" Claire ikaw na muna bahala kay Flint, babalik din ako agad." paalam ko sa kanya Napagdesisyonan ko humingi ng tulong kay Thea at tama si Claire kailangan ko kapalan na mukha ko para sa anak ko, buhay na anak ko ang nakataya dito. Kapalan ng mukha ang kailangan ko gawin hindi dapat pride pairalin ko.
"Okey Ate, ako na bahala kay Flint tatawagan kita agad kapag nagising na siya." wika niya.
"Sige, basta tawagan mo ako baka magising na siya." saad ko bago tuluyang umalis.
Buti na lang naitago ko calling card ni Thea..
Nang hindi ko na makontak si Yana binenta ko na cellphone ko dahil kulang pera ko noong nabuburol si Lola hindi ko naman puwede gastusin naipon ko para kay Flint noong nabuburol si Lola pero ngayon nagastos ko na dahil sa kalagayan ni Flint, buti na lang may pinaglumaan si Claire na cell phone at nagpalit na rin ako numero sa kadahilan na rin na para hindi na ako magkaroon ng komunikasyon kila Thea at lalu na kay Zuriel pero ngayon heto ako papunta kay Thea para humingi ng tulong. Sila lang talaga puwede ko matakbuhan ngayon.
Ilang sandali pa nakarating na rin ako at hindi naman ako nahirapan pa makapasok at makiusap sa guard ng subdivision dahil tumawag muna ang guard sa bahay nila Thea.
Sila Thea Lhes iisang subdivision lang sila kung saan nakatira ang pamilya nila.
Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila Thea agad naman may sumalubong sa akin katulong ni Thea at giniya ako papasok sa loob ng bahay..
Pagpasok ko palang nakaabang na si Thea.
Sinadya ko wala si Maru kasi nahihiya ako, pero para sa anak ko gagawin ko lahat...
Pagpasok ko palang agad na tumayo si Thea at sinalubong ako na mahigpit na yakap.
"My ghadddd Jewel sobra nag-aalala kami sa'yo, tinatawagan ka namin pero hindi ka namin makontak at pumunta kami sa lugar niyo pero wala na daw kayo." saad ni Thea nang mahiwalay kami sa pagkakayakap. Alam ko pumunta sila sa lugar kung saan kami nakatira pero mas pinili ko huwag magpakita.
Tanging sila Thea ang pumunta wala si Zuriel...
"I'm sorry." tanging sabi ko sa kanya.
"Si Zuriel tawag ng tawag sa amin nakikibalita sa amin tungkol sa inyo wala araw na hindi tumatawag sa amin at gusto naman niya umuwi kaso hindi puwede kailangan siya nila Tita kasi inoperahan si William."
"Kumusta si Kuya William?" tanong na binalewala sinabi niya tungkol kay Zuriel.
"Until now hindi pa rin nagigising simula ng maoperahan pero okey na siya natural lang naman daw 'yun na hindi agad magising, pero mamayang gabi nandito na si Zuriel, pinayagan na siya umuwi nila Tita kailangan na siya ng kompanya nila at para mahanap na rin kayo."
"Hmmmm.. Thea nakikiusap sana ako na huwag mo sabihin kay Zuriel na pumunta ako dito, huwag muna ngayon may mga bagay na kailangan ko pagtuunan ng pansin." saad ko ayaw ko na siya makita pero sa puso ko gustong gusto ko makasama lalu na sa panahon ngayon na kailangan ko makakausap pero ayaw ko kaawaan niya ako dahil sa kalagayan ko ngayon, dahil lang sa awa.
"Pero Jewel kailangan malaman naman ni Zuriel alam ko nasaktan ka niya dahil sa mga nalaman mo, pero alam ko naramdaman mo na mahal ka niya, di ba?.hindi naman sa kinakampihan si Zuriel dahil kaibigan ko siya pero kailangan niyo mag-usap kung wala na talaga pag-asa maayos relasyon niyo at least nakapag-usap kayo, hindi kita pinipilit pero sana Jewel pakinggan mo siya."
"Huwag muna ngayon siguro Thea, mas kailangan ako ng anak ko ngayon. " tanging saad ko sa kanya...
"Ikaw bahala Jewel naiintindihan kita..."
"Salamat Thea.."
"About sa sinabi mo kagabi, handa ako tumulong Jewel sabi ko naman ilipat na natin si Flint sa hospital nila Ian mas matutukan siya duon alahat ng equipment nandoon na lahat para sa operation na gagawin sa kanya." saad ni Thea na pinipilit talaga ilipat si Flint
"Huwag na Thea okey naman 'yung hospital pinagdalhan ko kay Flint." pagtanggi ko sa alok totoo naman okey ang facilities ng hospital kung saan nakaadmit si Flint at may tiwala naman ako sa mga doctor na mag-oopera kay flint, pera na lang talaga ang kailangan para maoperahan na.
Kinuwento kay Thea ang lahat na nangyari sa loob ng tatlong linggo
Kailangan ko may mapagsabihan dahil sobra bigat ng dinadala ko...
