NAPAISMID si Ursula nang makita na lumilikot na naman ang mata ni Eric. Sa ngayon ay mahigit isang buwan na sa Alonia Island ang lalaki. Wala pa rin nangyayari sa kanyang plano. Naiinis at naiinip na siya. Mukhang nagkamali siya ng akala. Hindi malayo ang naiisip niyang kaya may impormasyon ito sa kanya ay dahil sa may gusto ito sa kanya.
She was being delusional. Alam naman iyon ni Ursula. She was vain, too. Pero hindi iilang lalaki ang nabaliw sa kagandahan niya. Kaya nga ganoon na lamang ang naisip niya tungkol kay Eric. At natuwa siya roon. Alam niya simula nang mawala ang career niya sa modelling ay hindi na rin siya ganoon kapansinin. Pero mali nga yata talaga siya ng akala.
Pero gagawin ko ang lahat. I want him.
Greedy si Ursula. Hindi niya gusto ang buhay na kayang ibigay lamang ng Alonia. Kaya nga pinili niya na mag-Maynila. Pero kailangan niyang balikan rin ang isla dahil sa ina. Hindi nito gustong umalis roon. Sa kabila naman ng aminado si Ursula na may pagkasama ang ugali, hindi naman siya masamang anak para iwanan na lamang ito basta. Binibisita pa rin niya ito paminsan-minsan.
Pero naisip ni Ursula na kung magkakaroon siya ng mas magandang buhay sa Maynila, baka mas makumbinsi niya ang Nanay na doon na rin manirahan. Ayaw na talaga niya sa Alonia. Lalo na ngayong may kinaiinisan siya. Kinaiinisan niya ang babaeng ramdam niya na kinahuhumalingan ng lalaking plano niya.
Naiinis si Ursula kay Ariel. Sila ni Eric ang palaging magkasama pero ramdam niyang iba ang nasa isip nito. Iba ang nasa puso. Si Ariel iyon.
Hindi masasabi ni Ursula na mahal na niya si Eric. Oo, guwapo ang lalaki. Pero wala ang kakaibang nararamdaman niya rito kagaya ng nararamdaman niya kay Tristan. Si Tristan na sabihin man nila na katangahan na samahan ay gusto pa rin niya. Noong una ay naiisip niya na dahil mayaman ito gawin man siya nitong kabit. Pero bakit si Eric, mayaman ito pero wala siyang maramdaman na kakaiba? She was crazy about Tristan, that’s why.
Pero sa ginagawa ni Eric, naiinis siya. Nasasaktan siya. Kung tignan kasi ni Eric si Ariel ay parang ito na ang pinakamagandang babae sa buong Alonia---heck, sa buong mundo. He was crazy about her. Naiinggit siya.
Isang simpleng babae lamang si Ariel. Pero bakit parang ito pa talaga ang makakuha ng ginto? Bakit siya na may gusto ay hindi iyon makuha?
“She’s really beautiful.” Mahina lang na sabi ni Eric pero umabot iyon sa tainga ni Ursula. Nagpanting ang ulo niya. Hindi lang niya naramdaman. Talagang pinarinig pa ng lalaki!
“May gusto ka talaga sa sirena na `yun, ha?”
“Sirena?”
“Ariel. `Di ba siya si Little Mermaid? At ang boses niya---“
“O-oh yeah.” Sinalubong ni Eric ang tingin ni Ursula. “Okay lang sa `yo?”
Humalukipkip si Ursula. Hindi okay sa kanya kaya alam niyang kailangan niyang gumawa ng paraan. Kung hindi kayang tumigil ni Eric, magbibigay siya ng paraan para maramdaman nito na wala itong pag-asa kay Ariel. Gagawin niya itong bad-shot sa babae.
“Bibigyan kita ng tip para makapagpa-impress sa kanya.”
Nagningning ang mata ni Eric. Tinamaan talaga ang loko! “Ano?”
Ngumisi si Ursula. “Paborito niya ang sea food. Bigyan mo siya noon.”
Ngumiti si Eric. Pinagkiskis rin nito ang kamay na tila ba determinadong gawin ang ginawa niyang tip. “Sige.”
