OBLIVION SERIES Chapter 6

Na sa bahay ni Alcina ngayon si Effie, maaga para ma abutan ang kaniyang lola na gusing ngunit bigo parin ito dahil kakatulog niya lang. Simula noong lumipat ang lola niya kila Alcina ay minsan na lang sila mag kita.

"Nakita mo na ba ang kwintas mo?" tanong ng kaibigan niya habang nag hahanda ng orange juice na maiinom nila.

"Hindi nga, e. Hindi ko talaga alam kung saan ko na ilagay 'yon," aniya at sinadal ang noo nito sa mesa.

Nanghihinayang talaga ito sa pag kawala ng kwintas niya. Napaka importante ng kwintas na 'yon da kaniya kaya masama ang kaniyang loob sa pag ka wala n'on.

"Kailan mo lang ba napansin na nawawala?" tanong ulit ni Alcina at nilapag ang isang baso ng juice sa harap nito, na sa kusina kasi silang dalawa.

"Kahapon ko nga lang napansin at hindi ko alam kung saan at kailan ko naiwala," Sagot niya at sinimsim ang orange juice.

"Hays, hanapin mo nalang ulit sa bahay niyo baka may nilagyan ka lang tapos nakalimutan mo." Umpo ito sa upuan sa harap ni Effie. "By the way, wala ka bang trabaho? Ang aga mo naman dito," she said habang pinaglalaruan niya ang straw ng juice nito.

"Wala, pinag hahanda kasi kami ng boss namin para sa party ng isa sa mga investor niya. Mag bubukas kasi ng isa pang branch ang kaniyang hotel, that's why may pa thanks giving party," walang gana niyang sagot.

Hindi nuya alam kung a-aattend siya, ayaw niya namang maging mukhang kawawa doon sa party.

"Wow! Ang gara naman, mukhang exciting." She giggled.

Effie roll her eyes,"Anong na kakaexcite do'n? Na s-stress nga ako, hindi ko alam kung g ano ang isusuot ko. Ayoko ko namang mag mukhang katawa-tawa doon, " saad niya at inubos ang laman ng baso nito.

"Probelema ba 'yan?" Tumayo si Alcina at nilapag ang baso niya sa lababo.

"Madali lang ang sulosyon diyan." Nginitian niya si Effie at hinila ito patayo.

"Halika sa k'warto." Nag pa hila nakang si si Effie sa kaibigan niya hangang makaakyat sila da kuwarto.

"Alam mo girl, madami akong dress and gowns dito na hindii nagagamit. Si mommy kasi mahilig bumili hindi ko naman nasusuot dahil hindi naman ako mahilig mag suot ng mga gano'n," aniya at binuksan ang closet nito.

Tumalon si Effie sa kama at humiga. Feel at home kasi ito pag na sa bahay ni Alcina.

"Here, try this!" May nilapag itong tatlong dress sa kama.

Bumangon naman siya at tinignan ang nga 'yon.

"Luh? Ano to? Mukhang kita naman ata kaluluwa ko rito?" saad niya habang tinataas ang Red velvet dress na backless.

Yung isang color ay black na parang may glitters glitters na kumikinang. Maganda naman kaso mukhang attend ng JS prom ang mag susuot.

Yung isa naman ay color white na off shoulder.

"Dali, try mo na!" hinila-hila siya ng kaibigan papasok sa cr habang dala-dala ang tatlong dress.

"Labas ka kaagad pag nasukat mo na ha, titignan ko kung anong mas suitable sa 'yo," saad ng kaibigan bago sinara ang pinto.

Tinignan niya niya muna ang mga damit,"hindi naman kaua ako bastusin dito? " bulong niya sa sarili. Na pasinghap nalang ito saka unang sinukat ang color black dress.

Pag labas niya ng CR ay napaarko ang kilay ng kaibigan niya.

"Girl, try mo 'yong isa, parang aattend ka ng JS prom o mag dedebut ka, e." natatawang komento nito.

Sinunod naman ni Effie ang sinabi ni Alcina at agad na bumalik sa loob oara sukatin ang color white na dress. Maganda naman at komportable siya rito.

Muli iting lumabas para ipakita muli kay Alcina.