Sa mga nakalipas na mga linggo lahat kinaya ko ang mga nangyari, gusto ko may mapagsabihan sa mga panahon na iyon pero wala ako mapagsabihan, wala si Yana. Kailangan ko magpakatatag dahil kami na lang Flint magkasama, ayoko makita ng anak ko umiiyak ako. 'Yung tipo gusto sumigaw para gumaan ang pakiramdam ko pero hindi ko magawa.
'Yung totoo, pinalangin ko na sana si Zuriel ang nasa tabi sa mga nangyayari ngayon pero isa siya dahilan kung bakit nasasaktan ako ng sobra.
"Jewel sorry wala kami sa mga panahon na kailangan mo ng karamay." saad ni Thea na agad ako yinakap..
"Tutulungan ka namin makuha ang hustisya para kay Flint at kung hindi kikilos ang mga pulis meron tayo puwede makatulong sa atin. Don't worry mapapadali ang pagkuha natin ng hustisya kami na bahala huwag ka na mag-isip ,isipin at alagaan mo naman sarili mo, pumayat at maputla ka na. " dagdag ni Thea mula sa pagkakayakap namin dalawa..
"Thank you Thea non't worry hindi ko man mabayaran buo pero paunti-unti makakabayad din ako sa'yo, wala na kasi ako malapitan para makahingi na tulong. I'm sorry kung mas pinili ko lumayo sa inyo pero heto ako ngayon sa harap mo humihingi ng tulong." saad ko hindi maiwasang mapaluha ulit.
"Sabi naman sa'yo kung kailangan mo ng tulong nandito lang kami magkakaibigan tayo Jewel, huwag muna bayaran pera bigay ko na sa'yo sa inyo ni Flint. Papanalangin ko maging successful operasyon ni Flint, balitaan mo kami at kapag okey na si Flint puwede kayo pumunta dito."
"Sobra salamat Thea sa tulong mo gustuhin ko man tumagal pa sana pero kailamgan ko na makabalik sa ospital, baka kasi magising si Flint at para maibigay ko na rin ang pera para sa operasyon at mai-schedule na operasyon niya. "
"Welcome Jewel, naiintindihan ko kung hindi mo na mahihintay sila, pupunta sila dito meron mamaya salo-salo alam mo naman friday at aabangan din namin pag-uwi ni Zuriel, sila Lhes ang magsusundo kay Zuriel tapos diretso agad sila at makikibalita kasi 'yun si Zuriel tungkol sa inyo pero don't worry hindi ko sasabihin sa kanya pumunta ka dito ngayon and I will respect your desisyon huwag ko sabihin sa kanila pero sana magkausap pa rin kayo ni Zuriel."
"I will see Thea, sa ngayon hindi pa huwag muna, si Flint muna pagtuunan ko nang pansin."
"Okey, ingat ka paguwi and call me balitaan mo ako sa operasyon ni Flint."
Pero akmang magsasalita ng makarinig kami ugong ng sasakyan..
"Nandito na sila. Napaaga ata oras ng pag-uwi ni Zuriel alam namin mamayang gabi pa, nandiyan sila Maru, sila nagsundo sa airport.." wika ni Thea.
"Thea aalis na ako, sa likod na lang ako------".hindi ko na natapos ang sasabuhin na marinig ko na mga yabag papasok ng mansyon dahil sa mga tawanan ng mga ito...
"Hon." tawag ni Maru dahilan para mapapikit ako at buti na lang nakatalikod ako mula sa pintuan agad naman nilapitan ni Thea ang asawa.
"Yes Hon. " sagot ni Thea
" Napaaga ang flight niya alam mo naman gusto na masimulan daw niya paghahanap kila Jewel.." rinig ko saad ni Maru.
"May bisita ka pala Hon.."
"Hmmmmm Yes Hon si-----".aagd na ako humarap sa kanila mag-asawa total makikita rin naman ako wala na ako kawala.
"Jewel." sambit nila Lhes na sakto pagpasok ang mag-asawa.
Pero sumunod na pumasok si Zuriel na kita ko pagkabigla ng makita ako. Walang lumabas na salita mula sa kanya, nakaawang bibig nito.
Pero agad ako umiwas. Kailangan ko na umalis.
"Aalis na ako." tanging sambit ko sa kanila.
"Baby..." tawag ni Zuriel na kinatigil ko para sana lumabas.
Unti-unti ito lumapit sa akin...
Nang makalapit ito sa akin saka naman ako nautahan na kailangan ko na umalis.
Bumaling ako kila Thea...
Tumango si Thea nakuha nito ang gusto ko paihawatig sa kanya. Akmang hahakbang na ako ng maramdaman ko na naman nahihilo ako.
Mas napahigpit ang pagkakahawak sa bag ko.
Napahawak ang isang kamay ko sa aking noo..
"Jewel, are you okey? nagaalalang tanong ni Lhes
Pero bago pa man ako makasagot nabuwal na ako at hinihintay ko na lang pagbagsak sa sahig pero hindi nangyari ng maramdaman at maamoy ko pabango ni Zuriel agad na pumulupot ang mga braso nito sa bewang bago ako bumagsak ..
"Baby! Jewel! " rinig sigaw nila bago ako tuluyang mawalan ng malay.