More Than A Fairy Tale (Charmtech Prince's) Chapter 26

NAPAKUNOT-NOO si Rumple nang pagdating niya sa bahay ay nakaamoy siya ng mabango. He was sure the smell is from a good food. Amoy sinigang---his favorite food. Kaagad na kumulo ang tiyan niya. It was nine o’clock and he haven’t had his dinner yet. Pagod na rin siya pero parang biglang nawala iyon dahil sa mabangong amoy.

Nagpunta si Rumple sa dining table niya. Everything is almost ready. May nakahanda na roon na kanin at naroroon rin ang ulam na naamoy niya kanina. Even the utensils are there.

Ilang beses na napakurap si Rumple nang ma-realize ang sitwasyon. Someone cooked for him.

Katrina… Ang babae ang unang pumasok sa isip ni Rumple na gagawa noon. Ito lang naman ang may access sa condo unit niya. Ngayong araw rin ito maglilinis sa condo unit niya.

“Pero bakit mo naman gagawin ito?” hindi maiwasan na isantinig ni Rumple ang nasa isip niya kahit alam niyang hindi siya masasagot.

Ilang taon na rin simula nang magsolo si Rumple. Wala siyang stay in na kasambahay kaya walang nagluluto para sa kanya. Madalas ay nagtetake out lang siya ng pagkain sa restaurant. So somehow, it touched his heart that someone cooked for him. Lalo na at hindi naman niya iyon inuutusan.

Napailing-iling na lang si Rumple. Bakit ba ang daming tanong pa sa isip niya? He should just be grateful. Dahil baka naman ganoon lang si Katrina. Isang paraan nito ng pagtanaw ng utang na loob sa kanya ay ang simpleng pagluluto nito ng dinner para sa kanya.

Hindi ka nagkamali, nasa isip-isip ni Rumple. Parang biglang napa-so what siya sa isip nang maalala ang mga tanong kung bakit ba ito ang naisip niyang patulan. Eh ano naman kasi kung mahirap at mababang babae lang ito? Ngayon ay nalaman niyang sweet at mabuting babae naman ito.

Ngayon lang rin na may babaeng nag-effort sa kanya ng ganito. Usually, girls just wanted him for company and for show. Guwapo at matalino siya. Girls viewed him as a trophy. Not someone to care about…

Pero iba si Katrina. Hindi naman nito kailangan na alagaan siya. Hindi nito trabaho ang ipagluto siya. But she did and it matters a lot for him.

Umupo na si Rumple. Instead of the questions, he just appreciate. At mas lalo pang nadagdagan ang rason para masabi niyang tama siya ng mga desisyon nang mapansin na may note rin sa table.

Smile. – K.

Tama siya. Si Katrina ang may kagagawan ng lahat. At sa isipin na iyon ay napangiti si Rumple.

Bihirang ngumiti si Rumple. Pero masarap sa pakiramdam na gawin iyon. Masarap rin sa pakiramdam na may nag-effort sa kanya ng ganito ngayon. Pero ang pinakamasarap? Ang isipin si Katrina.

He was acting weird again. But then again, so what? Naging masaya naman siya at hindi na rin bago sa kanya ang masabihan ng weird dahil sa pagiging seryoso niya.

Ngiting-ngiti si Rumple habang kumakain ng masarap rin naman niyang hapunan.

“YOU’RE already leaving, Sir?”

Tinaasan ng isang kilay ni Rumple ang tila gulat na gulat na sekretarya. “And what’s wrong if I’m already leaving? It’s already five o’clock.”

Tumango ang sekretarya. “Sorry, Sir. It’s just that I’m not used to it. I mean, alas otso kasi kayo madalas na lumalabas sa trabaho. Nagtaka lang po ako…”

Tumango rin siya. Ano ba kasi ang puwede niyang i-react? Ayaw niyang magpaliwanag sa sekretarya kung bakit trip niyang umuwi ng tama ngayon. Pakiramdam kasi niya, wala rin siyang magandang dahilan.

Gusto lang ni Rumple na umuwi nang maaga dahil nagbabaka-sakali siya na makita at maabutan si Katrina. Duty ito ngayong araw sa bahay niya.

