ONE NIGHT TO FORGET Chapter 14

Kinabukasan maaga ako nagising, dahil maaga kami pupunta sa opisina kaya kailangan ko maaga makaprepare ng agahan namin, bacon egg at fried Rice inihanda ko. Habang nagtitimpla ako kape naramdaman ko na lang may yumakap sa aking bewang mula sa likuran.

"Good Morning baby." bati nito sa akin at kinintilan ako ng mabilis na halik sa labi.

Humarap ako sa kanya para batiin naman ito..

"Good morning." nakangiti ko bati sa kanya pero napakunot ang noo nito.

"May problema Zuriel bakit ganyan mukha mo? nagtataka kong tanong sa kanya.

"Where's my morning kiss?" sagot nito, hinalikan ko naman sa pisngi na mas kinakunot ng noo nito..

"You said kiss, kiniss na kita."

Ngumuso ito..

"Sa lips baby." parang bata wika niya.

"Namimihasa ka na Zuriel."

"Please baby, your kiss is my vitamin dami ko na naman meeting ngayon." sabay nguso nito.

"Ito gusto mo." sabay taas ko ng kamao ko.

"Nah, baby.." saad nito sabay yakap sa akin, dinadaan sa lambing ng lalaking ito, nakita ng marupok ako.

"Oo na nga, parang ka bata Zuriel." wika ko sabay hiwalay sa pagkakayakap mula sa kanya.

"Sanayin mo na sarili mo, every morning you will kiss me at sa lips hindi sa pisngi lang." wika nito apaka deamanding.

Napataas naman ako kilay dahil sinabi niya.

"What?" inosenteng tanong nito.

Para matapos na hinalikan ko na ito...

Pero hindi gaya niya na dampi lang.

Mas pinailalim ni Zuriel ang halik nito at sinabayan ko naman at ilang sandali kusa na rin ito tumugil.

"Let's eat now, baka ikaw pa kainin ko baby." yaya nito matapos halikan nila.

"Zuriel." pagbabanta ko.

"I'm just kidding baby, by the way huwag ka na pumasok ngayon babalik naman ako agad after ng meeting.."

"Bakit?" takang tanong ko kasi wala naman ito nabanggit kagabi.

"May pupuntahan tayo mamaya, sorry kung hindi ko nasabi sa'yo nakalimutan ko kagabi."

"At saan naman?" saad ko kasabay pagtaas ng isa kong kilay.

"Anniversary ng kasal ng kaibigan ko at gusto ka  nila makilala." sagot nito.

"Gusto nila ako makilala? ulit ko sa huling sinabi nito na nagtataka.

"Yeah, alam nila you know wala kami sikretuhan magkakaibigan." sagot niya.

"Magkakaibigan? so marami sila?"

"Hindi naman marami anim lang naman kami."

"Huwag na kaya ako sumama nakakahiya naman kasi at tsaka baka---" pagaalingangan kong saad sa kanya.

"Trust me Baby, I know what you're thinking hindi sila ganun, don't worry mababait sila, hindi naman kita iiwan nasa tabi mo lang ako at tsaka tayo-tayo lang naman, bonding na rin namin magkakaibigan kaya hindi puwede 'di ako makapunta."

"Okey, bibili tayo regalo, bibili na rin ako damit."

"Hindi na kailangan ng regalo, presence natin  sapat na, hindi uso regalo sa amin and about sa damit may binili na ako nasa cabinet isukat mo na lang ".

"Hindi muna pinaghandaan Zuriel sigurado ka talaga sasama ako." sakristong saad ko.

"I know na hindi makakahindi sa akin.." saad nito sabay kindat sa akin.

At tinaasaan ko lang siya ng kilay.

"Aalis na ako, babalik agad ako Baby." paalam nito ng makatapos ng agahan

"Okey, ingat sa pagdadrive." saad ko sabay tayo para ihatid siya sa may pinto.

"Okey, I love you Baby." saad nito hinalikan ako sa noo.

"Zuriel.." tawag ko sa kanya.

