My Beautiful Secret Agent Chapter 15

Einah POV

Simula nang inamin ko kay Ivan ang pagkatao ko. Ilang buwan na nakakalipas sumabay din ang pagdating ni Silver. Sunod sunod ang mga dumating na mission sa amin. Ilang araw ko hindi sinasagot ang tawag ni Ivan. Kasalukuyan ako na nasa mission dito sa Texas. Nakatali ang paa at kamay ko. Nanggagalaiti na ako sa inis dahil nag bibilang ako ng oras sa utak ko.

Ang tagal ni Silver na taniman ng bomba ang buong paligid. Muntikan na pumalpak ang mission kaya nahuli ako.

"Tell me woman! Who are you?!" Galit na galit sigaw ng matandang lalakeng amerikano.

Si Richard Franklin kilalang nag bebenta ng mga Illegal Weapons. Ngumisi ako sa kanya. Dahil sa inis sa mapang asar kong ngiti. Binigyan niya ako ng suntok sa mukha. Dumugo ang gilid ng labi ko.

"Damn you! Don't give me that look!" Akmang susuntukin ang mukha ko. Bigla kong inatras ang upuan at ibinigay ko ang buong lakas para lumundag kasama ng upuan at nawarak sa sahig. Dahil sa gulat hindi agad nakakilos ang mga limang kalalakihan. Natanggal agad ang tali sa katawan ko.

"Get that woman!" Lumapit ang dalawang lalake sa akin. Binigyan ko ng suntok at sipa hanggang sa mahandusay sa sahig. Kinuha ko ang dala nilang baril at pinaputukan ang dalawang kasama nito bago bumagsak sa sahig. Natira na lang si Richard Franklin. Halata ang takot sa kanyang mukha.

"You're death!" Binaril ko siya sa ulo. Kinuha ko sa bulsa ang remote control. Nagmamadali akong lumabas ng warehouse.

Naglalakad na lang ako nang sumabog ang buong warehouse.

"Mission accomplished!" Nakatayo si Silver sa harap ng sasakyan.

"Fuck you! Nasuntok pa ako ni Richard. Anong mukha ang ihaharap ko kay Ivan lalo na may date kami mamaya!" Nanggagalaiti kong sinabi kay Silver. Mahinang tumawa si Silver bago binuksan ang pinto ng kotse para sumakay. Sumunod din ako sa kanya. Tatlong araw na kaming hindi nag kikita ni Ivan. Nagmamadali akong pumunta ng opisina niya. Late na ako ng tatlong oras. Natraffic pa kami kaya kanina pa tawag ng tawag si Ivan sa akin habang naghihintay sa opisina niya.

"Salamat!" Hindi man lang lumingon si Silver bago pinaharurot ang sasakyan. Hindi ko alam subalit ayaw ni Silver kay Ivan. Mainit ang dugo niya sa boyfriend ko. Papasok na ako sa opisina ng Gonzales - Black Retail Holdings. Kilala na ako ng mga empleyado nila.

Pinag titinginan nila ako dahil sa suot ko na black sando at black jeans at naka Black high heel boots. May mga dugo pa nakakapit sa damit ko. Magulo ang buhok at may mga pasa sa katawan at sugat sa labi.

Dapat di derecho muna ako sa Condo ko para makapag ayos kaso etong si Ivan minamadali ako at sinabing may damit ako sa loob ng opisina niya. Umalis na ang Secretary ni Ivan kaya tuloy tuloy akong pumasok. Nagtaka ako dahil madilim ang kanyang opisina.

"Ivan?" Tawag ko sa kanya. Biglang bumukas ang ilaw. Nakita ko si Ivan nakasuot ng puting Coat and Tie. Napakagwapo niya talaga. Tumulo ang laway ko. Kailangan ko ng tubig baka ma dehydrate ako sa taong nasa harap ko!

"What the hell?!" Biglang nawala ang porma at nakangiting mukha ni Ivan. Nalukot ang kanyang mukha nang makita niya ang itsura ko. Wala akong narinig kundi mga sunod sunod na mura mula sa kanya.

