Monstrous Academy 2&3 Chapter 17

17: Hidden feelings.

-

Tyler’s POV

Hanggang ngayon ay patago pa rin naming inaalam kung sino ang taong gumawa noon kay Erin. That was so dangerous, malakas din talaga ang loob ng tao sa likod ng insidenteng iyon. Dito pa talaga sa school, but one thing for sure, taga rito lang din ang gumawa no’n.

“Insan, ano ba? Ang tagal mo d’yan!” Reklamo ni Xander mula sa pintuan ngunit nanatili akong tahimik habang nakatingala sa shower. Napasuklay ako sa buhok gamit ang mga kamay ko, nakaka-frustrate. Sa aming lima, ako ang pinakawalang naitutulong para kay Erin.

Agad kong kinuha ang twalya at binalot sa ibabang parte ng katawanan ko. Si Xander naman ang bumungad sa akin dahil kanina pa siya nagmamadaling maligo.

“Sabihin mo nga, may kinalaman ka ba sa nangyari kay Erin? Nakaaway mo siya noonㅡ”

“Hey hey, stop accusing me. Wala kang pruweba at saka tingin mo talaga kaya kong bumaril ng tao? Sinabi ko naman na sa ‘yo ‘di ba? Baka ‘yong mga tao sa loob ng gates of hell ang gumawa sa kanya no’n, not to mention na miyembro ng mafia ang isa sa mga nakaaway niyo.” Binangga niya ako sa balikat at saka padabog na sinara ang pinto ng banyo. Posible nga kaya?

Nagmadali akong magbihis para sa klase ngayong araw. Palabas pa lang ako ay sinalubong na ako ni Jester papasok ulit sa kwarto.

“Aray, ano ba?” Reklamo ko habang tinutulak niya ako.

“Shh. Tingin ka sa balkonahe.” Sabay kaming tumingin at may nakita kaming tatlong lalake sa likod ng girl’s dorm. Tumingin naman ako sa kaliwa at nakitang nasa balkonahe rin sila Xian, Zero at Alex.

“Sino ‘yong mga ‘yon?” Tanong ko pero bago pa man sila sumagot, may isang phone na ang nag-ring. Agad kaming napatingin kay Xian..

“Erin, napatawag ka?”

“What? Hintayin mo kami.”

“What happened?” Tanong ni Alex at tumuro lang si Xian sa ikatlong palapag ng girl’s dorm kung saan nakita naming tumalon si Erin sa may sanga ng puno na nakatapat sa balkonahe ng 2nd floor.

“Nasisiraan na talaga siya.” Bulong ni Zero pero sapat na para marinig namin. Walang alinlangan siyang tumalon sa balkonahe at gano’n narin kami dahil hindi naman iyon gano’n kataas.

Erin’s POV

Hinihintay ko na lang matapos magbihis si Akira para sabay kaming lumabas. Sumilip ako sa balkonahe para magpahangin sana ngunit agad akong napaatras nang makita kong may tatlong lalake sa ibaba. Sila ‘yong mga nasa litrato, paano sila nakapasok dito sa academy? Saka bakit sila naka M.A uniform?

“May problema ba Erin?” Tanong ni Akira at umiling lang ako. Balak ko sana ulit sumilip ngunit nakita kong nasa balkonahe ng boy’s dorm ang lima. Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Xian.

“Erin, napatawag ka?”

“Nakikita niyo ‘yong tatlong lalake? Miyembro sila ng red organization, let me handle this.”

“What? Hintayin mo kami.” Binaba ko agad ang tawag at sumilip sa balkonahe. Walang pagdadalawang isip akong tumalon papunta sa malaking sanga na nakatapat sa balkonahe ng room 218. Ito ‘yong sinasabi sa akin ni mommy na madalas akyatan ni dad papunta sa kwarto niya noon. Mabuti na lang at nandito pa rin ‘yon hanggang ngayon.

“Erin!” Sigaw ni Akira pero wala na akong oras para lumingon pa sa itaas kaya tinalunan ko na agad ang isang lalaking nakaabang sa pagtalon ko. Nadaganan ko siya at agad binigyan ng isang malakas na suntok.

Mabilis naman akong nakaiwas ng susugurin pa ako ng dalawa. Nakaakma akong susuntukin ng isa pero noong balak kong umiwas, nasipa ako ng isa pa kaya napaatras ako. Nakatayo na rin ang una kong pinatumba kanina kaya tatlo na sila ngayong pasugod sa akin ngunit bago pa sila makalapit nagsidatingan na ang lima. Ugh!

“Erin, okay ka lang?” Tanong ni Akira nang bigla na lang siyang sumulpot dito sa likod girl’sdorm. Tumango ako pero bakas pa rin sa muka niya ang pag-aalala.

“Bakit ka naman tumalon? Paano kung may nangyari sa ‘yo?” Halos paiyak na siya kaya natigilan ako.

“S-Sorry.” Hinatak ko siya at saka niyakap, hindi ko alam na gano’n ang magiging epekto sa kanya ng ginawa ko. Like seriously, walang pakialam sa akin ang mga taong nasa paligid ko noong nasa Amerika ako, pero simula nang dumating ako rito everything has changed, kahit gaano ako magsungit sa isang taoㅡthey always insist to be my friend, nakakapanibago.

“Erin, okay ka lang?” Agad akong hinawakan ni Xian at tumango lang ako ng tipid. Tumingin ako sa likuran nila at nakitang nakabulagta na iyong apat.

