PANGITAIN Chapter 11

Nanginginig ang katawan na napamulat ako ng mata, ngunit ganoon na lang ang gulat ko ng mapansing nakaupo pa rin ako sa kinauupuan ko, at nasa harap ko pa rin ang computer ko.

"Panaginip na naman ba 'yon?" Kinakabahan kong tanong sa aking sarili bago pinunasan ang pawis sa noo at gilid ng pisngi ko.

"Ate..." Gulat na napalingon ako sa likuran ko ng marinig ang pamilyar na boses ng kapatid kong si Rhian. "Tapos ka na ba sa ginagawa mo? Magpapatulong kasi sana ako sa assignment ko," nahihiyang saad niya pa.

May hawak siyang papel at sa kabilang kamay naman ay ang lapis niya. Dahil sa napanaginipan ko, kung panaginip nga bang matatawag 'yon ay tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa.

"Ate okay ka lang ba? Bakit parang namumutla ka? Gusto mo bang ikuha kita ng tubig?" Sunod-sunod niya pang tanong ng hindi kaagad ako nagsalita.

"O-Okay lang ako. Anong oras na ba? Dumating na ba si Mama?" balik tanong ko rin sa kaniya.

Lumapit siya sa akin at inilapag ang papel at lapis sa mesa ko. "Alas tres na ate, tsaka si Mama nasa kusina halos kararating lang. May kakaiba sa'yo ngayon..." aniya at pinakatitigan ako ng husto na sadya namang kinakunot ng noo ko.

"Ano naman 'yon?" kuryosong tanong ko bago hinawi ang buhok niya sa likuran at marahang sinuklay 'yon gamit ang daliri ko.

"Para ka kasing nakakita ng multo," nakangising sagot niya. "Iwan na kita,  nandito lang naman ako... 'wag mo akong mamimiss ha?"

Nginitian niya ako bago lumabas na. Napabuntong hininga naman ako at umiling. Siguro ay gawa ng stress, pagod sa eskuwela at sa gawaing bahay kaya ako nagkakaganito. Ni hindi ko na na-e-enjoy ang pagdadalaga ko. Kung buhay lang siguro si Papa... hindi sana ganito kahirap.

Muli na sana akong magsusulat ng mapansin ko ang nagkalat na buhok sa lapag. Sa lugar kung saan tumabi sa akin si Rhian kanina. Kung susumahin ay halos kalahati na ng buong buhok sa ulo ko ang ng ng kung kanino naman ang buhok na nagkalat sa lapag.

"Saan nang galing ito?" Nagtatakang tanong ko. Akmang pupulutin ko na 'yong ng maalala si Rhian. "Hindi kaya, naglalagas ang buhok ng kapatid ko?" muli kong tanong bago lumingon sa pinto kung saan siya lumabas.

Ngunit mas lalo pa akong nagtaka ng  mapansing nakasarado ang pinto ng silid ko. Kung hindi ako nagkakamali ay hindi ko narinig 'yon na bumukas at sumara kanina ng pumasok at labas si Rhian. Ibig sabihin...

"Nandito lang naman ako."

Para bang nag e-echo pa sa pnadinig ko ang sinabi niyang 'yon kanina. Ano  na bang nangyayari?! Nababaliw na ba ako?! Ayaw kong makadama ng takot, pero hindi ko maiwasan. Unti-unti ng sumisikip ang dibdib ko at bumibilis ang tibok ng puso ko ng dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko ngayon.

Nakatitig lang ako sa pinto at hindi kumukurap. Sino pa ba ang makikita ko? Ano ba ang ibig sabihin ng mga nakikita ko? Lahat ng 'yon ay ang araw-araw kong tinatanong sa sarili ko simula ng mapansin ko sa sarili ko na may kakaiba sa akin.

"Sandra!"

Halos mapatili pa ako sa gulat ng sumigaw si Mama at humahangos na pumasok sa silid ko.

"Sandra, ang kapatid mo!" Muli niyang sigaw. Napatayo na ako at lumapit kay Mama, nagtataka kung bakit may luha sa mga mata niya habang paulit-ulit na binibigkas ang pangalan ni Rhian.