Sa totoo lang, gusto na nga sana niyang mag-half day kanina. Gusto niyang umuwi na para sigurado siyang maabutan ito. Kaya lang, pinigilan niya ang sarili. Bakit ba niya bibigyan ng halaga si Katrina? Trabaho lang naman ito para sa kanya…

Pero mahalaga sa kanya ang trabaho kaya siguro ganoon. Sa mga nakalipas na araw, ang babae na lang ang palagi ang nasa isip niya. Naapektuhan siya sa nangyari sa kanila. Hindi nga lang niya sigurado kung para ba talaga sa ikabubuti iyon.

Ayaw niya dahil nadi-distract siya. Pero gusto rin naman niya dahil parang gumagaan ang pakiramdam niya kapag naiisip ito. It made him happy and weird.

Ughh, just discover…

Umalis na si Rumple ng opisina niya. Mabilis na nag-drive siya sa unit niya. May kaba siya habang naglalakad papasok roon. Maabutan pa ba niya ang babae o mabibigo siya?

Pero nang makita niya si Katrina, nahati ang nararamdaman niya. Nagustuhan niya na makita ang presensiya nito. Pero hindi ang anyo nito. Natutulog kasi ito sa sofa. She looks tired. Parang may sumundot sa puso niya sa nakita. Naawa siya rito.

Wait, kailan ka pa natutong maawa, Rumple?

He was known as a ruthless business man. Napaka-weird na talaga nitong ginagawa sa kanya ni Katrina.

Mas lalong weird nang magmulat ng mata si Katrina. Lumikot ang puso niya. Nagsalubong ang mga mata nila. Ilang beses rin itong napakurap bago nakapagsalita.

“Hala, nakatulog pala ako. Sorry po…”

Tumikhim si Rumple. Sa nangyari kasi ay parang nawalan ng tubig ang lalamunan niya. “Mukhang nakatulog ka dahil napagod ka. Hindi mo dapat pinapagod ang sarili mo…”

“Hmmm…?”

Natigilan si Rumple. Mukhang nagtatanong ang ungol ni Katrina. Ganoon rin ang mga mata nito. At ganoon rin naman siya sa sarili. Bakit ba niya sinabi iyon kay Katrina?

Tumikhim ulit siya. Kailangan niyang humanap ng paraan para hindi nito mahalata na pinapahalagahan niya ito. Nagbibigay na rin kasi siya ng hints. Isa na roon ay noong isang araw nang pagalitan

Nagalit siya rito. And it is because she doesn’t want her to be hurt. He felt like he cared for her. Ayaw niyang aminin iyon. “It’s been more two weeks since we had sex. Paano kung nakabuo na tayo?”

“Ah, okay. S-so tungkol lang pala ito sa baby.”

Nakakunot-noong tinignan siya nito. “Ano pa ba ang kailangan mong isipin?”

Yumuko si Katrina. “Sabi ko nga po, Sir. Pasensya na talaga. Napagod lang po ako nitong nakaraan dahil nagbantay ako sa ospital…”

Lalo siyang napakunot-noo. Nakuwento na ni Katrina na may pamilya naman ito. Well, hindi ganoong normal na pamilya. Anak ito sa iba ng ama nito. Hindi rin ito nakatira sa ama at sa bago nitong pamilya.

Kung tutuusin, dapat ay hindi na dapat ganoong pinapahalagahan ni Katrina ang ama nito. Pero sadyang mabait ang babae. She went through thorns just to make her father okay.

“Hayaan mo na ang pamilya mo ang mag-alaga sa kanya. You have done enough. Well, you’ve done more than enough for them. Magpahinga ka naman.”

Umiling si Katrina. Bahagyang tatawa-tawa rin ito. “Hindi naman po ako puwedeng magpahinga, Sir. Edi hindi na ako makakapagtrabaho…”

“Leave it. A-ayokong napapagod ka. Makakasama iyon sa baby. Dapat ay alam mo na parte ng deal natin na kailangan mo rin `yang alagaan habang pinagbubuntis mo. Kailangan mong mag-ingat…” Nahiling ni Rumple na sana ay hindi mapansin ni Katrina na medyo defensive yata ang pagkakasabi niya.

Nagkibit-balikat si Katrina. “Kaya ko naman. Isa pa, wala pa akong nararamdaman na sintomas ng pagbubuntis. Kung buntis man ako, baka hindi rin naman maselan. Kayang-kaya ko pa na magtrabaho.”

“`Wag ka ng magtrabaho.”