"Naiintindihan ko maghihintay ako sabihin mo rin mahal mo rin ako Baby." nakangiting wika niya at kita ko ang kasiyahan sa mukha niya dahil sobra aliwalas. Hindi pa ngayon kailangan ko muna isettle sa anak, tungkol sa ama nito.

Napayakap naman ako sa kanya bilang sagot ko ito muna sa ngayon , ayaw ko magkamali ulit tama na isa beses na nagkamali..

Hindi lang sarili ko pinoprotektahan ko kundi ang anak ko rin.

"Aalis na ako baby, lock the door." saad nito ng maihiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya..

Tumango ako bilang tugon at hinatid sa may pintuan.

"Bye baby." bago tuluyang tumalikod at umalis..

Nang wala na ito sa paningin ko agad ko sinara ang pinto.Tinungo ko ang kwarto para sukatin ang damit na binili sa akin.

Sakto naman sukat.

Pakatapos maisukat napagpasyahan ko maglinis at maglaba wala naman ako gagawin. Inabot din ako tatlong oras maglinis at maglaba sakto alas onse na pero wala pa rin si Zuriel. Wala man lang ako natanggap na tawag o text kung dito ba manananghalian o hindi.

Matapos ko ma-idryer mga damit, nagluto na rin ako lunch namin. Sinigang at kanin niluto ko madali lang naman ako natapos.

Napagpasyahan ko muna  manuod na tv habang hinihintay si Zuriel, pero di ko namalayan na nakatulog na dahil sa pagod ko,  mga mumunting halik sa aking mukha ang nagpagising sa akin at unti-unti ko minulat mata ko at  nakangiting Zuriel ang bumungad sa akin.

"Kanina ka pa dumating? tanong ko.

"Yes Baby, hindi na kita ginising sarap kasi ng tulog mo.."

"Anu oras na?..

"it's already 3pm Baby"..

Bigla naman ako napabangon

"Slowly Baby." muntikan na ako mahulog buti mabilis ito napulupot braso nito sa bewang ko..

"I'm sorry nakatulog ako, kumain ka na ba?" saad ko..

"Hindi pa, hinintay kita magising Baby" wika nito

"Dapat kasi ginising mo ako, kainis ka Zuriel." wika ko sabay hampas ng mahina sa braso niya.

"Sarap kasi ng tulog mo, kaya hindi na muna ginising mukhang pagod na pagod ka. "

"Sorry kung napasarap tulog napagod kasi ako.",

"Anu ba ginawa mo ng wala ako? nasa mukha mo nga talaga pagod baby." saad niya halata ang pagaalala sa boses nito

"Naglinis at naglaba ako." sagot ko.

"Baby hindi mo kailangan gawin, meron naman tayo katulong na pumupunta dito para gawin."

"Wala kasi ako magawa." tanging saad ko.

"Next time huwag muna gagawin ulit, ayaw ko mapagod ka." malambing na saad niyo habang humahaplos ang isang kamay nito sa aking pisngi.

"Okey sorry, hindi na mauulit po. " paglalambing sa kanya para hindi na tuluyang magalit at hindi na naman ako kausapin.

"It's okey baby." sabay yakap sa akin.

"Initin ko lang 'yung niluto ko Zuriel, para makakain na tayo."

"Tulungan na kita baby."

Matapos kumain nanuod muna kami ng pelikula maaga pa naman sa pupuntahan namin. Nakahiga si Zuriel na nakapatong ang ulo nito sa akin hita habang hawak ang isa ko kamay ..

"Baby." Tawag nito

"Hmmmm.."

"Huwag na kaya tayo pumunta mas gusto ko makasama kita kesa pumunta." wika nito having nilalaro ang mga daliri ko sa kamay.

"Zuriel,  gustuhin ko man pero nakakahiya naman sa kanila nakapangako ka na pupunta tayo kahit kinakabahan ako pero kailangan natin pumunta."

"Maaga na lang tayo umuwi. " dagdag ko.

"Okey baby. " saad nito nagpalit ito ng posisyon nakaharap na ito sa tiyan ko at dinikit mukha nito sa tiyan ko at pinulupot ang isang braso sa bewang ko.

