GAYA kahapon ay maaga akong nagising para tumulong sa pagluluto. Mas maaga nga ako kaysa kahapon. Hindi ko na muna ginising si Aly dahil alam ko naman na pagod pa ito gawa na rin ng trabaho niya kahapon.
“Good morning, Manang…” bati ko sa kasambahay naming na naroon. Naghahanda na ang mga ito ng pagkain. “Inunahan niyo ako sa pagluluto?” napalabi ako pero agad ding ngumiti. “Dapat pala mas inagahan ko ang paggising…” sinundan ko iyon ng mahinang pagtawa.
“Ang kapatid mo ang nagluto. Maaga siyang nagising, ang sabi niya, gusto niyang magluto kaya hinayaan na lang namin. Kami na lang ang naghanda ng mga ito,” sagot niya sa akin.
“Si Jahann po?” nagtatakang tanong ko sa matandang babae. Imposible namang si Al yang tinutukoy nito dahil hindi marunong magluto si Aly. Kami lang ni Jahann ang nagmana sa cooking skills ni Daddy—kung namamana nga ba ang ganoong bagay. I’m more on baking, though.
“Oo. Pumanhik na siya sa kwarto niya dahil maliligo na daw para na rin maghanda sa pagpasok…” ngumiti ito sa akin bago lumabas ng kusina dala-dala ang mga niluto ni Jahann.
Naiwan akong nakatayo sa may kusina.
Hindi ko maiwasang maisip kung ano namang nakain ni Jahann at naisipan niyang magluto ng breakfast. Halos isang linggo naman na namin siyang hindi nakakasalo sa pagkain. Minsan iniisip ko na iniiwasan niya ako. Pero wala namang dahilan para iwasan niya ako.
Oh baka naiinis siya dahil sa pakikipag-usap ko kay Ian. Ibinilin kami ni Daddy sa kanya. Marahil ay naiinis siya na hindi ako sumusunod sa kanya.
Umiling na lang ako upang mapalis ang iniisip ko bago binuksan ang ref na naroon para kumuha ng tubig.
Napakunot ang noo ko nang makita ko ang box ng cake na binili ko kagabi na naroon sa loob. May maliit na blue na sticky note na nakadikit doon.
Mine. – Jahann
Kinuha ko ang note at tinignang maigi. Si Jahann ang nagsulat niyon.
Nakaugalian naming tatlo nila Aly na maglagay ng note sa pagkain naming sa ref dahil lagi na lang daw naming kinakain ni Al yang pagkain ni Jahann… pero lagi di namang hindi nasusunod. Madalas na ako ang hindi sumusunod. Hindi naman nagrereklamo si Jahann.
“That’s mine, wag mo na pagbalakang kainin…”
Halos mapatalon ako nang magsalita si Jahann na nakasandal sa may pinto ng kusina. Naka-white t-shirt lamang ito at simpleng jeans at nakatingin sa akin.
Agad akong nag-iwas ng tingin at hindi ako sumagot sa kanya. Sa halip ay ibinalik ko ang pagkakadikit ng note sa may box at isinara iyon. Nagsalin na lang ako ng tubig sa baso. Hindi ko magawang mag-angat ng tingin kay Jahann dahil alam kong nakatingin siya sa akin. Nararamdaman kong nakasunod ang mga mata niya sa akin.
Tumalikod ako bago pumikit at huminga ng malalim.
Maya-maya ay ngumiti ako at humarap kay Jahann.
“Good morning,” ramdam ko ang pagiging peke ng ngiting iginawad ko sa kanya. “Inuwi mo pala ‘yung cake. Akala ko kasi itatapon mo…” dagdag ko pa. Hindi ko maintindihan kung bakit tila ako kinakabahan na hindi ko malaman.
“Why would—“
“Good morning!”
Bago pa man matapos ni Jahann ang sasabihin niya ay masigla ng sumilip si Aly sa may kusina. Hindi pa ito nakakapagsuklay ng buhok dahil magulo pa iyon at dala nito ang phone nito.
“Morning,” bati ko din sa kakambal ko.
“Oh my gosh, Cherinna!” impit ang tiling pinakawalan ni Aly bago binangga si Jahann at dire-diretsong lumapit sa akin. “Oh my gosh talaga!” ramdam na ramdam ko ang kilig ni Aly. Hindi ko naman malaman kung anong nakakakilig sa umaga at ganito na lamang itong kakambal ko ngayon.
“Ang aga mong abnormal, Aly,” sabi ni Jahann dito. Nginitian lang ito ni Aly bago bumaling sa phone nito at halos ingudngod sa akin ang screen nito.
