My Beautiful Assassin Chapter 22

Andrew POV

Massachusetts, USA

Sunod sunod na katok sa pinto ang nagpagising sa akin. Naiinis akong iminulat ang mata sa orasan. Wala pang tatlong oras ang tulog ko.

Anong oras na ba akong nakatulog? Alas tres ng madaling araw? Ang bigat ng ulo ko. Napatingin ako sa larawan nasa gilid ng kama. Napangiti ako tuwing nakikita ko ang larawan niya. palihim ko siyang kinukunan. Hindi niya alam punong puno ng kanyang larawan sa cellphone ko.

Nakadama ako ng irita ng patuloy pa rin kumakatok ang taong gumambala ng tulog ko. Tumayo ako sa kama para buksan ang pinto. Halatang nagmamadali. Salubong ang kilay ko nakatayo si Dad namumula ang mukha sa galit.

"What is it Dad?" May iritado sa boses kong sagot. Wala pa akong maayos na tulog.

"We.need.to.talk.Andrew!" His serious tone. Bigla akong kinabahan mukhang may problema. Ayokong makitang ganito ang mukha ni Dad sa kin bago iniwan.

Mabilis akong naligo at nagmamadaling mag bihis hindi mawala sa isip ko ang itsura ni Daddy. Pumunta ako sa opisina sa loob ng bahay namin.

Napalingon ako sa umiiyak na Baby sa sofa. Para akong tinakasan ng kaluluwa sa katawan ko. Pinag masdan ko ang mukha ng sanggol.

It can be? A baby? The baby looks like me?!

"Can you explain to me about this baby?" Mapanganib na tanong ng aking ama. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Nakadama ako ng awa sa baby na walang tigil sa pag iyak.

"I- I don't know Dad?!" Napalunok ako sa hindi ko siguradong sagot.

"That baby looks like you Andrew and don't denied me on this! The maid told me that there's was a baby outside the gate." Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.

"Dad, I really don't know about this" Binagsak niya ang kamay sa table.

"You brute!!! Don't lie to me. Mark Andrew Winterson! Did you have sex to that girl?" Lumapit sa kin si Daddy naramdaman ko pag suntok niya sa aking mukha. Napaluhod ako ayokong labanan si Daddy. I respect him so much. Pumunta siya sa table at binato niya sa akin ang papel.

"I read this paper!" Bulyaw niya.

Iniwan ang baby sa harap ng bahay namin na may kasamang sulat?!

"They leave the letter and your name indicate that you are the father of that baby!" Galit na galit na sigaw ni Dad sa akin. Hindi ko pinansin ang pag sigaw niya. Parang bumigat ang dibdib ko sa malakas na pag iyak ng sanggol. Mabilis kong binasa ang iniwang sulat.

" Andrew,

This is my gift for you. Please take care of our son"

Walang iniwan na pangalan sa Car Seat Carrier ang Baby.

Sino ang ina ng bata? Hindi kaya? -

Hindi ko napigilan lumapit sa sanggol na umiiyak. Kinuha ko sa car seat carrier saka kinarga. Kinakabahan ako sa pag buhat baka mapilayan ang sanggol.

"Shhhh! Baby please don't cry!" Napansin ko na may feeding bottle sa tabi ng Baby Seat Carrier mabilis kong pinasuso ang sanggol nasa bisig ko. Buti naman nag iwan ng gatas. Napansin ko din ang isang basket ng Diaper at dalawang lata ng gatas at mga damit ng Sanggol. Hindi ko na pinansin ang pang gagalaiti ni Daddy. Nakaramdam ako ng init galing sa puso ko. Malamlam ang mata nakatitig ako sa baby.

Alam ko sa loob ko na anak ko ang batang ito.

Biglang pumasok sa isip ko ang babaeng nakatalik ko bago ako umalis ng Pilipinas.

Hindi kaya ang babaeng naka one night stand ko ang ina ng bata?

Naalala ko ang nangyari ng gabing iyon.

Flashback

"One more please!" Pakiusap ko sa Bartender.

"Sir, lasing na kayo!" pag alala ng Bartender sa akin.

"Wala kang pakielam! May pambayad ako!"

"Ako na ang bahala sa kanya kilala ko siya" Naramdaman ko pag alala niya sa akin. Dinala niya ako sa condotel.

Subalit hindi ko maalala ang kanyang mukha dala ng kalasingan.

Is she's that girl? Who is she? I tried to send message to Lacey but her Facebook are all Deactivated even Instagram and Twitter.

What happened to her?

Bigla na lang siya nawala na parang bula.

The last time I saw her she was hugging to Aaron Florencio.