Hah, so hindi nga nagsisinungaling si Ariel na hindi nito tinanggap ang pagpapakilala ni Eric rito. Pinagsabihan na kasi niya ang babae naramdaman na niya ang pagkahumaling ng kanyang plano rito. At dahil malaki ang utang na loob nito sa kanya, inasahan na niya na susunod ito. Isa lang ito sa mga mamamayan ng Alonia na madali niyang mamanipula.
Pero kung hindi maggawang mamanipula ni Ursula si Eric, siya na ang gagawa ng paraan
para magtigil ito sa pagkahumaling sa dalaga.
Tignan na lang natin ang mararamdaman mo kung maramdaman mo na napahiya ka. Nasa isip-isip ni Ursula.
Hindi niya papayagan na mapunta si Eric kay Ariel. Kailangan niya ang lalaki at kailangan niyang kontrolin ang lahat. Kailangan niya na baliktarin ang fairy tale.
PASIPOL-sipol pa si Eric habang hawak-hawak ang dalang inihaw na bangus at alimango. Nasilip niya na wala si Ariel sa bahay ng mga ito kaya naisip niyang puntahan na lamang ito sa may kalayuan na kubo kung saan ito nagpipinta.
Nasasabik si Eric. Gusto niyang mapangiti si Ariel. Gusto niyang mapalapit pa rito kahit ramdam niya na iniiwasan siya nito. Nagdahilan ito nang tanungin niya ito kung puwede ba na magpakilala. Naramdaman niya na hindi nito gusto. Kapag nakikita niya rin ito sa mga nakalipas na araw ay hindi ito tumitingin sa kanya. Umiiwas ito sa kanya.
Naisip ni Eric na baka minasama ni Ariel ang kagustuhan niya na makipagkilala rito. Masyado ba siyang naging mabilis? Sinabihan niya ito ng maganda. Naglabas kaagad siya ng paghanga rito. Malamang ay nagulat ito. Nailang. Pero kahit ganoon, gusto pa rin niya ang babae. Gusto niyang gumawa ng paraan para mapalapit rito.
Nagpasalamat tuloy si Eric na parang nagbabago na si Ursula. Hindi na ito possessive. Ngayon ay pinakawalan na siya ng babae. Ito pa nga mismo ang bumili ng mga alimango at bangus. Tinulungan rin siya nito na magluto. Mukhang okay na rito na lumabas na siya at makihalubilo sa iba, lalo na kay Ariel.
“Hi!” kaagad na bati ni Eric kay Ariel. Hindi naman siya nabigo sa isipin na nasa kubo ito. Abala ito sa pagpipinta pero ibinaba nito ang brush nang makita siya.
“H-hello. Bakit ka naririto?” nagyuko ito ng ulo. Nalungkot si Eric. Ayaw ba talaga ng babae sa presensiya niya? Bakit? Pero bakit noong una naman ay hindi naman ito ganoon? Inalagaan pa nga siya nito noong mga unang araw niya sa isla. Anong nangyari ngayon?
Wala naman na ginagawang masama si Eric sa tingin niya. Gusto lang niya na mapalapit rito dahil iyon ang tila gusto ng puso niya. Sa loob ng isang buwan na pananatili niya ay sumasaya lang siya kapag nakikita niya si Ariel. Hindi pa rin kasi ganoon kaganda ang pakiramdam niya dahil wala pa rin siyang maalala. Gustuhin at pilitin man niya, walang bumabalik sa alaala niya. Naiinis siya. Pero kapag nakikita o naiisip si Ariel, parang balewala ang kapansanan niya. May hindi siya maipaliwanag na contentment rito.
Inilabas ni Eric ang mga dala. Napakaganda ng ngiti niya dahil alam niya na magiging masaya rin si Ariel. Pero kaiba iyon sa naging eskpresyon nito.
Ariel looked horrified. Humakbang ito palayo sa kanya.
“Ariel...?!” Shit, anong nangyari?
Ibinaba ni Eric ang dala na pagkain. May malaking kamay na pumiga sa puso niya nang makitang umiiyak ito.
“Anong problema? Teka, `di mo ba nagustuhan ang dinala ko?”
