Mr. Superstar Meets Ms. Assassin Chapter 1

NathaLia's Pov:

Pagkagising ko ay nagtimpla na kagad ako ng kape, nakita ko si Ace na may hawak na Dyaryo, sya ang nakababata kong kapatid, 15 years old na sya, pagkatapos kong magtimpla ng kape ay binato nya saken yung dyaryo

"ate Oh!"

nasalo ko naman ito agad

TABLOID: SUPERSTAR, BENCH MODEL ACTOR , NATHANIEL PEREZ CAUGHT IN THE SET WITH HIS RUMORED GIRLFRIEND!

nabuga ko yung iniinom kong kape

"oh?.. ate okay ka lang?.."

"oo wag mo kong intindihin ituloy mo na yang pagkain mo"

arrrgghh! bwiset!ang aga aga yun kagad yung pambungad! nakakainis! bakit ba kase hindi nalang mamatay lahat ng playboy sa mundo!!

its been two months nung binigyan nila ako ng mission na patayin ang taong ito.. pero hanggang ngayon.. hindi ko pa nagagawa! >.<

damn! ano ba naman klaseng professional hired killer ako kung isang simpleng superstar lang hindi ko pa mapatay! >.<

*Flashback*

-Rain Corporation

"good morning Nathalia"

"yeah good morning.. what do we have here?.."

"wala si General kaya ako muna ang magbibigay sayo ng mission.. hmm?.. sa pagkakaalam ko masyadong controversial ang bago mong target ngayon "

"interesting..is this a popular person?.."

"yeah you got it malaki ang binigay nilang pera kapalit ang buhay ng taong to.. he's an actor, superstar , uhm... and a Bench model.."

"nakakatawa naman yan! bakit nila ko binibigyan ng mga ganyang target?.. haha"

"oh well ikaw na bahala dyan.."

binigay nya na saken ang mga profile tungkol sa target ko at pagtingin ko ay...

its none other than..

NathanieL Perez...

my first love...

anong motibo nila?.. bakit gusto nilang ipapatay si Nathaniel?.. tsk.. oo ano ba yan! oo naiinis ako sa kanya pero hindi ko sinabing gusto ko syang patayin! bakit sya pa?.. sa dinami dami ng maiimpluwensyang tao sa mundo bakit sya pa?.. hindi naman sya masamang tao eh.. kaylangan kong malaman kung bakit.. kulang pa tong mga information na to tungkol sa kanya.. alam ko na to eh.. oo mahilig sya sa Cereals.. alam ko na yung mga information dito eh.. kaylangan ko pang lawakan ang pagre research.. yun muna ang iimbestigahan ko bago ako gumawa ng plano sa mission impossible na to..

natigil ako sa pag aalala sa nakaraan nang nag ring yung cellphone ko

*round and round! around and round*

asan na ba yun?...

*you see me standin there and act like you dont know me but last night you were going and saying you want me , oh why you always make me feel like im the one thats crazy?.. you make my heart racin--*

ayun nahanap ko din!

on the phone :

*hello?..*

*hello is this ms. Nathalia of Rain Corporation?..*

*Yes, what can i do for you?..*

*They say youre the most valuable Assasin of this Corporation so i want you to finish someone*

*okay, well then ill be there in a minute..*

Call ended

hay... trabaho nanaman hindi ko pa nga natatapos yung isa kong mission meron na agad panibago.. nagbihis na ko at dahil late na ko at kanina pa naghihintay saken ang trabaho ko , sinabit ko nalang yung fake harness bag ko sa bintana at tumalon na ko pababa , ayos sakto ang landing ko , hindi pa ko nadidisgrasya dito kahit kelan eh haha , pagkatapos non ay sumakay na ko sa kotse ko

Nathaniel's Pov:

hinila ko si Thalia papunta sa tree house , kung saan kami naglalaro ..

"Nathan.. san ba tayo pupunta?.."

"haha basta..."

binigyan ko sya ng kumpol ng rosas na pinitas ko sa garden namin..

"haha para saan to?.. bakit binibigyan mo ko ng mga bulaklak?.."

"ThaLia.. magpakasal tayo.."

"ano?... eh diba pang matanda yun?.. hindi pa pwede bata pa tayo.. "

"pero gusto kitang pakasalan.."

"uhm.. oh sige ganito nalang.. pag laki natin saka nalang ako magpapakasal sayo.. okay ba yun?..."

"hmmp.. sige na nga... Promise?.."

nilahad ko ang kamay ko sa kanya para mag pinky promise

"promise.."

ngumiti sya saken at inamoy nya ang mga dala kong bulaklak..

**KKRRRIIIINNNNNGGGGG!!!*

hay... panaginip ba yun o flashback?.. ang weird ! >.<

pagbangon ko ay humampas sa mukha ko ang isang dyaryo, kaya binasa ko ito

TABLOID: SUPERSTAR, BENCH MODEL ACTOR , NATHANIEL PEREZ CAUGHT IN THE SET WITH HIS RUMORED GIRLFRIEND!

pagkabasa ko ay binato ko ito at sumimangot

"Nathan!! sino nanaman tong nababalitaang rumored girlfriend mo??!! "

tanong saken ng manager kong si Mrs. Lauchengco

"Aba malay ko.. hindi ko kilala yang babaeng yan noh.. basta nya nalang akong hinatak dun sa set !!"

"at nagpahatak ka naman?! naku naku hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sayong bata ka oo!!"

