“SASABAY ka ba sa akin, Cherinna?” tanong ni Aly sa akin habang kumakain kami. Maagang umalis si Mommy para magpunta sa Blooms. Si Daddy naman ang naghatid sa kanya kaya naiwan na naman akong kasama si Aly. Usapan na namin na magkikita mamaya sa SD para sa pagpaplano ng birthday ni Keij at Kol. Pero may shoot siya ngayon kaya mauuna siyang umalis kaysa sa akin.
Umiling naman ako. “Hindi na. Hassle kung babalikan mo pa ako mamaya, eh. Sa SD na lang tayo magkita mamaya,” sagot ko naman habang kumakain. Hindi ko mapigilang mapasimangot nang matikman ko ang hot chocolate na itinimpla ko.
Hindi ko talaga makuha ‘yung timpla niya. Nakakailang subok na ako pero hindi ko talaga masaktuhan.
“Are you sure? Magpasundo ka na lang kaya kay Ian mamaya?” bumaling sa akin si Aly. Muli naman akong umiling. “Twin, hindi ko naman driver si Ian. Hindi ko pwedeng tawagan na lang siya lagi kung aalis ako para ihatid ako sa kung saan,” mahinahong sagot ko.
“Willing naman siya, ah?” ngumisi sa akin si Aly.
Hindi ko napigilang irapan ang kakambal ko. “Not because he’s willing to do it, aabusuhin ko siya…” muli na lang akong humarap sa pagkain ko.
“Well, you’re right. But it’s better to abuse Ian than to hire a cab, Twin. Mas safe ‘yun,” ayaw namang magpatalo ni Aly. May attitude talaga si Aly na hindi ka titigilan hangga’t hindi ka umooo.
“Wag mo na lang akong intindihin. I’m fine, okay?”
“Okay…”
Nilingon ko si Aly. “Don’t you dare call Ian. Hindi talaga kita kakausapin…” pagbabanta ko sa kanya. Tumingin naman sa akin si Aly at ngumiti. “I won’t, promise,” itinaas pa nito ang kanang kamay. I rolled my eyes.
After lunch pa namanang usapan namin na magkikita sa SD. Maliban kay Kol at Keij at kumpleto kami mamaya. Nakahiga lang ako sa may kama ko habang nanunuod. Napatingin ako sa lamesa sa gilid ng kama ko. Kinuha ko ang kwintas na naroon at tinitigan.
Hindi ko pa naibabalik kay Jahann ang kwintas na naiwan niya marahil sa bathrobe ko. Hindi pa naman kasi kami nagkikita. Hindi na siya nagawi dito sa bahay at hindi naman ako nagpupunta sa Ai’s. Hindi ko rin mapakiusapan si Aly na ibigay iyon kay Jahann dahil baka magtanong pa ng kung ano-ano si Aly.
Baka mamaya, maibigay ko na sa kanya…
Inabala ko na lamang ang sarili ko sa panunuod at sa pagkain. Pwede naman akong umalis ng 12 nn sa bahay. Sa daan na lang ako maglalunch, o di kaya’y sa SD na lang. Nasabihan ko na rin naman ang kasambahay namin na ikuha ako ng taxi para mamaya.
Matapos akong maligo at magbihis, inilagay ko na ang mga dadalhin ko sa bag. Siniguro ko rin na nailagay ko ang necklace doon para maibigay ko kay Jahann mamaya.
“Manang, nakaready na po ‘yung taxi?” tanong ko pagbaba ko. Dumiretso naman ako sa kusina para kumuha ng chocolates na ilalagay sa bag ko.
Napakunot ang noo ko nang walang sumagot sa akin.
“Manang?” tawag kong muli. Nasaan na ‘yung mga tao dito? Matapos akong makakuha ng chocolates na plano kong kainin habang nasa daan papunta sa SD ay lumabas na ako ng kusina.
“Manang?” mas nilakasan ko pa ang boses ko. “Manang, nakatawag na ba kayo ng taxi?” malakas pa rin ang boses kong sabi.
“Manang—“
“Ba’t ba ang ingay mo?”
Halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa may living room. Napatingin ako sa couch nang may bumangon mula roon.
“Jahann?” Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kanya.
