Monstrous Academy 1: Gangster's Love Chapter 49

49: Inferno Vs. Dark demons

-

Minabuti ko nang bumalik ng Academy. Isang linggo na rin ang nakakalipas, hindi ako pwedeng magmukmok lang dahil sarili ko rin namang katangahan kung bakit ito nangyayari.

“Bumalik na siya.”

“Kawawa naman si Thunder, mukhang nasaktan talaga siya sa nangyari sa girlfriend niya.”

“Mabuti nga ‘yon eh, masyado kasing attention seeker ang babaeng ‘yon.”

Nagpintig ang tainga ko dahil sa narinig. Mabilis kong nilapitan ang babaeng nagsabi noon at saka ito hinawakan sa leeg.

“Gusto mo bang baliin ko ang leeg mo?!” Sigaw ko ngunit may bigla na lang humila sa akin palayo, mabilis namang tumakbo ang mga walangyang babae na iyon at naitulak ko na lang ang humila sa akin.

“Thunder ano ka ba?!” Sigaw ni Liam.

“May laban tayo sa ground zero mamaya. Maghanda kayo.” Walang emosyon kong sabi at saka naglakad papuntang classroom. Naiirita man ako sa mga tingin ng ibang estudyante, wala akong magagawa kung hindi ang dedmahin sila.

Marahas kong binuksan ang pinto at tila naging estatwa ang mga kaklase ko. Tinignan ko lang sila ng masama at dumiretso sa upuan.

“Hindi ka ba nakokonsensya sa ginawa mo kay Rain?” Tanong ni Jiro pero hindi ko iyon pinansin. Ramdam na ramdam ko ang galit niya sa akin at kung hindi pumasok ang prof malamang ay masasapak na niya ako.

“Mr. Cross, I know what you’ve been through, but it’s not right na umabsent ka ng isang linggo ng wala man langㅡ” Hindi na ako nakapagpigil at napatayo na lang. I hate the attention they’re giving, bullshit!

“Buhay ko ‘to kaya wala kang pakialam kung kailan ko gustong pumasok.” Marahas akong naglakad papunta sa pintuan at binuksan iyon. Nagpunta ako ng rooftop para doon maglabas ng sama ng loob, hindi ko na rin napigilan ang sarili at naluha na lang.

Umupo ako sa isang sulok bago pumikit, nagbabakasali na panaginip lang ang lahat ng ito. Na sana pagmulat ko ng mga mata ko ay nandito na si Rain.

“Ano ba talagang nangyari?” Tanong ni Jiro kaya napamulat ako, mabilis kong pinunasan ang luha sa pisngi ko at saka tumayo.

“Kahit naman sabihin ko hindi ka maniniwala.”

“Handa akong tumulong, napamahal na sa’kin si Rain. Hindi ako pwedeng tumunganga lang, alam kong may dahilan ka, ipaintindi mo sa’kin.” Agad ko siyang nilingon at wala na akong nagawa kung hindi ikwento ang buong pangyayari. Kung bakit ko nagawa ang bagay na iyon, at isa pa. Hindi ko kasabwat sila Amanda kaya wala silang kasalanan dito.

Liam’s POV

Hindi ko alam ang totoong dahilan ni Thunder kung bakit niya iyon nagawa kay Rain. Oo galit ako pero wala akong karapatan dahil hindi ko alam ang buong pangyayari, hindi ako pwedeng magpadala sa nararamdaman.

Unang kita ko pa lang kay Thunder ngayong araw, alam ko nang bumalik na siya sa dating siya. Sa dating Thunder na wala pang Rain sa buhay niya.

“Bumalik na si Thunder.” Sabi ko kay Ayesha ngunit hindi siya kumibo. Nag-aalala na rin ako sa kanya, madalas na siyang tahimik simula noong makita niya ang balita tungkol kay Rain.

“Oo nga pala, may laban daw tayo mamaya sa ground zero.” Paalala ko at tumango lang sila Jin na ngayon ay kasabay namin ni Ayesha sa pagkain.

