Mr. Superstar Meets Ms. Assassin Chapter 26

Nathaniel's Pov:

Natutulog pa si Nathalia sa tabi ko at wala lang akong magawa kundi pagmasdan sya , matagal tagal na rin pala nung nagkita kami ulit sa Gathering , marami na ring nagbago simula nun.. all this time.. sinusubukan nya pala kong patayin nang hindi ko namamalayan, hay nako Nathalia.. hindi ko akalaing ganito ang mangyayare satin ngayon.. 

hinalikan ko sya sa noo at napadilat sya , ngumiti sya saken ng matamis

"Goodmorning"

"Goodmorning ka dyan.. ayoko pang bumangon.."

"maganda ang view sa labas.. at saka gusto ko rin mag swimming .. samahan mo ko.."

"ayoko.."

"ah ganon, anong ayaw?!  walang ayaw ayaw saken!"

binuhat ko sya 

"ahhh! ano ba! Nathaniel naman eh!"

"haha, come on babe, let's enjoy the place"

umiling iling sya 

"okay.. okay.. fine.."

ngumiti ako sa kanya at hinalikan ko sya sa labi, sabay takbo at hinabol nya ko

"ikaw! aga aga! magnanakaw ng halik!"

"hahaha! habol!"

paglabas namin ay nakita namin ang mga malalaking swimming pools , agad agad akong lumusong sa pool para mawala ang antok ko

"hoy pasaway ka! haha lumusong ka kaagad dyan!"

"come on! the water is refreshing!"

hinubad nya ang bistida nya at tanging two piece nalang ang suot nya at saka lumusong sa tubig 

"ang lamiiigg!!"

"haha sa una lang yan"

nang makita ko si Kuya Marco at Agent Anne ay niyaya ko silang lumabas at sumama rin samen , kaya lumabas din sila

"ang aga nyo mag swimming ah"

sabi ni Marco

"wala lang, pag gising ko kase ang init eh.."

"sus, katabi mo lang si Nathalia, ang init na kaagad?.. haha"

pang aasar saken ni Agent Anne

"ah ganon haha nagsalita ang walang ginawa kagabi haha.."

napatingin si Kuya Marco at Agent Anne sa isat isa at nanlaki ang mga mata nila, winisikan ako ni Kuya Marco ng tubig

"sira ulo!"

"haha defensive ka naman masyado insan! haha , di nga? may nangyare ba talaga sa inyo kagabe? haha!"

"ulol! wag mo kong ituald sayo Nathaniel!"

"haha ikaw Agent Anne? bakit ang tahimik mo dyan? haha, di nga? may nangyare? haha!"

"wag mo kong pag tripan Nathaniel ah"

"sus! deny deny pa haha!"

napansin ko naman si Marco na mukhang may sinusundan ng tingin 

"insan? bakit?.."

"si Nathalia.."

sinundan ko rin kung san sya nakatingin, at nakita ko si Nathalia na naglalakad palayo kaya agad agad akong umahon sa pool at sinundan sya , kinabahan na ko kaya tumakbo na ko palapit sa kanya

"Nathalia, ano ka ba?! bakit ka naglalakad mag isa dito?!"

niyakap ko sya 

"i thought i see somebody else.."

"nag alala ko sayo .. wag mo na ulit uulitin yun ah, pag gusto mong mamasyal dito , isama mo ko ha.. hindi yung mag isa ka lang baka mamaya mapano ka eh! tara na bumalik na tayo dun.."

hindi ko alam kung sino yung nakita nya pero sa tingin ko gusto nya talagang sundan pero sumama naman sya saken nung inaya ko na syang bumalik doon 

"Nathalia, sin-sino yung sinusundan mo?.."

tanong ni Agent Anne

"wala.. akala ko lang kilala ko.."

"wag kang masyadong nag gagagala dito, mapanganib baka mamaya binabantayan na nila tayo dito, hindi pa natin alam"

sabi bigla ni Kuya Marco sabay ahon sa pool at balik sa suite namen, sinundan naman sya ni Agent Anne.

