Mr. Superstar Meets Ms. Assassin Chapter 24

Nathaniel's Pov:

Nakabalik na ulit kami sa Manila, at bumalik na rin si Kuya Marco sa sinasabi nyang bagong spy agency na pinagtatrabahuhan nya, kaya kaylangan na naming ayusin lahat ng gusot na nangyare , nandito ako ngayon sa studio at kausap ko si Mrs. Lauchengco

"Please give me another chance.."

"hmm.. okay okay Hijo i'll give you another chance pero sa isang kundisyon"

"what condittion?"

"pag aalis ka magpapaalam ka naman saken para hindi kita hinahanap at para hindi ako nag aalala para na kitang anak Nathaniel, kaya ayus ayusin mo naman yang buhay mo, baka mamaya nyan may pumutok nanaman na balita na nawawala ka nanaman! sakit ka talaga sa ulo ko kahit kelan! buti nalang at nakapagpalusot ako sa mga Press People nang interviewhin nila ako kung bakit bigla ka nalang nawala!"

"Opo Mam.. hindi na po mauulit.. sorry.."

"okay, back to work, eto yung mga nakatengga mong schedules, mga photoshoots, rhearsals, mall shows, taping.. tignan mo nalang "

pagtingin ko sa papel ay napakarami ko palang na missed na oportunities .. hays >.<

 "ang dami ko palang naiwang trabaho tsk.."

"and one more thing Nathaniel, you should bring your girlfriend this friday night, meron kayong live interview sa isang talk show .. kaylangan nyong pumunta dun at sagutin lahat ng itatanong ng mga Press People sa inyo kung bakit bigla kayong nawala at makikita nalang kayong nagbabakasyon sa Baler, maliwanag?.."

"opo, i know what to do"

"good"

Nathalia's Pov:

Nandito ako ngayon sa bahay ni Nathaniel.. what should i do?.. he ask me to stay here eh hindi ko naman sya mahindian kaya ayun... and besides mas malaki naman tong bahay na to kesa dun sa bahay na binili ko katabi ng bahay nya , kaya ibebenta ko na yung property na yun para naman mabawi ko yung pera ko. actually, hindi ko alam kung live-in nga bang matatawag to pero.. siguro parang ganun na nga..  5 pm  palang ng hapon hmppff.. na bo bored na ko.. matawagan nga si Marco.

matapos ang ikatlong ring ay sinagot nya na ang tawag ko , hay sa wakas

*hey, Nathalia..*

*Marco.. Hi.. *

*oh bakit? napatawag ka yata, may problema ba?*

*ah hindi wala naman.. ahm.. ano kase may hihingin sana kong pabor sayo.. kung okay lang..*

*ganun ba.. sige.. anong pabor?..*

*ahm.. ano.. gusto ko sanang magtrabaho dyan sa Shadow Corporation..*

*talaga?.. gusto mong magtrabaho dito?..*

*ah O-oo.. sana.. kung pwede..*

*oh sige kakausapin ko si tito kung pwede tapos tatawagan nalang kita ..*

*sige.. thankyou..*

*okay.. bye.. ingat ka..*

*ikaw din.. ingat ka..*

-Call Ended

nakagat ko nalang ang labi ko , hindi ko alam kung bakit biglang nag automatic na sumagot yung bibig ko nung sinabi nyang "ingat ka" shems! >.<

Marco's Pov:

-Shadow Corporation

Nahagip ng mata ko si tito pagkatapos kong makausap si Nathalia sa phone, kaya lumapit ako sa kanya

"ahm tit--"

"Ah-ah-ah- im a General here, incase you forgot Agent Perez"

"ahm, General , may gusto po sana akong hilingin sa inyo"

"sige, ano yun?"

"actually, ang hiling na to ay hiling ni Nathalia at hindi para saken"

"well lets hear it"

"she wants to work here"

"im afraid she cant.. lalo na ngayon at nasa panganib ang buhay nya, hindi pwede, hindi ko sya papayagan, as my future daughter-in-law dapat alam nya kung paano ingatan ang sarili nya, she's my responsibility now at dahil sa kanya kaya gustong makipag gyera saken ngayon ng Rain Corporation"

"p-pero tumatanaw lang naman ng utang na loob yung tao, nakita ko na  kung pano sya magtrabaho, sinasaniban sya ng sampung demonyo kada gagamit sya ng dahas , at siguradong pag tinutukan nya ng baril, patay kung patay, she is good at planning an assassination too"

"kahit na, still kaylangan pa rin natin syang pangalagaan, ganun din ang anak ko"

"pero, General-"

"wala nang pero pero my decission is final, at yun ang susundin mo, para din naman to sa ikabubuti nating lahat"

 agad agad kong tinawagan si Nathalia ulit

*hello?..*

*Ahm Nathalia.. nakausap ko na si tito eh.. ayaw eh , hindi ka pa daw pwedeng magtrabaho dito dahil under surveillance pa rin kayong dalawa ni Nathaniel ng Rain Corporation, gusto lang ni tito na masiguradong ligtas kayo.. sana maintindihan mo..*

*ah-- sige... okay lang, salamat ha.. sige bye..*

-Call Ended

parang ang lungkot ng boses nya, may nangyare kaya?.. at saka nasisiraan na ba sya? sigurado namang hindi na rin sya papayagan ni Nathaniel na bumalik sa pagtatrabaho bilang Spy Agent pagkatapos ng nangyare eh.. i know how much Nathaniel wants to protect Nathalia.. so its no use.

