Nathalia's Pov:
"Sir, reporting for duty sir"
"Oh ano Nathalia ? Anong nabalitaan mo dyan?"
"So far based on my investigation sir mukhang nahanap ko na ang hide out nila sir"
"Talaga?.."
"Opo pero hindi ko po malalaman na may Casinong ipinatayo dito si Lejares kung hindi dahil kay Agent Sam , sya po ang nagbigay saken ng informations"
"Good job Agents, ngayong alam nyo na ang hide out nila kaylangan nyong mag ingat at wag magpa dalos dalos , maliwanag?"
"Yes, sir"
"Sa ngayon sir , lalagyan ko muna ng CCTV Cam ang buong Casino"
"Oh sige, balitaan mo ko kung may nakita kang kahina hinala or kung nagawa mo ng maayos ang una mong plano"
"Yes , Sir"
Pagkatapos ng pag uusap namen ni General ay nakita kong kakagising lang din ni Marco at kinukusot kusot ang mata nya
"Nagising ba kita?"
"Ah hindi naman, teka bakit ka nakabihis san ka pupunta?.."
"Ah.. Hinde wala, mamamasyal lang saglit.."
"Ah talaga sama ko.."
"Hindi na wag na dyan ka nalang"
"Bakit ayaw mo kong isama?"
"Baka may makakita sayo , sige ka gusto kong madagdagan yang galos mo?"
"Tss.. Tinakot mo pa ko , matagal mamatay ang masamang dami noh"
"Tss.. Basta wag kang lalabas, sa ngayon isa ka lang stalker na sugatan at nanghihina kaya wag kang magmayabang sakin na kaya mo, magpahinga ka dyan"
"Grabe , ang sakit mo talaga magsalita, by the way.. Bagay sayo ang suot mo.. Para kang isang napakahinhin na babae na parang iiyak"
"Tigilan mo ko Marco kung gusto mo pang mabuhay ah"
"Such a threat sweetie"
"Damn you bastard.."
Lumabas na ko at naglibot libot sa lugar.. Mula dito ay makikita ang napakalaking Casino Lejares , sa gawing kanan naman ay... Teka .. Ano yun?.. Naglalagay sila ng shooting area?.. Pano nangyareng may nag sho shooting dito?.. Tsk.. Tsk.. Hindi pwede to, posibleng maraming madadamay na inosenteng tao pagka nagkagulo.. Habang naglalakad ako sa pangpang ay nakita ko si Nathaniel..
Dug.dug.dug.dug.
Did i just felt my heart beat?..
Nagulat ako ng nagtangka syang lumapit saken kaya nagmadali akong lumakad at bumalik sa resthouse, nakatayo sa may pintuan si Marco kaya hinila ko sya papunta sa kwarto at para kaming tanga na nagtatago pero hindi namin alam kung sinong pinagtataguan namen
"Nathalia bakit ba? Bakit mo ko biglang hinila at saka bakit hawak hawak mo yang dibdib mo?.. Para kang kinakabahan bakit ba?"
"Marco, si Nathaniel nandito, dito sila mag sho-shoot ng scenes sa movie nila"
"Ano??.. Andito si Nathaniel?.."
"Nakita ko sya, muntik na syang makalapit saken.."
"Bakit hindi mo nalang sya hayaang lumapit sayo para magkita kayo?.."
"Marco hindi pwede, pag nalaman nyang nandito ako siguradong hindi nya ko titigilan, ayokong madamay pa sya sa magulo kong mundo.. Ayokong mapahamak sya.. Natatakot ako para sa kanya Marco.."
"you really love him that much.."
"No.. Marco, we had these conversation right?.."
"Okay, ako nang bahala sa pinsan ko, you do your mission , i will watch over him"
"You will do that?.."
"Yes, pero gusto kong malaman mo na kaya ko gagawin yun para sayo"
"Marco.."
Napapa iling nalang ako sa sinasabi nya, pano ba naman kase... Ayokong isipin nya na ginagamit ko lang sya..
"Ano bang iniisip mo?.."
"Ahm.. Wala ah pwede na ba nating pag usapan yung tungkol sa mission?.."
"Sige.."
"Okay so, kaylangan muna nating makapasok sa loob ng Casino Lejares, kaylangan nating malagyan ng CCTV Cam ang lahat ng sulok ng Casino"
"Sige, ihahanda ko na ang mga CCTV Cam para mamaya ilalagay nalang naten"
"Alam mo yung basement sa baba?.. Nandun lahat ng kaylangan naten"
"Okay.."
"Sige, ako nang bahala sa mga baril"
"Mag ingat ka sa paghawak sa mga yan"
"Ikaw ang mag ingat kase isang maling galaw mo lang sa basement siguradong sasabog tong buong bahay"
"Okay.."
