”
“Make it five,”
“Wow, 'eh 'di ikaw na ang may matris,” natatawang sabi ni Suzy habang abala siya sa pag aahit ng balbas ni Juancho.
Naroon sila sa banyo habang nakaupo siya sa counter ng lababo at ito naman ay nakatayo sa pagitan ng mga hita niya.
Buong araw silang magkasama pero parang kulang na kulang pa rin ang mga oras na magkasama sila. Sa tuwing magtatama ang mga mata nila ay hindi nila mapigilan na halikan ang isa’t isa at muling pagsaluhan ang mainit na mga sandali.
Sabi ng iba ay masakit daw sa una ang pakikipagtalik pero hindi naman niya naramdaman iyon kay Juancho.
Yes, he was huge! Pero hindi nito hinayaan na masaktan siya ng sobra. Naroon pa rin ang kirot pero nakaya niyang kontrolin iyon sa tulong na rin ng lalaki.
Kaya lang nang magising siya kaninang umaga ay parang doon na tuluyang pinarusahan ang katawan niya. Masakit ang mga hita niya kaya nahihirapan siyang maglakad ng maayos.
Naawa naman sa kaniya si Juancho dahil nang pilitin niya itong mag ahit ay binuhat pa siya nito at dinala sa banyo.
Tanging bra lang niya at jersey short na nadampot niya sa cabinet ni Junacho ang suot niya. Wala siyang baon na damit dahil ang lintik na mga kapatid niya ay basta na lang siya dinala sa isla Camito na tanging ang damit lang niyang suot ang bitbit niya.
Si Juancho naman ay boxer shorts lang ang saplot sa katawan. Nang mapatingin siya sa mga pilat sa katawan nito ay hindi niya mapigilan ang mapabuga ng malalim na hininga. Tapos na siyang ahitan ang lalaki kaya pinunasan na niya ng malinis na face towel ang mukha nito at ang kamay niya.
Mamaya ay hindi niya mapigilan na haplusin ang mga pilat nito sa katawan. Hindi niya alam kung gaano kasakit ang naranasan nito noon. Hindi man lang niya ito nakita o nabantayan noong mga panahon na kailangan siya nito.
“Anong iniisip mo?” tanong niya nang mapansin ang pananahimik ni Juancho.
“You. Only you.”
Napangiti siya sa narinig at nagsimulang haplusin ang malapad na dibdib nito. Narinig niya ang malakas na pag ungol nito tanda nang pagprotesta sa ginagawa niya.
“I’m proposing, love. Huwag mo na muna akong idistract.” nangingiting sabi nito.
“P-proposing?” nagulat siya at napasinghap nang ipulupot nito ang mga braso sa baywang niya.
Pinangako siya nito habang ang mga binti niya ay nakayapos sa baywang nito.
“Hindi pa ba obvious? Magtatanong ba ako kung ilang anak ang gusto mo kung hindi pa pagproprose ang ginagawa ko ngayon?”
Nanlaki ang mga mata niya at hindi agad nakahuma. Ihiniga siya nito sa malambot na kama at saka ito umibabaw sa kaniya.
“Holy shit! Totoo ba ito?”
“I am fucking serious!” natatawang sinabayan nito ang pagmumura niya.
Gusto niyang umiyak ng todo pero nawala ang momentum nang maramdaman niya ang mainit at matigas na bagay na dumikit sa isang hita niya.
“Oh Jesus! Not now.. please…” ungol ni Juancho at naiinis na ibinaon ang mukha sa leeg niya.
“Dirty wedding proposal ever!” buska ni Suzy.
Sa isang siguradong kilos nito ay bigla nitong binuhay ang init sa katawan niya. Kumilos ang isang kamay nito at umilalim sa suot niyang jersey shorts.
“Can we fuck now, love? Seryoso din ako.” Kagat labing sabi niya.
“No, not fuck.”
“Make love?”
"Yes."
“Without condom.”
“Jeez! Mondemar! Wala ka naman talagang stock, kahapon pa tayo walang ginagamit na condom.”
Magkasabay pa silang napahalakhak bago nito tuluyang inangkin ang mga labi niya.
***END***