Nginitian siya nito na pawang nagagandahan. "Nice, it's suits you but try the last one," aniya. Tumango si Effie at bumalik ukit sa banyo.

Sinukat niya angbred velvet dress, above the knee ito at open ang likod.

Bakat na bakat rin ang hubog ng katawan niya rito. "Baka lamigin ako rito, " she mumbled as she saw saw her self on the mirror.

Lumabas siya at hinaharap si Alcina.

"What do you think? "she asked.

Alcina's eyes widened as she saw the perfect curved of her friend. "Oh, my gosh! You look perfect, bess!" na mamanghang saad nito.

Senenyasan niyang umikot ito kaya umikot naman siya.

"It fits you, omg! You're so gorgeous!" aniya habang tumitili, " ang sexy mo, na kakainggit ang body shape mo," natutuwang aniya habang iikotan ito.

"Bes, you better wear that! For sure maglalaway ang mga kalalakihan doon!" excited na turan niya pa.

"Eh? Baka bastosin ako nito?" nag aalangan na tanong ni Effie, hindi kasi siya sanay mag suot ng ganito ka iiksing damit.

Natawa naman si Alcina dahil sa sinabi niya.

"Bess, ano ka ba! Hindi 'yan. Wala naman sigurong ignoranteng adik doon diba?" she said and laughed. Napangiwi na lang si Effie dahil parang hindi niya mahihindian ang kaibigan.

"Basta 'yan na ang susuotin mo ha!" aniya pa. Parang tanga itong napapatalon pa.

Effie sighed and nodded her head. "Alright, Alright," sagot niya at bumalik sa loob ng cr para mag palit na ng damit.

Pag labas nito ay hinatak siya ni Alcina pababa ng kuwarto nito.

"Anong oras na?" tanong nito sa kaniya.

She look at her wrist watch and answer her friend, "1 pm pa lang naman, why?" she asked.

"Eh, anong oras 'yong party?"

"8 pm pa, pero susundin ako ng mga katrabaho ko rito ng 7 pm." Mabuti nga ay nag aaya ang mga katrabaho niyang sunduin siya dahil wala naman itong sasakyan papunta sa venue.

"Perfect! Let's go, para madami tayong oras para makapag pili ng maganda." Hinila-hila siya ni Alcina palabas ng bahay.

"Ha? Saan? Bakit-- tekaa nga lang!" Napatigil ito sa pag hila sa kaniya.

"Saan ba tayo? At anong maka pili?" taning nito na oawang naguhulohan sa kaibigan.

"Bess, mag hahanap tayo ng magandang shoes na ipapares mo sa damit mo!" Masiglang sagot naman sa kaniya.

"Ha? Eh wala pa kong pera rito, eh. H'wag na may sapatos naman ako sa bahay, 'yong ginagamit ko sa office." Alcina's brows furrowed. "Bess, napaka mo talaga, 'yong sapatos mo sa work ipapares mo sa dress? Jusko bess mag mumukha kang kengkoy." Sabi nya at tumawa.

" Eh, wala pa akong pera," sagot nito.

"Ano ka ba, ako'ng bahala. Don't worry," She said and give her a smile.

"Per--" 'di niya pinatapos ang sasabihin nito."No buts Effie, halika ka na nga para before 7 tapos ka na mag ayos." Hihilain niya sana ulit ito ng mag salita siya.

"Paano si lola, wala siyang kasama rito," wika niya.

"Baliw, nandito si ate Jane."

"Sinong ate jane?" she cluelessly asked.

Yung kasambahay namin. Bumalik kasi siya dito, kailangan niya raw kasi ulit ng trabaho. Wait lang ha."

"Ahh.. " 'yon nalang ang na sabi niya. Bumalik si Alcina sa loob para ioag bilin si Lola nila sa kasambahay.

After ilang minuto bumalik na rin ito.

"Nandoon siya sa garden na sabihan ko na na tignan tignan muna si lola at pakainin pag nagising. Tara na."

Lumabas na kami ng bahay nya at nag hanap ng taxi patungo sa isang malapit na Mall.

EFFIE'S POV

Nang makarating kami sa mall ay agad kaming tumungonsa mga bilihan ng sapatos.