Anne's POv:

hindi ko alam kung bakit napaka moody nya ngayon, dahil ba may nangyare samin kagabi?.. nang umahon sya sa pool ay sinundan ko sya

"Marco.. bakit?.. "

"wala naman.."

"kanina pa kasi mainit yung ulo mo eh.. okay ka lang ba?.."

"can we ... talk?.."

nagulat ako sa sinabi nya at medyo kinabahan ako 

"si-sige.."

hinawakan nya ang kamay ko , pagkapasok namin sa suite  namen ay inabot nya saken yung towel at inilagay nya sa balikat ko at pinaupo nya ko sa kama, tumingkayad naman sya sa harap ko at hinawi nya ang buhok ko

"anong ginagawa mo?.."

"Anne.. your'e so beautiful.. your'e smart , kind, romantic--"

pinutol ko na ang sasabihin nya

"why would you say that?.."

sinubsob nya ang mukha nya sa lap ko 

"Anne, nagui-guilty ako sa nangyare kagabe.. sorry.."

ayun.. lumabas din ang bumabagabag sa isip nya.. sabi ko na nga ba eh..

"dont say sorry.. its  okay.. im... okay.."

inangat nya ulit ang ulo nya at hinalikan ang kamay ko 

"i promise, i will love you as long as i can.."

"thankyou.. that's  all that i want.. i... i love you.. Marco.."

"i love you..."

niyakap nya ko at hinalikan sa noo, napangiti nalang ako sa kanya.

Nathalia's Pov:

sigurado ako. nakita ng dalawang mata ko, hindi ako maaaring magkamali .. si Antonio Lejares yun.. anong ginagawa nya dito?.. 

"malalim nanaman yang iniisip mo.. tungkol ba yan sa kanina?.."

tanong ni Nathaniel.

"hindi.. ano.. ahm.. Nathaniel.. masama na pakiramdam ko at saka... nilalamig na rin ako eh. pasok na tayo.."

"sige.."

pumasok na kami sa loob ng suite namen , nagpupunas ako ng towel sa buhok ko ng tanungin nanaman nya ko

"hindi nga babe, sino yung sinundan mo kanina?.."

seryoso yung tanong nya, ewan ko kung bakit ako natatakot pero.. wala namang masama kung sasabihin ko sa kanya eh...

"ano kase eh parang nakita ko yung dati kong target dun sa Isla Jus Ratio "

"ah naalala ko na.. sino nga ulit yun?.. Antonio.. Antonio..???"

"Antonio Lejares"

"pero.. alam mo ba pamilyar saken yung Antonio na yun.. parang nakita ko na sya dati nung mga bata pa tayo.."

nagulat ako sa sinabi ni Nathaniel

"nakita mo na sya dati?.. pa-paano?.."

"teka.. naaalala mo pa ba dati nung mga bata pa tayo?.. yung nagbike tayong dalawa, inangkas kita nun tapos nasemplang tayo, tapos nagkasugat ka sa tuhod.. pinaupo kita dun sa may bench dun sa may playground diba?.."

pinilit kong balikan sa memorya ko ang mga tagpong iyon

*flashback*

"aray.. *sob* ang sakit Nathaniel.. *sob* bakit mo naman kasi inangkas mo pa ko *sob* sabi ko na sayo *sob* masesemplang tayo eh.. ang kulit mo *sob* kase eh.."

itinayo ni Nathaniel ang bike at pinaupo nya ko sa may bench sa playground

"sorry ah.. wait lang.. bibili lang ako ng band aid ah dyan ka lang ha.. wag kang aalis dyan.."

-end of flashback*

"ah.. naalala ko na.. binili mo pa nga ko ng band aid nun eh tapos ginamot mo yung sugat ko.. ibig sabihin nakita mo sya nun?.."

"Oo Nathalia, hindi ako pwedeng magkamali, sya yung lalaking nagtanong saken kung anong nangyare sayo dahil may sugat ka sa tuhod at umiiyak ka, pinagmamasdan nya tayo sa malayo.."