***

"The DNA says that 99.99%. It's positive! You are the father of this Baby" Binasa ko ng paulit ulit ang papel inabot sa akin ni Daddy. Inaamin ko natatakot akong malaman na ako ang ama ng bata pero sa kaibuturan ng puso ko dama ko ang saya. Nakuha na namin agad ang resulta. Iisang tao lang nasa isip ko subalit imposible sapagkat wala na akong balita kay Lacey. Kahit ang kapatid ko si Misha palihim akong nakikibalita. Tinanong ko na din si Kira.

Ang balitang nakarating sa kin. Umalis ang pamilya nila pumunta sa ibang lugar. Kung nabuntis ko man siya alam niya ang Facebook account ko. Pwede niya akong i message subalit naka Deactivate na ang account ni Lacey.

Nakaramdam ako ng guilt. Inaamin ko nasaktan ko si Lacey. Dahil kailangan kong bumalik dito sa US para mag aral ng business Management. Ayokong masira ang tiwala sa akin ni Daddy.

I know I disappointed my Dad. But what can I do? This kid is mine. I know mahirap maging isang batang ama lalo na wala ang ina ng bata. Pinag mamasdan ko ang aking anak parang ako nung baby pa. Kung sino man ang nabuntis ko. Gusto ko siyang pasalamatan na ibigay niya sa akin ang bata.

I'll take care of him.

Nilapitan ko ang aking anak nasa sofa saka ko niyakap. Nakaramdam ako ng galak sa puso.

This baby is mine!

"You are really my Son. Lawrence Andrei Torralba - Winterson" Hindi ko alam ang ina ng aking anak kaya middle initial ko ang pinagamit ko sa kanya.

Hinalikan ko sa pisngi ang aking anak na lalake. Kahit galit si Daddy alam ko sabik din siya sa kanyang apo. Soon, lalambot din ang puso niya.

***

Limang taon na si Andrei. Masayang naglalaro ng lego. Mamaya ihahatid ko siya sa school. Lahat ibinigay ko ang oras sa nag iisa kong anak. Hindi ko pinagsisihan na nagkaanak ng batang edad.

Para kaming pinag biyak na bunga. Naka ilang Private Investigator na ako. Pero wala pa rin makakapag sabi kung sino ang ina ng bata pati mismo si Lacey pina imbestigahan ko.

I really don't know kung saan ko siya hahanapin. I'm worried to her. She never show up to anyone kahit si Aaron Florencio. Ang balita nag sasama na ang dalawa. Nakadama ako ng kirot sa puso.

Inilihis ko ang isip sa ibang bagay. Sa ngayon mas importante sa akin ang anak ko. Ayokong nawawala siya sa paningin ko.

Ewan ko ba? Masyado akong Protective Father.

Noon, nag aaral ako habang pumapasok sa school ng Harvard University kasama ko palagi si Andrei. Minsan sinasama ko din siya kahit may project ako sa labas. I'm MBA graduate in Harvard Business School while handling our family business.

I decided to leave US and focus on our business here in philippines after I finish my MBA in Harvard. Napamahal na sa akin ang pilipinas.

Sino ba niloloko mo Andrew? Hinihintay mo lang siya magpakita? Gusto mo lang siya balikan. Natawa ako sa naisip ko.

Maybe.

***

Satinne POV

Walang alam si Master Bryan sa plano ko ngayon araw. Nasa ibang bansa siya. Napangiti ako. Ang una kong papatayin Eduardo Remuel gusto kong malaman kung sino ang nasa likod sa pagpatay ng pamilya ko.

Saka ko na hahanapin ang taong malaki ang kasalanan sa kin. Ang aking kapatid na lalake.

Nagsuot ako ng Lingerie bago pinatungan ng itim na coat. Sasayaw ako sa harap ng entablado.

Dito ang tambayan ni Eduardo Remuel. Tumakbo itong bilang Governor sa lugar na Cavite. Nabalitaan na hindi ito corrupt kaya nanalo sa eleksyon.

Dahil sa makapal na make up hindi nila namumukhaan ang aking mukha.

Nang aangkit akong tumitig kay Eduardo or Edong sa harap niya. Wala na akong suot na damit habang naririnig kong nag hihiyawan ang mga kalalakihan sa akin. Nakita kong tumawag siya ng Waiter. Mukhang itinuro niya ako. Lihim akong napangiti.

Pagkatapos kong sumayaw. Umupo ako sa tokador. Nakangiting lumapit sa akin ang mamasan ng Club.

"Sarah, pinapatawag ka ni Governor Remuel. Mukhang natipuhan ka ah. Balita ko malaki mag bigay ng Tip iyon. Galingan mo gumiling huwag mo kaming ipahiya" Masayanl niyang sinabi sa akin.

"Sure!" It's showtime.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.