Monstrous Academy 1: Gangster's Love Chapter 38

38: Unexpected

-

Thunder’s POV

Hindi ko alam kung anong meron ngunit tanging ingay lang ang naririnig ko mula sa labas. Pagbangon ko ay wala na si Jiro sa kama niya kaya naman nagmadali ako sa pag-aasikaso para mapuntahan si Rain sa kwarto niya.

Nang matapos ay agad akong lumabas ng dorm. Naalala kong opening nga pala ng clubs para sa mga freshman ngayong araw. No wonder kung bakit ang ingay sa buong Academy.

Malapit na ako sa girl’s dorm nang bigla akong lapitan ni Liam. “Sinong pupuntahan mo? Wala si Rain d’yan, nakita ko siya kanina. Hinila siya ni Jiro papunta sa parkingㅡ”

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at agad bumalik sa dorm para kunin ang susi ng motor ko. Paalis na sana ako nang saktong nag-text si Rain.

“Kulog, nandito ako sa hospital ngayon. Kasama ko si Jiro, gising na kasi si Zea. Sunod ka rito kapag gising ka na. I love you.”

Dali-dali akong tumakbo palabas at nagpunta ng hospital. Ilang minuto lang at nakarating na ako roon, nakasalubong ko pa si Jiro ngunit hindi kami nagpansinan. Nasa labas na ako ng kwarto ni Zea at hawak ko na ang doorknob ngunit hindi ko pa nagawang buksan dahil narinig ko ang boses ni Rain.

“Alam kong hindi ‘to maganda pag-usapan ngayon, pero masaya akong makausap ka bago ako umalis.”

“What do you mean?”

“May limang araw na lang ako para manatili sa Monstrous. Sunday morning aalis ako. Babalik na ko sa dati kong eskwelahaㅡ”

Sobrang nasaktan ako sa mga narinig kaya naman pumasok na ako sa loob. I thought hindi niya ko iiwan pero ano itong mga naririnig ko?

“T-thunder.”

“Bakit Rain? May balak ka bang sabihin sa’kin ang mga sinabi mo ngayon lang?” Naiyukom ko ang mga kamao ko dahil sa galit at sakit na nararamdaman ko mga oras na ito. “Aalis ka nang hindi ko alam?”

“Thunder, let her explain. May rason kung bakit gagawin ‘yon ni Rain.” Pagsingit ni Zea pero walang ibang pumapasok sa isip ko ngayon.

Lumabas ako ng kwarto at nagmadaling lumayo. I may act childish right now pero ngayon ko lang naramdaman ‘to. Ngayon lang ako nasaktan ng ganito ng dahil sa isang babae.

Paanong iiwan niya ako ng hindi nagsasabi sa’kin? Ano? Pagmumukhain niya akong tanga? Na magigising na lang ako isang araw na wala na akong makikitang Rain? That’s pure bullshit!

Sumakay ako sa motor at nakita na lang ang sarili kong naluluha. Bakit lagi na lang akong iniiwan? Mahirap ba akong pakisamahan? Noong wala ang mga magulang ko, Dark ang nagsalba sa akin, at noong nawala ang Dark ay si Rain ang nand’yan para sa akin. Ngayong iiwan ako ng kaisa-isang meron ako ngayon, ano nang mangyayari sa’kin? Magiging miserable ulit? Pagod na kong maiwan!

Rain’s POV

Halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan. Para akong naging estatwa sa mga oras na nagsalita si Thunder. Walang boses ang lumalabas sa bibig ko, ni hindi ko nga iyon magawang ibuka kahit na ang dami kong gustong sabihin.

Pagbalik ni Jiro sa kwarto ay doon lang nag-sink in ang lahat sa utak ko ang sitwasyon.

“Zea, sorry. Susundan ko lang si Thunder.” Paalam ko at saka dali-daling tumakbo. Wala akong ideya kung saan pumunta si Thunder, ngunit isang lugar lang ang pumasok sa isip ko na pwede niyang puntahan.

Nagbabakasakali na naroon siya sa park ay pumunta ako roon ngunit pagdating ko ay wala siya kaya naman naisipan kong bumalik sa Academy.