Nathalia's Pov:

Pagkatapos tumawag ni Marco ay si Nathaniel naman ang tumawag

*Hey, babe how doin?..*

*im fine, why?..*

*get dressed. ill pick you up at 8*

*san tayo pupunta ?..*

*ano kasi eh baby eh... gusto nila tayong interviewhin tungkol dun sa mga pictures natin sa Baler nung nakaraang araw... eh hindi ko naman mahindian kase kaylangan ko yun para hindi masira yung career ko*

*ganun ba.. oh sige.. i'll get dressed na .. see you later! Love you! Love you! mwuah!*

*okay thanks, i love you more baby, take care see you later*

-Call Ended

sa wakas! makakalabas din ng bahay! yeess!!

Nag shower na ko at pagkatapos ay nag robe muna at saka binuksan ang aking closet, interview pala yung pupuntahan namen.. hmm?.. what to wear?.. ay alam ko na! kinuha ko yung black see through evening dress ko at nilagay sa kama , niladlad ko na ang mahaba kong buhok at pinatuyo sa blower, kinuha ko yung plantsa sa buhok at pinlantsa ang buhok ko para new look, nakakasawa kase ang curly hair eh, naglagay naman ako ng mild make up , sinuot ko na ang evening dress ko and for the final touch i wear a long earrings .

*krrriiinnggg! *krrriiinngg!

saktong pagbaba ko ng hagdan ay narinig ko nang may nag doorbell kaya binuksan ko na ang pinto, he was wearing a black polo, he look so sexy ..

"wow baby, you look so fascinating.."

bati nya saken habang palabas ako ng pinto at hinalikan nya ko sa pisngi

"haha .. thankyou.."

"lets go?.."

ngumiti nalang ako sa kanya at kinuha ang red pouchbag ko at sumakay na kami ng kotse

--Talk Show

"okay,  mag ta take na tayo within 5 minutes! mag ready na kayo, Oh Nathaniel, make sure maayos ang isasagot nyo sa media ah? naku live to ! "

sabi nung sirektor habang nakaupo na kaming dalawa ni Nathaniel sa couch at nakaharap sa mag i interview samen

"Hay Oo naman direk, nagbakasyon lang naman po talaga kami eh, diba baby?.."

"ah-- Oo honey.. "

sira ulo tong Direktor na to ah! alam namen isasagot namen noh tss! >.<

"okay, lights camera action!"

"At Narito nanaman tayo sa pambansang Talk show ng bayan ang "Showbiz Life" kung saan pinag uusapan natin ang mga maiinit na scoop tungkol sa ating mga hottest stars, narito ngayong gabi ang Superstar Hot Model and Actor na si Nathaniel Perez at syempre, kasama ang kanyang napakagandang girlfriend at model na si Ms. Nathalia Gomez! palakpakan po natin sila!"

nagsipalakpakan ang mga uto utong audience tss -_-

"Good Evening Nathaniel, Nathalia"

"Good Evening"

sabay naming bati ni Nathaniel

"actually ito ang first time na mai-interview namin kayong dalawa ah"

"we're so glad to be here actually"

sabi ni Nathaniel , kaya ngumiti nalang ako

"so , magbabato ako ng questions, i hope you two are ready , okay ang first question ko ay para kay Nathalia, so Nathalia, saan at paano kayo nagkakilala ni Nathaniel?.."

"ahm... we've been friends since i was a kid, we were childhood friends.. "

"talaga?.. so ibig sabihin bata palang kayo talagang friends na kayo?.. how sweet.. so totoo pala yung rumors about this photo, take a look"

nagulat kami dahil hindi namin alam na may ganun pala silang ipapakita, nakita namin yung picture namen ni Nathaniel nung mga bata pa kami habang naglalaro kami sa tree house

"Oh My Gosh! we're did you get that?!!"

sabi ko at tumawa nalang kami ni Nathaniel

"Baby oh, tignan mo oh ang dungis natin oh kakalaro! haha"

sabi saken ni Nathaniel

"shut up! ikaw yung madungis eh ayan oh kitang kita haha"

"we did a better research "

sabi nung nag iinterview samen , tuwang tuwa naman ang mga audience

"you're so cute together.."

dugtong pa ng interviewie

"oh, thankyou.."

"okay, let's move on with all the laugh haha question # 2. is for Nathaniel, okay Nathaniel, paano mo niligawan si Nathalia?.."

"Actually, 3rd yr highschool na kami nun nung niligawan ko sya, eh trip ko sya nun lagi ko syang inaasar asar para pansinin nya ko"

"wait, additional question, binibigyan mo ba sya ng chocolates and flowers dati?.."