“H-hindi ka na dapat nag-abala pa.” Umiiyak pa rin ito.
“Gusto ko kasi na sorpresahin ka at pasayahin ka rin. Pero iba ang nakuha ko mula sa `yo.” Napakamot ng ulo si Eric.
“Hindi ako kumakain ng sea foods. Feeling ko ay kinakain ko na rin ang kapamilya ko dahil parang sa dagat na rin ako nakatira.”
Weird. Unang naisip ni Eric sa sagot. Pero mas weird yata ang naramdaman ni Eric. The line seems familiar. Saan niya narinig iyon? Sinubukan niyang pakinggan ang mga boses sa isip. Pero walang boses. May kung anong lumalabas mula sa kanyang isip. Isang whiteboard...
Napahawak si Eric sa ulo. Anong mayroon sa whiteboard? Nakakaramdam siya ng familiarity. Pero naiinis lang siya dahil wala siyang makita na sagot.
“O-okay ka lang, Eric?” may luha pa rin sa mata ni Ariel. Pero makikita rin ang pag-alala sa mukha nito.
“Ha? Yeah.” Sagot niya kahit naiinis pa rin siya. Nagkakaroon siya ng mga flashes pero hindi niya maintindihan. Hindi rin naman siya makapagtanong dahil alam niyang walang maisasagot sa kanya si Ariel. Si Ursula lamang ang naiisip niya na may kaugnayan sa kanya dahil sa mga impormasyon mula rito na nakuha sa kanyang wallet.
Tinitigan siya ni Ariel. Parang may inaantay pa itong sagot mula sa kanya. Pero hindi na iyon inantay ni Eric dahil gusto na lamang niya na mag-focus sa pakiramdam ng titig nito. Parang tinutunaw kasi noon ang puso niya. The feeling is good.
“Eric?” si Ariel na rin mismo ang pumutol ng kasiyahan ni Eric.
“Ha? Oo. Okay lang ako.” Shit, sabi ni Ursula thirty one years old na raw ako. Eh bakit parang kung umasta ako sa harap ni Ariel ay para akong teenage boy na natutulala sa crush?
“I-ikaw nga actually ang inaalala ko. Napaiyak kita. I’m sorry. Sabi kasi ni Ursula, mahilig ka raw sa sea foods.”
Napailing-iling si Ariel. Mukhang naramdaman nito na niloko siya ni Ursula.
Nakaramdam tuloy ng pagdududa si Eric kay Ursula. Well, hindi naman iyon ang unang beses na nakaramdam siya ng pagdududa kay Ursula. Mabait naman ito sa kanya. Maasikaso. Maalaga. Pero bawat ngiti ay parang nakakaramdam siya ng masama. Isama pa ang pagiging possessive nito sa kanya na hindi niya maintindihan kung bakit. Parang may pakay ito sa kanya na hindi niya maintindihan.
Hindi rin nagustuhan ni Eric ang mga pinapalabas ni Ursula. Binibigyang konklusyon nito na dahil may nakitang impormasyon nito sa pitaka niya, hinahanap niya ito. Pero kung talagang ganoon nga ay bakit ngayon ay si Ariel ang hinahanap-hanap niya?
NAPAKABIGAT ng ulo ni Eric. Kaunti na lang ay sisigaw na siya sa sakit. Ipinikit niya ang mga mata at mula sa madilim na paligid ay napunta siya sa liwanag. Bigla siyang napunta sa ibang kuwarto. Tila opisina iyon---may laptop, lamesa at maraming papel na nagkalat roon. Nakaupo rin siya sa isang swivel chair. He looked good, too.
May pumasok na babae. Nakasimangot ito.
“I hate this work, Kuya Eric!”
Kaagad na dinaluhan ni Eric ang babae. Inalo naman niya ito.“Masasanay ka rin, Cindy.”
Umiyak na ang tinawag niyang Cindy. “Nakakainis si Lolo! Nakakainis ka rin. Nakakainis si Daddy. Pero mas lalong nakakainis si Kit...”
“Cindy, tanggapin mo na lang na hindi kayo para sa isa’t isa ni Kit.”