Magulo ang buhok nito at tila kagigising lang dahil na rin sa mata nito na bakas ang pagkaantok.
“Ang ingay mo naman,” umayos si Jahann ng upo at inayos ang buhok pero sa tingin ko ay mas nagulo lamang iyon at mas bumagay sa kanya.
What the hell, Cherinna?
Iniiwas ko ang tingin sa kanya. “Hindi ko naman kasi alam na andyan ka. Ano bang ginagawa mo dito?” tanong ko na hindi pa rin tumitingin sa kanya.
“May kinuha ako sa kwarto ko. Inantok ako, nakatulog ako.”
Tumingin ako sa kanya. “Bakit hindi ka sa kwarto mo natulog?” tanong ko ulit sa kanya. Iniwas naman ni Jahann ang tingin sa akin. “Why are you looking for a cab?” tanong nito sa halip na sagutin ang tanong ko.
“Pupunta kasi akong SD. Ipaplano ‘yung birthday ni Kol at Keij, diba? Hindi k aba pupunta?” tanong ko sa kanya. Hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.
“Pupunta,” tipid na tugon niya sa akin.
Napatango na lang ako. “Sige, baka nakatawag na si Manang ng taxi, mauna na ako…” paalam ko sa kanya bago humakbang papalabas ng bahay namin.
“Cherinna…” tawag ni Jahann sa akin. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon si Jahann. Tumayo na ito at inayos ang damit bago lumapit sa akin.
“Pinaalis ko na ‘yung taxi kanina. Sabay na tayo,” iyon lamang at nauna na si Jahann na maglakad papunta sa sasakyan nito.
“What? Hindi na. May dadaanan pa kasi ako at—“ mabilis akong naglakad papalapit kay Jahann pero natisod naman ako kaya tumama ako sa likod niya. Nilingon niya naman ako kaagad at hinawakan ang magkabilang braso ko. “Are you okay?” tanong kaagad niya nang titigan ako. Tumango naman ako.
“Tss. Pumasok ka na nga. Baka mabalian ka pa ng buto sa kakalakad mo,” ani Jahann na hinawakan ang braso ko at binuksan ang pinto ng sasakyan niya at pinapasok ako.
“Jahann, sandali—“ hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil isinara na nito ang pinto. Sinundan ko siya ng tingin sa paglalakad niya sa harap ng sasakyan niya papunta sa driver’s seat.
“Seatbelt,” sabi ni Jahann nang makasakay na ito.
“Magtataxi na lang kasi ako at—“
“Just wear your seatbelt, Cherinna,” putol ni Jahann sa sinasabi ko. Napahugot na lamang ako ng malalim na hininga bago isinuot ang seatbelt ko.
“Saan ka pa pupunta bago magpunta sa SD?” tanong ni Jahann sa akin habang nagmamaneho ito. Napalingon ako sa kanya. Nakatuon lamang ang atensyon nito sa daan. “Sa… sa mall. Bibili lang ng lunch. Hindi pa kasi ako kumakain at—Jahann, saan tayo pupunta?” nabigla ako nang bigla itong kumanan. Kahit naman hindi ako nagmamaneho, kabisado ko ang daan papunta sa Sweet Desire.
“Bahay ko,” tipid na sagot niya sa akin.
“What? Anong gagawin natin sa bahay mo?” tanong ko sa kanya ulit.
“I’m hungry, too,” nagkibit-balikat ito.
“Sa mall na lang tayo magpunta para kumain at—“ nilingon ako ni Jahann.
“Bahala ka nga,” naupo na lang ako ng maayos at tumingin sa labas. Kumuha na lang ako ng chocolate sa bag ko at kumain. Hindi ko na nilingon si Jahann. Hindi rin pamilyar sa akin ang daan na tinatahak namin papunta sa bahay niya. Matapos niyang magpark ng sasakyan ay nilingon niya ako. “Diyan ka lang?” tanong niya sa akin. I rolled my eyes. Lumabas na ako ng sasakyan niya at sumunod sa kanya papunta sa elevator. Tahimik lang ako habang nasa elevator. Nakita kong pinindot ni Jahann ang number 20 na button.
Nakarating na kaya si Iris dito?