"Hindi ka pa ba maliligo at magbibihis baka matraffic tayo, Friday pa naman ngayon." tanong ko sa kanya na para talaga wala balak umalis, kung puwede lang huwag pumunta kaso nakakahiya naman at gaya ng sabi niya minsan lang sila magbonding dahil na rin sa mga kanya kanya buhay at negosyo ng mga ito.

"Okey lang malate baby."

"Uuwi lang tayo maaga di ba? saka bukas uuwi ako bonding namin ng anak ko, dadalhin ko siya sa mall."

"Can I come with you, baby? I want to meet your son."

"Napag-usapan na natin ito Zuriel.."

"Okey, fine I'm sorry baby.." pagsuko nito, hindi naman sa ayaw ko ipakilala siya sa anak ko pero ayaw ko naman kasi biglain si Flint.

"Tara na mag-ayos na tayo, mauna ka na maligo. " yaya ko dito.

"Are you mad baby? I'm sorry kung makulit ako gusto lang makilala anak mo, kung hindi ka pa handa maghihintay ako." saad niya na na sa mukha nito pag-aalala

"Hindi naman ako galit, ayaw ko lang ipressure ako, I know kung anu gagawin ko ayaw ko magpadalos-dalos kung wala naman ako kasigiraduhan, naghihintay ako sabihin mo sa akin 'yung rason then ipapakilala kita sa anak ko, pero until when Zuriel, don't worry hindi kita minamadali, naiintindihan kita."

"I'm sorry baby. " tanging saad nito.

"It's okey Zuriel, darating din tayo diyan sa gusto mo mangyari ayusin na muna natin dapat ayusin  kapag okey na lahat magagawa na natin gusto natin especially makilala ang anak ko. " saad ko sa kanya. Yakap ang naging tugon nito sa akin at niyakap ko rin pabalik. Gusto ko lang maayos ang lahat bago ko siya ipakilala kay Zuriel. Komplikado pa sa ngayon lalu na kay Zuriel.

"Mag-ayos na tayo Zuriel. " bulong ko sa kanya tumango naman ito sabay kami pumanhik sa kwarto niya.

Nauna na ito naligo at inayos ko naman susuotin niya. Ilang sandali natapos na rin ito.

"Nasa kama na 'yung susuotin mo, inihanda ko na." saad ko ng makalapit dito.

"Thank you baby." nakangiting wika nito

"Welcome, sige na magbihis ka na maliligo na rin ako." paalam ko sa kanya

Nang matapos ako hindi ko na naabotan si Zuriel, sala na ito naghintay.

"Let's go." nang makalabas ako sa kwarto naabutan ko ito nanuuod ng TV habang naghihintay sa akin. Agad naman ito lumingon sa akin. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa..

Lumapit naman ako sa kanya..

"Bagay ba?" tanong ko ng nasa harapan na niya ako.

"Beautiful baby, pero maiksi ata.." saad nito na sa huli nagreklamo.

"Okey naman 'yung haba Zuriel at tsaka ikaw bumili nito kaya huwag ka magreklamo..."

" Si Thea niyan bumili baby, asawa ni Ian." sagot nito.

"Huwag na kaya tayo pumunta, ayaw ko makita sa legs mo  at ako lang dapat nakakakita niyan."

"Sige, huwag tayo pupunta pero uuwi na ako ngayon Zuriel, mamili ka?. pagbabanta ko sa kanya naghahanap lang rason masolo na naman ako.

"Pupunta na nga tayo baby, hindi ka na mabiro." tumayo na ito sabay pulupot ng braso nito sa bewang ko, lumabas na kami.

Ilang minuto nakarating na kami sa bahay ng kaibigan niya. Namangha ako sa laki ng bahay

Sa labas palang kita mo na 'yung karangyaan ang may-ari.

Ganitong bahay nakikita ko sa mga pelikula...

Pangarap ko bahay simple lang para sa amin magina, basta importante magkasama kami lagi dalawa.