“Mahal ko siya, Kuya...”
“H-hindi siya parte ng mundo natin.” Parang may bumabara sa lalamunan na sagot ni Eric.
Tumingala si Cindy kay Eric. “Iyon rin ba ang dahilan kung bakit hindi mo binalikan ang babae deaf and mute foundation?”
Mukhang nagulat si Eric. “How did you know about her?”
“Si Lolo. Ikinuwento niya sa akin. Natutuwa daw siya at hindi mo pinansin ang babaeng iyon. Hindi raw kayo bagay sa isa’t isa. The girl was not part of our world. Napakasimple na, may kapansanan pa.”
Nagdilim ang mukha ni Eric. Maya-maya ay bumuntong-hininga rin. “`Wag na natin pag-usapan ang tungkol roon. Ang mahalaga nayon ay ang mag-focus ka sa buhay mo. You have so much ahead of you. Nakaka-ilang buwan ka pa lang rin. Its still a start. You’re going to be okay. Ano ba ang problema, sis?”
Nag-usap sila ni Cindy nang problema sa opisina. Nang makaalis ito ay parang lumong-lumo si Eric. Napasuntok rin siya sa pader.
“Bakit kailangan natin na mabuhay sa ganitong pamilya, Cindy?”
Nanonood lamang si Eric sa ginagawa ng katauhan niya sa opisina na iyon. Pero nararamdaman niya ang sakit sa nakita. Anong mayroon? Bakit pakiramdam niya ay nakaka-relate ang katauhan kay Cindy---ang kapatid niya.
“Nagmahal si Cindy ng lalaking malayo sa pamumuhay namin. Ganoon rin ako. At ano ang gagawin ni Dad? Palalayuin rin niya sa akin si---“ napapikit si Eric. “Hindi ako makakapayag! Masasaktan siya kapag nangyari ngayon. S-siguro ay hindi pa ito ang oras.”
Kinakausap ni Eric ang sarili at doon niya napatunayan na tama ang hinala. Nagmamahal rin siya na kagaya ni Cindy---iba ang buhay sa buhay na mayroon sila. Parang isang drama sa pelikula.
“Nasasaktan ako sa ginawa ko sa `yo. Pero kailangan ko na gawin. Hindi pa ito ang tamang panahon. Wala pa akong ganoong kapangyarihan. But someday, when I became the president of this company, I can really do what I want. Babalikan kita. We’ll be together and no one can stop us...”
NAPABALIKWAS ng bangon si Eric. Lahat ay panaginip lang pala. Pero tila lahat ng nangyari ay totoo.
Nagkaroon ng hinala si Eric. Bakit niya napaginipan iyon? Paano kung lahat nga ng mga iyon ay nangyari sa kanya? Lumakas ang tibok ng puso niya. Mukhang bumabalik na ang alaala niya. Naniniwala siya na lahat ng nangyari sa panaginip niya ay parte ng kanyang nawawalang alaala.
Inalala ni Eric ang mga nakita sa opisina. Eric Soriano, Vice President---iyon ang nakalagay sa name plate sa table niya sa opisina. So totoo nga na Eric ang pangalan niya. Pero ang ipinagtataka niya ay ang hindi pa rin siya nahahanap siya ngayon.
Mayaman si Eric kung ganoon ang katayuan niya sa kompanya. Mukhang ganoon rin si Cindy at ang tinawag niya na ama. Pero bakit hindi siya hinahanap ng mga ito? Mahigit dalawang buwan na siya ngayon na nasa Alonia. Wala pa rin na balita sa lahat.
Hindi kapani-paniwala. Mayaman sila. Paniguradong maraming pera ang pamilya niya para ipahanap siya. They could advertise in TV, too. Pero bakit walang naghahanap? May nakagalitan ba siya sa pamilya? Pero sapat ba na hayaan ng mga ito na hindi siya hanapin?
O paano kung may hindi gustong magpahanap?
