12: Villaruel’s.
-
Erin’s POV
Naikwento na sa akin ni Tyler ang nangyari. Siya kasi ang bumungad sa akin kahapon paggising ko matapos matanggal ang balang tumama sa akin. It’s been a day, maya-maya lang ay pwede na rin akong ma-discharge.
“Mamaya babalik na rito si Zero, may pasok pa kasi kaya kailangan naming bumalik sa academy. Siya muna mag-aalaga sa ‘yo.” Sabi ni Alex, siya ang nakabantay sa akin ngayon. Actually kasama niya si Jester pero wala siyang ginawa kung hindi ang matulog, kanina ko pa siya gustong batuhin ng unan. Pumunta ba siya rito sa hospital para mag-relax?
“Inaasikaso naman ni Xian ‘yong letter niyo para ma-excuse kayo ni Zero ng one week sa klase.” Kumunot ang noo ko sa sinabing iyon ni Alex. Malinaw naman ang pagkakasabi niya pero hindi ko naintindihan. Bago ko pa maitanong ang nasa isip ko ay bumukas na ang pintuan at pumasok si Zero.
“Pwede na kayo bumalik sa school, makakaabot pa kayo sa dalawang subject.” Aniya, tinignan ako ni Alex at saka ginulo ang buhok ko.
“Pagaling ka, ah? Bisitahin ka namin sa Wednesday.” Sabi niya bago gisingin si Jester na kanina pa natutulog sa sofa. Paglabas nila ay inalalayan na akong tumayo ni Zero.
“Alam na ni dad ‘yong nangyari. Wala tayong choice na dalawa, so whether you like it or not... Doon ka muna sa bahay mag-i-stay ng one week.” Seryosing sambit ni Zero, dahilan para mapahinto ako sa paglakad. He gotta be kidding me.
“What? Sa tingin mo ba hindi alam ng parents mo ‘yong nangyari? ‘Wag ka na mag-inarte.” Dagdag pa niya at nagpatuloy siya sa pag-alalay sa akin hanggang sa makasakay kami ng kotse niya. Tahimik lang ako sa loob habang nakatingin sa labas ng bintana. Paniguradong nag-aalala na si mommy. I hope she’s okay.
“Are you okaㅡ” Biglang nag-ring ang phone ko kaya hindi naituloy ni Zero ang balak niyang sabihin.
“Hello, Xi. Okay na ako, don’t worry too much.” Bungad ko dahil alam ko naman kasi na itatanong niya kung okay na ba ako.
“Yah I know, pero nag-aalala pa rin ako. Habang nakila Zero ka, ‘wag kang lalabas, okay?” Napangiti ako nang sabihin niya iyon at bahagyang nailing.
“Come on, Xi. Hindi na ako bata.”
“Alam ko, pero matigas ‘yang ulo mo, eh. So please, makinig ka. ‘Wag kang lalabas ng bahay. It’s for your own safety.” Napabuntong hininga na lang ako bago sumagot ulit.
“Okay fine. Sige na, mag-ingat din kayo d’yan. Ciao~” Pagbaba ko nang tawag ay agad kong binaling ang tingin kay Zero. Itatanong ko sana kung ano ang sasabihin niya kanina ngunit bigla niyang hininto ang kotse sa tapat ng convenience store.
“May bibilin lang ako.” Bumaba siya ng kotse habang ako ay nanatili lang dito sa loob. Maya-maya ay nag-ring ang naiwan niyang phone.
“Third?” Basa ko sa pangalan ng tumatawag. Mukha namang matagal pa si Zero kaya sinagot ko na iyon.
“Hi Kuya, kasama mo na ba si ate sungit?... Hey Kuya, ba’t di ka nagsasalita? Siguro kinakabahan ka kasi kayo lang dalawa sa kotse no? Uyyyㅡ” Agad kong ibinaba ang tawag at inilapag ang phone kung saan ‘yon nakalagay kanina. Nakita ko na kasing lumabas ng convenience si Zero. Well, bakit naman kakabahan ang lalaking ito dahil lang kasama niya ako? Hmmm.
Pagsakay ng kotse ni Zero ay hindi siya kumibo at nagpatuloy lang sa pagmaneho hanggang sa huminto na kami sa isang malaking bahay. Bumusina siya at kusa ng bumukas ang mataas na gate, ipinarada niya ang kotse sa mismong tapat ng hagdan at saka bumaba habang dala niya ang plastic na galing sa convenience.