Ngumiwi si Katrina. “Sir, bakit ang sama niyong mag-joke?”

“Seryoso ako.”

Bumuntong-hininga si Katrina. “Hindi puwedeng hindi ako magtrabaho. Paano ako mabubuhay? Paano ako kakain? Sinong magbabayad ng bills ko? Ng bahay? May point ka, oo. Kailangan kong ingatan ang sarili ko. Pero kailangan ko rin na magtrabaho para magkapera. Mas maalagaan ko siya kung may pera ako. Kaya ko ang sarili ko. Mas magkakaproblema ako kapag pinatigil mo ako sa pagtatrabaho…”

“Walang problema. Live here with me…” wika ni Rumple.

Napakunot-noo si Katrina. Pinagpawisan naman si Rumple. Teka, ano ba itong sinabi niya? Parang ang impulsive decision yata noon, ah…

“WHAT are you doing?”

Halos mapatalon mula sa prenteng pagkakaupo si Katrina nang marinig ang boses ni Sir Rumple. Kagaya sa mga nakalipas na araw ay ginugulat na naman siya ng pagdating nito. May lahi yata itong pusa. Paano kagaya ng pusa ay napakatahimik rin nitong maglakad.

Nailagay ni Katrina ang isang kamay sa dibdib. “B-bakit mo naman ako ginugulat?”

“I didn’t intend to. Ikaw lang talaga ang mukhang hindi masanay-sanay sa pagdating ko.” Ibinaba ni Sir Rumple ang gamit nito sa sofa. Medyo nilapitan siya nito. Tinignan nito ang librong hawak niya. “You’re reading fairy tales?”

“Hmmm… oo,” Napangiti si Katrina. Noong bata siya ay mahilig siya sa fairy tales. Ang sarap mag-reminsce sa pagbabasa ulit nito.

Kunot na kunot naman ang amo niya. “At saan mo naman nakuha `yan?”

“Ah, doon sa kabilang unit. May batang babae na four years old. Pinahiram niya sa akin itong fairy tale book. Wala kasi akong maggawa kanina kaya nakipag-usap muna ako sa kapitbahay…”

“So you’re enjoying the neighbors now…”

Tinignan ni Katrina si Rumple. Binasa niya ang mata nito para malaman ang saloobin nito. Kaya nga lang, hindi niya maggawa. Napaka-poker face talaga ng lalaki.

Nakagat niya ang ibabang labi. “Masama ba? Sorry, naiinip lang kasi ako. Pero `wag kang mag-alala, wala naman akong sinabi tungkol sa sitwasyon natin. Hindi naman sila nagtaka na dito na ako tumitira sa unit mo…”

Isang linggo nang nakatira si Katrina sa unit ni Sir Rumple. Nagdesisyon ito na doon na muna siya. Para daw sa ikabubuti niya iyon.

Hindi pa nila sigurado ang sitwasyon niya. Halos isang buwan na simula nang angkinin siya nito pero wala pa siyang nararamdaman na kahit anong sintomas na buntis siya. Masyado pa rin naman na maaga para magpatingin siya at alamin ang kondisyon. Pero kung ano man, mabuti na raw na mag-ingat.

Wala ng trabaho si Katrina pero libre naman ang halos lahat ng pangangailangan niya. May bahay at mga masasarap na pagkain pa ang natitikman niya. Binigyan rin siya ng allowance ng Baby Daddy niya. Mas malaki pa iyon kaysa sa kinikita niya sa paglilinis niya ng mga bahay. Kaya tatanggi pa ba siya? Naisip na lang niyang ipunin ang allowance para makapagsimula siya kapag natapos na ang lahat.

Kaya iyon siya, naghahanap ng bagong paglilibangan. Lumabas-labas siya at nakita ang bata. Mabait ito at niyaya siyang maglaro. Nakasundo niya ito at mukhang okay naman siya sa magulang nito. Hinayaan siya ng mga ito na makalapit ang bata. Pumayag rin ito at ang bata nang subukan niyang hiramin ang malaking libro nito ng fairy tale stories. Gusto lang rin kasi niya ng bagong paglilibangan. Nakakasawa rin na manood na lang ng TV maghapon. Wala rin naman kasing gaanong linisin sa bahay ni Rumple. Ayaw rin siya nitong payagan na bumisita sa Tatay niya. Baka raw ikapagod niya iyon.

