Monstrous Academy 1: Gangster's Love Chapter 35

35: Civil

-

Two months na ang nakalipas at comatose pa rin si Zea, kahit anong mangyari ay hindi kami nawawalan ng pag-asa na magigising na siya.

Nakakalungkot lang isipin na hindi pa rin naging dahilan ang nangyari kay Zea para magkabati ang lima, pero kahit ganoon ay naging civil naman sila. Chill lang at walang away, mas okay na iyon kaysa makita silang mainit sa isa’t-isa.

Summer break ngayon at kasalukuyan akong nags-stay sa bahay ni Thunder. Malinaw pa rin sa isipan ko ang sinabi ng daddy niya sa akon two months ago. Halos araw araw ko ring pinag-iisipan ang paglipat ng school ngayong pasukan.

Maraming nangyari sa loob ng dalawang buwan. Napostpone ang Ground zero dahil sa dami ng sumaling grupo. Na-extend din ang pagiging keen’s leader ko dahil ngayong school year pa raw darating ang papalit na leader.

Si Jasper at Emerald naman ay one week nang in a relationship. Sila Liam at Ayesha naman ay M.U ang status.

Si Matthew ay patuloy pa rin sa panliligaw kay Tymee. Si Axel? Well madalas ko siyang kasama nitong mga nakaraang buwan dahil nga siya ang katulong ko sa pagiging leader ng mga keen.

Si Jiro ay halos sa hospital na nakatira. Laking pagsisisi niya dahil sa pagkakamaling nagawa niya noon. Lagi niyang kinakausap si Zea dahil ang sabi ng doctor ay makakatulong daw iyon para magising siya.

At kami ni Thunder....

“Ulan, ang tagal mo naman maligo! Ano bang milagro ang ginagawa mo d’yan sa loob?!” Sigaw niya mula sa labas ng pintuan. Kasalukuyan akong nagbababad dito sa bathtub. Minsan kasi ay natutuwa ako pag-iniinis ko siya, para kasi siyang bata.

“5 minutes pa!” Sigaw ko pabalik.

“What? Papasok na ko d’yan sa loob.” Iniikot-ikot niya iyong doorknob kaya napilitan na akong umahon. Ilang minuto lang ay lumabas na rin ako, at syempre nakabihis na rin. May lakad kasi kami ngayon.

Bawat oras na kasama ko si Thunder ay mahalaga para sa akin. Natatakot kasi ako na baka sa isang iglap lang, hindi ko na siya kasama at ang kinatatakot ko ay baka magtanim siya ng galit sa akin once na iwanan ko siya ng biglaan.

“Ano bang pinakain mo sa’kin? Ilang minuto lang kitang hindi makita, namimiss na kita agad.” Ngumuso pa siya sa harapan ko, kaya napangiti ako ng tipid. Lalo akong mahihirapan magdesisyon pag ganito siya sa akin.

“Tigilan mo nga ‘yang biglaang banat na ganyan.” Naiiling kong nang lagpasan ko siya pero laking gulat ko na lang nang maramdaman ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran. Ipinatong rin niya ang kanyang baba sa balikat ko, dahilan para maramdaman ko ang bawat paghinga niya.

“Mahal na Mahal kita, Ulan.” Paglalambing niya sa akin. Ngumiti naman ako at humarap sa kanya.

“Mahal na Mahal din kita, Kulog.” Nginitian niya ako pabalik at saka dahan-dahang yumuko para magdikit ang mga labi namin. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya habang marahang gumagalaw ang labi naming dalawa. Ewan ko ba, parang ayokong matapos ito.

Mas lumalim pa ang halik niya sa akin at masyado siyang nadala to the point na isinandal na niya ako sa pader.

“Porn porn!” Sigaw ng pamilyar na boses. Agad kong tinulak si Thunder at lumingon kay Liam na nakatayo sa pintuan.

“Walangya kang squidward ka. Anong porn?! At ikaw na pandak ka, ano ‘yang pakagat-kagat labi mo? Tigilan mo nga ‘yan. Nakakadiri!” Reklamo ni Thunder nang lapitan niya ang dark demons. Sa loob ng dalawang buwan ay napalapit na siya sa tropang sisiw at ganun din ako. Ang saya nila panuorin pero mas masaya sana kung ganito rin ang Dark.

“No fun, no fun.” Komento ni Ramon. Napahawak na lamang ako sa pisngi. Nakakahiya, bakit kasi kailangan pa nilang makita iyon?

Ilang minuto ang lumipas at umalis na kami. Nakasakay ang tropang sisiw sa sasakyan ni Jin kasama si Liam, habang ako naman ay nakaangkas sa motor ni Thunder.

