Matthew POV
Nakatali ang kamay at paa ko sa upuan. Punong puno na ako ng pasa at sugat sa aking katawan.
"Who are you all?!" Sigaw ko sa kanila kahit nang hihina na ako mula sa pambububog nila sa akin.
"We are Bryan Mackenzie men's. My boss wanted to kill you! You'll just wait he will come to you!" Nag tawanan sila. Hindi ko na alam ang nangyayari. Wala silang tigil sa pambubugbog sa akin. Nakarinig kami nang putok ng baril mula sa labas ng bahay. Kaya tumigil sila sa pananakit sa akin.
Hindi ko na kinaya pa kaya nandilim na ang paningin ko.
***
Nag mulat ako ng mata nakita ko ang kapaligiran puro puti. Nakatayo si Kuya Roldan habang nag babantay sa akin.
"A - anong nangyari?" Nanghihina kong tanong sa kanya. Tumayo si Kuya Roldan.
"Mag pahinga ka muna Iho. Ligtas ka na mula sa kamay ng tauhan ni Bryan MacKenzie" Sabi niya sa akin.
***
Ilang linggo ako nasa hospital para magpagaling. Simula nangyari iyon hinigpitan na ang pag babantay sa akin. Nagkaroon ako ng trauma. Natatakot ang puso ko baka nasa paligid ko ang mga kalaban. Pagkatapos ng Graduation ko. Sumabay ako kay Daddy na umuwi ng pilipinas. Dahil pinangako ko kay Lacey na mag babakasyon ako ng pilipinas lalo na't nalaman ko nag da dalang tao ang bunso kong kapatid na babae.
Dalawang linggo na ako umuwi galing sa Cambridge. Biglang sumulpot ang pitong kalalakihan na pumasok sa loob ng bahay namin. Pababa na si Mommy dahil tinawag niya si Lacey para kumain. Inaamin ko natatakot ako pero kailangan ko lakasan ang aking loob. Halatang bihasa ang mga kalaban.
Tinaon talaga nila na day off ang ilang mga tauhan namin. Napatay ni Daddy ang apat na lalake. Narinig ko ang sigaw ni Mommy kaya nabaril si Daddy dahil na napatingin siya kay Mommy sa hagdan. Hindi na pansin ang isang lalake na bumaril sa kanya.
"Dad!" Sigaw ko. Nakipag buno ako sa tatlong lalake. Si Mommy pababa ng hagdan. Hindi inaasahan ang pag baril sa kanya ng isang lalake sa dibdib.
"Mommy!" Sigaw ko.
Damn it!
Nakita ko si Lacey pababa ng hagdan kinuha niya ang baril at inasinta sa tatlong lalakeng kalaban ko.
"Kuya si Mommy at Daddy!" Taranta ang boses ni Lacey. Pinag tulungan namin ipasok sila sa loob ng sasakyan.
Pasakay na ako sa Driver seat bigla akong hinarang ng dalawang lalake. At napatingin ako sa kapatid kong babae hawak siya ng isang lalake.
"Papatayin ka namin kung hindi mo iiwan ang kapatid mo sa amin!" Sabi ng lalakeng may hawak sa kin. Hinila ako ng dalawang lalake paalis sa Driver Seat itinutok nila ang baril sa akin.
"Run!" Sabi ng isang lalake sa akin. Bumadha sa akin ang takot sa magulang at sa kapatid kong babae. Kung lalaban ako.
Paano ang magulang ko nag hihingalo na.
I need to decide?! Ang buhay ng magulang ko o ang kapatid kong babae.
"Kuya, tulungan mo ako!" Nagmamakaawang sigaw ng kapatid kong babae. Nakita ko papalapit na ang tatlong lalake. Hindi ko na kakayanin pa makipag laban.
I don't have a choice! Sinuntok ko ang isang lalake sa mukha at sinipa ko ang isang lalake sa kanyang pagkalalake kaya nabitawan nila ako.
"Babalikan kita pangako ko yan!" Pumasok ako sa loob ng driver seat. Hindi ko sila kayang labanan.
"K - kuya!" Sigaw ni Lacey Napahagulgol ako dahil iniwan ko nag iisa kong kapatid. Kinuha ko agad ang cellphone para tawagan si Kuya Roldan.
"Kuya Roldan, I need your help!" Hindi ko napigilan ang umiyak. Nakarating ako sa hospital habang nasa loob ng Operating Room sina Mommy at Daddy.
***
Halos mag ta tatlong araw na wala pa rin kaming balita kay Lacey. Ilang araw na akong walang maayos na tulog at kain.
Nabuhayan ako ng loob na may tumawag sa amin na isang lalake. Pangalan niya ay Rogelio Carrillo. Sinabi niya kung saan itinago si Lacey. Nasa pampanga ang kapatid ko.
Pinasok ni Kuya Roldan kasama ang anak nitong si Aaron at ilang mga kapulisan ang Warehouse. Pagpasok namin wala ang kapatid ko. Nakarinig kami nang putok ng baril sa labas ng kagubatan. Dali dali kaming lumabas at nakita ko ang kaisa isa kong kapatid.
Si Lacey nakahandusay sa lupa. Walang tigil sa pag luha ang mga mata ko sa kalagayan ng kaisa isa kong kapatid na babae. Kasalanan ko iniwan ko siya sa kamay ng mga kalalakihan.
Naninikip ang dibdib ko sa awa dahil puro sugat at pasa ang kaisa isa kong kapatid.
***
Matthew POV
Sinabi ng doctor na ginahasa ang kapatid ko. Napahagulgol ako at nanghihina.
Bakit kailangan mangyari ang ganito sa pamilya ko. Hinihintay ko ang balita ng OB - Gyne Doctor sa pinag bubuntis ng kapatid kong babae. Ilang oras na ako nag hihintay.
Nakita kong lumabas ang Doctor.
"Doc, how is she?" Nag aalala kong tanong sa Doctor.
"I don't think? This a good news but the fetus is safe. Huminto ang pagdurugo ng pasyente but the patient is" Huminga muna siya ng malalim.
"Suffering of Comatose" Parang may bombang bumagsak sa aking harapan.
"Doc, please save her. Gawin n'yo ang lahat iligtas n'yo silang mag ina" Pakiusap ko. I feel guilty kasalanan ko bakit pinag dusahan niya ang lahat ng ito. Halos ayokong makita ang kanyang itsura punong puno ng pasa at sugat. Tinapik lang ako ng Doctor sa balikat. Nanghihina akong napaupo.
What will I do? Gulong gulo na ang isip ko.
***
Five Months Later
Malapit na manganak ang kapatid kong babae pinahigpitan ko ang pag babantay sa kanya.
"Congrats! Successful ang panganganak niya" Balita ng Doktora sa akin. Inabot ng Nurse ang baby sa akin.
What a handsome boy! Hinalikan ko sa mukha ang baby. Ang aking pamangkin. Hindi siya safe sa amin kaya kailangan ko siyang ibigay sa kanyang ama lalo na hindi pa nagigising ang kapatid kong babae. Hindi ko alam kung kailan magigising si Lacey.
Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang galit niya.
Si Mommy at Daddy kasalukuyan nagpapagaling sa Colorado. Ayokong manganib ang buhay ng pamangkin ko. Iiwan ko ang bata sa kanyang ama. Mas safe siya kay Andrew.
"I'm sorry baby, magulo pa ang buhay namin. I need to give up on you. Ayokong madamay ka sa gulo namin. Don't worry makakasama mo ang Real Dad mo. Siya muna ang mag aalaga sa iyo"