Mr. Heartthrob meet Miss Scholar Chapter 38

JOSHANE'S POV

Finally, i'm back! Nandito kami ngayon sa Philippine airport kasama sila Tricia, Jomania, Cherry and Lia. Yeah, you read it right, isinabay na namin sila Lia and Cherry since magkalapit lang ang mga bahay namin sa Australia. Ngayong nakabalik na ako sa Pilipinas parang ang bigat ng loob ko. Pakiramdam ko any moment sasabog na ito dahil sa halo-halong feelings ang nararamdaman ko ngayon.

" Oh my gosh! Si Jomania ba yan? Yung sikat na model? "

" Ang ganda pala niya sa personal no? At ang sexy pa niya. Pero ang gaganda din ng mga kasama niya baka model din? "

" Idol, pa authograph naman. "

Yan yung mga naririnig namin habang naglalakad kami palabas ng arrival area. Akala ko sa Australia lang sikat ang pinsan ko pero hanggang Pilipinas pala sikat din siya.

" How does it feel being popular and a celebrity? " Tanong ni Cherry kay Jomania.

" You have no idea! I'd rather be a normal person than being on a spotlight. Walang privacy kapag sikat ka. " -Jomania

" How did they know that you're arriving today? Grabe, ang sikip na nga dahil sa daming tao dagdagan pa ng mga fans mo! " Napailing nalang ako. Dahil narin sa daming tao na nag sisiksikan para makalapit kay Jomania, napatawag tuloy kami ng  security para ma secure ang place na dadaanan namin. Kinailangan pa naming tumakbo para makaalis agad sa kumpolan ng mga tao. Buti nalang naghihintay na ang limo na susundo sa amin sa labas. Pagkakita namin sa limousine sumakay na kami agad at nung nasa loob na kami saka lang kami nakahinga ng maayos.

" Shit! What an experienced! Napagod ako sa kakatakbo ha?! " Reklamo ni Tricia na hingal na hingal naman dahil sa pagod. Buti nalang may tubig sa loob ng limo kaya nakainom kami agad. Namangha naman kami sa loob ng limo dahil sobrang ganda nito sa loob. Kumpleto sa gamit, may mini bar, mini ref, may tv at sobrang comfortable sa loob.

By the way, limousine pala nila Cherry ito. Nag offer kasi siya na siya ang mag poprovide ng sasakyan namin since sa amin daw ang private plane na sinakyan namin papunta ng Pilipinas. Mas nauna kaming bumaba ni Jomania dahil bahay namin ang unang madadaanan. Nagpaalam na kami sa kanila at pumasok na kami sa loob ng bahay. Sinalubong naman kami ng mga maid namin at inabot sa kanila ang mga luggage namin.

" Jomania, you will use the guest room. Kakain na ba tayo or later nalang? " Kapagkuway tanong ko sa pinsan ko. Napagod talaga ako sa marathon namin kanina.

" Kain na muna tayo kasi gutom narin ako and after kumain matutulog ako dahil may jetlag ako! " -Jomania

Nagpahain na ako ng makakain namin kay manang Linda. Pinakilala ko narin sila kay Jomania, hindi kasi sanay sa maid si Jomania. Sa Australia kasi hindi uso ang maid dun. Sanay sa gawaing bahay ang mga tao dun at kasama na ang mga pinsan ko. Sinanay kasi sila sa gawaing bahay at sa pagiging indepedent.

" Josha, bukas i have an appointment with the owner of the clothing line that i will work with. Magpapahatid nalang ako sa driver niyo bukas, okay lang ba? " - Jomania

" Okay lang Jom, i have my car naman if ever na lumabas ako bukas. " Kumain na kami at after naming kumain nagpahinga ako ng kunti at naligo then after that pinatuyo ko lang ang buhok ko at natulog na ako.

Kinabukasan, nagising ako ng maaga dahil kelangan kong kumuha ng driving license since mag iistay ako dito ng matagal. Yung driver kasi si Jomania ang gagamit dahil mas kelangan niya ang driver dahil hindi siya familiar sa place. Second time palang daw niyang punta ito ng Pilipinas  at yung first na punta niya dito 2 years old palang siya nung time na nawala ako.

