My Favorite Girl, My Favorite Bully, My One and Only Elyen Girl, Blow Me A Kiss Baby (Series) Chapter 5

TINANGKA ni Strike na kumatok sa pinto ng apartment ni Cee-Cee, pero nang makita niya ang drawing sa kaliwang kamay niya ay natigilan siya.

Parang tangang napangiti siya. Hirap na hirap siyang maligo kanina dahil nag-iingat siyang mabura ang drawing ni Cee-Cee do’n. Alam niyang hindi iyon puwedeng manatili habambuhay pero hangga’t kaya niya ay pipilitin niya iyong tumagal. Sana lang ay huwag isipin ni Cee-Cee na hindi pa siya naliligo.

With one last sigh, he finally knocked on the door. Mayamaya pa ay bumukas na ang pinto. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang makita si Cee-Cee kaya napaatras siya.

Nakasabog ang mahabang buhok ni Cee-Cee. May mga butil din ng pawis sa noo nito na tumulo pababa sa gilid ng mukha nito, hanggang sa leeg nito patungo sa collarbone nito. Nakasuot ito ng loose shirt na sa sobrang luwag ay na-expose na ang kaliwang bahagi ng dibdib ng dalaga, pero may suot naman itong manipis na itim na sando sa loob. Napakaiksi rin ng suot nitong working shorts kaya exposed din ang mapuputi nitong hita.

“Good morning, Strike,” bati ni Cee-Cee sa kanya.

Mabilis niyang ibinalik sa mukha ng dalaga ang atensiyon niya. Tumikhim siya. “Good morning, Cee-Cee. Are you headed to the gym?”

“Nope. I’m not good at dealing with people, kaya sa bahay lang ako nag-e-exercise.” Niluwagan nito ang pagkakabukas sa pinto. “Tuloy ka.”

“Hindi ba ko nakakaistorbo sa’yo?” tanong niya, pero walang pagdadalawang-isip na tumuloy pa rin siya sa apartment nito.

“Hindi naman.”

Napansin niya ang malakas na musika na kasalukuyang tumutugtog. Napansin din niyang maluwag ang sala ng dalaga. Isang sofa at isang flat screen TV lang ang kasangakapan ro’n. Nasa sahig lang ang stereo na pinagmumulan ng kanta.

“I gained a little weight from consecutively eating fast food meals.” Namaywang ito at marahang inikot-ikot ang ulo. “I need to get back in shape.”

He quickly scanned her body once again. She had curves at all the right places. “Hindi ka naman tumaba.”

“Hindi totoo `yan. I don’t fit in my clothes anymore.”

“Kung gano’n, mas payat ka noon. Tama lang naman ang pangangatawan mo.”

Sinulyapan siya nito. May munting ngiti sa mga labi nito na tila ba nagsasabing masaya ito sa narinig nito. “Ano nga palang ginagawa mo rito? May kailangan ka ba?”

“Gusto ko lang sanang ayain kang mag-breakfast. Kung okay lang naman.”

Tumango siya. “Sandali. Tatapusin ko lang `tong morning exercise ko. Okay lang ba kung ikaw na lang ang kumuha ng inumin mo sa kusina? Pasensiya ka na kung hindi kita maasikaso ng maayos.”

“Nah, don’t mind it. I came here unannounced anyway. Painom ng tubig, ha?”

Natawa ito ng marahan. “May juice din sa fridge,” anito, saka tinuro ang maliit na kusina.

Ngumiti siya bilang pasasalamat, saka ito nilagpasan. Pagdating niya sa kusina ay kumuha siya ng isang pitsel ng malamig na tubig, at isang baso naman sa cabinet. Pagkatapos niyang uminom ay napangiti na naman siya. Hindi pa rin siya makapaniwala kung gaano na siya kalapit ngayon sa pinakapaborito niyang tao sa buong mundo.