Nathaniel's Pov:
"and... Action!"
"Kasing ganda mo Islang ito mahal ko.."
"Wag mo nga kong bolahin , Alex "
"But its true Maxine, your the most beautiful girl that i ever met and i love you so much.."
"Alex, pwede bang dito nalang tayo ?.. Gusto ko dito.."
"Hmm.. Dito?.. "
"Oo.. Kase maganda dito, tahimik, maganda ang view, sariwa ang hangin , at higit sa lahat.. Dito.. Malaya tayo.."
"Saka na tayo tumira dito pag kasal na tayo.."
"Kasal?.. "
"I want to spend my forever with you Maxine.."
"Oh, thankyou Alex.. I love you so much.."
"And... Cut!!, good take!! Nag i-improve na kayong dalawa ah ang galing nyong umarte, siguradong magiging box office hit itong movie na to!"
"Haha naku direk, ginagawa lang ho namin ng maayos ang trabaho namen, diba Nathaniel?.."
Tanong saken ni Alexandria na leading lady ko
"Ah O-oo"
"Are you okay Perez?."
"Yeah.. "
"Ay nga pala.. May nakita kaming Bar & Casino kanina malapit lang, pagkatapos ng shooting naten punta tayo dun, mag unwind tayo"
"Baka magalit si Direk"
"Ano ka ba hindi noh! Nagpa alam na kami sa kanya "
"Ang lakas mo talaga kay Direk eh noh"
"Syempre ako pa! I wont be Alexandria Torres for nothing you know"
Marco's Pov:
Pagbaba ko sa basement ay nakita ko na agad kung saan nakalagay ang mga high tech . CCTV Cameras , maliit lang ang mga klase ng ganitong CCTV Cam pero malinaw at kayang ma monitor ang lahat ng pangyayare sa isang lugar , sinimulan ko nang i activate ang lahat ng iyon.
6:54 pm na ng matapos ako , muli akong umakyat sa taas at nakita kong nakatulog si Nathalia sa upuan kaka ayos ng mga baril na dadalhin namin mamaya kaya binuhat ko sya at dinala sa kwarto , maya maya ay nagising sya
"Marco?.."
"Oh gising ka na pala.."
"Tara na gawin na naten yung mission naten"
"Teka lang, nagluto ako oh, kumain muna tayo"
"Nagluto ka?.. Oh sige.."
Bumangon na sya at nasa dining room na ulit kame para kumain
"May idea ka ba kung pano tayo makakapasok sa loob ng Casino?.."
"Oo.. Mag disguised nalang tayo , mas lalo kasing mahirap kung papasok tayo ng palihim.."
"Good Idea, mukhang kaylangan natin ng formal suit"
"Nakahanap na ko kanina , isusuot nalang naten"
"Ang bilis ah"
"Syempre ako pa ba Marco?"
Kaya mahal kita eh.. Kase youre the best.. Kaya lang yung pinsan ko ang mahal mo.. Ano kayang mangyayare kung ako ang una mong nakilala noon?.. Ako kaya ang mamahalin mo at hindi si Nathaniel?..
Pagkatapos naming kumain ay nagbihis na kame, bagay na bagay sa kanya ang suot nyang black dress , sinusuot ko naman ang necktie ko pero hindi ko maayos, nakakahiya kasama ko pa naman si Nathalia.. >.< napatingin sya saken at lumapit
"Akin na nga"
Kinuha nya ang necktie at nilagay sa akin ng buong ayos
"Ahm.. Thanks.."
Pumunta na kami sa Casino Lejares
Nathalia's Pov:
Nandito na kami ngayon sa Casino Lejares , pagpasok namen sa lobby ay marami na ang naglalaro ng poker
"Ako na ang magkakabit ng CCTV Cam.."
Sabi ko kay Marco
"Hindi na ako na , makisaya ka nalang dyan, kung gusto mo uminom ka ng wine"
"Ayoko nga ! Ako na nga sabi eh!"
"Ako ang lalaki kaya ako na ang gagawa!"
"Ang kulit mo! Ako na nga sabi eh! Kaylangan ko lang naman ng assistant eh!"
"Oh sige para walang away! Tayong dalawa! Dun ka sa kaliwa, ako dito sa kanan"
"Ako sa kanan!"
"Ang kulit mo talagang babae ka!"
Dahil sa inis ko tinutukan ko sya ng baril sa ulo
"Ano ?! Aangal ka pa?!"