“The hell?! Are you trying yourself to get killed?!” Sigaw ni Zero nang alisin niya si Xian sa harap ko at hawakan ang magkabilang balikat ko. Bakas na bakas sa mukha niya ang galit pero nanatili akong walang emosyon. The next thing happened? Hinahatak na ako ni Tyler palayo sa lugar na ‘yon kasama si Alex at Akira.

“Hindi mo dapat ginawa ‘yon.” Mahinahong sabi ni Tyler.

“Kaya ko naman sila saka, you can let go of my hand na.” Agad niya akong binitawan habang nakatingin sa malayo.

“Pasensya, hindi pa rin kasi ako sanay na may nagliligtas sa ‘kin, lumaki ako na ako lang ang nagtatanggol sa sarili ko. Pakisabi na rin sa iba na sorry.” Hinatak ko na si Akira at nagpunta sa kanya-kanya naming classroom na tila walang nangyari.

Tahimik akong nakatingin sa bintana, may meeting kasi ang mga prof for the upcoming camp. Tinatamad din akong lumabas, iniisip ko kung bakit sa dami ng tao ako ay pa ang napili ng red org. Napahawak ako sa kwintas na binigay ni dad at bumuntong hininga.

“Can we talk?” Agad akong napalingon kay Xian. Tumango ako at saka niya ako hinila papunta sa rooftop para doon mag-usap.

“Don’t do that again, Erin. We know you can handle them pero paano kung may dala silang baril o kutsilyo? Paano, Erin? Paano ka?” Kahit hindi nakatingin sa akin si Xian ay alam kong galit siya kaya hinawakan ko ang balikat niya para iharap siya sa akin.

“I’m sorry, okay? Last na ‘yon pero, Xi. Sabihin mo naman sa ‘kin ‘yong problema. You’re not in your usual self these past few days, madalas ka pa magsinungaling. What happened? Probity ka ‘di ba? Mahirap ang magsinungaling para sa ‘yo.” Iniwasan niya ako ng tingin at saka tumalikod. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganito.

“Xianㅡ”

“Natatakot ako na baka kapag sinabi ko ang totoo, iwasan mo ako.” Pumunta ako sa harapan niya para magtama ang paningin namin. Bakit naman ako iiwas? Sa anong dahilan?

“Tell me, what’s the problem?”

“Wala, walang problema. It just that, hindi ko na makontrol ang nararamdaman ko...” Tinitigan niya ako at tila nag-alangan ituloy ang sasabihin.

“I like you, Erin. Matagal na, bata pa lang tayo gusto na kita.” Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko dahil sa sinabi niyang iyon. Tumahimik kami saglit but I find myself smiling.

“B-bakit?” Nauutal na tanong ni Xian. Hinawakan ko ang ulo niya at saka ginulo ang buhok niya.

“I thought you’re always been nice to me dahil kapatid ang turing mo sa ‘kin pero higit pa pala roon.” Hinawakan ko ang kamay niya at saka siya tinignan ng diretso sa mata.

“Thank yo, Xi. Thank you for everything.” Nginitian niya lang ako at saka niyakap ng mahigpit.

“There’s no way na iiwasan kita dahil lang sa may gusto ka sa ‘kin. I guess, gano’n naman talaga kadalasan sa magkakaibiganㅡ” Napahinto ako sa pagsasalita at saka kumalas sa pagyakap. Naramdaman ko kasi na may iba pang tao rito maliban sa amin at nang lumingon ako mula sa entrance ng rooftoop ay naroon si Zero. Nakatayo at nakatingin sa amin.

“May prof na.” Malamig na wika nito bago bumaba, nagtinginan muna kami ni Xian bago sumunod.

Pagdating namin sa classroom, tahimik lang kaming naupo na parang walang nangyari. Hindi ko alam kung bakit pero walang gaanong epekto ang sinabi ni Xian. Siguro dahil matagal ko ng nararamdaman ang hidden feelings niya? May dugong keen pa rin naman ako kaya malalaman at malalaman ko pa rin kung ano ang obvious na.

“Erin, Erin.” I came back to my senses at saka tumingin kay Tyler. Lumingon lingon ako sa piligid at nakitang wala na ang mga classmate ko, tanging siya at si Xian na lang ang kasama ko.

“Maagang nag-dismiss, kain na tayo.” Aya ni Tyler at tumango lang ako.

Pagpasok namin sa cafeteria, nakita ko na ang pagkaway ni Kevin at Akira kaya agad akong dumiretso roon.

“Where’s Chloe?” Tanong ko nang mapansing wala siya rito ngayon. Nagkibit balikat lang ang dalawa kaya hindi na rin ako umimik, pumila na lang ako para bumili ng pagkain. Pasta at tinapay lang ang trip kong kainin ngayong araw kaya iyon na ‘yong binili ko at agad ding bumalik sa pwesto.

“A-ano, ‘yong tatlong lalaki kanina sa likod ng girl’s dormㅡ”

“Hmm, mga nakaaway ko lang ‘yon. Balak siguro nila maghiganti, ‘wag mo na isipin ‘yon.” Paliwanag ko kay Akira. Tumango lang siya kaya inumpisahan ko na ang pagkain pero hindi pa man ako nakakangalahati, may pumigil na sa kamay ko at pwersahan akong hinatak patayo.

“Ano ba?!” Sigaw ko kay Xander. Pinepeste na naman ako ng lalaking ‘to! Hindi niya ako sinagot at marahang binitawan ang kamay ko.

“B-be my date!” Sigaw niya na pumaalinlang sa buong cafeteria, dahilan para tila huminto ang paligid at makuha namin ang atensyon ng mga tao rito. What the hell?! Hindi ako nakakibo agad sa sinabi niya, he gotta be kidding me.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.