Samantha Gabrielle Point Of View
Nandito pa rin kami sa gym. Dami pang gagawin halos nawalan ng ingay rito sa room kasi halos umalis ang mga student anong meron sa labas??
Kami na lang dito ni Andrea kasi si Lieven tinawag siya ng isa sa ka-band niya.
"Oh em geyy!" Hindi makapaniwala na ani ni Andrea at napatingin ako sa kaniya may tinitingnan siya sa phone niya.
"Baby... Come here! Look."
"Naku! Baby mamaya ka na nga mag cellphone diyan! Tulugan mo na kaya ako rito."
"Tingnan mo 'to! Dali! Madali lang."
"Ano ba 'yan?" Sabi ko at tumingin sa screen ng phone niya.
"0_____________0"
Sina bianca naka bilad sa initan sa field at may libro sa ulo.
"Sinong may gawa niyan?"
Tanong ko nakakaawa sila kahit na ganu'n sila sa akin.
"Minsan uso ang mag basa ng caption." Sabi niya at tiningnan ko ang caption.
Captions:
'THIS IS WHAT YOU GET WHEN YOU HURT REM MENDOZA's WIFE'
It's a live vedio kaya sumilip ako sa bintana at puno na ng tao ang field. Oh my God! Ezekiel bakit mo 'to ginawa?
Pinahiya niya pa sila Bianca. Ano bang klase 'yan!
"Let's go baby..." Hinila ko si Andrea papunta ng field.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Sa field tulongan natin sila Bianca."
"Ano ka ba! Bagay lang sa kanila 'yon. Tsaka infairness iba gumanti ang asawa mo."
"Hindi nakakatuwa ang ginawa niya wag kang maging proud diyan. Wag mo na ngang puriin ang ginawa niya, ayaw ko na may inaapi siya."
"Baby... He did it for you! Alam mo kasi hindi ka marunong lumaban, siya ang gumanti para sayo! Iba talaga kapag may brutal na asawa iba gumanti, ibang klase maging protective."
Pang aasar niya.
"Tumigil ka nga diyan!"
Nang makarating na kami sa field grabi nag kukumpulan lahat ng students.
"Escuse me...' Sabi ko habang sumisingit sa kanila.
"Tabi po... Excuse.." Sabi ni Andrea habang nakasunod sa akin.
Buti na lang at nakasingit agad ako. Mainit na sobra. Ang lagkit na sa balat.
"Bianca ayos lang kayo?" Tanong ko ng makalapit ako sa kanila they are crying.
"Sam Help! My skin my god! Help." Sabi niya akmang aalisin ko na anng books sa ulo niya pero hinarang ako ng isang lalaki siguro mga high school pa lang sila junior high.
"Miss, wag po kayong makialam kong ayaw niyo pong madamay." Sabi niya sa akin.
"Sino bang nagsabi sa inyo? Hindi ba kayo naawa sa kanila?" Sabi ko sa lalaki.
"Utos po ni Master na hindi sila aalis hanggat hindi niya sinasabi." Pag paliwanag niya.
"No Sam. Tulongan mo kami.—You, hindi mo ba siya kilala siya ang asawa ni Rem! Kaya sundin niyo siya!" Sabi ni Khatty.
"Payongan niyo si Ma'am." Sabi niya at may lumapit sa akin na isang lalaki at pinayungan ako.
"Ano ba! Itigil niyo na to," Sabi ko.
"Andrea tulongan mo 'ko." Dagdag ko at lumapit ako kay bianca at inalis ang book sa ulo niya Andrea do the same.
Ampula na talaga nila they are burned. Kawawa naman.
"Miss, papagalitan kami ni mtaster nito e." Sabi ng lalaki na pumapayong sa akin.
"Wag mo na kong payungan, at pakisabi diyan sa Master mo hindi nakakatuwa ang ginagawa niya." Inalalayan ko si Bianca na makaupo sa bench.
"Sino pong may tubig sa inyo?" Tanong ko sa mga students.
"No! I don't have water! Isa pa Ate hindi nila deserve na tulungan." Sabi ng isang student na ikina-ingay ng madla.
"Pwes hindi ko kailangan ng tubig niyo!" Mataray na sagot ni Bianca sa babae.
"Ikaw na ngang tinutulongan ikaw pang galit! Mahiya ka naman." Pinigilan ko si Andrea.
"Pasensiya na. I don't know why Ezekiel did this. I apologise." Sabi ko at iniwan ko na sila nakasunod sa amin ang apat na lalaki pinapayungan kami ni Andrea ngunit pinigilan ako ni Bianca.
"Samantha, I'm sorry. Please do forgive Rem. Help me please... Ayaw kong magising na nasa lansangan. Forgive us, because of what we have done and I want you to know that I am not the Bianca who Rem's ex fiancee. I'm so sorry... Please, forgive him." Umiiyak na sabi ni Bianca.
Napatulala ako ng marinig ko ang sinabi niya, sinong Bianca ba ang ex ni Ezekiel? Oh god! What is going on? Hindi ko sinagot si Bianca naglakad na ako papa-alis sa field kailangan kong makausap si Ezekiel. Ano bang bang pinag-gagawa niya?
"Mga baby boy.. Kaya na namin ang sarili namin. Pwede niyo na kaming ewan." Pag tataboy ni Andrea sa apat.
"Ah... Ihahatid po kayo namin sa hallway." Sabi ng parang leader sa kanila.
"Hindi na kaya na namin."
Sabi ko. "Okay po Miss." Tapos iniwan na namin.
"Naniniwala ka ba kay Bianca?" Napatingin ako kay Andrea.
"Kung hindi siya, Ide sino ang Bianca na ex-fiancee ni Ezekiel?" Ang alam ko Bianca ang pangalan ng ex niya, hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba ang sinabi niya o kailangan kong mag-tanong kay Ezekiel?
***
"Bakit mo ginawa 'yon?" I ask him.
"Ang alin?" He innocently ask back then he walk towards me and give me a kiss on cheek.
"Ezekiel, pati ba naman sila Bianca papatulan mo? Alam mo namang babae sila bakit mo ginanun? Nag-iisip ka ba?" Mahinahong tanong ko sa kaniya.
"Iniisip ko ang kaligtasan mo at sinigurado ko lang na hindi ka na nila ulit sasaktan. Gab, sana naman naiintindihan mo kung bakit ko ginawa 'yon." Sumandal siya sa sandalan ng driver seat. Nandidito kami sa loob ng sasakyan niya.
"Wag mo ng uulitin, please lang." Inirapan ko siya.
"So are you forgiving me?" He faced me.
Alam ko na ginawa niya iyon para sa akin, gumanti siya dahil iyon ang hindi ko man lang naipagtanggol ang sarili ko. Humingga ako ng malalim at humarap sa kaniya at tumango.
Ayaw kong mawalan ng magandang buhay si Bianca siguro naman hindi niya na uulitin ang ginawa niya sa akin, dahil kahit sino naman ayaw na maging dahilan ng pagbagsak ng kanilang negosyo.
"Really?" He assured me. I smiled and nod.
"Yes," Dumukwang siya papalapit sa akin at niyakap ako, ewan ko ba ibang-iba siya ngayon.
"Thank you baby..." Hinalik-halikan niya ako sa kamay.
"I have surprise for you..." He said and he wink on me.
"What is it?" I raised my eyebrows.
"Just wait and relax, I hope you like it my love."
0____0 My love, na naman? My heart beat so fast as I heard him.