Sinundo ako ni Tricia sa bahay dahil kukuha din siya ng driver's license niya dahil ayaw niyang may driver siya na nakabuntot lagi sa kanya. Pag dating namin sa LTO, nag fill up na kami ng form and since na dati na kaming may license magpapa renew nalang kami. Pinakita namin yung international license namin pero hindi kasi ako sure if allowed kaming gamitin yun kaya magpaparenew kami. Pag dating sa counter hindi na kami pinayagang mag renew kasi pwede naman daw gamitin yung international license namin kahit saang bansa daw kasi pwedeng gamitin yun. After namin sa LTO pumunta nalang kami sa mall. Tinawagan namin si Lia at Cherry pero tulog ang dalawa kaya hinayaan nalang namin silang matulog.

Sa mall..

Gumala muna kami at bumili ng mga damit dahil hindi naman ako nag dala ng maraming damit. Tinamad na kasi akong mag impake at isang luggage lang ang dala ko na ang laman puro gadgets at pasalubong ko para sa mga maids namin at sa parents ko sa Iloilo. Pag dating ng hapon umuwi na kami dahil plano pa naming pumunta ng club republiq to surprise the gang! Hindi kasi namin pinaalam sa kanila na nandito na kami sa Pilipinas.

***

Nag bihis na kami at si Tricia sa bahay narin nag bihis dahil tinamad ng umuwi sa kanila. Tinawagan narin namin sila Lia and Cherry at on the way narin daw sila dito sa bahay. Bale dalawang kotse ang dala namin, yung kotse nila Lia and Cherry at yung kotse ko na kasama ko sila ni Trish at Jom sa kotse.

Naka sleeveless black dress ako na hanggang tuhod ang manggas na tenernohan ng black killer heels. Naglagay din ako ng kaunting make up, nakasanayan ko na kasi na maglagay ng make up kapag umaalis. Natural na ang pagiging maganda ko pero mas lalo pa akong gumaganda pag naka make up at nag ayos ng sarili. Ready na kaming lahat at hinihintay nalang namin ang pag dating nila Lia at Cherry. Maya-maya lang bumusina na sila at yun na ang cue namin para umalis na.

Club republiq..

Marami na ang nag bago sa bar ni Peter, mas lalo pa itong gumanda at mas naging modern tingnan dahil sa mga disenyo at mga gamit na nandito. Marami ng tao at halos lahat nag eenjoy na sa kanya kanyang mga grupo. May nag sigawan sa bandang dulo ng bar at nung tingnan namin, yun pala ang table ng Gforce. May mga kasama silang mga babae lalo na si Kelvin na hanggang ngayon babaero parin. Si Tristan naman, hindi na naglalaro ng gameboy at kasama niya si Elisa at naka akbay siya kay Elisa. Sila na kaya? Bakit hindi nila kami ininform? Nakita ko si Peter na nakatingin lang sa grupo niya pero hindi pinapansin ang babaeng katabi niya. Same old Peter, deadma sa mga babaeng malandi. Si JL naman, nakikipag tawanan sa katabing babae, may pinag uusapan yata sila na ikinatawa ni JL. Tiningnan ko si Tricia sa tabi ko, nakakuyom ang mga palad niya at inis na inis sa nakikita niya. Kung nakakamatay lang ang mga tingin niya siguro kanina pa namatay si JL at ang kasama niyang babae.

" Relax! Nandito tayo para mag enjoy, don't spoil our night bruh. " Lumingon siya sa akin at ngumiti ng pilit. Yung ngiting hindi mo magugustuhan kapag nginitian kana niya. May binabalak siya, alam ko yun dahil sa ngiti niyang yun.

" Mag eenjoy tayo bruh, don't worry! " At naglakad na kami patungo sa isang table na bakante at katabi ng table ng Gforce. May lumapit na waiter sa amin at kinuha ang mga order namin. Hindi parin kami napapansin ng kabilang table since busy sila sa kani-kanilang business.

Tumayo si Tricia at lumapit sa table ng Gforce at ngumiti kay JL. Nainis naman ang babaeng katabi ni JL sa ginawa ni Tricia na paglapit sa kanila at pag ngiti nito kay JL. Si JL naman parang nakakita ng multo ng makita si Tricia dahil bigla itong namutla at parang mahihimatay dahil nahuli siyang lumalandi sa ibang babae.

" H-hi T-Tricia, k-kelan ka pa dumating? " Pautal utal na sabi ni JL. Natatawa naman ako sa reaksiyon ni JL at yung babaeng katabi ni JL bigla niyang iniwan at lumapit kay Tricia.