Natigilan lang siya sa pagmumuni-muni nang maiba ang tugtog na naririnig niya. Naging nakakaindak na kanta `yon – ang “Party in the USA” ni Miley Cyrus.

Kunot-noong lumabas siya ng kusina. Napa-“whoa” na lang siya nang makitang sumasayaw si Cee-Cee. Natigilan siya habang pinapanood ito. At ilang beses siyang napalunok sa bawat paggalaw ng balakang nito. He didn’t know she could move her hips so sexily!

Nakapikit si Cee-Cee habang sumasayaw. Ang bawat galaw ng ulo, kembot ng baywang at tila paghagis ng balakang nito sa ere habang patuloy sa paghataw ay nagbigay ng kakaibang init sa kanyang katawan. She was so hot, so sexy, so elegant and so beautiful at the same time.

Bumalik siya sa kusina at muling uminom ng isang basong tubig.

Pinunasan niya ng kamay niya ang namuong butil ng pawis sa noo niya. “That was so hot. She’s so sexy,” bulong niya sa sarili, saka inihilamos ang mga kamay niya sa mukha niya. “Calm down, Strike. Hindi naman `yan ang unang pagkakataong nakakita ka ng babaeng sumasayaw. And damn! Why are you hiding here? Sayang ang view!”

Pagkatapos makipag-usap sa sarili ay muli siyang lumabas ng kusina para panuorin si Cee-Cee. Nagsasayaw pa rin ito, subalit ilang sandali pa ay natumba ito at napaupo sa sahig.

“Cee-Cee!” nag-aalalang sigaw niya saka ito dinaluhan.

Himbis na hayaan siyang tulungan itong tumayo ay umiling lang ito at padapang humiga sa sahig. Nilingon siya nito, dahilan para dumikit ang kanang pisngi nito sa sahig. And dang, she looked so adorable in that angle.

“This is why I hate moving my body. Nakakapagod,” nakalabing reklamo nito. “Nagugutom na ko, Strike.”

Natawa siya ng marahan sa pagiging cute nito. “Then, let’s eat. My treat.”

Ngumiti ito, saka pumikit. “Five minutes. Just give me five minutes to rest.”

“Okay.”

Sa limang minutong hiningi nito ay wala siyang ibang ginawa kundi ang titigan ito at masuyong punasan ang pawis sa noo nito sa pamamagitan ng daliri niya. Pinaypayan din niya ito gamit ang kamay niya, kahit may ceiling fan naman.

He sighed. He couldn’t stop caring for this woman. Naalala tuloy niya ang sinabi ni Colin sa kanya noon: “The problem with you is that, you don’t trust other people easily. Pero kapag may nagustuhan ka naman, you really get attached to that person to the point that you care too much.”

MASAYA si Cee-Cee habang kumakain ng sundae mula sa HappyChic. Galing sila doon kanina ni Strike para mag-agahan. Ngayon naman ay naglalakad-lakad sila sa mall patungo sa Booksale.

“What happened to your diet, Cee-Cee?” natatawang tanong ni Strike na kaagapay niyang maglakad.

Bumuntong-hininga siya. “I love food. I guess it’s every girl’s dream to eat without getting fat.”

Kung nagulat man siya nang hawakan ni Strike ang pulsuhan niya, hindi na niya iyon pinahalata. He gently encircled his hand around her wrist, and he was so careful as if he was afraid he’d break her arm if he accidentally gripped too hard. “You’re not fat. Tingnan mo nga, kayang-kaya kong hawakan `tong pulsuhan mo. Though I like how you care about your figure.”

Naramdaman niya ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi sa pagbanggit nito ng salitang “like,” lalo na ngayong hawak pa rin nito ang kamay niya. Hindi niya alam kung bakit mabilis na mapalagay ang loob niya rito.

Maybe it’s because he’s nice to you.

`Yon nga marahil ang dahilan. Kahit kasi may pagka-weirdo siya, hindi pa rin naiilang si Strike na lumapit at makipagkaibigan sa kanya. Isa pa, nang anim na buwan na nawala siya, sinabi niya sa sarili niyang magbabago na siya at magiging mas approachable.