Inalalayan niya ako gamit ang free hand niya at saka dahang-dahan umakyat sa hagdan papunta sa main door. Hindi pa man niya iyon nahahawakan ay kusa na lang itong bumukas at bumungad ang isang babaeng nakasuot pang katulong.
“Yaya, pakialalayan na lang ‘tong babaeng ‘to sa guest room.. Doon sa katapat ng kwarto ko.” Utos niya at agad ko siyang tinignan ng masama. Babaeng ‘to? Ugh, may pangalan ako! Mahirap bang banggitin ang Erin?
Umirap na lamang ako at saka ako inalalayan ng katulong, habang si Zero ay lumabas ulit. Umakyat kami sa staircase pero may lalaking sumalubong sa amin. Siya siguro ‘yong tumawag kanina. Wait, ngayon ko lang naalala, may nakababata pa nga pa lang kapatid si Zero.
Wait, ngayon ko lang naalala, may nakababata pa nga pa lang kapatid si Zero
“Hi Ate sungit.” Bati niya sa akin habang nakangiti, ang layo ng aura niya kay Zero. Hindi rin sila gaanong magkamukha, buti pa ‘tong batang ‘to marunong ngumiti. Gwapo naman si Tito Jiro, gwapo rin ‘tong batang ‘to. Eh, anong nangyari kay Zero? lol.
“Hi, ikaw ba si Third?” Tanong ko at mas lalo pang lumawak ang ngiti sa labi niya. Excited siyang tumango at mas lumapit pa sa akin.
“You know me? Nakwento rin ba ako ni kuya sa ‘yo? Madalas ka kasi niya ikwenㅡ” Nagulat ako nang biglang sumulpot si Zero at takpan ang bibig ng kapatid niya habang nakatingin sa akin.
“Yaya hatid mo na siya, ito ‘yong mga gamit niya.” Nag-abot siya ng bag sa katulong at tila natigilan ako. WaitㅡBag ko ‘yon, ah? ‘Wag mong sabihing siya ang nag-impake ng mga gamit ko?! Well, whatever. Hindi na lang ako nagreklamo at nagpatuloy na kami sa paglakad hanggang makapasok sa isang kwarto. Iniwan na ako ng katulong kaya ako na lang ang narito pero maya-maya lang ay pumasok si Zero.
“Okay ka na ba sa kwarto na ‘to? Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka. Nasa tapat lang ang kwarto ko, O kaya naman tawagan mo ko. Ayan ‘yong telepono, pindutin mo lang ‘yong tatlong Zero.” Aniya sabay turo sa side table. Tumango lang ako at tumalikod na siya.
“T-Thank you.” Nakayukong sabi ko. Bahagya siyang huminto at saka nagpatuloy sa paglakad hanggang sa makalabas na siya ng kwarto. Huminga ako ng malalim at saka nahiga. One week, kakayanin kong manatili rito ng one week para kay mom and dad. Sure naman ako na pinakiusapan nila si Tito Jiro na gawin ‘to. Hindi naman kasi ito gagawin ni Zero kung hindi siya inutusan.
ㅡ
Pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko and there’s Zero who’s currently standing beside the bed like a freaking ghost!
“Kailangan mo nang inumin ‘tong gamot para mabilis gumaling ‘yang sugat mo.” Sabi niya kaya naman sumandal ako sa headboard. Inabutan niya ako ng gamot at isang basong tubig. Pag-inom ko ay agad kong naibaling ang atensyon sa may pintuan kung saan nakasilip si Third. Bahagya akong napangiti, I don’t know why pero ang gaan ng loob ko sa kanya. Siguro dala na rin na wala akong kapatid.
“Come in.” Aya ko at agad lumingon si Zero sa pinto. Pagpasok ni Third ay tinapik ko ang kama at naupo siya roon.
“Tigas talaga ng ulo mo.” Reklamo ni Zero pero nginitian lang siya ng kapatid niya.
“Ate sungit, sama ka sa akin sa taas. Gabi na, paniguradong maganda ang view sa rooftop. Mas makakapag-relax ka ‘ron.” Nakangiting sabi ni Third, ginulo ko ang buhok niya at saka sinubukang tumayo.
“Third.” Suway ni Zero.