Halos isang oras na ang lumipas at sinusubukan ko pa ring kontakin si Thunder. Kung nasa Academy nga siya ay malamang kanina pa siya naroon dahil motor ang gamit niya.

Habang nakahinto ang bus na sinasakyan ay may isang pamilyar na lalaki akong nakita sa labas.

“Axel?” Agad akong bumaba ng bus at sumakay sa motor niya ng walang pasabi.

“Rain? Anong ginagawa mo? Saan ka galing? Bakit bigla-bigla kang sumusulpot?” Sunod-sunod na tanong niya habang nakalingon sa akin.

“Galing akong hospital. Pabalik na ako sa Academy, hinahabol ko si Thunder. Nalaman niya kasing aalis ako.” May 2 minutes pa naman bago mag-go kaya ikinwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari.

“Kumapit ka. Isuot mo ‘to.” Sinuot niya sa akin ang helmet na hinubad niya at mabilis akong napakapit sa suot niyang Jacket. Pagkagreen na pag-green ng traffic light ay agad siyang humarurot sa pagmamaneho, dahilan para mabilis kaming makarating ng academy.

Hindi ako nagkamali, nandito na nga si Thunder dahil nakita ko ang motor niya sa parking lot. “Samahan mo ako sa boys dorㅡ”

“No. Kapag frustrated si Thunder, doon siya nagkukulong sa hideout.” Pagputol ni Axel sa sasabihin ko kaya naman kumaripas kami ng takbo papunta roon.

Balak ko na sanang pumasok sa hideout ngunit hindi ko inaasahan ang makikita ko sa loob since glass door ang pinto ng hideout nila.

Tama bang nakita ko kung paano hatakin ni Thunder si Amanda para halikan?

Napahawak na lamang ako sa dibdib ko at tila naging estatwa mula rito sa kinatatayuan.

Kahit masakit ay hindi naalis ang tingin ko sa kanila. Kitang-kita ko kung paanong sampalin ni Amanda si Thunder, matapos noon ay lumabas siya at parang nakakita ng multo nang makita niya ako. May gusto siyang sabihin ngunit mas pinili niya kaming lagpasan.

“Rain.” Tawag ni Axel pero hindi ko pa rin magawang gumalaw hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagpatak ng mga luha sa pisngi ko. “Tara.”

Hinatak niya ako papasok sa loob kung nasaan si Thunder. Nakatingin lang siya sa amin ngunit hindi ko inasahan ang sunod na ginawa ni Axel. Hinalikan niya ko sa harap mismo ni Thunder ngunit wala akong ginawa. Hindi dahil sa gusto ko kung hindi dahil pakiramdam ko ay wala ako sa sarili ko. Hindi ko na alam ang nangyayari.

Bumalik lang ako sa katinuan nang biglang suntukin ni Thunder si Axel.

“Tama na!” Sigaw ko at saka siya itinulak palayo kay Axel. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit at sakit, oo alam kong nasaktan ko siya pero tama ba na kapag nasaktan ay gagawa na ng kalokohan? I mean kissing someone else? Parang iba naman yata iyon.

“Ano? Masakit bang makita na may kahalikang iba ang taong mahal mo?! Hindi ako nagbulagbulagan ng matagal para makitang nasasaktan si Rain! Kung ang paghalik sa iba ang magtatanggal ng sakit na nararamdaman mo ngayon, pwes putangina mo! Sana pinakinggan mo muna ang dahilan ni Rain kung bakit siya aalis!”

Halos mapahawak ako sa bibig dahil sa inasta ni Axel, kwinelyuhan niya si Thunder at bukod doon ay ito ang unang pagkakataon na makita ko siyang ganito.

“Kung uulitin mo pa ang kagaguhang ginawa mo kanina. Ako na mismo nagsasabi sa’yo, agagawin ko si Rain.” Hinatak niya ako at bago tuluyang makalayo ay nilingon ko si Thunder. Nakatingin siya sa akin ngunit agad din akong umiwas.