"Yes, kung anong gusto nya binibigay ko sa kanya dati at saka every morning binibigyan ko sya ng flowers.."

sumabat naman ako

"Yeah.. everyday he's giving me flowers, kaya napupuno ng bulaklak yung kwarto ko sa dami eh kase iniipon ko lang dun haha.."

"ang sweet mo pala Nathaniel.."

sabi nung nag iinterview .

"okay question #3 is for Nathalia naman, eto Nathalia medyo hard tong question na to ah, totoo bang ikaw yung dating napapabalitang obssessed fan girl daw ni nathaniel dati?! pano nangyare yun?!"

"ahm.. Actually hindi ko alam kung saan galing yang news na yan it just popped out , to clear things, hindi po ako fan girl ni Nathaniel, nagkataon lang na bumalik ako dito sa Pilipinas, galing akong States nun and i was supposedly meeting him , hindi ko alam na magiging ganun pala yung reaction ng mga paparazzi "

"ah ganun pala yung nangyare, so nagkahiwalay kayo ni Nathaniel and then you just came back here and see him again?.."

"yeah, something like that.."

"ah, so dun sa gathering kasi nakitang magkahalikan kayo, whats the meaning of that , naguguluhan talaga kami"

Napansin na ni Nathaniel na hindi na ko kumportable sa tinatanong nung nag iinterview kaya sya na ang sumagot

"ah yung tungkol dun sa kiss na yun, it was a co-incidence kasi nga diba biglang nag black out and i was finding a way to escape the crowd and she is too, and then nagulat nalang kaming dalawa nang biglang bumukas yung dimlights , so it was nothing but a co-incidence"

"pero may spark ba nung mga pagkakataong yun?.."

"ah yes, meron it was a very strong spark, i feel my whole entire world flip, na miss ko sya eh sobra.."

sabay akbay saken at naghiyawan naman yung mga audience, naknam! lagot to saken mamaya sa bahay! >.<

"Okay, eto na talaga ang pinaka malaking question na maibabato namin sa inyong dalawa, Anong ginagawa nyo sa Baler at bakit bigla kayong nawala? tumakas nga ba kayo?.."

si Nathaniel ulit ang sumagot

"No. we didnt escape, its just, biglaan lang naming naisipan at nagpaalam naman ako kay Mrs. Lauchengco, to ask for a permission, nagulat nga kami nang makita namin yung mga pictures namin sa Baler eh.. hindi namin alam nakasunod na pala samen yung mga Paparazzi"

"haha.. well mabibilis talaga sila.. at ang sweet sweet nyo sa mga pictures.. you're really a cute couple.."

"thanks.."

sabi ko sa nag iinterview, hindi ko alam pangalan nya at wala kong balak alamin, bwiset sya >.<

"bago tayo magpaalam sa mga viewers, meron pa kaming one last question para sayo Nathalia, if you were be given a chance to be a model or an endorser would you grab the opportunity again?.. "

"ahm.. Yes, why not.. modelling isa a good job too.."

"very well then , thankyou Nathalia and Nathaniel"

"thankyou for having us here.."

sabi ni Nathaniel at hinawakan ang kamay ko at tumayo na kaming dalawa para magpaalam sa mga audience

------------------------------

Nathaniel's Pov:

Pagkauwi namin sa bahay ay hinubad nya ang high heels nya at ang earrings nya at nahiga sa kama, hinubad ko rin ang sapatos ko at tinanggal ang polo kodahil naka sando naman ako, nahiga na rin ako sa kama at napatingin kami sa isat isa.

"honey?.."

"Yes, sweetie?.."

"ano yung sinasabi mo kanina?.. kalokohan mo talaga noh?.. anong strong spark ?"

"haha totoo naman eh.. sobrang na miss talaga kita at saka yun yung pakiramdam ko nung nagkahalikan tayo dun sa Gathering, bakit? hindi mo rin ba ko na miss hmm?.."

tanong ko sa kanya at niyakap ko sya, pumaibabaw ako sa kanya at hinalikan sya sa mapupula nyang labi

"anong gusto mong gawin this weekend? ha baby?.."

"bakit? wala ka bang trabaho this weekend?.."

"wala... kaya i want to spend my time with you.. the most beautiful girl that i laid my eyes on.. "

"hmm.. nambola pa haha.."

"sobrang namiss talaga kita baby..."

i kissed her on her neck and she pulled me closer to her arms and start to pressed her lips on mine.. damn.. she's driving me crazy the way she move.

"haha ayan ka nanaman ha.. matulog na tayo, okay?.."

"andaya naman ng baby ko haha.."

"wag nang makulit, okay?.. tulog na"

"sandali lang naman eh.."

"anong sandali lang?.. tatagal yun, kala mo maiisahan mo ko? haha"

"andaya talaga .."

"haha tulog na.."

ipinikit ko na ang mga mata ko at nagulat nalang ako ng yakapin nya ko bigla, she's really something.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.