"Wait! Bakit ka ba nagagalit?" Mahinahon kong tanong sa kanya.

"At tinanong mo talaga ako? Bakit ako nagagalit? Look at yourself. Einah Sandoval! Sa tingin mo matutuwa ako na ganyan ang kalagayan mo? May sugat at pasa ka sa katawan?" Hindi pa rin siya tumitigil sa pag mumura. Natatawa ako napailing ako sa kanya. Pagkatapos niyang gamutin ang pasa at sugat ko. Pinatayo niya ako.

"I'll give you one hour para makapag ayos. Sweetheart. Nasa loob na ang mga gamit mo." Nagtataka ko siyang sinunod. Pagpasok ko sa extension room niya dito sa opisina. Nakita ko ang Classy White Dress hanggang tuhod ko na may kasama ng sapatos. Napangiti ako sa ganda ng damit.

Nagmadali akong mag maligo at nag bihis saka nakapag ayos. Nang makuntento ako. Lumabas ako ng kwarto. May kausap si Ivan sa cellphone. Napaangat ang kanyang mukha. Makita niyang nakatayo ako sa pinto. Pinutol niya ang tawag. Lumapit siya sa akin at inilagay ang kamay sa baywang ko.

"You are really beautiful Lieutenant Colonel Einah Sandoval!" Pinatakan niya ako ng halik sa labi. Magkahawak kamay kaming lumabas ng office niya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Pinisil niya ang kamay ko.

"Secret!" Sumimangot ako sa kanya. Nagulat ako umakyat kami sa Roof Top. Nanlaki ang mata ko na may Chopper nag hihintay sa amin. Nagtataka akong napatingin kay Ivan. Inalalayan niya ako sumakay sa chopper. Nasa himpapawid na kami. Nakatingin lang ako sa baba. Habang si Ivan nakangiti lang. Halos isang oras kami nakaupo sa chopper. Napansin ko may nakita ko may beach sa ibaba. Napakunot ang noo ko nang mabasa ang ...

"Will You Marry Me! Einah Sandoval"

Nasa buhangin na may mga ilaw kaya nababasa ko. Bumaling ang tingin ko kay Ivan na mukhang kabado. Namuo ang luha ko sa mata. Malapit na kaming magdalawang taon.

I know bata pa ako para mag asawa. Malapit na ako mag twenty three.

"Pag baba natin gusto kong marinig ang sagot mo" Naiiyak akong tumango. Inalalayan niya akong bumaba sa chopper. Umikot ang paningin ko. May lamesa sa gitna na Gazebo Tent at may design ng torches, flowers at soft lighting. May nakatayong dalawang Waiter. Inalalayan ako ni Ivan papunta sa Gazebo Tent. Naririnig ko ang tugtog ng violin.

"True by Ryan Cabrera" Nanlaki ang mata ko biglang lumuhod si Ivan.

"Einah Sandoval, alam ko masyado pang maaga para sa atin magpakasal but my heart beating so fast tuwing kasama kita at ikaw nagpabago sa akin. I'm afraid that one day mapahamak ka sa mga mission mo. Hindi ko kaya na mawala ka sa buhay ko. Ayokong papiliin ka but you can't blame me! Everytime I seen you with bruises and wounded from your mission. My heart bleed so much. Please choose me over your career because i really love so much" Naghulugan ang mga luha sa mata ko.

Do I need to give up my career? Nakatitig ako kay Ivan sa kanyang mata. Nakikiusap at naghihintay ng sagot ko.

Ikaw Einah? Career or Love? Kaya mo bang mawala si Ivan sa buhay mo?

Bahala na!

"Yes, I will marry you!" Napalunok si Ivan. Namula ang kanyang mata tanda na naiiyak sa sinabi ko. Inilabas niya ang kahita sa kanyang bulsa at isinuot sa aking daliri. It's 24 karat of Tiffany and Co. Diamond Ring. Tumayo si Ivan binigyan ako ng halik sa labi. Gumanti ako ng halik.

"I love you Einah Sandoval Black" Madamdaming niyang sinabi.

"I love you too Ivan Lester Gonzales Black" Nakangiti kong sinabi.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.