“Ano ba ‘yan?” napakunot ang noo ko bago inilayo ng bahagya ang phone nito para makita ko ang gusto nitong ipakita.
“Oh my gosh! Magpapasalamat talaga ako sa kumuha ng video niyo ni Ian nang ayain ka niyang magdate kahapon!” hinawakan ni Al yang magkabilang balikat ko at niyugyog ako nang niyugyog.
“What?” gulat na tanong ko bago pilit na kumakawala sa pagkakahawak ni Aly.
“Look!” Pinindot nito ang play video. “Kinikilig talaga ako, kambal!” muling sabi niya sa akin.
Nagsimula nang magplay ang video. Iyong kahapon. Sa room.
Dinig na dinig ko ang boses ni Ian habang inaaya ako ng date. Hindi naririnig ang pagsaway ko dito dahil pabulong lamang ang ginagawa kong iyon kahapon.
“Fine, I’ll go out with you…”
I heard my voice.
“Hindi ka man lang nagpakipot, kambal! Go agad, ha?” natatawang sabi ni Aly bago bumaling kay Jahann. “Ako na din nagsabi kay Jahann na may date kayo ni Ian kahapon dahil hindi kita naihatid pauwi. Nagulat nga ako na sa Ai’s ka pumunta, eh. Akala ko ihahatid ka niya dito sa bahay…” tuloy-tuloy sa pagsasalita si Aly.
Nag-angat naman ako ng tingin kay Jahann na nakatingin lang sa akin at seryosong-seryoso ang itsura.
“Aly—“
“Bagay talaga kayong dalawa, swear!” malawak ang pagkakangisi ni Aly nang sabihin niya iyon. Muli siyang bumaling kay Jahann. “Diba, Jahann?” tanong nito sa kapatid namin.
“Hindi din,” iyon lamang ang sinabi nito at tinalikuran na kaming dalawa ni Aly. Sumimangot naman si Aly at humarap sa akin. “May sumpong pa din siya?” tanong niya.
Nagkibit-balikat na lamang ako. Hindi ko naman mawari kung ano ba ang problema ng isang iyon.
Nagpaalam sa akin si Aly na maghihilamos na muna at magsusuklay dahil baka pagalitan siya ni Daddy na ganoon ang itsura na haharap sa pagkain. Lumabas na lang ako at umupo sa tabi ni Jahann habang hinihintay sila Daddy at Mommy.
Nilalaro-laro ko lang ang tinidor na naroon.
Napalingon ako nang umilaw ang phone ni Jahann na nasa gilid ng kaliwang kamay ko.
It was a message from Iris.
Good morning, Jahann. Thank you sa paghatid sa akin kagabi. See you again later.
Nilingon ko si Jahann na tila walang pakialam sa pag-ilaw ng phone niya na naroon. Basta nakasandal lamang ito at tila tumatagos sa pader na naroon ang tingin.
“Iris texted you…” basag ko sa katahimikan na namamagitan sa aming dalawa. Nilingon niya naman ako bago sinulyapan ang cellphone niya na nasa lamesa. Hindi siya nagsalita pero kinuha niya iyon at nagreply siya kay Iris.
Sumandal na lang din ako at kinuha ang phone ko na nasa bulsa ko. May dalawang message na nanggaling kay Ian.
Good morning, Cherinna.
See you later. I miss you already. Ikaw, hindi ang kakambal mo ah?
Hindi ko mapigilang mapangiti. Naalala ko ‘yung pagkapahiya ko kahapon dahil sa sinabi niyang hindi ko nagets agad.
Nagreply na lang ako sa kanya ng simpleng good morning message din bago ko ibinulsa ulit ang cellphone ko. Nakita ko si Jahann na nakatingin sa akin.
“What?” tanong ko sa kanya.
“Don’t smile like that again. You’re creepy…”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “Anong sabi mo?” inis na tanong ko dito.
“You’re creepy…” ulit naman nito.
“Anong problema mo sa akin?” Hindi ko na napigilan ang pagtatanong sa kanya. Hindi naman siya nagsalita. Sa halip ay sumandal na lang itong muli at humalukipkip.
“Ewan ko sa’yo,” hindi ko mapigilang mapairap bago sumandal at iniwasang mapatingin muli sa gawi ni Jahann.
Maya-maya’y nagring ang phone ko. Agad ko namang tinignan kung sino ang tumatawag sa akin at nakita kong si Kol iyon. Hindi na ako nag-excuse pa sa katabi ko. Basta ko na lamang sinagot ang tawag ni Kol.
“Good morning, Kol,” bati ko sa pinsan ko. Naramdaman ko na naman ang pagtingin sa akin ni Jahann pero pilit ko iyong hindi pinansin.