“Really? I thought guys don’t like it when girls are too conscious about their figure,” nagtatakang komento niya.’

Unti-unti nitong niluwagan ang pagkakahawak sa kanya hanggang sa tuluyan na siya nitong bitawan. “Hindi ko alam sa ibang lalaki, pero okay lang naman sa’kin `yon. Ayoko sa mga babaeng pabaya sa katawan nila, hindi dahil sa lumolobo sila, kundi dahil hindi nila pinapangalagaang mabuti ang kalusugan nila.”

“Hmm...” Walang babalang tinusok niya ng daliri niya ang braso ni Strike. His arm felt hard under her fingertip. Muscles. Nag-enjoy siya kaya nagpatuloy siya sa pagpindot-pindot sa braso nito. “I know where you’re coming from. Maganda ang pangangatawan mo, so you must be health conscious, too. Dapat siguro, sumabay ako ng pag-e-exercise sa’yo.”

Hindi sumagot si Strike. Napansin niyang tila nanigas ito sa kinakatayuan nito, at may kakaibang emosyon siyang nakita sa mga mata nito. No’n naman siya natauhan. Mabilis niyang hininto ang ginagawa niyang panggigigil sa braso nito. Totoo pala ang sinusulat niya sa mga nobela niya na madaling na-i-stimulate ang mga lalaki kapag nahahawakan ng mga babae ang parte ng katawan ng mga ito.

Tumikhim siya. “Halika na sa Booksale.”

Nagpatiuna na siya sa paglalakad. Pero tinapon muna niya ang empty cup ng sundae niya bago siya pumasok sa loob ng Booksale. Agad niyang nakalimutan ang nangyari sa pagitan nila ni Strike nang makakita siya ng mga libro. She loved books.

Nang makita niya ang isa sa mga librong hinahanap niya, binuksan niya iyon at inamoy ang mga pahina. Even though it was a pre-loved book, she still loved its scent.

Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Strike. Nasa tabi na niya ito. “Bookworms really can’t resist the smell of books, even if they are second hands.”

Nagmulat siya at tinapunan ito ng masamang tingin. “They’re not “second hand books.” They are pre-loved books,” pagtatama niya rito.

Ngumiti ito at tinaas ang mga kamay. “I’m sorry, Madam. Let me hold that book for you as you hunt for other pre-loved treasures.”

Nakaramdam siya ng kaunting pagkapahiya dahil sa inasal niya, pero agad din iyong nawala dahil sa ngiti ni Strike. Napangiti na rin tuloy siya. Inabot niya rito ang hawak niyang libro. Inirolyo niya ang sleeve ng suot niyang jacket.

“Ano `yan?” kunot-noong tanong ni Strike habang nakatingin sa mga nakasulat sa braso niya.

“Nilista ko sa braso ko ang mga librong gusto kong bilhin. Parati ko kasing naiwawala `yong listahan kapag sa papel o notebook ko sinusulat.” Nag-aalalang nilingon niya si Strike. “Sorry kung nandiri ka sa kababuyan ko sa katawan.”

“Ahm, I’m shocked. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng nagsusulat sa braso niya. But I’m not disgusted,” nakangiting sabi nito.

Nakahinga siya ng maluwag. “Thanks.”

Alam naman niyang hindi maganda para sa isang babaeng tulad niya ang magsulat sa balat niya, pero nakasanayan na niya `yon. Isa pa, she’s a writer. Hindi na mawawala sa kanya ang tinta ng ballpen sa kamay niya.

Nang mahanap niya ang huling libro sa listahan niya ay muli siyang napangiti. Binuksan niya `yon at akmang aamuyin nang may mahagip siya ng tingin mula sa labas ng salaming dingding ng Booksale. Isang pares na magkahawak-kamay ang lumabas mula sa katapat na jewelry shop. Naramdaman niya ang pagdulas ng hawak niyang libro mula sa mga kamay niya.