Papunta kami kila Ayesha ngayon. Walang tao sa kanila kaya magpaparty party daw doon. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na kami roon. Agad dumiretso sa karaoke ang mga lalaki habang kami ni Ayesha nagkwentuhan lang.

“Beb. Malapit na tayong magsecond year. Napag-isipan mo na ba? Baka may iba pang paraan.” Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti ako ng tipid. Sa ngayon, siya lang ang nakakaalam ng problema ko, wala nang iba.

“Pinag-iisipan ko pang mabutㅡwait lang beb.” Paalam ko dahil biglang nag-ring ang phone ko. Tumayo ako at lumabas dahil maingay sa loob.

“Axel. Napatawag ka?”

“Wala lang. Haha nasaan ka?”

“Nandito ako kila Ayesha. Ikaw? Nasa hospital ka ba?”

“Wala.”

“Ah ganun ba? Oh sige, ibababa ko naㅡ”

“Wait!” Kumunot ang noo at hinintay ang sasabihin pa niya pero hindi siya nagsalita.

“Axel, may sasabihin ka pa ba?”

“Ah, eh. Wala, sige na ingat ka. Bye.” Napatingin na lamang ako sa phone ko nang ibaba niya ang tawag. Tinopak na naman siguro ang lalaking iyon at walang mapagtripan.

“Sinong kausap mo?” Napalingon ako nang lumabas si Thunder.

“Ah wala, si Axel lang. Mukhang walang mapagtripan kaya tinawagan ako ng walang dahilan. Tara na?” Aya ko at saka kami sa loob.

Kinabukasan, naisipan namin ni Thunder na bumisita kay Zea. Nasa tapat na kami ng kwarto pero ayaw pa rin niyang pumasok.

“Bakit?” Tanong ko nang hawakan ko ang kamay niya.

“Sa pasukan.. magkasama pa rin tayo ‘di ba?” Nanlaki ang mata ko sa tanong niyang iyon. May alam na ba siya sa nangyari?

“H-ha? Anong ibig mong sabihin?”

“Napanaginipan ko kasi kagabi na... pagdating natin ng second year. Hindi na tayo magkasama.” Ngumiti ako ng tipid at saka nag-iwas ng tingin, pakiramdam ko ay maluluha ako.

“H-hindi ‘yon mangyayari. Hindi kita iiwan. Tara na.” Pilit kong pinigilan ang nagbabadyang luha at hinatak siya sa papasok sa loob ng kwarto kung saan naroon ang buong Dark.

Ayokong magsinungaling kay Thunder pero kailangan. Sa ngayon, ayoko munang isipin ang problema.

“Anong meron? Bakit nandito kayong lahat?” Tanong ko.

“Ayaw mo ba? Tara alis na tayo.” Akmang tatayo sana si Matthew pero hinampas ko ang braso niya. Masaya akong makita na bumalik na sila sa kanya-kanya nilang sarili, pero gaya nga nang napag-usapan nila. Tuloy pa rin iyong deal.

“Malapit na yung ground zero. Kamusta naman yung grupo mong D’monsters?” Tanong ni Thunder kay Matthew.

“Sisiguraduhin kong mananalo ang grupo ko.” Confident na confindent na sagot ni Matthew.

“Tch, Crowned kings pa rin.” Pagsingit ni Jiro. Tinignan niya pa ako at nginitian ko lang siya ng tipid.

“Tsaka na kayo magyabang pag nag-umpisa na yung ground zero.” Sabi ni Thunder nang maupo kami malapit kila Axel at sa hindi malamang dahilan ay biglang natahimik sa buong kwarto. Awkward.

“Bibili ako ng beer.” Pangbasag katahimikan ni Jasper.

“Bawal alak dito.” Walang emosyong paalala ni Axel.

“Hindi naman ikaw yung bibili so, shut up na lang.” Natawa ako ang tipid dahil sa narinig. Okay na sa akin iyong ganito. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa na magkakaayos sila. Sure ako na one day ay mabubuo ulit ang Dark.

“Oo nga pala. Anong sabi ng doctor? May pagbabago na ba sa kalagayan ni Zea?” Tanong ko nang lumapit ako kung saan nakaupo si Jiro, malapit kasi siya kay Zea.

“May posibilidad daw na magising na siya dahil may mga pagkakataon na gumagalaw yung daliri niya.” Sagot ni Jiro habang nakahawak sa kamay ni Zea. Napangiti lang ako at ginawa niyang iyon, sa wakas at willing na siyang buksan ang puso niya para sa asawa niya. Kailan niya kaya iyon magagawa kay Thunder? Para naman magkaayos na sila.

