Einah POV
Isang buwan na ang nakakalipas simula na may mangyari sa amin ni Matthew kulang na lang buong bahay nito iuwi na sa amin. Minsan siya na ang gumigising ng maaga para mag luto ng breakfast at hinahatid ang anak ko sa school. Kung iisipin ko mas nag mumukha siya ama kesa kay Ivan.
Ako naman pinipigilan ko siya sa ginagawa niya pero sinabi niya na hayaan ko na lang dahil masaya siya sa ginagawa niya. Lihim pa rin ang relasyon namin dalawa dito sa opisina. Ayoko munang malaman ng ibang tao dahil hindi pa ako handa sa sasabihin nila.
Kasalukuyan akong nag fo forward ng email galing sa ibang department.
Nang tumawag sa akin ang front desk sa baba.
"Einah, may nag hahanap kay Boss magandang babae paakyatin ko ba?" Tanong ni Yesha isa sa mga kaibigan ko.
"Anong name para ipaalam ko kay Boss?" Narinig kong kinausap niya ang babae.
"Si Tanya Fortalejo daw, Kilala daw siya ni Boss"
"Sige sasabihin ko kay Sir Matt. Tawag na lang ako ulit" Paalam ko. Pinindot ko ang intecom phone nag ko - konekta sa loob ng CEO Office.
"Hi Baby!" Masayang bati ni Matt.
"Sir Matt, someone's looking for you her name is Tanya Fortalejo." Napansin kong biglang tumahimik ang kabilang linya.
"Hello? Sir?" Tawag ko.
"Send her in" Maya't maya niyang sinabi.
"Yes Sir" Tumawag ako sa front desk sinabi ko na papasukin ang babaeng nag hihintay kay Sir Matt.
Umangat ang ulo ko para bigyan ng ngiti ang bisita. Kita ko nakataas ang noo niya na parang modelo habang nakatitig sa akin. Gusto ko tuloy umangat ang isang kilay ko.
"Hi Ma'am. Sir Matthew is waiting for you" Saad ko instead na sagutin ako umirap pa siya sa akin. Dire direcho lang siyang pumasok sa loob.
"Wait Ma'am!" Hahabulin ko sana siya sa loob bigla akong napahinto nang marinig ko ang sinabi niya.
"Matt. Baby!" Nakita kong hinalikan niya sa labi si Matthew. Nawala ang ngiti ko sa labi.
"Stop it Tanya!" Pigil ni Matthew akmang yayakap ang babae. Nababahalang tumingin sa kin si Matt.
"I think I have to go" Nakayuko kong sinabi bago sinara ang pinto. Naninikip ang aking dibdib sa nasaksihan.
Bakit ganon? Bakit ako nasasaktan? Sino si Tanya sa buhay ni Matt? Napakuyom ang kamao ko.
Bakit ba palagi akong nasasaktan? Tumakbo ako sa loob ng C.R hindi ko matiis ang luha sa aking mata.
Una si Ivan! Ngayon si Matt? Siguro hindi ko muna hahayaan ang sarili kong na mahulog ang loob ko sa kanya.
Einah! Hindi ka nababagay kay Matt. Napaka ambisyosya mo! Una mas bata siya sa iyo at boss mo yan. Alangan naman seryosohin ka niya? Kita mo naman na ang ganda ni Tanya. Mas bata at mukhang bagay pa sila. Eh ikaw? Iniwan ng asawa at may anak pa. Kaya matuto kang ilagay ang sarili mo. Higit sa lahat may lihim ka pa.
Ang tanga ko! Nagpapauto ako kay Matt? Bakit kase pumayag ako na may mangyari sa amin.
Sabagay ano ba hahabulin ko kay Matt?
Patuloy pa rin akong umiiyak hanggang sa lumuwag ang pakiramdam ko. Nag ayos ako ulit para lumabas ng C.R. Buti na lang may concealer ako sa mata kaya hindi halata ang pamamaga nito.
Mag a alas dose na. Hindi na lang ako nag paalam kay Matt na bumaba para mag lunch. Mag isa akong nag order ng pagkain sa Cafeteria. Nakapila kami dito habang sinasabi namin ang order.
Kukuhain ko na sana ang club sandwich. May isang kamay ang kukuha din kaya napatingin ako sa kanya.
"Opps Sorry!" Hinging paumanhin niyang tumingin sa mukha ko. Napansin ko napatitig siya sa kin at napalunok ang gwapong lalake. Nakasuot siya ng white longsleeve nakatupi sa siko nito at black pants. He remind me of David Licauco.
He's really cute! I think nasa twenty plus lang siya.
"It's okay" Kimi kong ngiti. kinuha ko na ang Club Sandwich. Nanatili pa rin siya nakatitig sa akin.