Kraige... and Cleo.

Kasabay ng pagguhit ng kirot sa puso niya ay ang pagguhit din ng sakit sa paa niyang nabagsakan ng makapal at mabigat na libro.

Napasinghap siya at naramaman niya ang pag-iinit ng sulok ng mga mata niya. Hindi niya alam kung anong mas masakit – ang puso ba niya o ang nasaktan niyang paa. Still, she cried in pain. Mas mahirap nga lang dahil pinipigilan niya ang mapahikbi ng malakas para hindi siya humakot nga atensiyon.

Aalis na sana siya nang may kung sinong tumayo sa likuran niya, pagkatapos ay tinakip nito sa mukha niya ang malaking magazine. Kilala niya ang amoy na `yon – si Strike `yon. Tuluyan nang pumatak ang mga luha niya ngayong alam niyang wala nang makakakita sa pag-iyak niya.

Napasandal na lang siya sa matatag na katawan ni Strike, saka niya tinakpan ng mga kamay niya ang mukha niya habang patuloy siya sa tahimik na pag-iyak. Hindi naman na gano’n kasakit dahil tanggap na niyang si Cleo ang mahal ni Kraige. Pero nasaktan pa rin siya dahil iyon ang unang pagkakataong nakita niyang magkasama ang dalawa.

“Shh. Cee-Cee, I’m here,” masuyong bulong ni Strike.

TAHIMIK lang si Cee-Cee habang hinahayaan si Strike na burahin ang mga sinulat niya sa braso niya. Marahan nitong binubura ang mga iyon gamit ang bimpo na binabad nito sa alcohol. Naroon na sila ngayon sa apartment niya.

Tiningnan niya si Strike na seryoso at maingat sa pagpunas ng bimpo sa braso niya. “Strike, hindi mo ba ko tatanungin kung anong nangyari kanina?”

“Ayoko lang sumama uli ang loob mo kapag inalala mo na naman `yong bagay na nagpaiyak sa’yo kanina.”

Kung gano’n, pinoprotektahan pala nito ang damdamin niya. Bumuntong-hininga siya. “I saw my... my ex fiance with his new fiancce.”

Natigilan si Strike. Nagpatuloy siya sa pagkukuwento. Pakiramdam niya, kailangan niyang ilabas ang saloobin niya, kung hindi ay baka hindi na siya makahinga sa sama ng loob.

“I was supposed to marry my boyfriend six months ago. But he broke up with me, because he’s in love with his best friend. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero mukhang nagbago ang isip niya sa pagpapakasal sa’kin no’ng gabi ng reunion nilang magkakaibigan. Sigurado akong may kinalaman ang mga kaibigan niya do’n.”

Parang napaso na binitawan ni Strike ang braso niya. “Anong ibig mong sabihing may kinalaman ang mga kaibigan niya sa pagbabago ng isip niya?”

Nagkibit-balikat siya. “His friends... don’t like me. Siguro `yon ay dahil hindi talaga ako marunong makisama sa ibang tao. Saka simula pa naman noong una, nararamdaman ko nang mas gusto talaga nila ang best friend ng fiance ko para rito. Ayoko sanang mag-isip ng masama. Pero malakas talaga ang pakiramdam ko na sila ang dahilan kung bakit biglang umatras ang ex fiance ko sa kasal namin. Hindi magagawa `yon ng ex kung walang nagbuyo sa kanya. Because marrying me and fulfulling his promise was supposed to be the right thing to do... but still... he left me for another woman. He –”

“Cee-Cee. Stop.”

Napakurap siya nang marinig ang mariing salita ni Strike. No’n niya lang namalayan na kanina pa pala pumapatak ang mga luha niya. “That woman my ex fiance chose over me... she’s lucky and I envy her. She has great friends. Mga kaibigang handa siyang tulungang mabawi ang lalaking mahal niya mula sa’kin. Wala akong mga kaibigan na gagawa no’n para sa’kin.”