Pagpasok namin sa loob ng bahay mas lalu ako namangha, para nahiya tuloy ako at nanliit sa sarili, mga mayayaman sila pare-pareho. Hindi ko namalayan napahinto ako at napahinto rin si Zuriel na nasa mukha nito pagtataka.

"Are you okey Baby?" tanong nito sa akin at hinawakan magkabilang balikat ko.

"Tell me Baby?. dagdag nito

"Wala naman kinakabahan lang kasi ako...paanu kung----"..

"Gaya ng sinabi ko hindi sila ganun gaya ng iniisip mo, hindi kami gaya ng ibang mayayaman, all our parents nagsimula sa mahirap dahil sa pagpupursige nila kaya ito buhay namin ngayon. " paliwanag niya pero hindi pa rin nawala kaba ko.

"Ang layo ko kasi sa inyo." mahinang saad ko alam ko narinig niya.

"Baby, huwag mo maliitin sarili mo sobra proud nga ako sayo dahil ginagawa mo para anak mo...'yung sakripisyo para sa kanya, how I wish ako na lang ama niya , ako na lang 'yung lalaki nakabuntis sa'yo dahil lahat gagawin ko para sa inyo, you will be my Queen baby sobra swerte ng ama ng anak mo para sa'yo kasi nasa sa'yo na katangian ng isang asawa and wish ko sana alam ko selfish hihilingin ko na hindi mo na siya makilala o hanapin pa, because I'm willing to be a father of your child Jewel."

"Zuriel. . ." tanging nasabi ko na lang.

"Basta tandaan mo baby, I love you and I will wait." saad niya at wala ako masabi, ilang sandali nagkatitigan kami ..walang salitang lumabas sa aking bibig.

"Let's go naghihintay na ang mga 'yun." dagdag nito sabay hawak sa kamay ko at  tinungo na namin ang likod which is malawak na garden..

Isang mahaba mesa ang nanduon.

"Pare akala namin hindi na kayo darating..."saad ng isang lalaki na lumapit sa amin ng makita kami.

"Tara duon na tayo sa table nanduon na lahat." dagdag nito.

Habang papalapit mas lalu ako kinakabahan mas lalung napahigpit hawak ko sa kamay nI Zuriel...

"Nandito na sila."saad ng isang lalaki

"Zuriel!!"  sabay sigaw ng dalawang babae

"Bro.." sambit ng dalawang lalaki.

"Akala namin hindi na kayo pupunta? wika ng isang babae na napakaelagante.

" Hindi na sana kami pupunta, kaso si bossing masusunod mahirap na baka---- awww! baby. " hindi ko na napigilang kurutin sa tagiliran si Zuriel kung anu na naman lalabas sa bibig nito.

"Hindi pa kayo kasal  bro, under ka na" natatawang saad ng isang lalaki.

"Kung makapagsalita akala mo naman Hindi siya under. " wika ni Zuriel

"Mamaya na asaran niyo at maupo na muna tayo at para mapakilala na Zuriel future wife niya." wika ng isang babae rin kita sa mukha nito kasiyahan.

Sbaay- sabay kami umupo.

" Siya na ba kinukuwento mo sa amin Zuriel ganda niya, model ang dating niya puwede ko na kunin maging modelo ng mga damit ko, pakilala mo na sa amin," saad ng isang babae ng makaupo na lahat.

"Jewel Arevalo, my girlfriend." pakilala nito sa akin sa mga kaibigan at isa-isa na rin nagpakilala ang ito.

"Maru, this my wife Celestine.."

"Ian, and this my wife Althea..."

At pinakilala naman 'yung mga kapatid ng mga kaibigan ni Zuriel

"Hi." tanging nasabi ko na lang.

"Zuriel, hiramin muna namin si Jewel kunin lang namin 'yung mga pagkain." wika ni Celestine matapos magpakilala

Tumingin naman sa akin si Zuriel.

"Tulungan ko na sila." saad ko.

"Are you sure baby? paninigurado niya sa akin.