Nakaramdam ng masama si Eric. Maayos naman ang buhay niya sa Alonia Island sa loob ng dalawang buwan na iyon. Kontento na rin siya. May isa rin bahagi ng isip niya na ayaw umalis. At alam niya na dahil iyon kay Ariel. He still feels crazy about her. Iniiwasan pa rin siya nito sa mga nakalipas na linggo pero may isang bahagi niya na ayaw sumuko. Gusto niya talaga ito sa kabila ng pag-iiwas. Sa kabila ng panghaharang ni Ursula tungkol sa kanila.
Nawawalan na ng tiwala si Eric kay Ursula. Tama nga siguro na makaramdam na siya ng masama. May iilang beses na rin naman talaga siya na nagdududa rito, lalo na noong niloko siya nito tungkol sa sea foods na hindi naman pala paborito ni Ariel. Kaya nga kahit sabihin nito na okay lang na lumapit siya sa babae ay iniiwasan na rin niya. Sa mga nakalipas na linggo, madalas ay nakatanaw lamang siya sa dalaga.
Pero hindi naman maaaring ganoon ang buhay ni Eric. Ngayon ay nagpapakita na ang memorya niya. Siguro ay oras na para pansinin talaga niya ang nawawalang parte ng kanyang buhay.
At kung ginagawan siya ng masama ni Ursula, siguro ay tama lang rin na gumanti si Eric: Gagamitin niya ang babae.
KAARAWAN ng pinuno ng Alonia Island. Taon-taon ay imbitado ang lahat ng taga-Alonia kapag kaarawan nito. Hindi mahilig sa ganoong kasiyahan si Ariel. Paano ay madalas na naghahain ng sea foods roon dahil iyon naman talaga ang palagi nilang kinakain, puwera lamang siya. Pero pinilit ni Ariel na pumunta. Ninong kasi niya si Punong Manuel. Kagaya nina Nanay Alicia at Tatay Ruben, maganda rin ang turing sa kanya ng pinuno. Nahihiya naman siyang tumanggi.
Masaya kapag kaarawan nito. Parang fiesta. Maraming handa. May kasiyahan rin. Sa gabi ay may sayawan. Sa tuwina ay hindi na dumadalo roon si Ariel. Sadyang mahiyain siya. Pero ngayong gabi ay may kung anong puwersa na nagsabi sa kanya na manatili. Parang gusto niya na makisaya.
“Aba ay okay `yan, Anak. Baka mamaya ay makahanap ka na diyan ng lablayp,” pang-aasar sa kanya ni Tatay Ruben. “Balita ko ay nag-imbita rin si Punong Manuel ng mga kalalakihan sa kabilang isla,”
“Si Tatay talaga.” Hindi naman miminsan na binuyo siya ng nag-ampon na ama. Paano ay nangangamba ang mga ito na baka raw maging matandang dalaga siya dahil sa pagiging introvert niya.
“Hindi ka na bumabata, Ariel. Mukhang makikisig at mababait naman iyong mga kalalakihan. Pakilala mo kaagad sa akin kapag nakapili ka na, ha?” kumindat pa ito bago siya iniwan.
Sasama sana si Ariel sa grupo ng mga kaklase niya noong elementarya nang biglang dumating si Ursula sa eksena. Hawak-hawak nito ang kamay ni Eric. Sa kabila ng mga buwan na nanatili ang lalaki at iniiwasan niya ito ay hindi pa rin nawawala ang epekto nito sa kanya. Kaya ganoon na lamang ang kudlit sa puso niya nang makita ang lagay ng dalawa.
“Hey, Ariel! I have a news for you...” may kalandian ang boses ni Ursula. Bumitaw ito sa kamay ni Eric pero hinaplos ng kagaya rin ng boses nito ang braso ng lalaki. “Kami na ni Eric!”
Tila may punyal na tumarak sa puso ni Ariel. Ganoon pa man, nagtaka siya. Wala siyang nakita na bakas na nagkakagustuhan na ang dalawa. Kahit naman kasi iniiwasan niya si Eric ay inooberbahan niya pa rin ito sa palihim na paraan nga lamang.
“Ha? Ganoon ba? Edi congratulations...”
“Yeah. And I’m so happy...” niyakap ni Ursula si Eric. Para bang sinadya nito na inggitin siya na nakuha na nito ang pinaghirapan na “ginto”.