Maya-maya lang ay napuno ng ingay ang cafeteria dahil sa pagpasok ni Thunder. Agad siyang naupo sa pwesto namin at tanging pagtitig ng masama lang ang ginawa ni Ayesha sa kanya.

“Kapal din talaga ng mukha mo no? Saan ka nakakakuha ng lakas ng loob?” Madiing saad ni Ayesha pero hindi na ulit siya nagsalita dahil biglang kwinento ni Thunder ang lahat ng pangyayari sa amin. Matapos noon ay nag-walk out si Ayesha at hindi ko na siya nagawang sundan pa dahil pinigilan ako ni Thunder.

“Hayaan mo muna siya, pag-usapan natin ngayon ‘yung ground zero.” Sabi niya at tumango na lang ako kahit na hindi ako sang-ayon. Matapos niyang ikwento ang nangyari, hindi ko alam kung tama pa bang kampihan ko siya.

Sabihin na nating pamilya ang dapat niyang unahin pero, ang gawin ‘yon kay Rain nang hindi man lang humihingi ng tulong sa amin? Parang wala naman siyang utak.

“May plano ako.” Biglang sabi ni Thunder kaya naman lahat ng atensyon namin ay napunta sa kanya.

“Wag ka ng magalit.” Pagsuyo ko kay Ayesha. Nagagalit kasi siya dahil pagtapos ng nangyari kay Rain ay may gana pa rin akong sumama sa laban na ‘to.

“Intindihan mo na lang muna ako. Ginagawa naman namin ‘to para kay Rain, eh.” Dagdag ko pa pero binaba na niya ‘yung tawag.

Napag-usapan namin ng grupo kanina na makikipagpustahan kami kay Axel. Kapag nanalo kami sa laban ngayon, sasama siya sa ginagawa naming plano.

Kukumbinsihin ni Thunder ang bawat grupo ng Dark na magkaroon ng pansalamantalang alliance para maisagawa ang planong paghihiganti kay Yb.

Sa ngayon, payag na ang buong crowned kings kaya nasa 14 na kami at alam ni Thunder na hindi sapat iyon dahil maraming tauhan ang dating keen’s leader. Kailangan pa namin ng kasama para mapatay ang Yb na iyon at nang sa gano’n ay maipaghiganti namin si Rain.

“Axel!” Tawag ko nang makita ko siya pagpasok dito sa underground. Agad siyang huminto sa paglalakad at humarap sa akin. “Yung ginawa ko noong nakaraang linggo, pasensya na.”

“Okay lang, malaki kasalanan ko, eh.” Sabi niya at tumango lamang ako bago mapatingin sa likuran kung saan naroon ang iba kong kagrupo at nakikipag-usap sa kung sino.

“May sasabihin pala sa’yo si Thunder.” Saktong pagkasabi noon ay lumapit sa amin si Thunder, halata namang nag-igting ang panga ni Axel sa galit.

“Hindi ko akalain na mas demonyo ka pa pala kaysa sa amin ni Jasper.” Nakangising sabi ni Axel pero hindi iyon binigyang pansin ni Thunder.

“Let’s have a deal. Kapag natalo kayo sa laban ngayon, sasama kayo sa binubuo kong grupo para mapatumba si Yb.”

“Ano? Para saan pa? Ayoko ng ma-involve kay Yb o ano mang may kinalaman sa demonyong ‘yon.” Pagtanggi ni Axel.

“Magkaroon ka naman ng konsensya, tulad mo may dahilan ako kung bakit ko ginawa ‘yon kay Rain. Kahit ngayon lang, kalimutan natin lahat ng nangyari... Para kay Rain.” Pansamatalang natahimik si Axel na tila ba pinag-iisipan niya ang sinabi ng kaibigan.

Maya-maya lang ay inabot niya ang kamay niya kay Thunder habang nakangisi. “Okay, deal.”