Hinanap ng mata ko ang bakanteng upuan. Makita kong may isang lamesa doon na walang tao. Binaba ko ang tray na hawak ko. Kumuha ako ng banana para isusubo ko sana. Umangat ang tingin ko sa taong nakatayo.
"Hi! Is this seat taken?" Umiling ako bago ko kinain ang banana. Binaba niya ang tray subalit nanatili pa rin siyang nakatitig sa akin.
"Any problem?" Tanong ko sa kanya. Namula ang mukha niya bago umiling.
"I never thought na may nagtatagong napakagandang babae nag ta trabaho dito sa kumpanya." Napangiti ako sa sinabi niya.
"Why? Matagal ka na ba dito sa Madrid Techno Cars Incorporated?" Tanong ko ulit.
"Three months na ako. Miss, kakatapos lang ng probationary ko. By the way I'm Benjamin Oliveros but people call me Benok!" Natawa ako sa huling sinabi niya. Iniumang niya ang kamay.
"I'm Einah Sandoval!" Inabot ko ang kamay niya. Narinig namin nag sigawan ang mga grupo ng mga kalalakihan sa kabilang table.
"Hooo! Binata na ang Benok namin!" Natawa ako sa inasta nila.
"Saan department ka pala?" Tanong ko ulit mukha naman siyang mabait na bata.
"Sa finance department kami. Ms. Einah." Na mula ang pisngi niya. Ang cute! Gusto kong pisilin ang pisngi niya.
"Einah!" Narinig ko ang sigaw ng taong ayokong isipin. Napairap ako sa ere. Kitang kita ang galit sa mukha nito.
"Sir?" Tumayo ako para batiin siya baka sabihin ng mga tao na bastos ako.
"G - good Afternoon Sir!" Nakayukong bati ni Benjamin. Hindi pinansin ni Matt ang pagbati nito. Bumaling ang tingin niya sa kin.
"What are you doing here?!" Galit na galit tanong ni Matthew.
"Taking lunch?" Inosenteng kong sagot. Nagulat ako hinila niya ang braso ko.
"Taking lunch with that guy?" Nagsalubong ang kilay ko sa inakto niya.
"Wait - Sir!" Hinila niya ako ng tuluyan. Naiinis akong piniksi ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"Hindi pa ako tapos kumain! At wala kayong karapatan na hilain na lang ako dito na parang bata!" Naiinis ako sa inakto niya.
"Walang karapatan? I have right to own you since the night when you gave yourself to me! Kaya may karapatan na akong hawakan ang buong katawan mo" Bigla kong tinabunan ng kamay ko ang bibig ni Matthew.
Taena! Gusto kong mapapikit sa kahihiyan sa mga sinabi ng hudyo na ito. Tumingin ako sa paligid nagbubulungan sa nakita nilang palabas namin ni Matthew.
"Tumigil ka nga nakakahiya ka Matt!" Binitawan ko siya dali dali kong kinuha ang bag. Nag paalam ako kay Benjamin na tulala sa amin ni Matthew. Tumakbo ako iniwan si Matthew papunta sa cubicle ko. Halos pisilin ko na ang pag pindot ng floor number sa elevator. Para hindi ako maabutan ni Matthew.
G na G talaga ako sa kanya. Kung may baril lang akong hawak kanina ko pa pinasabog ang bungo ng Matt. Tumingin ako sa private elevator na ginagamit ni Matthew.
Salubong na ang kilay ko sa sobrang inis. Papalabas pa lang siya. Hindi ko siya pinansin kahit nakatayo siya sa harap ng lamesa ko.
"What was that Einah? Umalis ka na hindi nag paalam sa akin tapos makikita kitang nakikipag usap ka sa ibang lalake?!" Sigaw ni Matthew.
"Ano ba kita? Hindi naman kita boyfriend. Eh ikaw nga dyan sinita ba kitang nakipag lips to lips kay Tanya!" Ganting sagot ko.
Lumapit siya sa akin nakikita ko ang panganib sa mukha niya.
"Boyfriend? Isang buwan na may nangyayari sa atin. Einah, lahat ng parte ng katawan mo nahalikan at nalawayan ko na! Tapos sasabihin mo hindi mo ko boyfriend? At wala kaming relasyon ni Tanya hindi ako ang humalik sa kanya" Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Nagulat ako hinila niya ako papasok sa loob ng opisina niya.
"Ano ba Matt! Bitawan mo ako!" Alam n'yo yun nag pipigil ka na balian sa buto ang taong ito. Ini lock niya ang pinto biglang nanlaki ang mata ko dahil unti unti niyang hinuhubaran ang kanyang damit samantalang nakatitig ako sa kanya.
"Boyfriend ha! We'll see?!" Lumapit siya sa akin siniil niya ako ng halik.