Tumango-tango si Ariel. Nag-excuse siya sa dalawa. Gusto niyang lumayo dahil nasasaktan siya. Gusto na niyang umuwi. Pero bago pa man makapagdesisyon ay may humarang kay Ariel.
“Puwede ba kitang maisayaw, Miss?”
Sandaling nag-alinlangan si Ariel. Tinitigan niya ang lalaki. Mukhang maayos naman ito. Naalala niya ang sinabi ng kanyang ama. Inalala rin ni Ariel ang totoong kailangan niyang gawin: mag-move on.
Tinanggap ni Ariel ang pakikipagsayaw. Mahahalata na hindi siya marunong pero tinanggap iyon ng lalaki. Nakangiti ito sa buong durasyon ng pagsasayaw nila. May itsura naman ito pero wala pa rin ang kakaibang nararamdaman niya kay Eric. Hindi rin maggawang alisin ng pagsasayaw nila ang sakit sa nalaman na nakipagrelasyon ito kay Ursula.
May fault ka rin naman. Bulong ng isang bahagi ng utak ni Ariel.
Iniisip rin ni Ariel na magkaiba sila ng mundo ni Eric. Hindi sila maaari sa isa’t isa. Kaya nga siguro tama lang na makipagsayaw siya. Nang matapos ang kanta ay may isa pang lalaki na humingi ng kamay niya para makipagsayaw. Pumayag si Ariel. Ganoon rin sa mga lalaking sumunod sa pag-asang makakaramdam siya ng kakaiba. Kailangan niya na makalimot.
Anim na lalaki na ang nakipagsayaw kay Ariel nang lumapit si Eric.
“Puwede ba kitang maisayaw?” tanong ni Eric, hindi na pinansin ang ilan pang lalaki na nakapila.
“S-si Ursula---“
“Wala siya. May kinakausap sa cell phone niya. Kaya kung puwede. Sandali lang naman ito...”
Kinuha na ni Eric ang kamay ni Ariel. Wala na siyang naggawa. “Hindi ko nagustuhan ang pakikipagsayaw mo sa iba. Nasaktan ako kahit mali.”
Nanlaki ang mata ni Ariel. “Anong sinasabi mo? Si Ursula---“
“Alam ko. Pero gagamitin ko lamang siya para makabalik sa nakaraan ko. Sa isla na ito, siya lamang ang pinaka-hightech. Siya ang maraming koneksyon sa Maynila. Kailangan kong makumbinsi siya na pabalikin ako roon.”
“Eric...”
Hinaplos ni Eric ang pisngi ni Ariel. “Kapag maayos na ang lahat sa akin, babalikan kita, Ariel. Puwede bang antayin mo ako?”
Hindi talaga siya papipigil. Hindi na nga pinapansin ni Ariel si Eric pero ito pa rin ang lalaki. Minsan ay gusto na niyang maniwala na may naramdaman rin ito sa kanya noon at hindi iyon nawala hindi kagaya ng alaala nito.
“Kailangan ko na malaman ang sagot mo. Gusto talaga kita gaano mo man ako itaboy.”
Gustong matunaw ni Ariel. Wala naman silang gaanong pinagsamahan ni Eric para maramdaman nito iyon. Ganoon pa man, pinigilan niya ang sarili na maniwala.
Umiling si Ariel. “Kapag nakaalala ka na, malamang ay hindi mo na bibigyan ng halaga ang mga sinabi mo.”
Hinawakan ni Eric ang kamay ni Ariel. Pinisil nito iyon. “Trust me on this, Ariel.”
Naglihis ng tingin si Ariel. Tinanggal rin niya ang kamay ni Eric. Minsan na akong nagtiwala sa `yo, Eric. Nasaktan lang ako.
“MAY NAAALALA na ako.” Wika ni Eric kay Ursula kinabukasan. Dinala siya nito sa tabing dagat para doon mag-almusal. Iginiit pa nito na date daw iyon. Nakakapangiwi para kay Eric pero hindi na rin naman niya masisisi si Ursula kung masabi iyon. Kahapon ay sinabihan niya ito ng matatamis na salita at mula roon ay nagkaroon na sila ng relasyon. Paniwalang-paniwala naman ang babae na gusto nga niya talaga ito.
