My Beautiful Assassin Chapter 24

Satinne POV

Flashback

Bente kaming babae nasa loob ng Isla Del Fuego na pag aari ni Bryan MacKenzie. Pinakalbo kaming lahat. Ang iba labag sa kalooban nila ang pag sama sa amin. Nag iiyakan ang mga babaeng kasama namin na gustong bumalik sa kanilang pamilya.

Hindi ko alam na kailangan pala namin ito pag daanan subalit iisang babae ang tahimik nakatingin sa amin.

Napansin ko ang isang babaeng green ang kanyang mata. Pinipilit niyang patatagin ang loob.

Sa loob ng isang buwan. Gigising kami ng umaga. Mag e exercise, pakakainin ng konting pagkain. Tatlong kutsarang kanin at kapirangot na ulam. Umaga, Tanghali at Gabi. Ganito palagi ang ginagawa namin. Wala kaming tigil sa pag training.

Bilib ako kay Lady Caroline na matyagang nagtuturo sa amin. Nalaman ko na isa itong reyna ng Royal Mafia.

Pinagmasdan ko sa salamin ang aking katawan. Wala na ang dati kong katawan. Nakikita ko ang malaking pagbabago. Halos wala kaming pahinga sa kaka training. Ang iba nag suicide na dahil hindi kinaya ang hirap ng dinanas sa training dito sa Isla Del Fuego.

Training sa paghawak ng Guns at Martials Arts, Combat, Sparring.

Lahat ng hirap pinag daanan ko pati sa pag Hack ng Computers, CCTV at mga accounts sa mga bangko.

Sa totoo lang isang taon na kami dito sa loob ng Isla. Siyam na babae na lang kami natitira. Ang labing isa namatay na dahil hindi kinaya ang hirap. Konting bagsak namin kamatayan ang kapalit. Ang iba sa amin ginagawa na lang ito para mabuhay.

Hanggang sa lima na lang kami ang natira. Kinain ng buwaya at piranha ang apat. Iyon tatawirin namin ang ilog gamit ang tali.

Malapit na kaming matapos sa training. Apat na lang kaming natitira at eto ang pinakamahirap sa lahat. Dalawa lang ang maaring maging Assassin. Kailangan namin patayin ang i pa partner sa amin. Dalawa kami ang natira si Lady X aka Xelena at ako bilang Lady S aka Satinne. Lihim lang ang pangalan namin dalawa para sa kaligtasan naming lahat.

***

Satinne POV

Pagkatapos kong patayin si Eduardo Remuel noon isang buwan. Nanghingi ako ng bakasyon kay Master Bryan, sinabi kong pupunta ako sa Paris subalit sa Japan ako pumunta. Doon ko papatayin si Homer Sarmiento.

Tatlong araw kong binabantayan ang bahay ni Homer kasama ang asawa nitong Japanese. Sa nakikita ko. Mukha pa naman siyang nag bago.

Balita ko naging mabuting asawa at ama sa dalawang anak nito pero sorry na lang siya. Sinira niya ang buhay ko dahil sa kanila namatay ang anak ko.

Wala ng awa sa puso ko kundi galit hindi nila ako pinakinggan habang nag mamakaawa ako sa kanila.

Nakatayo ako sa labas ng bahay nila. Habang nag hihintay sa kanya na dumating galing sa trabaho nito.

Nakita kong ipina park ang sasakyan niya. Bumaba siya sa loob ng sasakyan. Nagtataka dahil nakatayo ako sa harap ng kanyang sasakyan. Tinitigan niya ako bago nanlalaki ang mata niya sa gulat nang ma rehistro ang mukha ko.

"Long time no see Homer!" Nakangiti kong bati sa kanya. Takot ang nabanaag ko sa kanyang mukha.

"I-Ikaw?!" Halos manginig ang katawan niya sa akin.

"Yeah! It's me. Mukhang maganda na ang buhay mo dito sa japan ah" Lumapit ako sa sasakyan niya. Hinaplos ko ang kanyang puting sasakyan. Pag aari ng kumpanyang pinag ta trabauhan nito.

"A-nong kailangan mo sa akin?" Tanong niya. Nakita ko ang luha sa kanyang mata.

"Hmmm? Ano nga ba?" Kunwaring pag iisip ko.

"Ah alam ko na. Itatanong ko lang kung sino nag utos sa inyo na ipapatay ang pamilya ko at gumahasa sa akin?" Nakangiting pahayag ko. Nakita ko ang pawis sa kanyang mukha saka umiwas siya ng tingin sa akin.

"H- Hindi ko maaring sabihin sa iyo. Buong angkan ko ang papatayin niya ayokong madamay sila" Pagmamakaawa niya sa akin.

"Okay, kung ayaw mong sabihin ako na papatay sa buong angkan mo" Banta ko sa kanya nabigla siya sa sinabi ko.

"Hindi mo alam kung sinong binangga mo. Miss" Mas lalong nagkaroon ng takot sa mata niya.

"Ako na lang patayin mo. Huwag mo na idamay ang pamilya ko" Lumuhod siya sa akin.