Naagaw nya naman saken ang baril na tinutok ko sa kanya
"Isa ! Nathalia ah! Wag kang makulit ! Mas maraming guards sa bandang kanan! Pag nahuli ka nila , ano?! Hindi ka makakawala sa kanila papatayin ka nila!"
Bumuntong hininga nalng ako at pinagbigyan sya
"Ayus ayusin mo ah!"
Pagbabanta ko sa kanya
"Mag iingat ka.."
Naghiwalay na kami ng landas at sinimulan nang mag lagay ng CCTV Cam sa bawat pasilyo.
Pasimple akong nagkakabit ng mga CCTV Cam sa bawat gilid ng Casino nang biglang nag black out sa buong lugar at nagkagulo ang mga tao .
Nathaniel's Pov:
Kasalukuyan akong naglalaro ng Poker sa loob ng Casino Lejares nang biglang mag black out, nagkagulo na ang mga tao dahil may narinig silang mga putok ng baril, nagkakagulo na sa buong Casino ng may biglang tumulak saken dahilan para mapa upo ako , tatayo na sana ko pero may biglang dumagan pa saken , nang bumukas ang mga ilaw ay nakita ko ang isang pamilyar na mukha, ang mukhang hinahanap hanap ko..
"Nathalia.."
Nagmadali syang tumayo, tatakbo na sana sya pero nahawakan ko sya sa kamay
"Nathalia sandale!"
"Bitiwan mo ko!"
Nabitiwan ko yung kamay nya at tumakbo sya pero hinabol ko sya ,nakalabas na kami ng Casino Lejares pero hindi ko pa rin sya maabutan ang bilis nyang tumakbo hanggang sa nakarating na kami sa may pangpang
"Nathalia sandali lang!"
Naabutan ko sya dahil nasa buhanginan na kami , niyakap ko sya mula sa likod
"Wag ka nang lumayo saken!, i really need you Nathalia.. Ikamamatay ko pag nawala ka.."
"Yan yung mga salitang gusto kong marinig sayo noon.. Pero hindi mo sinabi.."
"Im sorry.. Im really really sorry.. Nathalia.. Please.. Come back to me.. I promised i will take good care of your heart.."
Humarap ako sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit , damn.. I really love this girl so much..
I kissed her and then suddenly i felt her warm tears on my cheecks, she's crying..
"Please Nathan.. Layuan mo muna ko .. Dun nalang tayo mag usap , wag dito sa Isla, may kaylangan akong asikasuhin dito eh.."
Masakit para saken pero kaylangan ko syang sundin..
"Kung yan ang gusto mo.."
"Im sorry.."
Tumakbo nalang ako palayo sa kanya, alam kong nagu guilty sya pero alam ko rin namang nasaktan ko sya ng sobra noon kaya sya nagkakaganyan.. Sana bumalik na ulit yung tiwala nya saken.. Yun lang ang hinihiniling ko ..
Marco's Pov:
Asan na ba yun si Nathalia? Biglang nawala, nalagyan ko na ng CCTV Cam tong buong lugar eh, mukhang iniwan yata ako dito eh >.<
Hay.. Makabalik na nga sa resthouse ..
Pagbalik ko dun ay nakita kong nakaupo sya sa sahig at nakasandal sa sofa at.. Umiiyak , kaya napatakbo ako palapit sa kanya
"Nathalia bakit ka umiiyak?! Sinong may gawa nyan?! Sinong umaway sayo ha?!"
"Marco, si Nathaniel , nakita nya ko dito eh, nagka usap kami"
"Oh tapos? Anong nangyare ha?! Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nya?!"
"Nasasaktan ako... Kase kahit ayokong lumayo sya saken ako na mismo yung gumawa ng paraan para layuan nya ko"
"Hey... Its okay.. Kilala ko ang pinsan ko.. Magtatampo lang yun pero alam kong hindi sya susuko sa panunuyo sayo hanggang sa makuha ka nya ulet"
"Ewan ko hindi ko na alam.."
"Wag ka nang umiyak"
Niyakap ko sya para gumaan yung pakiramdam nya pero biglang umilaw yung relo nya
"Ahm, Marco wait lang ha, yung kapatid ko kase eh"
"Okay"
Kinausap nya yung kapatid nya gamit yung relo nya
*Oh Ace , ano? Kamusta ka naman dyan kay Daddy?*
*Okay lang naman po ate, na miss lang talaga kita kaya ginamit ko tong binigay mo saken*
*ah ganun ba.. I miss you too*
*teka ate umiiyak ka ba?*
*ah hinde, na touch lang ako sa sinabi mo*
*si ate talaga oh, sige na ate babye na pinapatulog na ko ni Daddy eh*
*sige , bye bye Ace, mag iingat ka palagi ha.. *