“Morning, Cherinna,” bati naman niya pabalik sa akin. Ano naman kayang sasabihin sa akin nito? Hindi naman siya ang madalas na tumatawag sa amin ni Aly. Si Keij ang kadalasang caller namin. Kung minsan, tatawagan lang kami ni Keij para sabihin kung anong ulam nila sa bahay nila. Hindi na talaga ako nagtataka kung bakit blocked ang number ni Keij kay Jahann.
“What is it?” tanong ko dito.
“Kasama mo si Jahann?” ibinalik niya lang sa akin ang tanong. Hindi ko mapigilang mapa-ismid. “Don’t tell me blocked ka din?” napabuntong-hininga na lang ako.
“No. Para lang mas sigurado ko na sasama siya,” sabi ni Kol sa akin. Kumunot naman ang noo ko.
“Huh?” Ano bang pinagsasasabi nito?
“Hindi ka pa ba tinatawagan ni Lean?” tanong niya ulit sa akin. I mentally rolled my eyes. “Hindi pa. Ano bang meron?” napahawak na lang ako sa may balikat ko habang kausap si Kol.
“Birthday celebration daw nung Kevyn. Sa bar daw ni Tito Blue icecelebrate. Lean’s inviting us,” ani Kol.
Hindi ko naman napigilan matawa. “Birthday ni Kevyn tapos si Lean ang nag-iinvite,” sambit ko bago huminga ng malalim. “Hindi pa ako sure, eh. I’ll ask Dad first then I’ll call you after. Okay lang?” tanong ko sa kanya. Malamang ay kausap na ni Lean si Aly ngayon at pinag-uusapan ang tungkol doon.
“Kasama mo si Jahann, diba?” tanong ni Kol sa akin.
“Yeah, why?” sumimangot ako.
“Give your phone to him,” utos niya sa akin. And for the second time, I mentally rolled my eyes heavenward.
“Kausapin ka daw ni Kol,” inabot ko kay Jahann ang phone ko at muling nilaro-laro ang tinidor na naroon. Napansin ko ang bahagyang pagtalikod sa akin ni Jahann. Pilit kong pinapakinggan ang usapan nila.
“What is it?” tanong ni Jahann kay Kol.
Tila may sinasabi pa si Kol dito kaya nakikinig lang si Jahann.
“Gago.”
Napalingon ako nang magmura si Jahann.
“Yeah, fine. Sige,” iyon lamang at ibinaba na ni Jahann ang tawag at ibinalik sa akin ang phone ko. Gustuhin ko mang mag-usisa pa, hindi ko na nagawa dahil na rin dumating na sila Mommy.
Agad naman naming silang binati ni Jahann. Si Aly ay kasunod lang nila na agad na naupo sa tabi ko.
“Mom, Dad, nag-iinvite si Lean this Friday sa Blue’s Haven. Birthday celebration daw kasi ni Kevyn,” paalam ni Aly sa mga magulang namin. Hindi naman ako nagsalita. Alam ko naman na kasi na kapag pinayagan si Aly, automatic na ‘yon na kasama na ako.
“Birthday ni Kevyn, si Lean ang nag-iinvite?” kumunot ang noo ni Mommy.
I feel you, Mom.
Tumango si Aly bago ngumiti. “Crush na crush niya kasi ‘yon, Mommy…”
“What do you think, love?” tanong ni Mommy kay Daddy. Tinignan naman kami ni Daddy.
“Please, Dad?” ngumiti ng pagkatamis-tamis si Aly kay Daddy.
Huminga ng malalim si Daddy bago lumingon kay Jahann. “Samahan mo silang dalawa, Jahann.”
Tumango ng marahan si Jahann kay Daddy.
“Thank you, Dad! You’re really the best!” masayang sabi naman ni Aly bago nagpatuloy sa pagkain.
Paalis na kami para pumasok ng tawagin ni Aly si Jahann at ako.
“Jahann, pwede ikaw na magsabay kay Cherinna? May bibilhin pa kasi ako,” ani Aly sa amin. Tinignan naman ako ni Jahann. Tila iniisip nito kung isasabay ako o hindi.
“No need, kambal. Magpapakuha na lang ako ng cab,” sabi ko na lang kay Aly. Marunong naman akong makiramdam kung ayaw akong isabay o gusto.
Magpapaturo na talaga akong magmaneho!
“What? No! Gusto mo bang magwala si Mommy?” tanong ni Aly sa akin.
“Pero kasi—“ biglang kinuha ni Jahann ang bag ko.
“Let’s go,” iyon lang at tinalikuran na niya ako.