Nang bumukas ang elevator ay sumunod na akong muli kay Jahann sa paglalakad. Lumiko kami at huminto siya sa pinto na may letter C.
Binuksan nito ang pinto at naunang pumasok sa akin. Nilingon ako ni Jahann nang tila naramdaman nitong hindi ako pumapasok sa loob.
“You’re not a vampire, Cherinna. I don’t have to invite you to come inside,” sabi ni Jahann bago muling lumapit sa pinto. Napayuko naman ako bago pumasok sa loob.
Karamihan sa gamit ni Jahann ay puti ang kulay.
“May pagkain sa ref, pakiinit na lang. Maliligo lang ako,” bilin niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya na pumasok sa isang pinto na naroon.
“Pero akala ko ikaw ang magluluto,” napasimangot ako. Inilapag ko na lang ang bag ko sa lamesang naroon bago nagtungo sa kusina.
Kung tutuusin ay malaki ang condo unit na iyon. Siguro’y tatlo ang kwarto na naroon.
Inilabas ko na lang ang pagkain na nasa ref at ininit ang mga iyon. Habang hinihintay ang pagkain ay tinawagan ko naman si Aly.
“Where are you?” tanong kaagad niya sa akin.
“Kakain lang ako, papunta na rin ako ng SD pagkatapos. Nandyan na ba kayong lahat?” tanong ko sa kanya habang nakaupo.
“Wala pa si Jahann doon. Call him, Twin. Hindi sinasagot ang tawag ko, eh. Kanina pa umalis ‘yon,” bilin naman niya sa akin.
“Uhm…”
“Or maybe he’s with Iris,” muling sabi ni Aly. “Anyway, just go straight to SD, okay? I’ll see you there…”
“Sige, ingat ka…” napakamot na lang ako nang maibaba ko ang telepono.
Hustong tapos na akong maghanda sa lamesa nang lumabas si Jahann. Simpleng itim na t-shirt lamang ang suot nito at jeans.
“Bilisan na natin kumain. Papunta na si Aly sa SD,” sabi ko sa kanya nang maupo na ako. Naupo na rin si Jahann sa tabi ko.
Walang kumikibo sa aming dalawa kaya naman mas nakakailang ang atmosphere.
“Ang ganda ng interior ng bahay mo. Ang linis tignan. May pumupunta ba dito para—“
“Ikaw pa lang ang nakakapunta dito,” muling pinutol ni Jahann ang sinasabi ko. Nilingon ko naman siya. Hindi naman ako nagsalita, Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Nang matapos kaming kumain ay inaya ko na si Jahann na magpunta sa SD. Hindi naman ito nagsalita pa at sumunod na lang sa akin.
“Jahann, ibaba mo na lang ako sa kanto bago mag-SD,” sabi ko sa kanya nang malapit na kami. Kunot ang noong nilingon ako ni Jahann. “Makikita kasi nila, Jahann…” napayuko ako. “Hindi alam ni Aly na magkasama tayo at…” huminga ako ng malalim. “Nandoon si Iris.”
“Alright,” malamig na sabi ni Jahann na inihinto ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada.
“Jahann, you really should stop this…” mahinang sabi ko. Hindi naman siya nagsalita. “Don’t make this harder for the both of us…” ikinurap-kurap ko ang mga mata ko.
Today, when I was with him, sa condo niya, sa sasakyan niya… gusto kong makalimot. Gusto kong isipin na pwede…
“Alam natin na hindi pwede, Jahann.”
Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luha ko.
“I have to go,” kinuha ko sa bag ko ang kwintas at inilapag iyon doon at saka mabilis kong inalis ang seatbelt ko at lumabas sa sasakyan niya. Binilisan ko ang lakad ko habang patuloy na pinupunasan ang pisngi ko.
Dito ako natatakot, eh.
Dito ako kinakabahan.
Natatakot ako sa tuwing maglalapit kaming dalawa dahil nahihirapan ako. Natatakot ako kapag nasa malapit siya dahil gusto ko na lamang makalimot.
Nauna akong dumating sa SD. Naroon naman silang lahat, minus Kuya Cloud, Keij, Kol and Theon.