Oo alam kong mali ako dahil hindi ko sinabi sa kanya ang problema, sana pinakinggan niya muna ang paliwanag ko. Mahirap din naman sa akin magdesisyon ng mag isa. Halos tatlong buwan akong nag-isip. Nasasaktan din naman ako sa naging desisyon ko, pero anong magagawa ko?! Anong laban ko sa tatay niya?

“Rain. Please stop crying.” Sabi ni Axel nang makalabas kami ng hell’s gate.

“Salamat Axel, pero sana hindi mo na ginawa ‘yon. G-gusto ko munang mapag-isa.” Tumango lamang siya na may dissapointment sa mukha kaya naitago ko ang labi ko at agad bumalik ng dorm kung saan nakasalubong ko si Tymee at Emerald.

“Rain, okay ka lang ba?” Tanong ni Emerald nang hawakan niya ko. Isang tango lang isinagot ko bago sila nilagpasan.

Ilang oras ang lumipas ay natapos na ang event at kahit paano ay nahismasmasan na rin ako dahil nakapaglabas na ako ng sama ng loob kay Ayesha. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papunta sa cafeteria para mag-dinner.

“Beb, sure kang okay ka na?” Paninigurado niya at tumango lamang ako habang nakangiti.

Pagdating namin sa cafeteria ay nakasalubong namin si Liam. Sabay-sabay kaming kumuha ng pagkain at naupo sa usual spot naming tatlo. Sinubukan ko pang hanapin si Thunder sa paligid ngunit ni anino niya ay hindi ko makita.

“Rain. Can we talk?” Tanong ni Amanda nang lumapit siya sa akin. Nagtinginan muna kami ni Ayesha bago ako tumango at lumipat ng upuan kung saan kaming dalawa lang ni Amanda ang magkasama. “What you saw earlier. Uhm hindi sa pinagtatanggol ko si Thunder, ah? Actually naiinis ako sa ginawa niya but I know he’s out of control. He’s drunk...”

“...Nabigla na nga lang ako nang hatakin niya ako papasok sa hideout nila para ayaing uminom. Wala kang dapat ipag-alala sa’kin dahil hindi ko naman type si Thunder. Wag ka sanang magalit sa’kin.” Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti lang ako ng tipid.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa sunod-sunod na pag-vibrate ng phone ko. Nagmadali akong kunin iyon sa ilalim ng unan at tinignan kung sino ang tumatawag.

Aaminin ko na umaasa akong Thunder ang makikita kong pangalan sa screen pero hindi. Mukhang nasaktan talaga namin ang isa’t-isa kaya baka kailangan muna namin ng oras para mahimasmasan sa nangyari kahapon.

“Hello, Jasper. Napatawag ka?”

“Where are you?”

“Bakit? Ang aga pa, ah.”

“Bumaba ka. Nandito ako sa harap ng malaking puno sa gilid ng main building.” kumunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon.

“Ngayon na talaga?”

“Oo. You need to see this.”

“O-okay.” Kahit inaantok pa ay bumangon ako at nag-asikaso.

“Ano bang meron?” Tanong ko nang magkita na kami ni Jasper, ngunit imbis na sumagot ay umalis siya sa pagkakaharang sa puno, napahawak na lamang ako sa bibig ko dahil sa nakita.

Picture ko at may nakatusok na kutsilyo. Napatingin ako kay Jasper.

“Pupunta sana ako sa girl’s dorm para batiin ng good morning si Emerald ng personal pero, napansin ko ‘to. Sino naman kaya ang gagawa n’yan?” Nagkibit balikat lamang ako at hindi inaasahan na biglang susulpot si Thunder sa kung saan.

Ramdam na ramdam ko ang pagwawala ng puso ko kaya naman napalunok ako at tila hindi mapakali.

“Ah, eh. Sige Jasper, mag-aasikaso na ako.” Nagmadali akong hatakin ang picture na nasa puno at hahakbang na sana palaypero biglang nag salita si Thunder.

“Aalis kana rin naman sa linggo ‘di ba? Kung gano’n, ngayon pa lang maghiwalay na tayo.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.