"Oo naman, para makilala ko din sila mabuti." nakangiting saad pero sa loob-loob ko kinakabahan ako hindi ko maalis sa isip ko baka ayaw nila ako para sa kaibigan nila.

"Okey baby." saad nito at bumaling naman ito kila Thea at Lhes.

" Kayo dalawa huwag niyo takutin si Jewel kapag ako iniwan niyan, magkalimutan na tayo at kilala ko kayo dalawa..."

"Zuriel ikaw talaga minamasama mo na kami sa paningin ni Jewel, noon lang 'yon dahil sa mga babaing parang linta, at hindi na kami gaya ng dati." saad ni Thea sabay irap at hila sa akin palayo sa kanila sumunod naman si Lhes na iiling-iling lang.

Dumiretso kami sa kusina

Nanduon na lahat ng pagkain at nakahanda dadalhin na lang sa labas..

"Thea, Lhes puwede ba ako magtanong sa inyo dalawa.?

"Oo naman Jewel from now on friends na tayo at kapag may okasyon lagi ka  pupunta...kapag may bonding kami kasama ka na at kung may problema ka puwede mo sabihin sa amin, you can trust us at lalu na kapag may ginawa O sinaktan ka ni Zuriel nandito lang kami." saad ni Lhes..

"Salamat pero----"...

"Why Jewel?" tanong ni Thea

"Kasi sinabi niya hindi naman daw sila kasal ni Ava at hindi niya anak si Summer." nagaalinlangan ko saad sa kanila, alam ko mali pero sa ngayon sila ang puwede ko masabihan ng gumugulo sa isip ko.

"Totoo 'yon Jewel, we know the reason pero hindi kami yung puwede magsabi sayo si Zuriel lang puwede magsabi sabi sayo." saad ni Lhes

"Kahit totoo man na hindi sila kasal at hindi niya anak si Summer pero natatakot ako hindi para sa sarili ko kundi kay Zuriel, kasi alam ng mga tao pamilyado tao siya at baka ang relasyon namin maging dahilan ng pagkasira niya, sa reputasyon at ang pamilya nila.

"Bakit naman Jewel? at siguro naman nasabi na sayo ni Zuriel na mahal ka niya kasi ikaw lagi bukang bibig niya at kita namin sa mga mata niya kung gaanu siya kasaya everytime na ikukwento ka niya sa amin and you know hindi kami nagtataguan ng sekreto especially pagdating sa lovelife." saad ni Thea

"Ramdam ko naman mahal niya ako pero kasi isa pa ikinatatakot na mas makakaksira sa kanya, meron na ako anak." sagot ko.

"What? Really?." sabay saad nila.

"Oo meron na at sinabi ko naman kay Zuriel pero wala nagbago sa pakikitungo niya mas lalu niya pa pinaramdam na mahal niya ako. "

"Pero infairness hindi halata may anak ka na Jewel ganda pa rin ng katawan mo." puri ni Thea

"Wala naman problema kung may anak Jewel, kami bilang kaibigan namin si Zuriel tanggap namin kasi alam namin na masaya kaibigan namin, sino ba naman kami para hindi suportahan at hindi magustuhan ang babaing mahal ng kaibigan namin at kung iniisip mo sila Tita at Tito maiintindihan nila at matatanggap ka nila para sa kaligayahan ng anak nila, ' yon lang may masasabi pa rin at ibang tao pero ang importante pareho niyo mahal ang isa't -isa, Pali na natin sa mga sasabhin ng ibang tao dahil wala sila alam."

"Yes tama si Lhes Jewel, huwag mo na isipin 'yun tanggap ka namin hindi lang sa kaibigan namin si Zuriel kundi ramdam at kita namin you're perfect for Zuriel maging asawa niya." pag-sangayon ni Thea.

"Ayaw ko kasi ipaako sa kanya ang responsibilidad sa anak ko at saka ang layo ng agwat namin hindi kami bagay high School lang tinapos ko wala ako maipagmamalaki at lalu hindi ako nababagay sa mundo niya, sa mundo niyo."