“Saan ka ba galing?” tanong ni Aly sa akin. Naupo naman ako sa tabi niya. “Kumain lang,” tipid na sagot ko. “May plano na ba kayo?” tanong ko para hindi na siya mag-usisa pa. “Where’s Theon, by the way?” tanong ko. Himala na wala si Theon ngayon.
“He’s keeping Keij and Kol occupied. Hindi kasi pumayag si Jahann kaya si Theon ang kasama nila,” si Lean ang sumagot sa akin.
“Sa birthday ni Jahann, pasamahan natin kay Iris ‘yun para occupied din ‘yun kapag nagplano tayo,” nakangiting sabi ni Aly nang lingunin nito si Iris.
“Next year pa naman ‘yun, Aly,” ngumiti rin si Iris sa kakambal ko.
Hindi naman ako nagssalita.
“It’ll be more effective if Cherinna will be the one to do it.”
Napaangat ang tingin ko kay Enzo nang magsalita ito. Nilingin ako ni Aly. “Si Cherinna? Malamang ay pagluluuin niya lang si Jahann maghapon,” natatawang sabi ni Aly.
“Then he’d be really occupied,” sagot naman ni Enzo sa kanya.
“Next year pa naman ang birthday ni Jahann. Wag niyo na munang problemahin,” sabi naman ni Kuya Kiro.Tumahimik naman sila.
“Andyan na pala si Jahann, eh…” mabilis na tumayo si Iris para salubungin ito. Matapos kong lingunin ang sasakyan nito na huminto, ibinalik ko na ang tingin ko sa notepad na naroon. Unlike our birthday party, sa Blue’s Haven gagawin ang kay Keij at Kol.
Naupo si Jahann sa tabi ni Enzo. Hindi ko magawang mag-angat ng tingin sa kanya.
“So, tomorrow na ‘yun, guys. Si Theon na ang bahalang mag-invite kay Keij. Si Jahann kay Kol,” ani Aly. “Should we hire someone na lalabas mula sa cake?” tanong nito sa amin.
Napakunot ang noo ko. “Aly, birthday ‘yun,” ani ko sa kakambal ko.
“Pervert naman si Keij. Maaappreciate niya ‘yun,” natatawang sabi nito.
I just rolled my eyes.
“Pwedeng kumanta ‘dun, diba?” tanong naman ni Iris. “Please? Para mas maenjoy natin,” pagsasuggest naman ni Iris.
“Pwede, pero sa baba lang naman pwede. Walang ganoon sa VIP rooms ng Blue’s Haven, eh…” sagot naman ni Lean sa kanya.
“Pwede na ‘yun,” natatawang sabi ni Iris . Mas pinili ko naman na huwag na makisali sa usapin nila.
Napagkasunduan na lang na iimbitahan ang ilang kaklase nila at schoolmate para magpunta sa Blue’s Haven. Bago maghapon ay dumating naman si Ian doon.
“Hey,” lumapit sa akin si Ian at hinalikan ako sa may sentido.
“What are you doing here?” tanong ko sa kanya. Naupo siya sa may tabi ko.
“Galing ako sa inyo, eh. Nandito ka raw,” ngumiti siya sa akin.
“Ian, sama ka bukas sa Blue’s Haven, ah?” aya ni Aly dito.
“Pakisama na rin si Kevyn,” kinikilig naman na sabi ni Lean dito.
“Busy si Kevyn, Lean,” mahinang sabi ni Ate Caryl. Ian told me Ate Caryl’s always with Kevyn since sa show ni Kevyn si Ate Caryl inilagay para sa OJT nito.
“I’ll try to ask him,” ngumiti si Ian kay Lean. Nagpasalamat naman si Lean dito. Naramdaman ko ang pag-akbay ni Ian sa akin. Well, his hand was on the back of my chair. Hindi naman akbay na akbay.
“Kumain ka na?” inilapit niya ang mukha sa akin. Tumango naman ako. “Ikaw?” tanong ko sa kanya. Umiling siya sa akin. “Aayain kasi kitang kumain kaya hindi muna ako kumain,” ngumiti siya sa akin.
“Siraulo ka talaga,” marahan kong itinulak ang mukha niya papalayo. Natawa naman si Ian sa akin at isinandal ang ulo sa balikat ko.