"Ma ano po bang nangyari? Si Rhian po halos kalalabas lang dito sa silid ko, bakit po ba?" Nagtatakang tanong ko, habang si Mama naman ay biglang natigilan at lumingon sa akin.

"G-galing dito si Rhian?" Nanlalaki ang matang tanong niya. Pinunasan niya ang luha sa mga mata niya ngunit mas lalong lumakas ang pag-iyak niya at napaupo na rin sa lapag.

"Mama baki po ba?" Nagsisimula na rin akong maiyak at kabahan dahil sa inaakto niya. "Ano pong nangyari kay Rhian Ma?" muli kong tanong hanggang sa mapaiyak na rin tulad niya.

"A-ang kapatid mo... s-si R-Rhian, h-hindi pa umuuwi, Sandra. Nauna ka pang umuwi kaysa sa kaniya," aniya na kinalaki ng mata ko sa gulat. "Nagpaalam siya kanina sa akin pagkarating niya galing sa eskwela na maglalaro, kanina pa 'yong alas dose. Hanggang ngayon na natito ka na ay hindi pa siya bumabalik. T-Tapos... t-tapos, sabi ng mga tanod na nagpunta rito nakita raw ang kapatid mo na... n-na nakatali s-sa puno ng mangga, wala ng b-buhay."

Mas lumakas ang iyak ni Mama matapos niyang sabihin 'yon. Hindi ko na rin mapigipan ang mapahagulgol ng iyak bago hinatak na si Mama papunta sa barangay.

Kailangan naming malaman kung ano ang nangyari kay Rhian. Kung paanong nakita na lang siya na nakatali sa puno ng mangga. Ngunit ang mas nakapagtataka, ay kung bakit ko siya nakikita, nakakausap at nahawakan gayong wala na pala siya.

"Ma..." Hinawakan ko ang kamay ni Mama habang naglalakad kami papunta sa barangay. Tinignan niya lang 'yon, umiiyak pa rin siya. "B-bago ka po pumasok sa silid ko... n-naroon po s-si Rhian," utal-utal kong sabi sa kaniya. Napahinto siya ng sabihin ko 'yon, dahilan upang mapahinto rin ako.

Tinitigan niya ako ng nagtataka at may pag aalala. "Hindi mo siya nakita! Wala kang nakita Sandra!" Maya-maya ay mariin niyang sambit.

"Pero Ma nakit-"

"Hindi mo sabi siya nakita! Wala kang nakita! Hindi si Rhian 'yon," mariin pa ring sagot niya.

Alam kong natatakot siya at bakas na bakas ang pag aalala sa mukha niya. Pero sigurado ako, sigurado ako sa nakita ko. Sa nahawakan ko. At alam kong si Rhian 'yon, ang kapatid ko.

"Ma, sigurado po ako sa nakita ko. Kung lahat ng nakikita ko ay nagkakatotoo o nangyari at mangyayari palang, hindi po ba dapat akong magbigay ng babala sa ibang makikitaan ko nito?" Paglalahad ko sa kaniya. Kung ang nakikita ko ang puwedeng maging dahilan upang pigilan ang maaaring mangyari, gagamitin ko ito sa para sa kaligtasan ng iba.

"Nakita ko si Rhian Mama, nakabitin sa kisame, maputla at wala ng buhay. Nawahakan ko pa siya, nakausap. Sabi niya pa nga-" Isang malakas na sampal ang pinadapo sa akin ni Mama kung kaya't hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko.

"Sinabi ko na sa'yo kung ano ang nangyati sa Papa mo diba?! Buhay kapalit ng buhay Sandra! Kung hindi mo pa rin naiintindihan... mabuting manahimik at magbulag-bulagan ka na lang. Ayaw kong pati ikaw ay mawala sa akin anak, hindi ko kakayanin."

Niyakap ako ni Mama ng mahigpit matapos 'yon. Pero sa lahat ng sinabi niya isa lang ang tumatak sa isip ko, buhay kapalit ng buhay. Ibig bang sabihin... kailangang magbuwis ng buhay kapalit ng kaligtasan ng sino man?

*****

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.