Monstrous Academy 2&3 Chapter 38

38: Reunion.

-

3 months has passed. We’re already a sophomore student, everything’s fine. Malaya kami, walang gulo at walang kahit anong bakas ng mga kaaway sa paligid.

“Ano ba! Sa tabi ako ni Xian!” Sigaw ni Jennie kay Zero na ngayon ay nagtatalo sa iisang upuan. Lahat kami ngayon ay magkakaklase, maging si Chloe at Akira ay kasama na namin.

Wala na rin sila Kevin sa school dahil simula noong mangyari ang ground zero ay hindi na sila nagpakita pa sa amin. Sinunod nila iyong deal kaya kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag at lumaya sa problema.

“Ano ba? Upuan lang pinag-aagawan pa.” Singhal ko bago hinila si Xian para i-upo sa tabi ng upuan ko.

“Kayong dalawa ang magtabi.” Sabi ko kay Jennie at Zero, dahilan para mapanganga silang dalawa at tila hindi makapaniwala. Nilingon ko si Xian at nginitian niya ako, araw-araw na lang sila ganyan, nagtatalo sa walang kwentang bagay.

Maya-maya ay pumasok na ‘yong prof namin pero hindi ko inaasahan na siya ang papasok. What’s the meaning of this?

“Good morning, I’m Axel Sevilla and I will be your prof starting today.” Ani tito at saka siya nag-discuss agad, wala nang introduction para sa mga estudyante. Woah!

Tahimik kaming nakikinig sa kanya nang bigla akong kalabitin ni Tyler mula sa likuran.

“Hey, I have two tickets. Do you want to go with me? Sa amusement.” Tanong niya. These past few months, wala akong nakitang kahina-hinala sa kanya. Mukhang naparanoid lang ako and I really hate myself for doubting him.

“After class?” Tanong ko at tumango siya ng tipid. Matagal na rin akong hindi nakakapunta ng amusement park. At saka gusto ko rin magkaroon ng time kasama si Tyler, para kahit paano ay makabawi ako sa kanya.

“Yes, sure!” Masayang sabi ko at ngumiti siya kaya binalik ko ulit ang atensyon sa white board. Maraming diniscuss si tito na parang ang mga keen lang yata ang makakaintindi sa kanya. Napailing na lang ako, bakit siya naging prof? Leader na siya ng mga keen kaya bakit nandito pa siya para magturo?

“Kanina ka pa nakasimangot.” Puna ni Alex kay Zero. Tahimik siyang kumakain habang nandito kami sa iisang lamesa.

“What’s wrong?” Tanong ko.

“Shut up.” Mabilis kong naibaba ang hawak na utensil nang sabihin niya iyon. Wait, galit ba siya sa ‘kin?

“What’s your problem?!” Halos pasigaw na tanong ko kaya mabilis na hinimas ni Tyler at Alex ang likuran ko para pakalmahin.

“Ikaw! Ikaw ‘yong problema ko!” Nagsalubong ang kilay ko nang magtaas siya ng boses. What the hell?

“Ako? Ano na namang ginawㅡ”

“Nagseselos ako!” Sigaw niya, dahilan para mapunta sa amin ang lahat ng atensyon ng mga tao rito sa cafeteria. Nanigas ako sa kinauupuan ko habang nakatitig sa kanya. Simula noong matapos ang ground zero ay mas naging open na siya sa mga nararamdaman niya pero para ipagsigawan ‘yon? Ugh. What does he think he’s doing?

“Ang sabi ko nagseselos ako. Mas gusto mo ba katabi si Xian kaysa sa ‘kin? Tatlong buwan na akong nanliligaw taposㅡ”

“Lower your voice, you jerk!” Reklamo ko. Seriously, hindi niya kailangan lakasan ang pagsabi ng bagay na ‘yon. Is he doing this on purpose?

“Tara na guys, baka madamay tayo rito.” Aya ni Alex at saka sila tumayo at lumipat sa kabilang lamesa, dahilan para kami na lang ni Zero ang natira rito. Ni isa sa amin ay walang kumikibo, nagpapalitan lang kami ng masamang tingin. Ugh. Ano ba kasing nagustuhan ko sa lalaking ‘to?!

“Kung hindi ka na makapaghintay, then stop courting me.” Sabi ko nang sa wakas ay mag-decide akong basagin ang katahimikan sa pagitan namin. Tumayo na rin ako at nang maglalakad na ako ay pinigilan niya ko.

“Sorry, masama bang magselos?” Tanong niya and damn! Pakiramdam ko ay nag-iinit ang pisngi ko. Hindi ko alam na may ganitong side si Zero, para siyang bata but stillㅡ

“There’s no reason for you to get jealous. Alam mong ikaw ‘yong gusto ko.” Sabi ko at saka tuluyang lumabas ng cafeteria. Dumiretso ako sa banyo para roon bumuntong hininga habang nakatingin sa sariling repleksyon. Ano ba ‘yong sinabi ko? Ugh! Damn that Zero! Pinipilit niya akong magsabi ng mga gano’ng bagay. It’s giving me goosebumps.