Thunder’s POV

Sisiguraduhin kong kami ang mananalo sa laban na ‘to. I’ll do everything just to make sure na

maipaghihiganti ko si Rain, kahit na sa ganitong paraan lang.

“Inferno Vs. Dark Demons, let the battle begins!”

Agad kaming pumwesto sa gitna at kitang-kita ko na gagawin din lahat ni Axel para wag matalo sa laban. Pinatunog ko ang mga daliri ko at nag-unat unat dahil alam kong mahihirapan ako.

“Tapusin na natin ‘to.” Saktong pagkasabi ko no’n ay nagpakawala ng suntok si Axel na tumama sa panga ko. Bahagya akong napaatras at agad nalasahan ang dugo sa bibig ko.

Hindi pa man ako nakakatayo ng diretso ay sumugod na siya ulit at akmang susuntok ngunit mabilis ko iyong napigilan sa ere.

“I’m going to beat you up.” Madiing saad ni Axel bago ako tuhurin sa sikmura ng buong pwersa. Napayakap na lamang ako sa kanya dahil sa ginawa niyang iyon at hindi na nagawang pansinin ang mga kagrupo kong abala rin sa pakikipaglaban. “Just give up, Thunder.”

Muli akong sinuntok ni Axel and this time ay tuluyan akong nawalan ng balanse at napadapa sa sahig, dahilan para maghiyawan ang mga manunuod.

Pumikit ako nang mariin at pagdilat ko ng mga mata ko ay nahagip ng paningin ko si Jiro. Inangat niya ang necklace na binigay ko kay Rain at nakuha ko ang ibig niyang sabihin dahil sa ginawa niyang iyon. Mabilis akong nakatayo at itinulak si Axel bago ito pinaulanan ng suntok.

Hindi ko na siya hinayaang makaganti pa kaya kahit masakit na ang kamao ko ay hindi ako tumitigil.

“Teka, Thunder. Thunder!” Sigaw ni Liam habang pilit akong inilalayo kay Axel. Doon ko lang na-realize na wala na akong kontrol, nakita ko na lang din ang pagbagsak ni Axel kaya napatingin ako sa duguan kong kamao.

“Ano ka ba? Mapapatay mo na siya.” Suway ni Jin pero hindi ko iyon pinansin at bumaba na ng ring.

“Dark demons wins!” Napangisi na lang ako nang marinig iyon habang naglalakad ako papunta kay Jiro. Kinuha ko ang necklace sa kanya bago lumabas magpunta sa convenience para bumili ng beer.

“Y-yung kamay mo.” Sabi ng babae sa cashier ng i-abot ko ang bayad at beer na inilapag ko sa counter.

“It’s none of your business.” Inirapan ko lang ito at mabilis kinuha ang beer kahit hindi pa ako nasusuklian, lalabas na sana ako ngunit minabuti kong bumili muna ng bandage.

“G-gusto mo bang ako na maglinis ng sugat mo? N-nabugbog ka ba?” Uutal-utal na tanong ng parehong babae. Tinignan ko lang ito ng masama at hindi na ulit siya kumibo pa

“Thunder!” Sigaw ng pamilyar na boses. Agad ko namang nilingon si Matthew na bumungad sa akin pagpasok ko ng Academy.

“Bakit?”

“Handa akong tumulong, kinausap ako ni Jiro at nakumbinsi ko na rin si Jasper na sumama.” Bahagya akong ngumiti at tinapik siya sa balikat. Masaya ako na marinig iyon, kahit na hindi maganda ang naging trato ko sa kanila, heto at handa pa rin nila akong tulungan.

“Salamat.” Tipid kong sabi ko bago siya nilagpasan. Balak ko na sanang dumiretso sa hell’s gate pero may napansin akong lalaki kaya napahinto ako sa paglalakad. Sinundan ko ito ng tingin dahil pamilyar ang mukha ng lalaking ‘yon.

Tama. Siya ‘yung may gawa ng sugat ko sa braso noon. Anong ginagawa niya rito?!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.