"Sa tingin mo ganon lang kadali? Ginahasa at namatay ang anak ko. Pasalamat ka pa nga mabait pa ako. Gusto ko nga i torture pa kita" Tumawa ako ng malakas.

"Bibigyan kita ng dalawang araw. Pag isipan mo ito Homer. Kung ayaw mong isama ko ang asawa at anak mo. By the way, huwag mo na subukan mag tago. May matang nakasunod sa iyo kaya ngayon pa lang magsalita ka na" Umalis ako sa harap niya. Natulala siyang nakatitig sa kawalan.

"Oh siguro naman nabalitaan mo ang nangyari kay Edong actually pinagahasa ko siya bago ko pinatay!" I smiled evilly.

"Sandali!" Pigil niya sa akin.

"Ang nag utos na ipapatay ang pamilya mo si -" Nanlaki ang mata ko biglang sumabog ang ulo ni Homer.

Natamaan ang mukha ko ng kanyang dugo mula sa kanyang ulo. Napatingin ako sa lugar kung saan nakatutok ang Sniper. Alam ko hindi ko mahahabol ang taong iyon.

"Damn you! " May taong nasa likod nito at hindi basta basta ang taong ito. Kailangan kong maunahan ang taong iyon. Tatlo na lang ang nasa list ko kumikilos na din ang mga tauhan ko.

***

Satinne POV

"How was my gift?" Lumapit ako sa kanya binigyan ko ng mag asawang sampal.

"Damn you! Sinira mo ang plano ko!" Tumawa lang si Lady Xelena.

"Utos ni Master. Matigas ang ulo mo daw. Ayaw mong makinig sa kanya sa tingin mo hindi niya alam ang ginagawa natin?" Nang aasar niyang sinabi.

"I know" Tumiim ang bagang ko. Kumibit balikat si Lady X bale walang tumingin sa akin.

"If I were you! You better stop this! Sa huli mababale wala lang lahat ng hirap mo" Paalala niya. Nasa pinto na siya magsalita siya ulit.

"Baka magulat ka na lang ang pinagkakatiwalaan mong tao siya pa ang puno't dulo nito" Halos pabulong ang pagkakasabi niya subalit umabot pa rin sa pandinig ko bago umalis. Marahas akong napatingin sa kanya. Naiwan akong nag iisip.

***

Tatlong tao ang natitira sa list ko. Hanggang ngayon wala pa rin akong nakukuhang lead kung sino ang Master mind sa lahat na ito.

Eduardo Remuel

Homer Sarmiento

Rogerio Carillo

Mario Roxas

Ninoy Abelarde

Ini exis ko ang dalawa. Inaamin ko nahihirapan akong hanapin ang dalawa si Mario Roxas at Rogerio Carillo. May taong nag tatago sa kanila. Kailangan kong hanapin ang dalawang ito. Uunahin ko muna si Ninoy Abelarde.

Mahihirapan ako sa taong ito. Dahil isa na itong Chief of Police. Mas mahigpit ang seguridad ng kapulisan ngunit walang imposible sa akin. Gagawin ko ang lahat malaman ko lang ang taong gumahasa sa akin.

"See you tomorrow chief!"

Sinimsim ko ang coffee na inorder ko sa Starbucks. Nakasuot ako ng sunglasses napadako ang tingin ko sa dalawang masayang nag uusap.

Misha and Andrew

Kumirot ang puso ko makita silang dalawa. Itinago ko ang mukha dahil napatingin sa akin si Misha.

Alam ko naman hindi na niya ako na re recognized dahil pina ikli ko ang aking buhok at naka suot ako ng eye glasses.

Matiim ang tingin ko kay Andrew.

Mas higit siyang gumugwapo. Tumiim ang bagang ko.

Pagkatapos niya akong pag laruan.

Napailing ako sa kawalan. Sa ngayon hindi ko muna sila aabalahin. Kailangan ko munang tapusin ang tatlo taong nasa list ko.

***

Misha POV

Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa gilid ng starbucks.

"Hey! Sis, sino ba tinitignan mo?" Tanong ng kapatid.

Bumaling ang tingin ko kay Andrew.

"I - I think i saw her" Untag ko.

"Who?" Kumunot ang noo ni Andrew.

"L - Lacey" Biglang napalingon si Andrew kung saan ako nakatingin.

Nagulat ako nawala ang babaeng nakaupo kanina.

"She's gone!" Gulat kong sinabi. Ang bilis niyang mawala. Hindi ako maaring magkamali si Lacey ang nakita ko.

"A - Are you sure?" Sabik na tanong ni Andrew. Napilitan akong tumango. Tumayo agad si Andrew kaya napasunod din ako sa kanya.

"Ayun siya!" Sigaw ko kay Andrew. Papasakay na ang babae sa loob ng sasakyan.

Tumakbo si Andrew para habulin si Lacey.

"Lacey!" Sigaw nito. Subalit mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan. Nanghihinang napaupo ang kapatid kong si Andrew.

Alam ko matagal na niyang hinahanap si Lacey.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.