“Si Erin at Zero na kayaㅡ” Agad napatigil sa pagsasalita ang babaeng pumasok nang makita niya ako. Tinignan ko lang sila ng kasama niya pero bigla na lang silang tumakbo palabas. Problema no’n?

Pagbalik ko sa classroom ay hindi kami nagpansinan ni Zero. Hanggang sa ma-dismissed na ang klase ay nanatili kaming invisible sa isa’t isa.

“Guys, lalabas kami ni Tyler ngayon. Ipapaalam ko lang para hindi kayo maghanap.” Sabi ko at hindi ko na sila hinintay magsalita. Basta ko na lang hinatak si Tyler palabas ng classroom.

“Baka magselos si Zeㅡ”

“Hayaan mo siya.” Pagputol ko at dumiretso kami sa parking lot kung nasaan ang kotse niya. I was wondering kung alam ba niyang pinsan niya ang bumaril sa akin noon. Hanggang ngayon kasinag wala pa rin akong lakas ng loob na itanong iyon sa kanya. Ewan ko, natatakot ako sa makukuha kong sagot. Well, ayoko nang isipin pa ‘yon, ang gusto ko ngayon ay ang mag-enjoy.

“Anong ride ang gusto mong sakyan?” Tanong niya pagdating namin sa amusement.

“I want the dangerous one.” Sagot ko at tinawanan niya ako.

“May gano’n ba? Oh sige, roon tayo sa drop tower.” Sabi niya at saka hinawakan ang palapulsuhan ko para dalhin sa pila.

“Hala ang gwapo ni kuya. Mukha syang babae.” Bulong ng babae sa likuran ko. Hindi ko malaman kung compliment ba iyon o insult. And since wala akong magawa, hinila ko si Tyler at niyakap ang braso niya.

“Pinagpapantasyahan niyo ba ‘yong boyfriend ko?” Tanong ko at halatang nagulat si Tyler. Tumahimik naman ‘yong dalawang babae at saka tumalikod sa amin, dahilan para matawa ako.

“Ang bad mo talaga, Erin.” Natatawang sabi ni Tyler at nag-peace sign lang ako. Nakatingin ako sa kanya the whole time, actually no’ng una kaming magkita ay akala ko talaga babae siya.

“Sige, Dad. Ikumusta mo na lang ako kay Tito Ramon at Tito Jp.” Agad kaming napalingon ni Tyler sa babaeng nakaupo sa tapat namin nang marinig ang pamilyar na pangalang binanggit niya. Tinignan naman niya kami nang mapansin niyang nakatingin kami sa kanya.

Tinignan naman niya kami nang mapansin niyang nakatingin kami sa kanya

“Hmm... May kailangan kayo?” Nakangiting tanong nito at umiling ako. Baka kapangalan lang nila Tito ‘yong Tito niya. But that’s weirdㅡ

“Hello, Dad? Na kila tito Thunder kayo? Hindi ko alam papunta sa bahay nila. Send me the address.”

“Okay, message na lang ako. Bye!” Binalik ko ang tingin sa babae at saka siya nilapitan.

“What’s your name?” Diretso kong tanong.

“Eh? P-Park Rozee, bakit?” Tanong niya at saka siya tumayo. Hindi na ako nakasagot pa dahil hinila ako ni Tyler. Sumakay na kami sa drop tower at habang dahan-dahang umaakyat ay napansin kong nakatingin sa akin ‘yong Rozee. Hindi kaya anak siya ni Tito Jimmy? Well pareho kasi sila ng apelyido.

“Wala na bang itataas ‘to?” Tanong ko nang makarating kami sa pinakatuktok. Para namang humiwalay ang kaluluwa ko nang bigla kaming bumagsak ng wala man lang warning... Natawa na lang ako dahil napahawak sa akin si Tyler. Halatang natatakot siya, sigaw pa nang sigaw ‘yong mga katabi namin. Nakakairita.

Pagbaba sa drop tower ay nagpahinga muna si Tyler. Siya ang nagsabing sumakay kami roon pero hindi niya pala kaya.

“Hey. Are you okay?” Tanong ko.

“Oo. Basta nag-e-enjoy ka, okay lang kahit saang nakakatakot na ride pa tayo sumakay.” Nakangiting sabi niya at ngumiti naman ako. Sweet. Inakbayan ko siya at saka kami naghanap ng pwede pang sakyan.

“I’m really enjoying this. Thanks, Ty.” Sabi ko ngunit bigla siyang huminto sa paglakad kaya napahinto rin ako. Tinignan ko lang siya nang bigla siyang humarap sa akin.

“Masaya ako na nakikita kitang nakangiti.” Aniya kaya napangiti ako. Gustong-gusto niya talaga ang ngiti ko. Should I smile more often?

“I really like you, Erin. But don’t worry. Hindi ko aagawan si Zero. I like you as a person. Gusto ko ‘yong pagiging totoo mo sa iba kahit na masama pa ang maging tingin nila sa ‘yo. You’re showing them how badass you are pero ang totoo ay napakabait mo... Sana ‘wag kang magbago.” Sabi niya nang guluhin niya ang buhok ko. Napahawak ako sa kamay niya at magsasalita sana ngunit malayo pa lang ay nakikita ko na sila Zero.