Sinunod na lang ni Katrina si Rumple. After all, okay naman ang lahat. Okay na rin ang Tatay niya. Naging mabilis ang recovery nito at sabi ng Doctor ay malaki raw ang pag-asa na bumalik ang buhay nito sa dati. Maganda ang results ng mga test nito. At lahat ng iyon ay kagagawan ni Sir Rumple. Kaya naman ganoon na lang niya gustong malaman ang opinyon nito. Pinahahalagahan niya ito.

“Yeah, walang problema.” Sagot ni Rumple. Tumingin ulit ito sa libro niya. “But that book is just for kids…”

“Nakaka-miss lang. Saka ang dami ko rin kasi na bagong natutunan na fairy tales. Marami pala talaga na fairy tales…”

Tinaasan siya ng isang kilay ng lalaki. “Like?”

Bakit muna ang dami mong tanong? Iyon muna ang tanong na pumasok sa isip ni Katrina. Sa loob-loob niya ay gusto niyang mapangiti. Kahit naman kasi hindi madalas na nakikita noon ay madali lang na makilala si Sir Rumple. Tahimik ito. Seryoso. Mukhang wala nga itong kaibigan. Sa halos isang taon na paglilinis niya sa unit nito ay hindi nagkakaroon ng gulo. Palaging payapa at malinis. Iisa lang ang ibig sabihin noon: walang dumadalaw.

Pero kung kausapin siya nito ngayon ay parang interesado ito. At sa isipin na iyon, kinikilig si Katrina. Kung tutuusin, napaka-non sense lang naman ng pag-uusapan nila. Pero ito ang lalaki, nagtitiyaga pa rin. Parang nagbibigay ito ng halaga sa ginagawa niya kahit hindi naman dapat.

“Rumplestiltskin…” Napatingin siya sa amo. “Uy, medyo malapit ang pangalan niyo, ah. Dito ba kinuha ang pangalan mo?”

Umiling si Sir Rumple. “Ni hindi ko alam ang kuwento na iyon. Ano bang kuwento noon?”

“Tungkol sa isang duwende na mahilig makipag-deal. Nakipag-deal siya sa isang babae. He spins the straw into gold. Pero sa pangatlong beses niyang deal sa babae, wala ng maibigay na kapalit sa kanya ang babae. Hindi pumapayag ang duwende na makipag-deal na walang kapalit. Kaya naisip niyang ang susunod na kapalit ay ang magiging anak---“

Natigilan si Katrina. Deal. Anak. Naligalig siya. Bakit pakiramdam niya ay may pagkakaparehas ang kuwentong iyon sa kuwento nila ni Sir Rumple? Nakipag-deal si Sir Rumple sa kanya. At kagaya rin ito ni Rumplestiltskin. Kagaya nga ng mga sariling salita nito: he won’t trade without profit. At ang anak niya ang makukuha nito para sa deal na iyon.

“Hmmm…?”

Napalunok si Katrina. “Anyway, naging happily ever after rin naman. Namatay ang tusong duwende sa huli…”

Namatay ka sa huli. Parang may tumusok yata sa puso ni Katrina sa isipin na iyon.

Sandali pa lang, pakiramdam niya ay nagkakaroon na ng halaga sa kanya si Sir Rumple. Ayaw niyang mawala ito. Pero bakit?

Kagaya ng duwende sa kuwento, kukuhanin rin nito ang anak niya. Gagamitin siya nito. Masama si Sir Rumple. Pero mukhang mas masama ang puso niya. Dahil kahit alam niyang sasaktan siya nito, mas nagugustuhan pa rin niya ito.

“Okay…” Nagkibit-balikat si Sir Rumple. Maya-maya ay tumayo na ito at nagpunta sa kuwarto. Naiwan na siya sa sala. Pero ang puso niya ay parang nawala sa kanya.

Nawalan siya ng emosyon. O iyon ang gusto niya lang na isipin. Dahil meron naman talaga---at iyon ay ang lungkot. Ayaw lang niyang aminin. Hindi pa kasi siya handa talaga. Sa kabila ng sitwasyon ng pamilya niya ngayon ay nakahanap siya ng saya.

