Monstrous Academy 2&3 Chapter 33

33: Revealing the traitors.

-

Isang linggo ang lumipas at walang pagbabago sa sitwasyon ni Akira. Tahimik akong nakaupo sa classroom, ilang linggo na lang at matatapos na ang school year.

“Erin.” Tawag ni Alex.

“Bakit?”

“Ayos ka lang ba?” Tumango lang ako, ilang beses ko na bang narinig ang tanong na iyon? May sasabihin pa sana siya ngunit nabigla kami nang bigla na lang tumayo si Jester.

“Saan ka pupunta?” Tanong ni Xian.

“Napaaga ‘yong uwi ni Jennie, susunduin ko siya sa airport.” Nagmadali siyang tumakbo palabas ng classroom at napailing na lang si Alex.

“He’s really serious about her, huh? Poor Jester.” Ani Zero.

“Alam naman nating lahat na gusto ni Jennie si Xian noong bata pa tayo.” Dagdag pa ni Tyler kaya naibaling ko ang atensyon kay Xian.

“May gusto si Jennie sa ‘yo?”

“You know her?” Tanong niya pabalik.

“Unfortunately yes, she’s happened to be my teammate sa women’s basketball team noong nasa America ako. Kailan ko lang din nalaman na anak siya ni Tito Ramon.” Tumango si Xian at saka sumandal sa upuan niya.

“Naging magkakaklase kami noon no’ng grade 5. Naging malapit din ako sa kanya pero pag-graduate namin no’ng elementary, lumipat siya sa Amerika. Bago siya umalis ay sinabi niya na gusto niya ako pero hindi ko ‘yon pinaalam kay Jester kasi alam kong may gusto siya kay Jennie.” Paliwanag niya.

“Ah, eh ‘di maf-friend zone lang pala si Jester gaya ni Chloe.” Komento ko bago nag pangalumbaba.

“What do you mean?” Tanong ni Alex.

“Ah wala, oo nga pala. Bibisita ako kay Akira after class. Kawawa naman si Kevin, siya na lang lagi ang nagbabantay sa hospital.”

“I’ll go with you.” Ani Zero at tumango naman ako. Normal naman lahat, wala pang kahit anong kahina-hinala ang nangyayari sa paligid. Maliban na lang sa pagiging down ni Tyler. Parang madalas na malalim ang mga iniisip niya. I really want to confront him pero hindi ko magawa, ayokong mag-jump to conclusion. I need more evidence.

Mabilis lumipas ang oras, pagbalik ko sa dorm ay saktong nag-ring ang phone ko.

“Hello.” Masayang bungad niya sa akin.

“Hello mo muka mo! Magpakita ka na nga sa ‘kin ng matapos na ‘to! Ano bang kailangan mo sa ‘kin? Miyembro ka ba ng red org?!”

“Chill, but to answer your question... Parang gano’n na nga. Okay, hindi ko na patatagalin, meet me, same time same place. ‘Wag mo subukang magdala ng kahit na sino kung ayaw mong may masaktan ulit.”

Ibinaba niya ang tawag at wala sa sarili ko na lang ‘yong pader sa inis. Siya ang may gawa ng lahat ‘to? Sino ka bang hayop ka? Sinisigurado kong pagsisisihan mo lahat ng ‘to.

“What do you mean? Hindi ka na bibisita? Masama ba pakiramdam mo?” Tanong ni Zero nang tawagan ko siya.

“Oo, baka bukas na lang ako bibisita.”

“Where are you? Pupuntahan kita.”

“Ze, kaya ko sarili ko. Bye!” Agad kong binaba ang tawag at nagmadaling lumabas ng academy pero pinigilan ako ng gwardya.

“Mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas mo ng mag-isa, Ms. Cross.” Anito, dahilan para mapataas ako ng kilay. What the? Since when?

“The hell I care? Sino naman ang nagpatupad ng utos na ‘yan?”

“Makinig na lang po kayo, ginagawa ko lang din po ang trabaho ko.”

“I know, pero kailangan kong umalis so... Sorry!” Mabilis ko siyang naitulak at saka tumakbo palabas. Sinubukan akong habulin nito ngunit nag-fail siya. Nang makarating ako ng main road ay agad akong sumakay ng taxi papunta sa East district.

Sorry, Ze. Kailangan kong gawin ‘to. Alam kong mag-aalala kayo pero hindi ko na hahayaan na may isa pa sa inyo ang masaktan. Hindi ko na kakayanin kapag nangyari ‘yon.

“Dito na lang, Kuya. Keep the change.” Sabi ko nang i-abot ko ‘yong pera sa driver. Nagmadali ako sa pagbaba at tumakbo papunta sa bakanting lote na pinuntahan namin ni Zero noon.