Nalaglag ni Ursula ang hawak na plato sa kanyang sinabi. “Anong sinabi mo?”
“May naalala na ako. Ako nga si Eric Soriano. May kapatid ako, si Cindy Soriano...”
Niyakap ni Ursula si Eric. “Oh my God! Napakagandang balita! Ano pa ang naalala mo?”
Sinabi ni Eric kay Ursula ang mga nakuhang impormasyon sa panaginip. Bagaman hindi pa rin siya sigurado kung iyon nga ba talaga ang totoo sa kanyang buhay ay gusto niyang paniwalaan. Simula nang mapaginipan niya iyon, palaging lumalabas sa kanyang panaginip si Cindy. Ganoon rin ang opisina, ang dalawang matandang lalaki.
Natulala si Ursula. “S-so totoo nga...”
“Anong totoo nga?”
Hinawakan ni Ursula ang kamay niya. Pinatayo siya nito mula sa buhanginan. “Halika sa bahay...”
Nagtataka man ay sumunod si Eric kay Ursula. Pagdating sa bahay ay may kinuha itong diyaryo.
“Bakit ngayon mo lang ipinakita ito sa akin?!” may galit sa boses ni Eric. Diyaryo iyon na naglalaman ng ad na pinapahanap pala siya. May article rin na nagsasabing iniisip ng pamilya na wala na siya. Paano ay naging mahirap ang paghahanap. Walang naging bakas ng trahedya na nagmula pala sa isang bumagsak na eroplano. Ang hinala ay nag-crash ang eroplano sa dagat na ang huling track ay papunta ng Palawan.
Nakagat ni Ursula ang ibabang labi. “K-kahapon ko lang siya nakuha. Naghahanap ako ng tiyempo para sabihin sa `yo.”
Matamang tinitigan ni Eric si Ursula. Parang hindi niya gustong maniwala na kahapon lamang nito iyon nakuha. Nakakaramdam siya ng masama.
Hinawakan ni Ursula ang kanyang braso. “Don’t be mad at me, please...”
Hindi nagsalita si Eric. Galit man siya pero hindi niya iyon puwedeng sabihin kay Ursula. May kailangan siya kay Ursula. Ito ang magdadala sa kanya sa pamilya niya---ang pinakadahilan niya kung bakit inisip niya na makipaglapit rito. Ramdam niya ay isa lamang si Ursula sa mga taong kailangan ng suhol para mapakilos mo. Wala siyang kayamanan kaya tanging ang puso lamang ang naibigay ni Eric. Pero mukhang tama naman ang desisyon niya dahil kinagat nito iyon. Ngayon ay may inilabas ito pero hindi niya maggawang isipin na coincidence lamang iyon. Nakakaramdam siya ng masama. May plano.
Wala na talagang tiwala si Eric kay Ursula. Pero kailangan niya ito kaya kailangan rin niyang pakisamahan ito.
Huminga nang malalim si Eric. “J-just take me to my family now...”
Tumango si Ursula, may nakakalokang ngiti sa labi saka ipinagkiskis ang pisngi sa kanyang braso.
ENGAGEMENT party ni Cindy nang makarating sila Eric at Ursula sa bahay. Malaki ang kasiyahan pero naging double celebration iyon nang dumating siya. Naging malaking pasabog ang pagdating niya roon pero lahat ay masaya. Niyakap siya ng magulang, Lolo at pati na rin si Cindy. Pansin niya na sa lahat, si Cindy ang pinakamasaya. Kahit inamin niya sa mga ito ang kalagayan niya na hindi pa rin lubos na nakakaalala ay hindi na raw iyon mahalaga. Ang mahalaga ay nakabalik na siya. Tutulungan rin raw siya ng mga ito para makaalala siya.
“Wala na kaming problema ngayon ni Kit kasi dumating ka na.”
Si Kit ang fiancé ni Cindy. Ayon rin sa kanyang nalaman, ngayong engaged na si Cindy at Kit, si Kit na ang mamahala ng Soriano Food Manufacturing Company na pagmamay-ari nila. Pero nag-aalinlangan si Kit roon dahil pakiramdam nito ay hindi nito deserved ang posisyon. Para rito, dapat isa sa kanila ni Cindy ang mamahala. Sila ang totoong magmamana.