Napagawi ang tingin ko sa kinauupuan ni Jahann. Nakatingin lang siya sa akin. Hindi siya nagsasalita. Seryoso lamang ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Ako ang naunang magbawi ng tingin sa aming dalawa.
“May lakad ba kayo ni Cherinna, Ian?” tanong ni Kuya Kiro kay Ian.
Nilingon naman ako ni Ian. “Kung papayag si Cherinna…” mahinang sabi niya. Nag-angat naman ako ng tingin sa kanya. “Saan tayo pupunta?” tanong ko.
“Anywhere as long as you’re with me is fine, Sunshine,” ngumiti siya sa akin.
“What the hell, Ian!” natatawang asar ni Aly sa kanya.
“Pasok lang ako sa loob,” paalam ni Jahann bago walang lingon-likod na tumayo.
“Ako rin, guys…” tumayo rin si Iris at sumunod naman kay Jahann.
“Sige na, Twin. Wala naman masyadong gagawin ‘dun sa birthday nung kambal kaya sama ka na diyan sa boyfriend mo,” pagtataboy sa akin ni Aly. Tumango na lang ako ng marahan bago tumayo. “Just let me know kung may kailangan, ha?” ngumiti ako sa kanila bago inalalayan ni Ian para magpunta sa sasakyan niya.
Pagpasok ko naman sa sasakyan ni Ian ay may bulaklak na naman na naroon at may pagkain.
“May pagkain na, baka magreklamo ka na naman,” natatawang sabi ni Ian sa akin.
Natawa naman ako. “Baliw ka talaga,” napapailing na kinuha ko ang bulaklak. As expected, sa flower shop na naman iyon ni Mommy niya binili.
Nagpunta lang kami sa mall, nanuod ng sine at kumain. Inihatid niya na rin ako sa bahay pagkatapos.
“I’ll see you tomorrow,” ngumiti siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Nakababa na kami ng sasakyan niya at nasa harap ng bahay namin.
“Yeah. Mag-iingat ka pauwi,” ngumiti ako sa kanya habang hawak ko ang bulaklak at chocolates na binigay niya.
“I will…” huminga ng malalim si Ian. “I love you, Cherinna. Always remember that,” mahinang sabi niya. Hindi ako sumagot.
Inilapit niya ang mukha sa akin. Nanlaki ang mata ko.
“Ian—“ agad kong ipinaling ang ulo ko sa kanan ko.
Natigilan naman si Ian dahil doon.
“I’m sorry…” inalis ni Ian ang kamay sa pisngi ko. Nag-iwas siya ng tingin at huminga ng malalim.
“You should get inside, Sunshine…” humarap siya sa akin at ngumiti. “Sleep well, alright?” lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.
“I’m sorry. Take care, Ian…” nakayukong lumayo ako at pumasok na sa loob ng bahay namin. Dumiretso naman ako sa kwarto ko at matapos ilapag ang mga dala ko sa couch na naroon, mabilis kong ibinagsak ang pagal kong katawan sa kama.
Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko.
Why do I have to feel this?
I closed my eyes.
Why do I have to hurt him again and again?
Naramdaman ko na lang ang mainit na likido sa gilid ng mga mata ko.
Ipinatong ko ang braso ko sa mga mata ko.
Bakit sa tuwing kasama ko siya, masaya ako? Saya na sa kanya ko lang nararamdaman…
Hindi na ako nag-abala pang buksan ang ilaw at pinilit na lang matulog kahit na nahihirapan ako.
Kinabukasan ay maaga akong ginising ni Aly.
Kapag may alak talaga, naeexcite ang kakambal ko.
Halos alas-singko na rin ng hapon nang umalis kami sa bahay. Binilinan lang kami ni Mommy at Daddy na huwag masyadong uminom. Tinawagan rin ni Daddy si Jahann para ibilin kami sa kanya.
Hindi naman ako masyadong kumikibo mula sa biyahe namin hanggang sa makarating kami sa Blue’s Haven.
Nakahanda naman na ang lahat. Kahit na sa VIP room kami mananatili, dahil sa gusto nilang kumanta mamaya ay pupwesto pa kami sa ibaba.