Gusto niyang nakikita si Sir Rumple. Pero kagaya ng pag-alis nito ngayon sa tabi niya ay aalis rin ito sa buhay niya. Ang masaklap pa, dadalhin nito ang buhay na puwedeng mabuo sa loob niya. Pero ang masaklap, mukhang ganoon rin ang puso niya…

HALOS yakapin ni Katrina ang lababo ng banyo nang magising siya. Pagmulat pa lang niya ng mata niya ay ang sama na ng pakiramdam niya. Nahihilo at nasusuka siya. Kakaunti lang ang nakain niya kagabi kaya naman halos wala rin siyang maisuka.

Nanghihina siya. Pero tinitiis niya ang lahat. Alam na niya ang kondisyon niya. Buntis siya. Lahat ng mga nararamdaman niya ngayon ay dahil roon.

Kahapon ay nag-take siya ng pregnancy test. Mahigit isang buwan na rin naman simula nang unang angkinin siya ni Rumple. Hindi rin kasi dumating sa tamang araw ang period niya.

Alam na rin ni Rumple ang kondisyon niya. He was pleased. Pero nang makita nito ang kondisyon niya ngayon ay mukhang hindi ito pleased. Mas maputla pa yata ito kaysa sa kanya.

“I would call a Doctor now…”

Umiling si Katrina. “Magiging okay rin ako.”

“You look like a mess…”

“Sa tingin ko naman ay normal lang ito,” Sinubukan niyang ngumiti kahit mahirap. Kinalma niya ang sarili.

Tumiim ang bagang ni Rumple. Nilapitan siya nito at binuhat. “A-anong---“

“Para hindi ka na mahirapan pa na maglakad.” Sagot nito. Naglakad ito papunta sa kuwarto. “Kailangan mong magpahinga…”

“Hmmm…” Pumikit si Katrina.

“I’ll just be here…”

Nagmulat ulit siya. Puno ng pag-aalaga ang tingin nito at parang tumagos iyon sa puso niya. Nag-init ang dibdib niya. Masarap iyon sa pakiramdam kaya naman nang pumikit ulit siya ay naging madali para makatulog.

MATAAS na ang araw nang magising ulit si Katrina. Halos mapabalikwas pa siya nang bumangon. Hindi na masama ang pakiramdam niya. Pero naisip niya ang trabaho niya sa bahay. Ngayong nakikitira na lang siya, hindi dapat siya magbuhay prinsesa. Siya dapat ang gumagawa ng almusal ni Rumple. Pinagsisilbihan niya dapat ito.

Pero may magagawa pa ba siya? Tanghali na. Baka nga nakaalis na sa trabaho ang lalaki. O iyon ang akala niya.

Nagulat si Katrina nang makita niya si Rumple sa sala. Nakaharap ito sa laptop nito. Pero nang makitang nakabangon na siya ay tumayo ito.

“Good morning,”

Binati rin niya ito. Tumingin siya sa orasan. Kanina pa ito dapat nakaalis para sa trabaho. “Late na. Bakit nandito ka pa?”

Nagkibit-balikat si Rumple. “Hindi ako pumasok.”

“Ha? Bakit?”

“Naisip ko lang na hindi kita dapat hinahayaan na mag-isa. Masama ang pakiramdam mo.”

“Okay na ako ngayon.”

“Hmmm…” In-examine nito ang mukha niya. “It doesn’t look so. Parang wala pa rin na kulay ang mukha mo.”

“Normal na naman sa akin iyon dahil siguro may kaputian ako.”

“Kahit na.” Inalalayan siya ni Sir Rumple papunta sa dining room. Inayos rin nito ang isang upuan para sa kanya. “Kumain ka na…”

Napatingin siya sa lamesa. May mga pagkain na roon. Garlic rice, egg at corned beef. Kumulo ang tiyan niya. Paborito niya ang mga iyon at mukhang masarap rin. “Nagluto ka?”

Tumango ito.

“Wow…”

“Don’t compliment. Hindi mo pa natitikman.” Nagkamot ito ng ulo. “I’m afraid na baka mas sumama pa ang pakiramdam mo sa luto ko. I really should have bought something outside…”

Umiling si Katrina. “Okay lang. Na-appreciate ko nga. Salamat sa pag-aabala...”

“Save that compliment later when you already taste everything…”

Kumain na siya. Okay naman ang luto nito. Nag-compliment siya pero nahirapan itong tanggapin.