WHAT THE HELL?!!

“Anong ginagawa nila rito?” Tanong ko at lumingon naman si Tyler. Mabilis pa sa isang segundo nang makalapit sila sa amin, ni wala na kaming oras para tumakbo at magtago.

“Bakit kayo nandito?” Iritang tanong koㅡand guess what? Kumpleto sila.

“Bibili lang kami ni Chloe ng inumin.” Kaswal na paalam ni Jester at saka sila umalis. Bibili? Tch! Bakit kasi hindi na lang niya aminin na gusto niya lang ma-solo si Chloe. Madalas silang lumalabas ng dalawa lang sila tapos sasabihin lang nila na magkaibigan sila. Sinong niloko nila?

“Bakit kapag ako nag-aaya makipag-date sa ‘yo tumatanggi ka?” Tanong ni Zero at napairap na lang ako.

“We are not dating, okay? At saka nandito na kayo para manggulo kaya ano pang nirereklamo mo d’yan?” Tanong ko. Seriously, pinapainit nya ang ulo. Paano pa kaya kapag sinagot ko na siya? Araw-araw lang kaming mag-aaway for sure.

Alex’s POV

Hindi ko alam kung anong klase ng espiritu ang sumapi kay Zero at nagkakaganito siya. Nilibre niya kami ng ticket para lang sumama kami sa kanya rito sa amusement park. Gano’n ba talaga kapag na-in love?

“Kanina pa kayo nag-aaway. Bibili lang ako ng pagkain.” Paalam ko at saka hinila si Tyler at Akira.

“Jennie, Xian. Iwan niyo ‘yang dalawa ng makapag-usap sila ng maayos.” Sabi ko at humiwalay na rin ‘yong dalawa. Nang makalayo kami ay agad kong naibaling ang atensyon sa mga nagkukumpulan doon sa hindi kalayuan.

“Tyler, samahan mo muna si Aki. May titignan lang ako.” Sabi ko bago tumakbo papunta roon. Hindi ko naman inaasahan na babaeng nakikipagsuntukan sa dalawang lalake ang makikita ko.

Medyo hirap siyang makipaglaban kaya tumulong na ako. Wala rin naman kasing balak pumigil sa kanila. Paglapit ko ay sinuntok ko agad ang lalake sa likuran niya bago pa siya tuluyang masuntok nito at nang mapatumba niya ang isang lalake ay hinarap niya ako. Saglit pa akong natigilan dahil hindi ko inasahan na gano’n siya kaganda.

“Salamat.” Hingal na sabi niya at saka ko naman inabot ang kamay ko.

“I’m Alex.” Pakilala ko at kinuha naman niya ang kamay ko.

“Rozee.” Ngumiti ako at saka lumingon sa lalaking lumapit sa kanya. Nanlaki naman ang mata ko at hindi iyon inaasahan.

“Tito Jimmy.” Tawag ko, dahilan para mapatingin sa akin si Rozee.

“Oh, Alex. Anak, magkakilala kayo?” Tanong ni Tito at hindi ako nakasagot agad. Maya-maya ay lumapit na sa amin sila Tyler.

“Sabi na’t konektado ka sa ‘min, eh.” Sabi ni Tyler kay Rozee. Medyo naguluhan pa ako noong una at hindi rin nagtagal ay dumating sila Erin. Kumpleto na kami rito kaya ipinakilala niya sa amin ang anak niya.

“May reunion kami ng tropang sisiw. Tara sumama kayo.” Aya ni tito at lahat kami ay walang pagdadalawang isip na pumayag. Agad kaming lumabas ng amusement and we are now heading towards Erin’s house dahil doon daw gaganapin ang reunion nila.

Nabigla naman si Tita Rain nang makita niya kaming papasok sa bahay nila. Ah... It feels so nostalgic, ilang taon ba ako noong huling punta ko rito? Eight yata ako no’n. Ang tagal na rin pala.

“Wow! Walang pinagbago bahay niyo Erin, ah!” Komento ni Jester sabay pasok sa loob, lahat naman kami ay napanganga dahil sa nakita.

“Tito Jp, ano ‘yang suot mo?” Tanong ni Jester.

“Hindi ko ba nasabi sa inyo na nag-pari ako? Kaya hindi ako magtatagal sa reunion na ‘to dahil magsisilbi pa ako sa Diyos.” Sabi ni Tito at ni isa ay walang kumibo. Well, that’s unexpected.

“Sorry sa bigla kong pagtatanong sa ‘yo kanina.” Sabi ni Erin nang lapitan nito si Rozee, maya-maya lang din ay lumapit sa kanila sina Chloe at Jennie.

Pakiramdam ko ay magkakaroon ng magandang friendship itong apat. Well... Maliban na lang siguro kay Erin at Jennie. Nilingon ko si Tyler at nakitang nakikipag-usap siya kay Akira. Habang sila Zero, Jester at Xian ay nakikipagkwentuhan kila Tito.

Bakit pakiramdam ko ay ito na ‘yong huling beses na makukumpleto kami ng ganito? I hope not.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.