Mr. Superstar Meets Ms. Assassin Chapter 31

Nathaniel's Pov:

-Shadow Corporation

"ano? napatay nyo?"

"hindi Dad eh, muntik na, kaya lang mahirap talaga syang kalabanin, natunugan nya siguro ang pagdating namen kaya nakatakas sya kaagad"

nanlumo ang mukha ni Dad.

"ahm.. sige kung ganoon sa iba ko nalang ipapahawak ang assignment na yun, eto nalang ang hawakan mo"

nag search sya ng pangalan sa compter

[ EVO FABIAN ] -ACCESS GRANTED-

Nakita ko ang mga files nya , he's a serial killer .

"You have to be so fast in killing this man, pero mag iingat ka, dati syang Spy Agent ng Rain Corporation at kung nandito si Nathalia, malamang pinatay nya na ito dahil sa inggit , napag alaman ko kasing hindi sya sumasabak sa field noon at nasa loob lang sya ng spy agency, gusto nyang sumabak sa field at maka trabaho si Nathalia dahil sa galing nito sa pagpatay, pero hindi sya pinagayagan"

"tss.. ang babaw"

"anong ang babaw ka dyan? isang karangalan para sa isang spy agent ang sumabak sa field, pasalamat ka pinasabak kita kaagad sa paghawak ng mga mabibigat na misyon dahil anak kita"

"Dad, hindi mo ko papahawakin ng mga delikadong misyon kung wala kang tiwala sa kakayahan ko"

"kaya nga"

nag search pa sya ulit sa computer.. nakakita ako ng mapa doon

"Nasa ******* Restaurant sya ngayon"

"then, were wasting our time"

"alamin mo kung sino ang target nya ngayon, naiintindihan mo?"

"Yes Dad"

"son, mag iingat ka"

"don't treat me like a little kid Dad, i know what im doing"

lumabas na ko ng rain Corporation at sumakay sa motorbike dahil mas mabilis iyon ng di hamak kesa sa kotse

- ******** Restaurant

pumasok ako doon at umupo sa isa sa mga table doon , asan sya?.. nagdi disguise?.. tumingin ako ng menu nila , hmm, may carbonara, macaroni salad, lasagna.. nakakagutom naman, order kaya ako?..

ilang sandali lang ay may lumapit saken na waitress

"good day sir, can i know your order?.."

ilang sandali pa ay may nakita akong misteryosong lalaki sa likuran nya, nakatingin sya saken, lagot na, natunugan nya ko, tumayo ako .

"ah.. wait lang miss ah"

sabi ko dun sa waitress at sinunggaban ko na ng takbo iyon dahil tumatakbo na rin sya , naghahabulan kaming dalawa palabas ng restaurant, pumasok sya sa isang hotel, pero pag pasok ko ay hinarangan ako ng security guards, peste na yan! pumunta ako sa likod ng hotel at inakyat yung pader at pumasok sa isa sa mga kwarto ng hotel buti nalang at walang tao doon, pagpasok ko sa loob ay nakita ko na sya, aba ayos.. talagang gusto mo ng habulan ah!

hinabol ko sya , pababa sya ng hagdan , nagulat ako bigla at napayuko nang magpakawala sya ng bala mula sa kaniyang baril, muntik na ko dun ah! g*g*ng yun!! pinatamaan ko rin sya ng baril at nadaplisan sya sa braso pero tumatakbo pa rin sya , palabas na kame sa lobby ng hotel nang umalingawngaw ang malalakas na putok ng baril , lagot na! sh*t ! ang lakas pala ng dala nyang baril kumpara sa hawak ko, nagkakagulo na ang mga tao , naririnig ko ang mga sigawan pati na rin ang mga nagsisibagsakang mga nababasag na fibre glass , paglabas namen ng Hotel ay sumakay sya sa isang kotse at pinatakbo ito, nilapitan ko yung isang batang may dala dalang motor

"bata?! pahiram muna! may hahabulin lang ako! ibabalik ko!"

dali dali akong sumakay sa motor nya at inagaw sa kanya ang susi , sa tingin ko mga edad 18 siguro ang batang yun , ibabalik ko naman eh kaylangan ko lang talagang mahabol yung killer na yun.

pinabilis ko ang takbo ng motor, lagpas na ito sa speed limit at para na akong lumilipad sa sobrang bilis habang pinapaputukan ko ang kulay itim na kotseng pinapatakbo ng target ko, binabawian nya rin ako at nagpapalitan kame ng bala pero hindi nya ko matamaan, hooo~ Nathaniel.. concentrate.. concentrate.. kaylangan mong matamaan ang ulo nya.. concentrate...

1...

lumapit ako sa kotse at maabutan ko na sya

2...

ayan na...

3!!!

Boooggssshh!!!

ayun!

nagpasirko sirko ang kotse at bumangga sa pader , inihinto ko ang motor at bumaba doon, nilapitan ko ang target ko para masiguro kung patay na ito o hindi pa, hmm, swerte nalang nya kung buhay pa sya matapos ng ginawa ko, tinignan ko ang lisensya na na nakalagay sa bulsa ng kanyang damit , tinignan ko ang pangalan.