"Try this one." Inabot niya sa akin ang isang high heels na sapatos, color silver ito na kumikinang.

Sinukat ko ito ngunit medyo maluwag.

"Ay, maluwag siya bess. Anong size ba ang paa mo?" tanong niya at binalik 'yong sapatos sa pinagkunan niya.

"Size 6 ang paa ko, e," sagot ko habang tumitingin-tingin ng ibang design.

"Here, try this one, tamang-tama kakulay siya ng damit mo."

Inabot niya sa akin ang isang color red na sapatos na may taas na 4 to 5 inches.

Sinukat ko naman 'yon.

Infairness kasiyang-kasiya sa 'kin.

"Ayan, perfect! Mag lakad-lakad ka nga." Utos niya sa akin.

Nag lakad naman ako, komporatble naman sya sa paa ko. Na sanay naman kasi akong mag suot ng ganito kataas dahil noong highschool sumasali-sali ako sa mga pageant search.

"Ayan na ba girl? Comfortable ka ba?" he asked.

"Ayos na 'to bess, "aniko at hi ubad ang sapatos. Kinuha niya ito sa akin at dinala sa counter para bayaran.

Pag tapos niyang bayaran ay lumabas na rin kami ng mall.

"Girl?" Tawag niya sa atensyon ko. Na sa labas na kasi kami at nag hihintay ng taxi na masasakyan.

"Yes?" Sagot ko naman at nilingon siya.

Tinitigan niya muna ako sa mukha na para bang kinikillatis ako.

"What?" I asked.

"You need some magic touch."

"Ha?" Hindi niya pa ako nasasagot ng hatakin niya ako pasakay sa isang taxi.

"Teka, saan tayo?" Instead of answering my question ay tinignan niya lang ako at nginitian.

Ano ba ang trip nitong babaeng 'to? I sighed, at hinayaan ko na lang kung saan kami dadalhin ng taxi.

Matapos ang ilang minutong byahe ay huminto kami sa isang salon.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko ng makababa kami.

Tinignan niya muna ang oras sa wrist eatch niya bago mag salita. "It's already 3 pm and you have 3 hours left," she said. Kumunot naman ang noo ko, ni hindi niya man lanh sinagot ang tanong ko.

"Let's go, bess." Hinatak niya na naman ako papasok sa salon. Nakakailang hatak na 'tong babseng 'to, ah.

Pag pasok namin ay sinalubong kami ng isang bakla na mukhang si meme Vice Ganda ang mukha. May blonde hair din siya.

"Oh, dear Alcina you're here!" Sigaw niya ng makita niya kaming pumasok. Nag beso-beso silang dalawa. Naks! Mukhang close, ah.

"Anong ginagawa mo rito? Mag papaayos ka?" tanong niya kay Alcina.

"Ah, hindi girl." Tinulak ako ni Alcina papalapit sa bakla at pinakilala ako sa kaniya.

"She's Effie, my best friend. I'd like you to completely transform her from head to toe. Dapat siya ang pinakamagamdang babae sa pupuntahan niya, okay?"

Ano daw transform?

"Teka bess, anong transform ang pinag sasabi mo? " nalilitong tanong ko dahil hindi ko alam ang tinutukoy niya.

"Sila na ang bahala sa 'yo. Papagandahin ka nila lalo." Kinindatan niya ako.

"H-Huh?"

She rolled her eyes at naoahawak sa kaniyang sintido. "Ang slow mo, bess. M-Make-upan ka nila para maging mas maganda ka pa mamaya sa pupuntahan mo."

Ah, 'yon pala ang tinukoy niya.

"Hindi ko naman kaila--" Hinid niya na ako na tapos pag salitain ng mag salita siya.

"H'wag ka nang kumontra, basta sila na ang bahala sa 'yo." Muli niyang hinarap ang baklang kausap niya kanina.

"By the way, he's Kris, pinsan ni Jeff." Pag papakilala niya sa akin sa baklang mukhang may-ari ng salon na 'to.

Tinignan ako ni Kris mula ulo hangang paa, kinumpas-kumoas nito ang kaniyang kamay bago nag salita. "Akong bahala sayo girl!" Masiglang wika nya, hinawakan niyanako pinaupo sa harap ng salamin.