Bandang alas-siyete ng gabi ay dumarami na ang tao. Idagdag pa na Sabado iyon kaya mas maraming nagpunta sa Blue’s Haven. Nagdala lamang kami ng pamalit na damit kaya naman kita na naman ang pusod ni Aly sa suot nitong damit.
Pasado alas-otso na nang dumating si Theon, Keij, Kol at Jahann.
Bakas ang saya sa mukha ni Keij habang pinagmamasdan naman ni Kol ang loob ng bar. Lumapit dito si Enzo at tinapik ang balikat. May sinabi ito kay Enzo kaya naman natawa ito. Sinuntok naman ni Jahann ng mahina si Kol.
“Naks naman. Kayo naghanda nito?” tanong ni Keij sa amin nang lumapit siya. Nagtanguan naman kami. “Happy birthday!” malakas na bati namin sa kanya.
“Thank you,” ngumisi siya sa amin. Lumapit din si Kol sa amin at binati rin siya ng mga kasama namin. Tumango lamang si Kol sa mga ito.
Maya-maya ay dumiretso ang tingin ni Kol sa akin.
“Happy birthday,” bati ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin at may itinuro.
Paglingon ko ay nakita ko si Iris at si Jahann na magkatabi.
Nilingon kong muli si Kol at saka umiling. Kinuha ko ang isang bote na naroon at saka ininom iyon. Pinagmasdan lang ako ni Kol, hindi niiya ako pinigilan o kung ano pa man.
Sinabihan naman kami ni Aly at Lean na hindi na muna aakyat sa itaas dahil may mga kakanta pa para sa kambal. Wala namang nagreklamo sa amin. Nakaupo lang ako habang nasa tabi ko si Aly at sa kanan ay si Kol.
“Akala ko darating si Ian?” tanong sa akin ng pinsan ko. Nagkibit-balikat ako. “Baka mamaya pa,” sagot ko naman bago kinuha ang baso at muling uminom.
Napatingin naman ako sa gawi ni Jahann at Iris. Magkausap ang dalawang ito.
You told him to stop, Cherinna.
Nag-iwas na lang ako ng tingin bago muling naglagay ng alak sa baso at uminom.
Hindi ako tumatayo habang umiinom kami. Ilan na rin ang kumanta at patuloy naman ang ingay sa loob ng bar. Sandaling umalis si Kol kanina sa tabi ko at bumalik rin.
Nagsalin akong muli ng alak sa baso ko nang hawakan ni Kol ang kamay ko.
“Kung may balak kang maglasing ngayon, siguraduhin mo muna na iyong taong gusto mo ang maghahatid sa’yo pauwi…” seryosong sabi ni Kol sa akin.
Tinitigan ko siya. “Just let me drink, okay? It’s your birthday,” ngumisi ako sa kanya.
“And for our next song, please go to the stage, Jahann Anderson and Cherinna Anderson…”
Natigilan ako nang marinig ko ang pangalan ko.
“What?” nilingon ko si Kol.
“Go.”
“Wait, what?”
Naririnig ko ang sigawan ng tao sa paligid ko. Napatingin ako kay Jahann. Nasa akin din nakatuon ang paningin niya.
“Kapag kumanta ka, Jahann, sasayaw akong nakaboxers lang sa birthday mo!” malakas na sabi ni Keij. Nagtawanan naman ang lahat.
“Si Kol din, sasayaw ng nakaboxers?” tanong ni Aly.
“In your dreams,” sagot ni Kol dito.
“Twin, sa stage na, dali!” natatawang sabi ni Aly sa akin.
“What? Sandali kasi!” hinila ako patayo ni Aly. Napapailing si Jahann dahil sa ginagawa nila.
Nang sa wakas ay nasa may stage na kami, nagtilian na naman sila.
“I can’t do this,” umiling ako bago akmang bababa pero hinarangan naman ako ni Theon. “Come on, Che. Lahat kakanta…” ngumisi siya sa akin.
Pero kailangan bang kasama ko si Jahann?
I sighed heavily. “Fine,” inirapan koi to bago muling bumalik doon. Nakasimangot na kinuha ko ang microphone at tinalikura si Jahann.
Hindi ko napigilang mapamura ng mahina nang magsimula ang kanta.
Napatingin ako kay Jahann.
Nagkibit-balikat ito sa akin.
What the fucking fuck?