" Hey, who are you to interfere here? Mas nauna ako sayo dito so back off bitch! " Sigaw ng babae kay Tricia ngunit imbes na mainis mas lalo pang lumapad ang pagkakangiti ni Tricia sa babae. Oh-oh, if i were with that girl i should escape now. Masamang galitin si Tricia, i already witnessed her wrath one time.

" Girl, kung paunahan lang pala ang usapan dito edi talo kana. Don't you know that this guy your flirting with is my suitor? And for him, you're just nothing but a toy! So please, back off! " Napatda ang babae sa sinabi ni Tricia sa kanya. Akmang sasampalin niya sana si Tricia pero mabilis na nahawakan ni Tricia ang kamay niya at iwinaksi. Ngumiti muna si Tricia then in a count of three she punched the girl on the face. Boom! Bagsak ang babae sa floor at nawalan ng malay.

" Don't mess with the bitch because i don't just slap, i punched thick faces. " With that, tumalikod na si Tricia at bumalik sa table namin. Shocked parin ang mga taong nakakita sa ginawa ni Tricia kahit yung mga kasama ko sa table nakatulala parin. Natawa naman ako sa mga reaksiyon nilang mga nakakita sa pag suntok ni Tricia sa girl.

" I didnt see that one is coming. Gosh! Pinatulog mo talaga ang girl, kawawa naman siya! " Nakangisi ako habang sinasabi ko yan sakanya.

" She deserves that punched. Nakakairita lang na kung umasta siya naging invader pa ang labas ko kanina. " Nag hi-five ako sa kanya at nakipag hi-five din siya sa akin. After humawi ang mga tao sa table nila Peter, we went there at nakipag kamustahan sa kanila.

" Hey, bakit wala si Paige dito? How is she by the way? " Tiningnan lang ako ni Peter na may lungkot sa mga mata niya. Is something happened that i didn't know?

" She's gone five months after you left. Her family was nowhere to be found. I guess they left Philippines without even telling us. " Paliwanag ni Peter sa akin. Siguro may nangyari na hindi lang masabi ni Paige sa amin kaya umalis siya nang walang paalam kay Peter. Poor guy! Bagay pa naman sana silang dalawa at umaasa ako na someday magkakatuluyan sila pero i think hindi na yun mangyayari.

" Hey Elisa, how are you? Kayo na pala ni Tristan pero hindi mo man lang kami binabalitaan. Nagtatampo ako sa'yo alam mo ba yun?! " Nilapitan naman niya ako at niyakap. I missed her a lot kaya ganun nalang ang yakap ko sa kanya.

" Sorry naman, ayoko na lang kasi na istorbohin kapa since alam ko na nasa moving on stage ka pa. Ikaw, kamusta kana? I hope naka moved on kana sa pinsan ko! " Pilit siyang ngumiti na parang nakikisimpatiya sa akin. Ugh!

" I'm definitely fine now! I've heared his getting married now, is it true? " Diretso kong tanong kay Elisa at bigla naman siyang napasimangot sa tanong ko.

" Oh please! Don't ever remind me again of how stupid my cousin is. " Sa tono ng pananalita ni Elisa obvious na hindi niya gusto ang ideyang mag papakasal sila Harley at Celine. I can't blame her, she doesn't like Celine eversince.

" You need to deal with it! That's your cousin's decision, we must respect it wether we like it or not. Malay mo naman his happy with Celine, let's just be happy for him. " Tinitigan lang niya ako mata sa mata, sinusukat kung anu ang nararamdaman ko kaya nag bawi ako ng tingin at binaling ko sa ibang direksiyon ang paningin ko.

" Wala ka bang balak na kunin ang dapat na para sa'yo? I mean, hindi mo man lang ba ipaglalaban ang nararamdaman mo para sa kanya? " Gustuhin ko mang ipaglaban ngunit wala na akong ipaglalaban pa dahil walang kasiguruhan kung mananalo ako kung sakaling lumaban pa ako. Ayoko ng masaktan pa ulit, kasi baka sa susunod hindi ko na kakayanin pa.

" Nakamoved on na ako Elisa, at alam ko ganun din si Harley. Wag na nating gawing kumplikado ang sitwasyon, hayaan nalang nating maging masaya sila!

It hurts like hell letting him go but i realized that,

it's better to see the person i love to be happy with someone else than lonely with me.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.