“Nandito na ako. What now?” Tanong ko nang sagutin nito ang tawag.

“Pumasok ka sa loob.” Ibinaba ko ang phone at saka pumasok sa abandonadong bahay. Walang kahit na sinong tao rito maliban sa akinㅡor so I thought.

“Itali mo ‘yong sarili mo.” Agad akong napalingon sa isang pintuan kung saan nanggaling ‘yong boses.

“Ano ako tanga? Ba’t ko itatali sarili ko? akit hindi ikaw ang gumawa?” Tanong ko. Nabigla naman ako nang bumukas ‘yong pinto. Nakahanda na akong malaman kung sino siya ngunit paglabas ay nakasuot siya ng maskara.

“As expected.” Anito, saktong paglapit niya sa akin ay tinanggal niya ang suot na maskara, dahilan para manlaki ang mga mata ko.

“J-Josh?”

“Nakakapagod makipaglaro sa‘yo.” Mas lalo siyang lumapit sa akin pero isang suntok ang isinagot ko sa kanya. Hindi niya yata inaasahan na gagawin ko iyon kaya hindi siya nakaiwas.

“The hell was that for?!” Tanong nya ngunit nanginginig ang buong katawan ko sa galit. May gana pa siyang itanong kung para saan ‘yon?!

“Bakit mo ‘to ginagawa?!” Sigaw ko.

“Relax, Erin. We’re here to play.” Pagkasabi niya noon ay dumating ang iba niyang kagrupo. Now it all make sense, nag-transfer ba sila sa academy para sa ‘kin? Is that it?!

“Fuck you, Josh! Fuck you and your friends!” Gigil na gigil na ako kaya naman napasugod na lang ako bigla nang hindi nag-iisip.

Si Jun ang nasa harapan kaya sa kanya ko unang ipinatama ang suntok. Nakailag siya at saka sumugod pero nakailag din ako. Nang akma niya pa akong susugurin ay pumailalim ako para sipain si Ming na nasa likuran lang niya.

Nadaplisan ako ng suntok ni Hoshi kaya naman medyo nahilo ako pero agad din akong nakabawi at nakatayo ng diretso.

“Ganyan ba kayo kahina para sugurin ako ng sabay-sabay?” Nakangising tanong ko at saka sumugod ulit. This time, sinigurado kong mapapatumba ko na ang isa sa kanila.

Sa direksyon ni Ming ako unang pumunta dahil mas malapit siya sa akin pero hindi pa man ako nakalalapit ng tuluyan ay nasipa niya na ako, dahilan para mapasuka ako ng dugo.

Dumiretso ako ng tayo at saka ginantihan ng suntok si Ming sa may bandang panga. Sinigurado kong tatama ‘yon dahil alam kong mawawalan siya agad ng malay kapag sa parte na ‘yon siya natamaan.

“One down.” Sabi ko at saka hinarap si Hoshi pero bago pa ako makasugod ay may humila na ng buhok ko mula sa likuran. Ramdam na ramdam ko ang pagsakit ng ulo ko to the point na hindi na ako makapiglas habang tinatali nila ang mga kamay ko.

“How pathetic. Kilala mo ba kung sino ako?” Tanong ni Josh nang tuluyan na nila akong matalian. Naka-angat ang mga kamay ko dahil sa tubong nasa itaas nila itinali iyong kabilang dulo ng lubid.

“Wala akong panahon para alamin.” Sagot ko pero sinikmuraan ako ni Jun. Ininda ko ang sakit at saka sila sinamaan ng tingin.

“Kung gusto niyong makuha ‘yong code sa ‘kin, itigil niyo na dahil hindi ko na matandaan kung ano ‘yong hayop na code na gusto niyong makuha sa ‘kin.”

Tinawanan lang ni Josh ang sinabi ko. Lumapit siya sa akin at saka hinila ang buhok mula sa likuran nang sa gano’n ay umangat ang tingin ko sa kanya.

“Wala akong pakialam sa code! Ang gusto ko, mapaghigantihan ang pagkamatay ng kuya ko!” Sigaw niya at saka niya ako tinuhod sa may bandang sikmura. For the second time, may dugong lumabas sa bibig ko. Napapikit ako ng mariin at pilit inangat muli ang tingin sa kanya.

“Ano namang kinalaman ng putanginang kapatid mo rito?! Pwede ba! Kung may galit ka sa ‘kin, ako lang ang puntiryahin mo?! ‘Wag mong idamay ‘yong mga kaibigan ko!” Sinikmura niya ulit ako pero this time mas malakas na, parang hindi na yata kakayanin ng katawan ko.

