Einah POV
Ilang linggo na nakakalipas simula ng manirahan kami sa pilipinas. Dumirecho muna kami sa Laoag para madalaw ko ang bahay namin dito.
Plano kong bumili ng Townhouse sa Antipolo medyo malapit sa MTCI para hindi ako mahirapan sa pag biyahe kapag nagsimula na akong mag trabaho sa kumpanya na pag aari ni Leonardo Madrid. Pinag enroll ko na din si Nicholas sa San Agustin University sa makati. Nalaman ko na isa sa kilalang eskwelahan.
Naalala ko ang binatilyong lalake nang mabasa ko ang logo sa kanyang uniform. Kaya napag desisyonan ko na doon ko din paaralin si Nicholas.
Ano kaya itsura niya ngayon? Ilang taon na din ang nakalipas. Napangiti ako ng maalala ko ang araw na iyon. Napakaganda ng loob ng eskwelahan. Nabalitaan ko na high standard ang nasabing eskwelahan at isa sila sa nag top na University sa buong mundo. Maraming mayaman at anak ng pulitiko nag aaral sa school. Isa sa pag aari ng Bernasconi. Kilalang mayamang pamilya sa mindoro.
Nandito ako ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing ang magulang ko. Nami miss ko na sila ang mga araw na kasama ko pa sila.
"Mama at Papa, nandito na ako. Ang tagal ko na palang hindi nakakadalaw sa inyo" Lumabas ang butil ng luha ko. Pinag masdan ko ang libingan ng magulang ko. Kumuha ako ng taga linis every month. Pinatayuan ko ito ng Museum ang libingan nila kasama ang abo ni Uncle Sam. Isa sa hiniling niyang iuwi ko sa pilipinas ang abo niya kapag namatay siya. Minsan nag bibiro siya sa kin.
"Eto na pala ang anak ko si Nicholas. Ang apo ninyo. Pasensya na kung wala si Ivan. Nag hiwalay na kaming dalawa" Kumirot ang puso ko. Naalala ko ulit na may iba na siyang minamahal. Sana mawala na ang sakit ng nararamdaman ko.
Mama at Papa, Tulungan n'yo ako maka move on. Sana mawala na ang nararamdaman ko kay Ivan. Walang araw na hindi ako nasasaktan tuwing naalala ko ang masayang araw namin magkasama noon.
***
One Year Later
Sa loob ng isang taon na pag ta trabaho ko sa Madrid Techno Cars Incorporated pagkatapos kong mag quit bilang Secret Agent sa Titan Defense Services isang taon na nakakaraan. Naging masaya naman ako. Mahigit dalawang taon na kaming hiwalay ni Ivan. Unting unti na din humihilom ang sugat sa puso ko.
Ang Madrid Techno Cars Incorporated sila ang humahawak ng mga sasakyan na kilala sa buong mundo. Na enjoy ko naman bilang Executive Secretary ng COO si Mr. Michael Moore. Balita ko na ngayon araw darating ang anak ni Mr. Leonardo Madrid. Actually hindi talaga ako ang Executive Secretary ni Mr. Michael Moore may Secretary talaga siya si Ms. Darlene Hayes. Executive Secretary talaga ako ng CEO.
Kinakabahan ako dahil balita ko na bata pa ang CEO nakapagtapos sa Harvard University. Ngayon inaayos ko ang mga folders nakalagay sa Conference table. Nandito ang mga Board Members. Habang nag hihintay sa pag dating ni Mr. Matthew Luis Braun - Madrid. Pamilyar sa akin ang pangalan niya.
Inayos ko ang salamin sa aking mata. Nakapusod ang aking buhok sana hindi naman suplado ang Boss ko. Baka mabaril ko siya sa ulo. Bumukas ang pinto kaya napabaling ang paningin ko sa lalakeng matangkad at napakagwapo!
Gosh! Siguro kung nag paulan ng kagwapuhan sinalo lahat nito. Sunod sunod ako sa pag lunok. Nakita kong hindi ngumingiti ang aming boss.
Bakit ako kinakabahan? Hindi naman ako nakakaramdam ng ganito? Tanong ko sa sarili.
Dumako ang mata niya sa akin.
Teka? He looks familiar?! Nanlalaki ang aking mata.
Superman? Captain America? Oh noes! Sino ba sa kanila? Brandon Routh?
Ang talande mo na Einah!
"Good morning!" He has a very deep voice. May pumasok na ala ala sa isip ko.
Flashback
"I - I'm sorry too Miss! a-are y-you okay?" Pulang pula ang mukha niya nakatitig sa akin. Why? He's very good looking boy!
Nanlaki ang mata ko matanto
Gone with the Little boy. I met before?!
He look matured now at lumaki na ang kanyang katawan. Hindi na siya chubby at mas higit na siyang tumangkad. I think nasa 6'0 feet or more and no more black eyeglasses and he's really gorgeous.
Tumiim ang tingin niya sa kin habang ako nanatiling nakatitig sa kanya. Lumakas ang tibok ng puso ko wala sa loob nailagay ko ang kanan kamay sa aking dibdib.
"Miss?" Hindi pa rin ako sumasagot dahil nanatili pa rin akong nakatitig sa kanya. Hindi ko napansin na lumapit siya sa akin.
"Ms. Sandoval -?" Nagising ako sa boses ni Sir Michael.
"Oh! I- I'm sorry Sir!" Nahihiyang yumuko ako kaya namula ang aking pisngi.
"I guess, I need to introduce myself to you Miss. I'm Matthew Luis Braun - Madrid" Inabot niya ang kanan kamay. Nanginginig ang kamay ko na makipag shake hands sa kanya.
"I'm Einah - Einah Alonzo - Sandoval. Sir Matthew Luis Braun - Madrid. Nice to meet you!" Nakangiti kong bati. Parang may kuryente dumaloy sa aking katawan. Nang maramdaman ko ang pag pisil niya sa aking kamay. Nagtataka akong napatingin sa kanya matiim pa rin siyang nakatitig sa akin.
"Same to you, Ms. Sandoval." Hinila ko ang aking kamay ngunit madiin pa rin ang pag hawak ni Sir Matt.
Tumikhim si Sir Michael kaya nawala ang attention namin sa isa't isa. Halatang napilitan tanggalin ni Sir Matt ang aking kamay.
"So? Let's start the meeting" Anunsyo niya. Tumango sa kanya si Matthew. Pinilit kong mag focus sa meeting habang nakatayo ako sa likod ni Sir Matt.
Naamoy ko ang kanyang mabangong pabango iniisip ko kung saan ko to naamoy. Pamilyar sa akin ang amoy hindi ko lang matandaan. Parang may paru parong nag rambulan sa aking tyan.
Umayos ka Einah! Puro kalandian na ang nasa isip mo! Pinag nanasaan mo ang boss mo! My baddass mind said to me.
Kung ano anong x - rated na pumapasok sa isip ko.
Focus! Einah Sandoval! Focus!
Natapos ang meeting kaya inabot kami ng limang oras.
Pagkarinig ko ng "meeting adjourned!" Kulang na lang mag tatalon ako sa tuwa. Hindi pa naman ako naka pag almusal. Sa gutom ko wala na akong pakielam. Nagpaalam ako kay Sir Matt na mag la lunch.
But he said "No!" So, I need to stay.