"Nathaniel.. natatakot nako.. hindi ko alam kung anong pakay nya saten.. saken.. "

"hey.. im here.. hindi kita pababayaan at mas lalong hinding hindi na kita iiwan.. walang kahit sinong pwedeng manakit sayo hanggat nandito ako.. kaya wag ka nang matakot..."

yumakap ako kay Nathaniel at niyakap nya naman ako ng mahigpit

nagulat naman ako nang biglang bumukas ang pinto ng suite  namen at iniluwa nito si Marco at Anne, theyre faces start to frown

"what?.. what happend?.."

"Nathalia.. hindi na maganda ang nangyayare sa Shadow Corporation, kaylangan nating pumunta dun.."

sabi ni Marco

"O-okay.. magbibihis lang kame"

"sige, ihanda mo na rin yung mga kakaylanganin naten"

"oo sige "

isinara na nila ulit ang pinto at binilisan naming magbihis ni Nathaniel at inimpake na namen ang mga gamit namen pero mas inuna kong ayusin ang baril ko, nang aayusin ko na ang mga gamit ko ay nakita ko si Nathaniel na inaayos nya na yung mga gamit ko.. very gentleman..

"tara na?.."

tumango nalang ako at lumabas na kami ng suite namen pero paglabas namen ay mgay mga tumatakbo nang spy agent papalapit samen at pinapaputukan kami kaya binilisan namin ang takbo pero napunta kaming dalawa sa dead end

"sh*t ! walang pinto dito!"

sabi ko habang naghahagilap ng labasan

"Babe, dito oh.."

tinuro nya yung maliit na square na lusutan sa taas , tinalon nya yun at natanggal ang takip nun , binuhat nya ko para makapasok ako sa loob , sobrang dilim pagkatapos ko ay tinulungan ko naman syang maka akyat , nang maka akyat sya ay binilisan na namin ang pag gapang sa loob ng parang maliit na tunnel na yun

"teka lang ang dilim"

binuksan nya yung flashlight at medyo nasilaw ako pero binilisan na namen ang pag gapang sa loob pero nagulat ako nang mauntog ako sa isang matigas na bagay

"aray!"

may lalaking nagsalita, na kasabay kong nagsabi ng 'aray' sino yun??.. may ibang tao dito??

"Nathalia?!"

pamilyar na saken ngayon ang boses nya

"Marco?! anong ginagawa nyo dito?!"

nagipit na kami at hindi na rin namen alam kung saan kami dadaan dahil napapaligiran na ng mga spy agent ng Rain Corporation ang bawat sulok ng Resort"

"kami nga rin bro eh.."

sabi ni Nathaniel kay Marco

"hindi na tayo pwedeng dumaan sa pinanggalingan namin dahil may nakabantay na rin"

sabi ko kay Marco

"Oh sige dito nalang tayo dumaan sa harapan"

"pano kung meron ding nakabantay dyan? delikado na tayo Marco.."

sabi ni Anne na halatang nag aalala at natatakot na rin

"no honey.. its okay.."

nagulat ako sa itinawag ni Marco kay Anne 'honey' daw??.. aysh! ano ba yan! bakit ko ba iniisip yun?! hinawakan ni Nathaniel ng mahigpit ang kamay ko at sabay sabay na kaming apat na gumapang ng dahan dahan sa nag iisang daan na pwede naming daanan, nang makita namin ang isa pang butas ay sinilip muna ni Marco kung may tao sa baba

"walang mga spy agents dito pero may mga high-intensity lasers akong na detect kaya kaylangan nating mag ingat sa pagbaba"

"oh sige.."

"high-inten-- ano??"

tanong ni Nathaniel, hindi nya nga pala alam yun..