“P-paano kung kagaya ni Kit ay hindi ko rin gustong pamahalaan ang kompanya?”
“Hindi! Mahal na mahal mo kaya ang kompanya. At kung hindi ka nawala, ikaw na dapat ang Presidente sa ngayon. You were very happy about it. Pangarap mo `yun.”
“Okay...” wala pa rin siyang maalala pero parang may kung anong nagpapataba sa puso niya sa isipin na iyon. Baka totoo nga ang sinasabi ni Cindy.
Niyakap siya ni Cindy. “Napakasaya ko na dumating ka, Kuya. Missed na missed kita.”
Niyakap rin niya ang kapatid. Nakaramdam siya ng init. “Mukhang close tayo noon.”
“Slight. Spoiled ako sa `yo noon. Kapag may problema sa kompanya, sa iyo ako lagging pumupunta.”
“Ano pa ang alam mo sa akin, Cindy?”
“Marami. Pero sa ngayon, ano ang partikular na gusto mong malaman?”
“A-ang tungkol sa aksidente ko. May gusto akong malaman. Bakit ako pupunta ng El Nido noong naaksidente ako? May hinahanap ba talaga ako? You see, nakita nila ang contact ni Ursula sa wallet ko noong naaksidente ako.”
“Wala kaming alam. Ang akala namin ay trip mo lang na magbakasyon. Sa mga nakalipas na buwan bago ang plane crash, madalas kang pumupunta sa Palawan. Hindi ko sigurado kung bakit. Wala kang sinasabi. Ang tungkol kay Ursula, wala akong alam tungkol doon. You’re not engage to any woman. Wala kang pinapakilala sa akin, sa pamilya. But I know your heart belongs to someone...”
“Sino siya?”
“Ang babae sa deaf and mute association.”
“I know!” naalala ni Eric ang panaginip. “Pero sino siya? Kilala mo ba siya?”
Umiling si Cindy. “You never said her name to me. Close tayo pero ang tungkol sa kabanata ng buhay mo na iyon, hindi mo kailan sinasabi sa akin.”
Nanakit ang ulo ni Eric. Sa lahat kasi ng mga hindi niya maalala, may pakiramdam siya na ang babae na iyon ang pinakamahalaga. Who could that girl be?
“M-may kakilala ka pa na ka-close ko? Ang maaari kong pagsabihan nito sa akin? Sina Daddy at Lolo kaya? Si Mommy?”
“Madalas kayo na magkausap ni Daddy pero three years ago, simula nang ginawa niya sa relasyon namin ni Kit ay parang nanlamig ka rin sa kanya. So I doubt.”
Tumango si Eric. “I feel so curious about this girl. I want to know about her. Posible kayang si Ursula ang babae na iyon?”
Napasimangot si Cindy. “I don’t think so. Mukhang hindi mo siya type. Nakakagulat nga ang sinabi mo na girlfriend mo siya.”
“What is she like?”
“I’m sorry to say this but she looks like a gold digger to me.”
Kahit si Cindy ay masama rin ang pakiramdam kay Ursula. Napangisi si Eric. “Our relationship is just a fraud.”
Nagulat si Cindy. Ikinuwento niya rito ang tungkol sa plano kay Ursula.
“All right. I have a bad feeling about her, too, kaya hindi na kita pagsasabihan.”
“So matutulungan mo ba ako, Cindy? Sino pa ba ang kailangan ko na mapuntahan para malaman kung sino ang babae mula sa deaf and mute association? Sino pa ba ang taong malapit sa akin?”
“Si Kuya Ali. Siya lang ang kakilala ko na malapit sa `yo bukod sa akin. You must have opened about this girl to him. Hindi lang siya nakapunta sa party dahil abala raw siya. But I’ll let him know about you. Siguradong magbibigay iyon ng time. He was worried about you, too.”
Na-excite si Eric sa bukas. Kailangan na talaga niyang malaman kung ano ang nangyari sa kanyang nakaraan.