“Cee-Cee...”

Lumingon siya kay Strike. Sa kabila ng panlalabo ng paningin niya dahil sa mga luha niya, may nabasa siyang kakaibang emosyon sa mga mata nito. Simpatya, awa, lungkot.

Bumuntong-hininga ito, pagkatapos ay inakbayan siya. Kinabig siya nito pahiga sa dibdib nito. “Cee-Cee... I’ll be your friend.”

“Ha?”

“I’ll be your friend,” pag-uulit nito, mas mariin. “I’ll be a friend who’ll go against everyone and anyone just to protect you.”

Napangiti siya kasabay ng mas mabilis na pagpatak ng mga luha niya. Napasaya siya ng mga salitang `yon. “That’s so sweet, Strike.” Humiwalay siya rito para makita niya ang mukha nito. There was genuine care in his eyes. “Bakit ba ang bait mo sa’kin?”

He lightly poked her forehead. “Dahil suki ka ng HappyChic. Pinapayaman mo ang kompanya ko. And you’re my... most favorite person in the world.”

Napangiti siya, kahit bahagyang napakunot din ang noo niya. “Favorite?”

Tumango ito. “Yep, you’re my favorite. Kakaiba ka kasi.” Tumingala ito habang hinihimas-himas ang baba nito, halatang nagpapanggap itong nag-iisip. “You always space out, and you even slept on a bed in a furniture shop. Ginagawa mong papel ang braso mo, parati kang may drawing sa kamay mo, at parati ka ring may tinta ng ballpen sa mga daliri mo.”

Natawa siya. “Hey, I’m a writer!”

Sinalubong nito ang mga mata niya. His eyes were smiling at her. “Adik ka sa amoy ng mga pre-loved books. Hindi ka rin magaling makisama sa kapwa mo. Pero kapag napalapit ka naman sa isang tao... you become a completely different person. You’re sweet, you’re thoughtful and you’re very kind.

Sa totoo lang, hindi ko gusto ang tulad mong introvert. I thought people like you are boring. But you proved me wrong. Kapag ikaw ang kasama ko, nakakaramdam ako ng kapayapaan na hindi ko na nararamdaman kapag nando’n ako sa maingay kong mundo. You give me peace, Cee-Cee. Don’t envy other women. You’re unique, because you’re my favorite girl.”

Natahimik siya. She was overwhelmed. Hindi na rin niya magawang maitanggi ang nakikita niyang emosyon sa mga mata ni Strike. He... he admired her. Hindi niya dapat bigyan ng malisya `yon dahil sandali pa lang naman silang nagkakakilala.

Lumayo siya kay Strike at pinunasan ang mga luha niya. “Wow. Thank you for boosting my ego, Strike. Lumalaki na yata ang ulo ko.”

Natawa ito, saka masuyong ginulo ang buhok niya. “Do you feel better now?”

Ngumiti siya. “Thank you for cheering me up.” Humugot siya ng malalim na hininga bago nilabas ang huling sama ng loob niya. “Sayang. Akala ko pa naman, makakapagsuot na ko ng magandang diamond ring,” biro niya.

“`Yon lang ba ang ikinakasama ng loob mo? Madali lang naman `yan.”

“Ha?”

Kinuha ni Strike ang kamay niya, pagkatapos ay dinukot mula sa bag niya ang isang ballpen. Then, he drew a ring on her finger. “`Yan. May diamond ring ka na.”

Inangat niya ang kamay niya sa mukha niya para mapagmasdan ang “singsing” sa daliri niya. Natawa siya dahil literal na diamond ang d-i-n-rawing nito, na nilagyan lang ito ng band. “Hmm. This must be a very expensive diamond ring.”

Inihilamos nito ang kamay nito sa mukha niya. “Hah! You’re a closet bully! Inaapi mo ang drawing ko.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.