"ahm.. sweetie nakikita mo yung mga red line lights na yun? sa baba?.."

tinuro ko yung high-intensity lasers

"Oo"

"kaylangan lampasan natin yan nang hindi tayo dumidikit dyan , dahil pag dumikit tayo dyan posibleng mag ingay ang buong paligid at baka matunton tayo ng mga kalaban"

"sige gets ko na"

isa isa na kaming bumaba at dahan dahan naming nilagpasan ang mga high-intensity lasers na nakalagay sa paligid.. this must be a very important room.. siguro may nakatagong mahalagang bagay dito pero wala kaming pakeelam dun dahil ang gusto lang namin ay makatakas, sa di kalayuan ay nakahanap kami ng emergency exit kaya dun kami dumaan pero mukhang mali yata kami ng dinaanan , pero wala kong pakeelam, pinaulanan nila kami ng bala pero sinubukan kong harangin ang lahat ng mga balang iyon ng baril ko at pati na rin ng baril ni Anne at Marco, pero ang kinagulat ko ay hawak hawak ni Nathaniel yung isang baril ni Marco, at hindi lang yon, nabaril nya pa sa ulo yung secret agent na sumunod saken sa Russia , he's a sharp shooter , he shoot like an expert assault.

"Nathalia tara na!"

hinila nya ko at sumakay kami sa kotseng hindi naman samen pero mapapakinabangan na rin , sa sobrang bilis ng mga pangyayare ay nagulat ako dahil si Nathaniel ang nasa driver's seat,

"huy! anong ginagawa mo dyan?!"

"magda drive , ano pa ?!"

nagulat kaming lahat at napahawak kami sa kahit anong pwede naming hawakan dahil pakiramdam namen ay mahuhulog kami sa sobrang bilis ng pagda-drive ni Nathaniel

"gagung 'to! akala ko ba ayaw mo sa mabilis?"

sabi sa kanya ni Anne

"haha syempre joke lang yun! haha!"

"hoy gago ka, Nathan! wag mong gawing race car to! gago mamamatay tayo!"

pag aawat sa kanya ni Marco, habang ako naman ay naguguluhan pa rin sa mga nangyayare

"hahaha! whooo!!!"

"could you please slow it down?!"

"ayoko nga, sabihin mo muna yung password"

"damn it! hindi ako nakikipagbiruan sayo Nathaniel ah! slow it down please! I Love you!"

nang sabihin ko yun ay binagalan nya na ang pagda drive , pero ang kinaganda nun ay hindi na kami nasundan ng Rain Corporation at papunta na kami ngayon sa Shadow Corporation

"I Love you too Sweetie.."

binato ko sa mukha nya yung unan na nakita ko dun sa kotse , naharangan nun ang mukha nya kaya itinapon nya iyon

"bwiset ka!"

"bakit nanaman?! anong ginawa ko sayo?!"

"bakit hindi mo sinabi saken na magaling ka palang bumaril? "

"Nathalia, baby , syempre secret ko lang yun.. at saka i took some lessons before, pang self defense lang naman yun eh hindi ko naman alam na magagamit ko dito yun eh"

"yabang mo! tss"

nang makarating kami sa Shadow Corporation ay nakita namin si General Danilo Perez na nakatalikod at pinagmamasdan ang view sa wall mirror 

"Dad?.."

dahan dahang lumapit si Nathaniel kay tito Danilo

"Anak"

niyakap nya si Nathaniel

"Dad anong ibig sabihin nito?.. "

"ito ang tunay kong trabaho Nathaniel.. here in this lovely secret agency, Im General Danilo Perez"

tumingin samen ng masama si Nathaniel

"may alam kayo dito ha?! alam nyo to lahat?!"

nagagalit na si Nathaniel kaya minabuti kong hawakan ang kamay nya

"Nathan i was going to tell y--"

"WAG MO KONG HAWAKAN!!! NAGLIHIM KA SAKEN!! BAKIT HA?!! GUMAGANTI KA DAHIL NILOKO KITA NON??!! EDI QUITS NA PALA TAYO , BAYAD NA PALA KO SA MGA KASALANAN KO SAYO!! SINAYANG MO LANG NATHALIA! SIGE AKO NG SIGE KAKASUYO SAYO PARA LANG BALIKAN MO KO KAHIT PILIT MO KONG PINAGTATABUYAN TAPOS ETO MALALAMAN KO?! EH MAS MATINDI KA PA PALANG MAGLIHIM SAKEN EH!! TUTAL NAGKAKALOKOHAN NAMAN PALA TAYO DITO EDI MAGKANYA KANYA NALANG TAYO!!"

hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulgol nalang ako ng iyak, hawak hawak ko ng dalawang kamay ko ang bibig ko at pilit na tinatakpan ang nararamdaman kong sama ng loob, habang nakatingin sya saken na punung puno ng galit.. ayokong nagagalit saken ang taong mahal ko.. dahil sa totoo lang.. yun ang kahinaan ko..