"Kris, babalik ako after 3 hours. Ikaw na ang bahala sakanya," wika ni Alcina bago nag paalam at umalis.

Napabuntong hininga nalang ako, kahit kailan ay hindi ko kayang hindian si Alcina. Ang gusto niya palagi ang nasusunod pag ganitong bagay na ang pag uusapan.

"Ang ganda mo ate girl, but kaya pa kita pagandahin lalo, " ani Kris habang tinitignan ang repleksyon ko sa salamin.

"Umpisahan na natin!" masiglang wika niya

Pinatalikod nya ako sa salamin, hindi ko alam kung bakit.

Sinimulan na nila ang pag mamaniubra sa sarili ko.

May nag kulay ng kuko ko sa paa at meron din sa kamay.

Ginalaw din nila ang buhok ko, kinulayan nila ito at nirebond.

Matapos ang buhok ko mukha ko naman ang ginalaw nila.

Naramdaman kong inahitan nila ang kilay ko at may nilagay na kong ano- ano.

After an hours natapos na rin ang pag mamaniubra nila sa akin, tamang-tama namang bumalik na din si Alcina dala-dala ang damit na susuotin ko.

Napatakip siya ng bibig ng makita ako.

"OMG, girl! You're so Gorgeous!!" Sigaw niya at niyakap ako. Ito naman, napaka OA.

"See, sabi ko sa 'yo ako ang bahala sa kaibigan mo," proud naman na saad ni Kris.

"You're always the best, Kris. Pag dating sa pag papaganda naka taas ang dalawang kamay ko para sa 'yo," puri sa kaniya ni Alcina.

Lilingon na sana ako sa salamin ng pigilan nila ako.

"Hep! hep! Mamaya na isuot mo muna 'to." Inabot sa akin ni Alcina ang isang paper bag kung saan laman nito ang sapatos at damit na susuotin ko.

"Bilis! Bilis!" Excited na sabi niya. Kahit kailan ay napaka atat ng babaeng 'to.

Tumongo na ako sa CR at nag palit, sinuot ko ang sapatos saka lumabas.

Napaawang ang labi nila pag labas ko. "You're so perfect!" kumento ni Alcina at dinala ako sa harap ng salamin.

My lips parted when I saw my reflection. Ako ba 'to? Ang galing ng pag m-make-over nila sa 'kin pakiramdam konay ibang tao ako.

"Bess, you look Gigi Hadid ang ganda mo!" natutuwang saad ni Alcina sa gilid ko.

Napa ngiti na lang ako at hinaharap sila Kris.

"Thank you sa inyo. " Nginitian nila ako, "you're welcome girl, you're so pretty," turan ni Kris habang pinag mamasdan ako.

"Anong oras na?" tanong ni Alcina. Oo nga baka mamaya late na ako, malintikan pa kami kay Sir Roberts.

"It's 6:34 pm, sige na gumora na kayo at baka ma late ka pa sa pupuntahang party mo." saad ni kris.

Nag pa alam na kami sa kanila at umakis na. Sa bahay na kami dumeretso dahil doon ako susunduin nila Angelica.

Pumasok muna ako sa kwarto ko para kunin ang hand bag ko. Ilang minuto kang ay may narinig na akong busina galing sa labas.

"Girl, baka sila na 'yan dalian mo!" Inalalayan ako ni Alcina palabas ng bahay at di nga kami nag kakamali, sila na nga ang dumating.

Lumabas ng sasakyana si Angelica, She's so gorgeous in her black dress.

Sumonod naman sa kaniya si Jayson na naka black suit. Naks! Napaka pogi naman.

Napalaki ang mga mata ni Angelica mg makita ako.

"Damn, girl! Ang ganda mo. Hindi kita noong una na kilala dahil sa kulay ng buhok mo, " aniya at lumapit sa akin.

Tinignan lang ako ni Jayson habang habang walang salitang lumalabas sa bibig ko.

Siniko-siko siya ni Angelica kaya napailing ito.

"Baka matunaw 'yan," anita at tumawa.

Ngumiti naman iti at nag salita.

"You're so elegant," pag puri niya sa akin.

"Thank you," i mouthed.