Habang pinagmamasdan ko si Zea ay nakaramdaman ako ng ibang tensyon dito sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung imagination ko lang ba iyon o sadyang kakaiba lang talaga ang atmosphere dito sa loob.

“Nagugutom ako. Kumain na ba kayo? Bibili ako ng makakain.” Humarap ako sa gawi nila Thunder at nakita ang mga ekspresyon nila.

“Hindi sila gutom. Tara umuwi na tayo.” Aya ni Thunder nang tumayo siya at lumapit sa akin.

“Anong problema? Kararating lang natin.” Sabi ko habang hatak-hatak niya ang kamay ko. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya kaya nagpaalam na ako sa mga kasama namin. “Mauna na kami.”

Hindi kumikibo si Thunder. Ano bang problema niya? Bigla na lang nagbago ang mood niya, dahil ba lumapit ako kay Jiro?

Pagdating namin sa tapat ng motor niya ay tumayo lang ako at walang balak na sumakay. “Bakit nakatayo ka pa d’yan? Let’s go.”

“Anong nangyayari sa’yo? Bakit bigla bigla kang nagkakaganyan?”

“Wala.” Napairap ako sa sagot niya, seriously, tingin niya ba maniniwala ako na walang dahilan?

“Mauna ka ng umuwi.. Dito lang ako.” Akma na sana akong hahakbang pero hinawakan niya ang kamay ko para pigilan.

“Wala nga lang ‘to. Tara na, please?” Pagpupumilit niya at napabuntong hininga na lamang ako. Hangga’5 maaari at ayoko siyang awayin. Gusto kong sulitin lang ang isa pang buwan na kasama siya.

Napagdesisyunan ko na rin naman na isang linggo akong mag-aaral sa Monstrous bilang second year at pagtapos noon ay babalik na ako sa dati kong school.

Pag-uwi namin ni Thunder ay dumiretso siya sa itaas, habang ako naman nanatili lang dito sa labas para magpahangin. Naiisip ko pa lang na iiwan ko si Thunder ay naiiyak na ako. Pakiramdam koㅡako na ang pinakawalang kwentang tao sa mundo.

“Ang lalim ng iniisip mo, ah.” Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Thunder, nilingon ko siya at nginitian.

“Iniisip ko kung bakit bigla ka na lang nag-ayang umuwi.” Pagsisinungaling ko at nginisian niya lang ako. Kumunot ang noo ko dahil doon pero agad din iyong nawala nang iharap niya ako sa kanya. “Bakit? Maglalambing ka na naman?”

Umiling siya sa tanong ko. Dahan-dahan lang siyang lumapit sa akin at may kung anong ikinabit sa leeg ko. Lumayo siya ng kaunti habang nakatingin sa kwintas na isinuot niya sa akin.

Hinawakan ko naman iyon para tignan, ulap na may raindrop at payong ang pendant habang kidlat naman ang design noong lock. Napangiti ako at binalik sa kanya ang tingin.

Napangiti ako at binalik sa kanya ang tingin

“Para saan ‘to?”

“Wala lang, nung nakita ko kasi ‘yan, ikaw agad ang pumasok sa isip ko kaya binili ko.” Hinawakan niya ko sa baywang at saka hinatak palapit sa kanya. “I love you.”

“I love you too. Salamat dito.” Nginitian namin ang isa’t-isa bago niya ako halikan sa noo. Maya-maya lang ay pumasok na rin kami sa loob. Nanuod kami ng movies pero nakatulog siya.

Iniwan ko siya doon sa kama at bumaba para magluto sana ngunit walang kalaman laman ang ref niya.

Umakyat ulit ako sa taas para kunin ang wallet ko. Masyadong mahimbing ang pagkakatulog niya kaya hindi niya ako naramdaman. Hindi ko na rin siya ginising at nagpunta sa market.

Agad akong namili ng mga groceries at halos inabot na ako ng gabi bago mabili ang dapat bilhin. Nagmadali na lamang ako sa paglalakad pero dahil sa bilis ko ay hindi ko namalayan na may makakabangga ako. Nahulog tuloy ang mga plastic na dala ko.

“Nako, sorry miss.” Sabi ng babaeng nakabangga ko habang tinutulungan ako nitong pulutin ang mga pinamili ko.

“O-okay lang. Nasaktan ka ba?”

“Hindi naman, pasensya ulit.” Inabot niya sa akin ang plastic at saka nagmadaling umalis. Balak ko na rin sanang umalis ngunit may nakita akong maliit na name tag sa sahig, pinulot ko iyon at tinignan.

“Amanda Barrios.” Agad akong lumingon sa paligid pero wala na iyong babae. Nandito siya? Yung babaeng unang una sa Xlist? Anong ginagawa niya sa lugar na ‘to?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.