"Nathan.. let me explain please.."

sinuyo ko sya at muli kong hinawakan ang kamay nya pero iniwas nya ang kamay nya saken at natakot ako nang lapitan nya ko kaya napa atras ako ng konti

"eto tatandaan mo Nathalia, kahit naging gago ako sayo, ikaw at ikaw lang ang minahal ko ng ganito.. ng sobra sobra.. pero anong ginawa mo?... "

nanggigigil ma sya sa galit ..

"hindi ko akalaing magbabago ka ng ganyan.. natatandaan mo ba yung sinabi mo saken 5 years ago?.. ha?.. naaalala mo pa?.. kung naaalala mo pa, gusto ko sanang ibalik sayo ang mga salitang yon, SINUNGALING!! MANLOLOKO!!!"

hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nasampal ko sya ng malakas , napayuko nalang sya at umalis sa headquarters

"Nathaniel..."

tinawag ko sya npero hindi nya ko nilingon at nagpatuloy lang sya sa paglalakad, nagulat naman ako nang lumapit saken si tito Danilo

"tito, im sorry.."

"its not your fault.. hayaan mo muna sya.. maiintindihan nya rin ang lahat.."

"gusto ko syang sundan.. baka mapano sya eh.. baka kung anong mangya--"

"Marco, go ahead explain everything to him.."

utos ni tito kay Marco

"sige po tito-- i mean-- General"

lumabas na si Marco ng headquarters at lumapit naman saken si Anne at niyakap ako

"dont worry, everythings gonna be fine.."

"ahm.. ladies.. there's a secret room here.. pwedeng dun muna kayo.."

"no. General, we're fine, can i know what's the situation here?.."

"its getting very rare.. hindi ko alam kung paanong na detect ng Rain Corporation ang headquarters nitong Shadow Corporation, at ang mas malala ay nalalaman nila agad ang mga planong binabalak namen"

"ibig sabihin may espiya dito sa loob ng Shadow Corporation na syang nagbibigay ng lahat ng impormasyon sa Rain Corporation?.."

"Yes. Nathalia pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matukoy kung sino.."

"sige General.. tutulong ako sa paghahanap ng espiyang iyon"

ngumiti sya samen ni Anne

"oh sige, pero sa ngayon ay magpahinga muna kayo , at oo nga pala hindi mo ba ko ipapakilala sa magandang dalagang kasama mo ?.."

"ahm.. General this is Agent Anne , Anne this is General Danilo Perez, she is Marco's girlfriend tito"

"nice to meet you General"

"interesting, a spy agent too.. in Rain Corporation, i believed"

"yes sir.."

"sana lang tuluyan na ngang nawala ang katapatan mo sa kanila"

"parang kapatid ko na po si Nathalia.. kaya mas pumanig ako sa kanya kesa sa Rain Corporation"

"good. pleasure to meet you.."

kinuha ni General ang kamay ni Anne at hinalikan ito     

"Agent Lalaine , pakisamahan na sila sa Private Room"

lumapit naman samen ang isang magandang babae

"yes General, this way ladies"

sinundan namin yung babae 

"so you're the famous secret agent who named, Nathalia Gomez?.."

"im not famous , im just doing my job"

"pero marami akong naririnig tungkol sayo... "

"tungkol saan naman?.."

"about getting in a relationship with a Hunk Superstar na anak pala ni General, pagpatay sa isang mabigat na drug lord sa isang Luxurous Casino, at pagpapatakas sa isang pinakamaimpluwensyang magnanakaw "

"he's not a thief .. in fact he is an innocent noble man, sa kanila lang nila isinisisi ang lahat pero hindi sya ang may gawa ng lahat ng iyon.."