“Pinatay ng nanay mo ‘yong kuya ko!” Sigaw niya nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko gamit lang ang isang kamay niya. Sinamaan siya ng tingin at saka dinura ang dugong nalalasahan ko.

“I see, kapatid mo pala ‘yong kumidnapped sa akin noon? Para lang sa alam mo wala akong pakialam. He deserve to die!” Ramdam na ramdam ko ang sakit nang sampalin niya ako ng buong pwersa.

“Grabe naman kayo sa kanya.” Kahit nahihirapan, agad akong napatingala dahil sa pamilyar na boses na ‘yon.

“Bakit ang tagal mo?” Tanong ni Jun. Hindi ako makapaniwala. Anong ginagawa niya rito? Am I hallucinating or what?

“Kulit ni Tyler, eh. Ayaw ako paalisin. Oo nga pala, dala ko na ‘yong batang sinasabi niyo.” Lumabas si Xander at pagpasok niya ulit ay kasama na niya ang walang malay na si Third habang may tape sa bibig at nakatali ang mga kamay. Pakiramdam ko ay kumulo lalo ang dugo ko, gusto kong pumatay sa mga oras na ‘to.

“Hayop ka, Xander! Kasabwat ka nila?! Kaya pala hindi ka nagpaparamdam! Papatayin kita kapag sinaktan mo si Third!”

“Ha? ‘Wag kang mag-alala. Hindi ko siya babarilin gaya ng ginawa ko sa ‘yo noon.” Tila natigilan ako dahil sa sinabi niya.

“Ikaw ‘yon?! Ikaw rin ‘yong bumaril kay Akira?!”

“Oh chill ka lang. Pasalamat ka nga hindi kita tinuluyan noon, eh. At isa pa, ‘wag kang mag-alala. Nakabantay kay Akira ‘yong bumaril sa kanya.” What the hell am I hearing? Nakabantay?

“What do you mean?! Si Kevin?!”

“Ah, hindi ko pala nasabi sa ‘yo. Kapatid ko si Kevin.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at buong pwersang sinipa si Josh. Lumapit si Hoshi pero pinigilan siya ni Jun.

“Magkapatid kayo ni Kevin?! Pinaglalaruan niyo kami? Mga hayop kayo!” Tumayo si Josh at saka ako nilapitan habang pinapagpag ang damit at pantalon niya.

“Maglalaro tayo hangga’t sa maubos kayo.” Sinamaan ko siya ng tingin at saka ibinaling ang tingin kay Xander.

“Alam mo bang handang ibuwis ng pinsan ko ‘yong buhay niya para sa ‘yo? Sino ka ba sa tingin mo? Prinsesa ka ba? Eh, wala ka namang kwentang tao. Pinapahamak mo lang ang mga taong nasa paligid mo.” Sabi niya and this time, hindi ako nakasagot dahil lahat ng sinabi niya ay totoo. Wala akong nagawa kung hindi ang mapayuko.

Ayokong umiyak sa harap nila pero sobrang nauubusan na ako ng pag-asa na maililigtas ko pa ‘yong mga kaibigan ko na mapapahamak dahil sa ‘kin.

“Ako na lang please, ‘wag niyo nang idamay ‘yong iba rito. Ako naman ang kailangan niyo.” Narinig ko ang pagpalakpak ni Josh habang tumatawa. Hinawakan niya ang baba ko at pwersahan iyong inangat para mapatingala ako sa kanya.

“Aaw!Nakikita na naman kitang umiiyak, you’re really pathetic. Gusto mo bang isunod ko si Zero? O baka naman gusto mong unahin natin ‘yong kapatid niya? Tutal, nandito naman na siya.” Binaling niya ang tingin kay Third. Sinubukan kong magpumiglas sa pagkakatali ngunit masyado iyong mahigpit, sa sobrang higpit ay ramdam kong magsusugat na ang palapulsuhan ko.

“Wag na ‘wag niyong sasaktan si Third!!” Sigaw ko pero isang malakas na suntok ang natamo ko mula sa kanya. Hinang-hina na ang buong katawan ko.

“Okay, ititigil natin ‘tong laro na ‘to... Pero sa isang kondisyon.”

“Ano ‘yon?” Tanong ko na halos pabulong na.

“Mapapasa ‘kin ka. Iiwan mo ‘yong lima mong knight in shining armor at sasama ka sa ‘kin.”

Tumango lang ako sa sinabi niya kahig hindi ko alam kung seryoso ba siya roon, pero kung iyon lang ang paraan para malayo sila sa kapahamakan, handa akong sumama sa mga hayop na ‘to, kahit alam kong masasaktan sila Zero emotionallyㅡKakayanin ko.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.