“Bakit ba? ‘Wag mo nga pigilan ‘yong trip ng kapatid mo.” Sabi ko at saka hinawakan si Third palabas ng kwarto. Inalalayan niya ako papunta sa rooftop na sinasabi niya at pagtungtong namin doon ay napayakap agad ako sa sarili ko dahil sa lamig. Namangha rin ako dahil sa dami ng stars na nakikita ko mula sa langit.
“Ang ganda ‘di ba? Tara rito tayo, Ate.” Hinila niya ako at ininda ko ang sakit ng sugat ko dahil mukhang excited na excited siya. Napangiti ako kasi mayroong mga couch at lamesa rito. Talagang mare-relax ako rito but hell, I will surely freeze to death. Not to mention na naka-tank top at leggings lang ako.
“Ba’t nga pala Ate sungit ang tawag mo sa ‘kin?” Tanong ko. Kung hindi lang ‘to bata kanina ko pa ‘to binatukan dahil sa tawag niya sa akin, eh. Joke! Friendly na nga ako ‘di ba? Tch!
“Ayon kasi tawag ni Kuyㅡ” Naramdaman kong may bagay na lumapat sa balat ko kaya agad akong napalingon sa gilid. Zero with his usual blank face.
“Malamig dito. Suotin mo ‘yan, you’ll catch a cold.” Malamig na sabi niya. Agad ko namang sinuot ang jacket na ipinatong niya sa balikat ko. Akala ko ay aalis na siya pero nabigla na lang ako na nakitambay rin siya rito. Naupo siya sa tabi ng kapatid niya at saka may ibinulong. Nakita kong ngumiti si Third at saka kumaripas ng takbo.
“Saan pupunta ‘yon?” Tanong ko pero hindi sumagot si Zero dahil nag-ring ang phone niya.
“Hello. Napatawag ka?”
“Oo, nandito sa tabi ko.” Inabot niya sa akin ang phone at nang makita ko kung sino ang tumawag kay Zero ay napailing nalang ako.
“What now, Xi?”
“Kanina pa ako tumatawag sa ‘yo, ba’t hindi mo sinasagot?”
“I left my phone. Nandito ako sa rooftop ngayon, I’m with Zero and his brother. Stop worrying, okay? Nami-miss mo lang yata ako, eh.” Napatingin ako kay Zero, bigla kasi siyang tumayo at dumungaw sa labas.
“Sige na, Xi. Baka magalit na ‘yong isa dahil iniistorbo natin siya. Bukas na lang. Bye! ‘Wag mo ako masyado isipin baka hindi ako makatulog.” Pabirong sabi ko at saka binaba ang tawag. Pinilit ko namang tumayo at maglakad papunta kay Zero para i-abot ang phone niya.
“Hoy ikaw, ano ‘yong kinukwento mo sa kapatid mo? Parang ang dami niyang alam tungkol sa akin, ah?”
“Wag mo intindihin ‘yon, idol ka kasi no’n. Ewan ko kung ano nagustuhan sa ‘yo nang bata na ‘yon. One day nagulat na lang ako na binanggit niya pangalan mo. Nakita niya raw kasi na na-feature ka sa website ng monstrous. Kaya ayon, sabi ko masungit ka. Panget sa personal, baliw, maldita.” Napataas ako ng kilay. Nagk-kwento siya, himala ah?
“Kapal mo rin talaga, eh ‘no? As if naman hindi ko alam na may hd ka talaga sa akin.” Pabulong kong sabi.
“What?” Tanong niya.
“Nothing, I said I’m the true definition of dyosa.” I flipped my hair at saka bumalik sa kinauupuan ko. Sakto naman dahil bumalik na si Third dala ang binili ni Zero kanina sa convenience.
“Idol kita kaya favorite ko na rin ‘to.” Nakangiting sabi ni Third sabay abot sa akin ng isang plastic ng marshmallow. Ngumiti ako at pilit inabot ang buhok niya para guluhin.
“Ang sweet sweet mo naman. Buti ka pa ganyan kabait, ‘yong kuya mo parang laging may dalaw eh.” Binulong ko ang huling sinabi ko at tumawa si Third.
“Hoy, Erin. Naririnig kita.” Pagsingit ni Zero. I stick out my tongue at saka siya tinarayan but for some strange reasons napako lang ang tingin ko sa kanya. Namalik mata lang ba ako nang makita ko siyang ngumiti?