“I rarely cook, you know…”

“Talaga? Ang suwerte ko naman at pinagluto mo ako..” Ang laki ng ngiti ni Katrina. “Salamat sa lahat. Salamat sa pag-aalaga mo sa akin.”

“You’re wel---“ Natigilan si Rumple. Maya-maya ay tumikhim ito at umiling-iling. “No need to say thank you. You are carrying my child so you also become my responsibility, too…”

Responsibilidad. Iyon lang ang tingin sa kanya ni Rumple. Masakit, oo. Pero bakit may isang bahagi niya ang nagsasabing parang hindi naman? Isang bahagi niya ang umaasa na sinasabi lang iyon ni Rumple. At iyon ay ang pakiramdam at puso niya.

Gusto niyang pahalagahan siya ni Rumple bilang isang babae at hindi lang dahil siya ang ina ng anak nito…

LINGGO at walang pasok ngayon si Rumple sa trabaho. Naka-schedule rin siya na mag-grocery ngayong araw. Dahil nakokonsensya naman siya na iwan si Katrina sa unit ngayong araw ay isinama niya ito. After all, alam niyang sabik rin ito na makalabas dahil sa ilang linggo na nitong pananatili sa unit niya. Maayos rin ang pakiramdam nito kaya wala siyang nakikitang problema.

Mabait rin naman na kasama si Katrina. Nakatingin lang ito sa pinamimili niya.

“Go and buy something, too.” Alok niya rito dahil naiilang naman siya sa kilos nito. Napakatahimik nito.

Umiling si Katrina.

Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Bakit? Wala ka bang gusto? Wala ka bang mga balak na lutuin?”

Tumingin si Katrina sa push kart. “Napakadami mo ng binili. Sa tingin ko ay nabili mo na lahat ng kailangan ko...”

Totoo nga iyon. Sa mga nakaraang linggo ay mas madami ang pinamimili niya kaysa sa dati. Bukod kasi sa hindi na siya nag-iisa, nagugustuhan rin niya na nagluluto si Katrina o kaya ay ang pinagluluto ito. Hindi siya mahilig na magluto pero sa tingin niya ay kailangan. Madalas na masama ang pakiramdam ni Katrina kapag umaga. Gusto niyang alaagaan ito. Nakikita rin kasi niya na kapag nalaman nito na nagluto siya ay gumagaan ang pakiramdam nito.

Rumple doesn’t mind cooking and being late to his work because of Katrina. After all, responsibilidad na niya ito. Pero bukod rin, parang nag-e-enjoy rin naman siya na pagsilbihan ito. There was something in his heart that made him feel nice whenever Katrina is feeling nice, too. Gusto niya itong mapasaya.

At walang nakikitang masama si Rumple sa pag-e-effort niya. Paano, bumabawi rin naman sa kanya si Katrina. Ito naman ang nagluluto ng dinner nila. Kaya iyon siya, marami ang gino-grocery para hindi na rin ito mahirapan sa pagbili ng mga kailangan para sa lulutuin.

“What about other foods? Wala ka bang cravings?”

Sinundan ni Rumple ang tingin ni Katrina. Her eyes landed on a chocolate. Walang pag-alinlangan naman na kinuha niya ang chocolate. Sinadya rin niyang kuhanin ang may pinakamalaking packaging at dinalawa pa niya iyon.

Napasinghap si Katrina. “Uy, hindi naman ganyan ka---“

“Mas mabuti nang marami kaysa sa kulang. Paano kung bigla kang atakihin ng craving kapag gabi at sarado na ang groceries?”

Kinagat ni Katrina ang ibabang labi nito. “Alam mo, hindi mo naman kailangang gawin ito…”

“You are my responsibility now, Katrina…”

“Siguro nga. Pero sa tingin ko naman ay walang scientific fact na makakaapekto sa bata kung sakaling hindi ko makuha ang craving ko…”

Sandaling natigilan si Rumple. He will admit that he is researching. Totoo ngang wala namang epekto kung sakaling hindi makuha ng ina ang craving nito sa pagbubuntis. But somehow, he wanted to spoiled Katrina.

Gusto niyang maging masaya ito.

“W-well, I want you to be okay…”

“Hmmm…”

Naglihis na lang ng tingin si Rumple. “But don’t make a big deal out of it, okay?”

