Einah POV
Kinapkap ko ang aking bag para kuhain ang cellphone ko sa loob. Hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko. Nagulat ako na may bumunggo sa akin. Sa pagkagulat ko naunang bumagsak ang aking pwet kaya napabukaka ako. Bigla akong napatingin sa harap. Pareho kami ng itsura ng batang lalake.
"I'm sorry Kid!" Sabi ko habang nakabuka ako sa harap niya. Siya naman nanlalaki ang kanyang mata nakatingin sa pagkabukaka ko. Kitang kita nito ang pula kong laced panty. Kaya automatic sinarado ko ang aking binti.
Nanlalaki pa rin ang mata niya tumingin sa akin. Habang ako naman nahihiyang umayos ng upo. Nakita ko na pinulot nito ang black eyeglasses.
"I - I'm sorry too Miss! a-are y-you okay?" Pulang pula ang mukha niya.
Why? He's very good looking boy! Kung salitang gwapo! Napakagwapo niya talaga! I think he's fifteen or sixteen years old. He's wearing black eyeglasses at naka uniform. Kita ang logo ng San Agustin University. Tumayo ang binatilyong lalake. Tinulungan niya akong tumayo kahit kaya ko naman. Biglang tumaas ang balahibo ko sa buong katawan ko.
"Okay lang ako" Halatang napilitan na binitawan ako.
"Are you sure?" Nag aalalang tanong niya ulit.
"Oo naman" Akmang may sasabihin pa siya nang marinig namin tinawag siya ng batang babae. Lumapit siya sa amin.
"Kuya Luis! Nandito ka lang pala? Kanina ka pa namin hinahanap ni Mommy!" Pag tataray ng batang babae. Lumukot ang mukha ng binatilyo.
"May binili lang akong libro!" Sagot niya sa batang babae. Ang cute nilang tignan halatang magkapatid sila dahil nakikita ko ang pagkakahawig ng dalawa. Tumingin sa kanya ang batang babae.
"Hi po!" Bati niya nakangiti ang labi.
"Hello!" Ganting bati ko.
"Ang ganda n'yo naman po. Miss" Namangha ang mukha niya nakatitig sa akin. Tinakpan ng binatilyo ang bibig ng kapatid niyang babae.
"Ang daldal mo!" Saway ng kapatid nito. Natatawa ako sa kanilang dalawa. Tumingin ako sa aking relo.
"Sige mauna na ako sa inyo pasensya na" Nakangiti kong sinabi sa nangangalan Luis.
"Wala iyon" Namumula ang mukha ni Luis. Lumakad na ako papalayo sa kanila.
"Ah Miss?" Napahinto ako sa paglakad. Humarap ako sa kanya.
"Hmm If is okay ... if - If I ask your name?" Nahihiyang tanong ni Luis. Hindi ko maintindihan subalit bumuka ang aking bibig. Parang may nag uutos sa kin sabihin ang totoo kong pangalan.
"Sure! I'm Einah - Einah Alonzo - Sandoval. Nice to meet you" Sabi ko. Bumukas ang magandang ngiti sa labi ng binatilyo.
"Call me Matthew Luis Braun - Madrid. Nice to meet you too" Sagot niya halatang may crush sa kin ang binatilyo.
"Sige mauna na ako!" Kumaway ako sa kanya tanda ng pagpapaalam.
"Someday! I'll meet you again Einah Sandoval" Narinig kong sinabi ng binatilyo. Napangiti ako sa sinabi niya.
***
Napangiti ako maalala ko ang Gwapong batang lalake. Napailing ako hindi ko siya makalimutan. Naalala ko ang apelyido niya Braun - Madrid. Imposible naman nasa isip ko. Pareho ng apelyido ng kanyang Boss si Leonardo Madrid. Actually hindi ko pa nakikita ang may ari ng TDS.
Si Uncle Samuel ang namamahala ng Organization. Balita ko na may mga business na inaasikaso si Leonardo Madrid. Sinabi sa kin ni Uncle na mayaman na noon pa ang mga Madrid.
Binuksan ko ang TV sa sala. Isang news caster nag balita tungkol sa isang artista nababalitang may ka date na businessman. Kahit wala akong interes sa pinapanood ko. Nakinig na lang ako.
Nagpainit ako ng tubig para uminom ng kape. Akmang iinumin ko na mabanggit ang pangalan na Ivan Lester Gonzales - Black. Lumapit ako sa TV nakita ko ka holding hands sila ng sikat na artista si Megan Quinto.
May kumudlit na kirot sa puso ko. Mapakla akong ngumiti. May iba na siyang nagugustuhan babae.
Mukhang bagay naman sila lalo na walang tinatago ang singer. Hindi katulad ko kailangan ko mag panggap. Marami pa akong plano sa buhay at ayokong masira lang ng isang iglap. Hangga't hindi ko napapatay si Bryan MacKenzie. Hindi magiging maaayos ang buhay ko. Siguro nga hindi kami para sa isa't isa.
***
Kausap ko si Silver sinabi niya may mission kami sa pilipinas. Kilalang Drug Lord si Michael Hudson. Magpapanggap akong dancer sa club na pag aari nito. Mag kukunwaring waiter si Silver at ako ang dancer.
Nanood ako sa youtube para pag aralan ko kung paano sumayaw ang mga babae sa club.
Pinag aralan namin ang kilos ni Michael Hudson. Nag apply ako kinagabihan sa club at ora mismo tinanggap nila ako agad . Bukas ako mag sisimula na akong sumayaw sa club.