"Alam mo Jewel hindi naman lahat ganyan ang basehan, para sa akin kasi hindi man nakapagtapos ng pag-aaral or mahirap man ang isang tao, 'wag natin sabihin hindi na nababagay sa tulad namin na nakaanggat sa buhay kasi para sa amin ugali ang tinitingnan namin 'yun importante sa amin aanhin mo naman 'yung nakapagtapos nga at mayaman nasa sayo na lahat kung ugali mo naman masama wala rin hindi ka rin magugustuhan ng mga tao at huwag mo maliitin sarili mo 'yan huwag mo iisipin at kahit kailan hindi namin ipaparamdam sa'yo na malayo ka sa amin, masasabi ko lahat tayo pantay-pantay Jewel." saad ni Lhes

"Kung mahal mo sabihin mo, kadalasan na lagi nasa huli ang pagsisi Jewel, pero hindi ka namin minamadali may mga kailangan pa kayo ayusin lalu na sa anak mo hindi natin puwede biglain ang bata at kila Ava at Summer. "

"Thank you sa advice at pagtanggap niyo sa akin." nakangiti saad sa kanila, kala ko gaya sila ng mga napapanuod ko sa teleserye mayayaman na matapobre pero nagkamali pala at totoo sinabi ni Zuriel mababait sila...

" Yes kailangan niyo muna isettle dapat isettle pero hindi ibig sabihin hindi mo na sasabihin na mahal mo rin Zuriel, magtiwala ka lang sa kanya Jewel, magiging okey din ang lahat. " wika ni Lhes.

"Salamat ulit sa inyo. " tanging nasabi ko sa kanila at ramdam ko totoo pinapakita nila sa akin.

"Tara na dalhin na natin ito baka mahaba na mga nguso nila lalu na si Zuriel baka anu isipin nun sa amin." natatawang saad ni Thea na dala na nito ang isa putahe ng pagkain at kinuha na rin namin ni Lhes ang dalawa pa putahe at iba naman dala ng mga katulong nila na nakasunod rin sa amin.

"Bakit ang tagal niyo? baka anu na ginawa niyo Thea kay Jewel." tanong ni Zuriel ng makaupo kami matapos mailapag mga pagkain..

"Wala kami gingawa, FYI Zuriel nagbago na kami kahit tanungin mo pa si Jewel wala kami gingawa masama sa kanya, apaka mo Zuriel." sagot ni Lhes.

Bumaling sa akin gg tingin si Zuriel...

"May ginawa ba sila sayo? seryoso tanong nito sa akin.

"Wala naman sila ginawa, nagkwentuhan lang naman kami Zuriel, OA mo." sagot ko napanguso ako, ang OA kasi.

"Anu naman napag-usapan niyo baby?..

"Girls talk Zuriel."sagot ko.

"Kain na nga tayo, dami mo tanong Zuriel gutom lang 'yan. " saad ni Lhes at pinagsilbihan ng mga ito asawa nila.

Pinagsilbihan ko rin si Zuriel...

Habang kumakain kami panay kwnetuhan tawanan. After dinner, nag-inuman naman sila

Pero hindi ako uminom tamang Juice lang ako.

Simula nangyari noon takot na ako uminom ng alak. Hindi naman nila ako napilit at pabor naman ito kay Zuriel na hindi ako umiinom na ng alak simula noon.

"Ingat sa pagdrive Zuriel at ikakasal pa kayo." pagbibiro ni Maru.

Nauna na umuwi sila Thea at Ian dahil hanap na ito ng mga anak nila

"I will, let's go Baby.." yaya ni Zuriel sabay pulupot  ng braso niya sa bewang ko.

"Jewel sa next Saturday birthday ng anak ko at hindi puwede wala kayo ng anak mo para makilala naman namin." wika ni Lhes.

"Oo Lhes, sige salamat sa pag-imbita at masaya ako nakilala ko kayo."saad ko na hindi ko alam kung pupunta kasama ng anak ko. Hindi pa tamang panahon.

"Bro ingat." pahabol ni Maru..

Tango naman sinagot ni Zuriel sa mga kaibigan.

And that night was special to me.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.