Hindi na rin naman nagsalita si Katrina. Hindi nagtagal ay natapos na sila sa pamimili dahil hindi rin niya napilit si Katrina na bilhin pa ang sa tingin nito ay mga kailangan pa nito. Hindi na rin siya nangulit at sinubukang huwag pansinin ang babae.

Pero habang nagbabayad, mahirap rin na gawin iyon lalo na at may nakita naman siyang lungkot o mas tama sigurong inggit sa mga mata ni Katrina.

May kasunod silang sweet na mag-asawa sa pila sa counter. Habang nagbabayad ay panay ang harutan ng mga ito.

Napapangiwi si Rumple sa nakita at gusto rin niyang mapangiwi sa reaksyon na nakikita kay Katrina. Bakit ito maiinggit sa dalawa? They looked like fools because of being sweet in public.

But people in love are fools… nasa isip-isip ni Rumple. Pero teka, gusto rin ba ni Katrina na maging sweet o magmukhang in love kagaya ng mag-asawang iyon? Kanino? Sa iba? Teka, parang siya naman yata ang nalungkot sa isipin na iyon…

“Don’t be sad…” wika na lang niya kay Katrina. Isinantinig niya ang nasa isip para mas lalo rin niyang maunawaan iyon. Hindi rin naman kasi talaga siya dapat malungkot. Ano ba si Katrina sa buhay niya?

“Huh?”

“Ganoon ang nakikita ko sa `yo habang nakatingin sa mag-asawa na `yun. Mukhang naiinggit ka…”

Hindi nagsalita si Katrina. Namula lang ito. Pero natapos na sila sa pagbabayad sa counter ay napansin pa rin niya na malungkot si Katrina. Naligalig naman siya. Saan ba nangagaling ang pakiramdam na nalulungkot siya kapag nakikitang nalulungkot rin ito?

Ganoon pa man, ayaw na rin na patagalin ni Rumple ang nakakaloko niyang nararamdaman. Before pushing the kart back to the parking lot, he held Katrina’s waist. He kissed her lips.

Hindi na dapat nagulat si Rumple sa ginawa niya kay Katrina. Siya ang gumawa, siya ang nagdesisyon. Pero nagulat siya sa reaksyon ng puso niya. It went warm. Lumakas rin ang tibok ng puso niya kahit simpleng halik lang naman iyon kung maituturing.

“A-anong ginawa mo?” pulang-pula si Katrina.

“Trying to make you happy?” sinubukan ni Rumple na magpaka-cool.

“R-responsibilidad mo rin ba ang pasiyahin ako?”

Kung tutuusin, kayang-kaya niyang sagutin ang tanong na iyon ni Katrina. Ina ito ng anak niya at dapat ay nasa mabuting lagay ito. Masama rito kung malungkot ito. Pero pinili ni Rumple na hindi magsalita. Pakiramdam kasi niya, kung sasabihin niya ang mga dahilan na iyon ay magsisinungaling siya.

Gusto lang talaga niya na pasiyahin si Katrina. It made him happy knowing that she was happy.

Minsan tuloy ay napapaisip siya kung mangkukulam ba ang babae. Noong una ay hindi naman niya napapansin ito. Wala itong appeal sa kanya kaya bakit bigla-bigla ay nararamdaman niya ang mga damdaming ito? He suddenly care for her not just because she was the mother of his child. Iyon ay dahil gusto rin talaga niya.

Pero siguro rin ay mali na naman siya. Hindi niya ito napapansin noon dahil hindi naman niya sinusubukang ilapit ang sarili rito. Now that he got to know and close to her, the unexplainable yet intense feelings became alive.

Siguro rin nga ay hindi talaga totoo ang kasibihang first impressions last. Hindi rin tama ang sinasabi nilang love at first sight. Love develops. And so are the other feelings. Gusto niyang ikonsidera ang nararamdaman niya para kay Katrina bilang ganoon.

Walang dating sa kanya si Katrina noong una. Pero ngayong nakilala niya ito ay masasabi niyang nagugustuhan na niya ito. After all, hindi rin naman tama na maging basehan ang pisikal na anyo at estado ng buhay para magustuhan mo ang isang tao `di ba?It was what you feel about that person…

Somehow, natatakot si Rumple sa nararamdaman niya. Bago ito sa kanya. Pero may mas nagsasabi sa kanya na mas nakakatakot kung pipigilan niya ang magagandang pakiramdam na iyon.

Hah, bahala na nga!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.