"talaga?.. mukhang mahirap paniwalaan... oh well.. sabi ni General magpahinga muna kayo dito"

tumigil sya sa paglakad at  nilagay nya ang badge nya sa monitor ng isang pinto , nang ma i-scan na nito ang badge nya ay bumukas na ang pinto

"maligayang pagdating sa Shadow Corporation.. i hope you enjoy your stay here.."

"thankyou.."

pagkatapos nun ay sumara na ang pinto , ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot na kama.. at doon umiyak ng umiyak, hinagod hagod ni Anne ang likod ko .

Nathaniel's Pov:

Nakakainis! nakakainis sya! nakakainis silang lahat!!! at naiinis din ako sa sarili ko dahil nasigawan ko si Nathalia.. ang sakit ng nararamdaman ko sa loob loob ko dahil nag lihim sya saken.. naglihim silang lahat saken.. pinaglaruan nila kong lahat.. 

"Nathaniel"

tinawag ako ni Marco 

"anong kaylangan mo?"

"why dont you let us explain everything?.."

"explain nyo mukha nyo! mga sinungaling! buti pa magsama na nga lang kayo ni Nathalia! parehas kayong sinungaling! mga manloloko!"

"wag mo ngang pinagsasalitaan ng ganyan si Nathalia! hindi porket tumigil na ko ng panunuyo sa kanya hindi ibig sabihin na wala na kong pakeelam sa kanya!"

"ayun! edi lumabas din ang totoo! kaya kayo naglihim saken dahil naiingit ka dahil ako ang mahal ni Nathalia at hindi ikaw!"

"Nathaniel hindi ganun yon!"

"tigilan nyo na ko tama na yang mga kasinungalingan nyo! pinagtulungan nyo pa ko! magsama na nga lang kayo ni Nathalia isang manloloko , isang sinungaling!"

"sumosobra ka na talaga ah!"

sinuntok ako ni Marco kaya sinuntok ko rin sya

"gago ka ah! hindi porket kami ang may kasalanan sa yo gaganyanin mo na kame ah!"

"ano ha?! bakit?! totoo naman sinasabi ko ah!"

nagulat kaming dalawa ng may marinig kaming putok ng baril 

"itigil nyo yan!"

inawat kame ni Daddy , may hawak syang dalawang baril na nakatutok samen

"dad?.. "

"Son, enough of this nonsense, ang gusto lang namen maintindihan mo yung sitwasyon"

"Dad bakit kayo naglihim saken?.. samen nila Mommy at Chill ?"

"anak, alam mo kung anong klaseng trabaho ang meron ako at alam mo kung anong klaseng panganib ang maidudulot neto kung sakaling malaman nila , pinapangalagaan ko lang kayo ng mommy mo at ng bunso mong kapatid"

"alam na ni Chill , Dad hindi na sya bata , nagdadalaga na sya ngayon at boyfriend nya na yung kapatid ni Nathalia, imposibleng hindi maikwento ni Ace kay Chill kung anong klaseng trabaho meron ang ate nya"

natahimik si Dad sa sinabi ko at yumuko

"patawarin mo ako anak, hindi ko sinasadyang maglihim sainyo ang gusto ko lang ay malayo kayo sa kapahamakan"

niyakap ako ni Dad. hindi ko alam pero ang bigat sa loob ng nararamdaman ko , niyakap ko rin si Daddy

"sige po, naiintindihan ko na , patawarin nyo rin ako"

hindi ko namalayang umalis na pala si Marco 

"ahm Dad, puntahan ko lang si Marco"

"sige"

sinundan ko si Marco, pumunta sya sa pinagpa practisan nya ng pagbaril , nagsuot sya ng ear protector at kinuha ang baril nya at saka nag practice na bumaril , tinapik ko ang likod nya

"pasensya na bro, nandito na to eh, wala na kong magagawa kundi tanggapin nalang"

"buti naman at naiintindihan mo na ngayon"

nag suot din ako ng ear protector at kinuha ang isang baril dun para mag practice din, saka ko nalang susuyuin si Nathalia , pag lumamig lamig na ang ulo ko, magpapalipas muna ako ng sama ng loob dito, dito ko muna ibubuhos ang lahat ng galit ko.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.