AMIEL LLEVARES

ibig sabihin hindi sya si Evo Fabian?! fvck sh*t ! >.< habol ako ng habol hindi naman pala ito ang target ko, habang sinisiyasat ko ang laman ng kanyang lisensya o kahit anong bagay sa mga gamit nya ay nakita ko ang isang kulay pulang papel , binasa ko ang nakasulat doon:

"Hindi ganon kadali , bata "

-EF

talagang sinusubukan ako ng walang hiyang to ah! >.<

-Shadow Corporation

sinalubong ako ni Agent Martin habang papasok ako ng Agency

"pppffffttt! haha! bat ganyan yang mukha mo pre?!"

"gumamit sya ng ibang pain, pero isa rin itong mababang klase ng Spy agent ng Rain Corporation, how come ?.. natalo na natin sila ha?"

"alam mo kase pare, malakas yang Corporation na yan, kaya nga napunta sa kanila si Nathalia noon eh, well trained ang mga spy agents dyan"

"tss... dun nga muna ko sa taas"

umakyat ako sa rofftop ng building ng Shadow Corporation na may hawak hawak na bote ng beer sa kanang kamay ko, pinagmasdan ko ang kalangitan, ang mga manining ning na bituin ... Nathalia.. nasan ka na ba?.. please naman... alam kong buhay ka pa.. bumalik ka na saken.. youre my only strength.. nanghihina ako ngayong wala ka sa tabi ko... hindi ko magawa ng maayos yung trabaho kase sobrang nangungulila ako sayo...

Monique's Pov:

"and !!! cut !!! nice good take Monique ! good take!"

"haha.. thanks direk"

sabi ni direk habang kinakamayan ako, umupo na ko sa upuan ko at uminom ng tubig matapos ang nakakapagod na shoot ng commercial... hay grabe.. gusto ko nang umuwi... nag scroll ako sa phone ko nang may biglang humarang na anino sa harap ko.

"uh, hi?... Monique.. flowers for you.."

nagulat ako sa narinig ko kaya napatingin ako sa nagsalita, its none other than Xavier Zymon Herrera , co-star ko sya and a good friend, 2 months na rin nang magkakilala kame , hindi ko nga alam kung nanliligaw ba to o ano eh.. baka trip trip nya lang tss...

"thanks.."

"bar hopping tayo?.."

"nah-uh.. im tired.."

"oh.. ganun ba?.. edi hatid nalang kita sa inyo.. "

"hindi na wag na.. okay lang"

"Monique, bakit lagi mo kong tinatanggihan?..."

"Nothing its just .. uhm.. ayoko kasing may naaabala akong tao eh... "

"so hows the Lejares Enterprise?.."

"Good. my Dad used to manage it greatly"

"Mam Monique?.. naayos ko na po yung mga gamit nyo pwede na ho tayong umuwi"

sabi nung P.A ko na si Liane

"finally, oh pano Xavier?.. una na ko ha?.. next time nalang thanks sa flowers.. nawala yung stress ko kahit papano.."

"okay, anytime.."

hayyy -_- bakit ganun yun?.. masyadong papansin -_- makapasok na nga sa loob ng Van, sobrang pagod at antok na talaga ko, i look like a wasted girl na.. sobrang pagod na pagod na ko.. humiga ako sa may upuan, bahala sila dyan, pagod na ko eh.. i need to take a nap...

pagpikit ko ay naramdaman kong umandar na ang Van, and then suddenly i felt a little bit uneasy...

*Flashback*

"na detect ng radar ko na gusto nila tayong salubungin sa dulo ng kalsadang to, Nathaniel, kumanan ka, bilisan mo dahil kung hindi, patay na talaga tayo, malapit na nila tayong masundan, mas marami sila ngayon kesa kanina"

"Oh sige, teka lang "

Kumanan sya pero may mga naka abang na saming mga spy agents at mapapaligiran na nila kami.. Natataranta na si Nathaniel at nawawala na sya sa direksyon, masama ito .. Hinawakan ko ng mahigpit ang isang kamay nya, napalingon sya saken saglit.

"Nandito lang ako Nathaniel.. Hindi kita iiwan... laban natin to.."

Ngumiti lang sya saken, it was a peaceful smile.. hindi ko alam kung pano sya nakakangiti ng ganon sa kabila ng lahat ng nangyayare kahit na nasa panganib ang mga buhay namen..

*end of Flashback*

napa dilat ako bigla at bumangon , sobrang sakit ng ulo ko.. ano yun???..

"mam okay lang ho kayo?..."

tanong ng P.A ko

"ahm.. yeah.. i uh.. i need aspirin.. please.."

"aspirin po?.. wait i will check.."

ilang sandali lang ay binigyan na ko ng P.A ko ng aspirin at inom ko na ito agad. pinagpawisan ako.. ano yun??.. panaginip??.. parang totoong nangyare.. hindi.. pagod lang ako.. sigurado akong pagod lang ako.. hindi yun totoo..

nararamdaman ko namang nanginginig ang buong katawan ko pero hindi ko nalang ipinahalata iyon at humiga nalang ulit.. damn.. that's a weird dream.. or I dont know.. flashback I think so.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.