Tinignan ko si Aly. “Hindi pa nga kami bati, eh…” pagrereklamo ko dito. Natawa naman ito sa akin. “Ang babaw niyo pareho, pagbuhulin ko kayo, eh. Sige na. See you sa school!” naglakad na papunta sa sasakyan niya si Aly.
Naglakad na din ako papalapit sa sasakyan ni Jahann at sumakay na.
Hindi ako nagsasalita habang nasa biyahe kami at tahimik lang din si Jahann.
Nakasandal lang ako habang nakatingin sa labas. Tuesday pa lang naman ngayon, Friday pa ang birthday celebration nung Kevyn. Malamang ay magpapasama sa akin si Aly na mamili ng damit kahit na ang dami niya pa namang damit na hindi nasusuot.
Nilingon ko si Jahann na seryoso sa pagmamaneho.
“Jahann…” tawag ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon sa akin.
“Can you smile for me?” ngumiti ako sa kanya. Gusto ko lang na magkaayos na kami kahit hindi ko naman alam kung ano talaga ang dahilan ng sumpong ni Jahann. Mamaya, wala naman akong kinalaman dito, nadadamay lang ako.
“No.”
Napasimangot ako.
“Eh di wag,” tumingin na lang ako ulit sa labas at hindi nilingon si Jahann hanggang sa makarating kami ng school. Matapos niyang i-park ang sasakyan niya ay bumaba na ako kaagad.
“Uso mag-thank you, Cherinna…” narinig kong sabi niya bago ko pa man maisara ang pinto kaya yumkod ako at ngumiti ng sarkastiko sa kanya. “Thank you. Okay ka na?” inirapan ko siya pagkatapos at isinara ang pinto.
Napakasungit. Siya na nga ‘tong nilalambing.
Sumunod naman na sa akin si Jahann at naglakad na papunta sa klase namin.
Katulad sa sasakyan kanina, walang kumikibo sa aming dalawa. Alam ko nakasunod siya sa kin dahil nararamdaman ko ang pananayo ng balahibo ko sa batok.
“Jahann!”
Natigilan kami pareho nang may tumawag sa kanyang babae. Nilingon ko iyon at hindi ko maiwasang mapakunot ang noo nang makita ko si Iris.
Anong ginagawa niya dito?
“What are you doing here?” tanong ni Jahann dito.
Alam ko na dapat ay naglalakad na ako papalayo para iwan silang dalawa ngunit hindi naman nakikisama ang mga paa ko. Nakatingin ako sakanilang dalawa.
“Nagpatransfer ako. Dito na din ako mag-aaral!” malaki ang pagkakangiti ni Iris habang nakatingin kay Jahann. Lumingon siya sa akin. “Hi, Cherinna!” bati niya bago lumapit sa akin at nakipagbeso. Hindi naman ako nakapagreact kaagad. Simpleng ngiti lang ang iginanti ko sa kanya.
“Dito ka na mag-aaral? Bakit?” tanong ni Jahann dito. Tumingin siya sa akin.
“Para mas makasama kita,” sagot ni Iris dito.
Okay, that’s it. I think I should leave them.
“Mauna na ako, ah? May klase pa kasi ako…” paalam ko sakanilang dalawa ngunit kay Iris lang ako tumingin.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako makaramdam ng tuwa na makakasama namin sa iisang school si Iris. Wala namang problema kung dito siya papasok kung tutuusin. Mas magiging malapit pa siya kay Jahann.
Pero…
“Hey…”
Napatigil ako sa paglalakad nang may nagtakip bigla ng mga mata ko.
I sighed. “Ian…”
Tinanggal nito ang kamay at humarap sa akin ng nakangiti.
“Paano mo nalaman na ako ‘yon?” tanong niya sa akin.
“I know your scent,” sabi ko bago nagpatuloy sa paglalakad, sinundan naman ako ni Ian.
“Kikiligin na ba ako, Cherinna?”
Dama ko na nakangiti siya habang nagsasalita.
“Ewan ko sa’yo, Ian…” napangiti na lang ako bago pumasok sa loob ng classroom.
Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na si Ms. Torres. Akala ko ay magsisimula na agad ang klase ngunit sinabi niya na may iaanunsyo pa siya.
Sumandal na lang muna ako at nakinig sa kanya.
“I want to introduce your new classmate…”
Napatuwid ang likod ko.
What?
No.
Please, no.
Hindi ko alam kung bakit ayaw ko pero utang na loob, wag…
“Ms. Iris Imperial…”
Pumasok sa loob ng classroom si Iris at nakangiting humarap sa aming lahat.
What the fuck?