***
Nakangiti akong sumasayaw sa entablado. Habang malagkit kong tinititigan si Michael Hudson. Nandito kami ni Silver para sa mission. Nag panggap na waiter si Silver samantalang ako isang stripper
Maraming hiyawan at nagsipulan ang mga kalalakihan naririnig dito sa club.
Taena! Gusto kong pag babarilin ang mga ulo nila. Naririnig kong all the way!
Asa sila! Huhubarin ko na ang lace nightgown. May nahagip ang mata ko. Nanlilisik sa galit at namumula ang mukha. Biglang kinilabutan ang buo kong katawan. Nag taasan ang mga balahibo ko.
Anong ginagawa ni Ivan dito? Bakit siya ganyan kung tumitig?
Nakita ko may mga kasama siyang apat na lalake. Muntikan na ako huminto sa pag sasayaw. Pinahalata ko na hindi ako apektuhan sa presensya niya. Binulungan niya ang isa sa mga waiter. Itinuro niya ako. Napakagat ako sa labi. Huwag sanang pumalpak ang mission namin. Nag sign ako kay Silver. Tinignan niya ang tinitignan kong tao.
Kahit si Silver nanlalaki din ang mata. Pareho kaming pinagpapawisan. Bigla kong tinapos ang sayaw. Umasa silang mag all the way ako.
Never! Lumapit sa kin ang Mamasan pinagalitan ako dahil hindi ako nag hubad. Bumulong ang isang waiter sa Mamasan.
"Pia, pinapatawag ka sa table number 7. Gusto kang i table." Bigla akong kinabahan.
"Sure" Alanganin kong sagot.
Tinanong ko ang waiter kung saan ang table 7. Kabadong kabado ako dahil nakita ko si Ivan na mag isang nakaupo. Humiwalay siya sa mga kasamahan niyang lalake na may mga kasama ng babae. Umiinom si Ivan ng alak nang makita niya ako nakatayo sa harap niya. Masama ang binigay niyang tingin sa akin. Gusto kong ngumiwi dahil hindi ko alam paano ko siya pakihaharapan. Huminga ako ng malalim bago lumapit kay Ivan.
"Hi? Long time no see!" Alanganin ang ngiti ko. Nagulat ako bigla niya akong hinila.
"What are you doing here? Penelope!" Yan ang unang bungad niya sa akin.
"Working. I guess?" Napalunok ako.
"Pagkatapos mo akong iwan sa Los Angeles malalaman ko na lang sumasayaw ka dito sa club?" Mariin niyang sinabi. Wala akong masagot sa kanya.
"You know I need a money" Yan naisip kong sagot.
"You need money? I can give you a lot! kung kailangan mo ng pera hindi yun magpapaka puta ka after I took your virginity" Namumula ang mukha niya sa galit. Napapatingin ang iba sa amin. Tumayo si Ivan at hinila ako bigla.
"Let's go!" Matapang niyang sinabi.
"W - wait! May trabaho pa ako!" Nagpumiglas ako sa paghawak niya.
"Shut up! Kung ayaw mong mag wala ako dito! Bayad na ang bar fine mo!"
Nalintikan na! Masisira ang plano. Hila hila ako ni Ivan. Tumingin ako kay Silver napapailing sa amin.
"Let me go!" Pilit kong inaalis ang kamay niya. Papalabas na kami ng club may nag datingan mga pulis.
Damn! kung hindi dumating si Ivan nasa office na sana ako ni Michael Hudson at kasalukuyan ko na binaril ang ulo n'ya. Nagkagulo ang mga tao sa loob ng club. Dahil nabigla si Ivan nabitawan niya ang kamay ko.
Dali dali akong tumakas sa kanya. Kinuha ko ang baril sa ilalim ng binti ko. Nagkatinginan kami ni Silver. Nakarating kami sa office ni Michael Hudson. Binaril ko ang door knob at sinipa ang pinto.
Nakita namin si Michael Hudson nag lalagay ng pera sa itim na bag at may mga kasamang limang nakaitim na lalake. Halatang tatakas sa club. Nagpalitan kami ng putok ng baril. Natamaan ang tatlong tauhan nito.
Tumakbo si Michael sa exit door kasama ang dalawang tauhan nito. Nag sign kami ni Silver sabay kaming sumugod. Nakita namin sila na pababa na sa hagdan binaril ko sa ulo ang isa sa mga tauhan ni Michael Hudson at si Silver sa isang lalake. Natira na lang si Michael Hudson.
"You can't run away from us!" Nakangisi kong sinabi kay Michael Hudson halatang takot na takot. Biglang lumuhod siya sa amin.
"Please don't kill me. I can give you my money!" Pag mamakaawa niya.
"Sorry but we don't need your money!" Binaril ko siya sa ulo. Alam ko na kapag binuhay ko pa siya may mga tauhan siya sa labas para iligtas ang taong ito. May patong na sa ulo ang lalakeng ito.
"Mission Accomplished!" Pareho kaming napangiti ni Silver. Tinapon namin ang baril para walang evidence at nagpanggap kami nag tatago sa loob ng club. Kahit ang mga pulis hindi nila kami kilala dahil confidential ang TDS Agent. Nakasuot pa rin ako ng lace nightgown. Papalabas na kami sa club biglang may humila sa akin.
"Ivan!" nabigla kong sigaw. Nanlalaki ang mata ko nasa harap ko si Ivan na galit na galit. Bigla niya akong binuhat na parang sako.
"Let's go home!" Halos mag wala ako sa galit.
"Ano ba Ivan?! Binatawan mo ako!" Pero walang pakielam ang hinayupak na lalakeng ito hanggang sa pinasok niya ako sa loob ng sasakyan. Hindi makalapit sa amin si Silver baka mamukhaan siya ni Ivan. At masira ang mga plano namin.