Humigpit ang hawak ko sa mic bago nagsimulang kumanta.
We keep behind closed doors, every time I see you, I die a little more. Stolen moments that we steal as the curtain falls, it’ll never be enough…
Hindi ko mapigilang magmura sa isip ko habang kumakanta. Nararamdaman ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
As you drive me to my house, I can’t stop these silent tears from rolling down, you and I both have to hide on the outside, where I can’t be yours and you can’t be mine… but I know this, we got a love that is homeless….
Kinagat ko ang labi ko nang magsimula si Jahann.
Why can’t I hold you in the street, why can’t I kiss you on the dance floor? I wish that it could be like that, why can’t it be like that? ‘Cause I’m yours. Why can’t I say that I’m in love, I wanna shout it from the rooftops, I wish that it could be like that, why can’t it be like that? ‘Cause I’m yours…
Tumingin ako kay Jahann. Nagbaba siya ng tingin sa akin. He was the only one who’s singing. Wala akong ibang naririnig kundi ang tibok ng puso ko.
Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko.
Why can’t I hold you in the street, why can’t I kiss you on the dance floor? I wish that it could be like that, why can’t it be like that? ‘Cause I’m yours. Why can’t I say that I’m in love, I wanna shout it from the rooftops, I wish that it could be like that, why can’t it be like that? ‘Cause I’m yours…
Why can’t we be like that? Wish we could be like that…
Napayuko ako.
Fuck, Cherinna.
Mabilis na ibinigay ko mic ay Theon at bumaba sa stage. Hindi ko na inintindi ang mga taong nagulat sa ginawa ko. Mabilis akong naglakad papalabas ng Blue’s Haven.
Hindi ko mapigilan ang mga luha na bumabagsak mula sa mga mata ko.
Geez, please stop. Stop!
Nakarating ako sa pinakadulong parte ng parking lot kung saan walang tao. Napaupo ako sa gutter na naroon habang salo ng dalawang palad ko ang mukha ko. Hindi ko mapigilang mapahagulgol.
It must be the alcohol… kaya ako nagiging emosyonal.
Niyakap ko ang tuhod ko at patuloy na umiyak.
Ayoko na.
Ang sakit-sakit na.
Every goddamn time he’s with her, nasasaktan ako. Iniisip ko na dapat ako ang nandoon. Iniisip ko na ako dapat ang kasama niya.
“Cherinna…”
Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Jahann na naroon.
“What are you doing here?” tanong ko sa kanya. Tumayo ako at humarap sa kanya.
“I told you to stop, right? Bakit ayaw mong tumigil, Jahann?” tanong ko sa kanya. Hindi ko mapigilan ang paghikbi ko. “Bakit ayaw mo na lang akong kalimutan?”
“I can’t…” humakbang papalapit si Jahann sa akin.
“You have to!” hindi ko nakontrol ang boses ko. “Kailangan mo akong kalimutan. Kailangan mong kalimutan ang nararamdaman mo, Jahann,” napayuko akong muli. “Pakiusap, tama na…” muli akong napaupo.
“Cherinna…”
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. “Sa tuwing nakikita kita, nasasaktan ako…” sabi ko pagitan ng paghikbi. “Sinabi ko na tama na,” huminga ako ng malalim. “Pero sa tuwing kasama mo siya, nasasaktan ako, Jahann. Ilang beses pumapasok sa isip ko na dapat ako ‘yun…”
Naupo si Jahann sa tabi ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Inangat niya ang mukha ko at pinagmasdan ako.
“You’re still my Creep…” mahinang sabi niya sa akin.
“I hate you…” itinulak ko siya. “I hate you!” muli kong itinulak si Jahann. “I hate you for making me feel this way! I hate you for making me want you! I hate you for making me love you. I hate you so much!”
Hinila ako ni Jahann at niyakap.
“I’m sorry…” he whispered. Hindi ako nagsalita at patuloy lang sa pag-iyak.
Humarap ako sa kanya. “Jahann, I—“ nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang idinampi ang mga labi sa labi ko.
Hindi ko magawang isara ang mga mata ko kahit na inilayo na ni Jahann ang mukha sa akin.
“I love you, Creep…” he whispered before claiming my lips again.
I closed my eyes.