"Ay, siya nga pala, this is Alcina, bestfriend ko." Pag papakilala ko kay Alcina na nasa tabi ko.

"Hello, I'm Angelica!" Inabot ni Angelica ang kamay niya para makipag shake hands at gano'n din ang ginawa ni Jayson.

"7:40 pm na, tara na at baka ma late tayo," Pag- aaya ni Angelica.

"Mag iingat kayo, ha. Lalo na ikaw bess, tanga ka pa naman, "saad ni Alcina at tumawa.

Kahit kailan talaga, loka-loka ang babaeng 'to.

"Ikaw ang mag ingat. Sige na, umuwi kana, ha." aniko at pumasok na ng sasakyan.

END OF EFFIE'S POV

WYATT'S POV

"Good evening, ladies and gentlemen! This is the time to witness the ribbon cutting!" sabi ng MC.

Binigay na ang gunting kay Mr. Deville at ginupit ang ribon. Lahat ay nag palakpakan matapos 'yin.

"Welcome to GNyee Star Hotel!"

Pag tapos sabihin ng MC 'yon ay nag sipasukan na kami. Dumeretso ako sa isang bakanteng table at umupo.

"Mr. Roberts, I'm glad you said yes to our invitation." Mr. Deville came up to me at the table and extended his hand for a handshake.

"Congratulations, Mr.Deville," I greeted him.

"At any time, the party will start. I hope you enjoy it," he stated and excused himself for a moment to welcome the other guesses.

Nilibot ko ang tingin ko at napadapo ito sa babaeng nag lalakad sa red carpet patungo sa aking direksyon kasama sina Angelica and Jayson.

Who is that?

"Good evenig, sir." bati ni Angelica at umupo sa tapat kong upuan at ganon din ang ginawa ni Jayson.

Tinignan ko ang babaeng nasa harap ko.

"Sir, it's Effie, good evening," aniya at umupo sa tabi ko.

Si Effie? Hindi ko agad siya nakilala dahil sa ayos nita at sa kulay ng buhok niya.

"You look stunning," pag puri ko sa kaniya.

Nginitian niya naman ako at nag pasalamat.

Damn! Why's she so gorgeous?

"The dance floor is open!" anunsyo ng MC.

Nagsitayuan naman ang mga bisita at nag sipuntahan sa dance floor.

May lumapit na lalaki kay Angelica at inalok itong isayaw.

Aayain ko na na rin sana si Effie ng bilang nilahad ni Jayson ang kamay nito.

"May I?" Ngumiti si Effie at inabot ang kamay ni Jayson.

Tinignan ko lang sila hangang sa makaabot sila sa Dance floor.

Hindi na naalis ang paningin ko kay Effie, masaya siyang nakikipag usap kay Jayson habang sumasayaw.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit ako sa kanila ng patapos na ang unang music.

Aalis na sana sila sa Dance Floor ng harangan ko sila.

Nilahad ko ang kamay ko kay Effie.

"Ako naman?" I asked.

Ngumisi lang si Jayson at binigay sa akin ang kamay ni Effie saka bumalik sa table.

Kinabig ko ang bewang niya papalit saa kin gamit ang kanan kong kamay habang ang kaliwang kamay ko naman ay hawak-hawak ang isa niya pang kamay.

Nag umpisa na kaming sumayaw, hindi ito umiimik habang sayaw-sayaw ko.

"To be honest, I'm unable to take my eyes away from you," I spoke softly to her.

Yumoko lang siya na parang nahihiya.

"You are the most stunning lady at this party," dugtong ko pa

Bahagya siyang natawa dahil sa sinabi ko.

"Sir, di ko alam na may pag ka bolero rin pala kayo?" she said ang gigles.

Mas lalo ko pang nilapit ang sarili niya sakin.

"Ako? Bolero?" Natigikan ito ng ilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.

"S-Sir.." Rinig na rinig ko ang tibok ng dibdib nya.

Damn! Her scents was familiar, parang 'yong amoy ng babaeng nakatalik ko noon.

Napatitig ako sa labi niya. Goodness! I wan't to taste it again.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, I cupped her face and kiss her lips.

Nabigla sya sa paghalik ko kaya na itulak niya ako

Tinignan niya muna ako bago umalis pabalik sa table.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.