"Pwede po bang pakainin nyo muna ko??!.. ang aga aga puro tsismis kagad binabalita nyo saken!!"

tss.. ang aga aga naman kasi eh! tama ba namng ibato saken yung dyaryo na may pictures ko at nung babaeng hindi ko naman kilala??!! hayyysss.. nakakabad trip!! >.<

kinuha ko na yung cereals ko at nilagay sa bowl tapos nilagyan ko ng gatas, ayun ready to eat na sige dumada kayo ng dumada dyan basta ako kakaen!

"abat! bilis bbilisan mo naman ang kilos mo Nathaniel! ma la late na tayo sa shooting!!"

"sandale! kumakaen pa nga ko eh!"

"hay nako Alex! paki ready na nga yung susuotin nitong senyorito mo at nang pagkatapos nyang kumaen ay maliligo nalang sya!"

"ay sige po mother!"

isa pa tong baklang to! tss! nakakairita silang dalawa!

pagkatapos kong kumain ay nagbihis na ko

--Sa Set

"Okay Nathaniel , in 20 minutes magsho shoot na tayo be ready"

sabi nung Direktor, umupo muna ako sa upuan ko

hmm....? tumingin tingin ako sa paligid ng set.. maganda pala dito sa pag sho shootingan namen .. makapaglakad lakad nga sandale..

pumunta ako dun sa may garden at nakakita ako ng mga sariwang red roses..

naalala ko yung panaginip ko kanina... asan na kaya si Nathalia?.. may taon na rin nung huli ko syang nakita... ni hindi man lang sya nagpaalam saken.. siguro dala na rin ng galit nya.. gusto ko syang hanapin pero hindi ko alam kung pano..

"Nathan! kabisado mo na ba yung script?!"

napalingon ako kay Mrs. Lauchengco

"opo .. ahm.. Mrs. Lauchengco.. totoo ba yung ano... yung..--"

ah shit! nauutal ako nakakahiya kasing mag open eh...

"anong totoo?!"

"i mean-- naniniwala ba kayo sa Destiny?.."

"destiny?.. ano bang nakain mo at nagtatanong ka ng mga ganyan?!"

"ays! basta sagutin nyo nalang!!"

naiinis na ko eh napagtaasan ko tuloy sya ng boses

"Nathaniel! i hope youre ready mag sho shoot na tayo.."

sabi ni Direk

"hay nako bata ka! tara na at mag sho shoot na!"

NathaLia's Pov:

pagpasok ko ng Rain Corporation ay nakasalubong ko agad si Samuel , kasamahan ko sya sa trabaho isa rin syang spy agent

"kanina ka pa hinahanap ni General, may bago kang assignment este mission pala"

ngumiti ako sa kanya at isinuot ang salamin ko at pumasok na sa loob kung saan nandun si General at naka upo sa upuan nya

"what do we have here?.."

"Ah.. yes Nathalia, my favorite Assasin..so here's your new mission... He is DanieL Van Sourge a drug Lord , a gang leader and an illegal seller of guns ... ikaw na ang bahala sa kanya.. "

inabot saken ni General ang profile nya at binuklat ko ito kagad at napanganga ako dahil ...

O.O

ANG ...

ANG...

ANG GWAPOOOOO !!! >.<

shemay... nanlalambot ako... waa~ etong mala anghel na mukhang to??!

DRUG LORD??!, GANG LEADER AT SELLER NG MGA ILLEGAL NA ARMAS??!!

grabe ibang klase na talaga ang mundo ngayon.. >.<

lumabas na ko ng Rain Corporation para gawin ang trabaho kong nakakainis >.<

pumasok na ko ng kotse ko at tinignan ulit yung profile nya... hmm?.. mahilig syang uminom sa Bar , magsugal sa primera klaseng Casino's , oh Boy, syempre what should i expect?.. mahilig sya sa babae.. -_- so whats gonna be my Plan A?..

alam ko na tatambay ako sa Bar na pinagtatambayan nya tapos.. makikipagkilala ako sa kanya , syempre dapat ma kontrol ko yung inom ng alak baka ako ang mapatay eh -_-

tutal maaga pa naman , maka uwi nga muna sa bahay at makapag grocery saglit ....

Nathaniel's Pov:

okay tapos na ang shooting.. punta naman sa studio ng Bench para sa pictorial... grabe nakakapagod patayan to ah.. eh wala eh kaylangan eh..

nasa Van na ko ni Mrs. Lauchengco

"mrs. Lauchengco.. baka pwedeng umiglip muna saglit?... pagod na pagod na ko eh.."

"hay... kawawa naman ang alaga ko.. oh sige sha humiga ka dyan.."

hay salamat makapagpahinga sandali... pagkapikit ng mata ko ay....

*Flashback*

"Thalia wag mo naman akong iwan oh..."

umiling iling sya saken habang umiiyak,,, hawak ko ang mga kamay nya ng mahigpit at magkadikit ang ulo namen..

"im sorry Nathan... pero kaylangan kong gawin to eh... nasaktan ako ng pamilya ko .. nasaktan mo rin ako.. kaya mas mabuti na to... "

"Please... stay with me... sabi mo magpapaksal tayo eh.."

"Nathan bata pa tayo nun eh.. iba na ngayon.. masyado nang kumplikado ang lahat... sobrang sakit ng ginawa mo sakin eh.. nasasaktan ako... please.. just let me go.. buo na yung desisyon ko.."

inalis nya yung kamay nya sa kamay ko at tumalikod na pero niyakap ko sya..

"Thalia.. mahal na mahal kita.."

"mahal din kita Nathan.. mahal na mahal.. pero kaylangan kong gawin to .."

*end of flashback*

aaarrrrrgggghhhh!!

bakit ba ayaw akong patahimikin ng babaeng yun!! kainis!! >.<

pano ko makakapahinga neto??!! >.<

pinapahiwatig ba ng tadhana na dapat ko syang hanapin?....

PrevNext

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.