“MA’AM, may delivery po…” untag sa akin ng kasambahay namin habang nag-aalmusal kaming dalawa ni Aly. Halos alas-diyes na rin naman. Tinanghali ng gising si Aly kaya sinabayan ko na lang siya sa pagkain. Maaga namang nagpunta sa Blooms si Mommy, kasama niya si Daddy.
Nilingon ko ito at nakita kong may dala itong mga bulaklak. White roses, actually. Kumunot ang noo ko. “Kanino po galing?” tanong ko nang abutin ang mga iyon. Narinig ko naman ang pagbaba ng baso ni Aly. Malakas iyon kaya bumaling ako sa kanya. “Kanino pa ba? Yung Ian lang naman na ‘yun ang nagpapadala ng bulaklak sa’yo, eh.Itapon mo nga ‘yan, nabubwisit ako…” asik ni Aly bago nagpatuloy sa pagkain.
Nagpasalamat na lang ako sa kasambahay namin bago ko pinagmasdan ang bulaklak. Hindi naman na ako pinadadalhan ni Ian ng bulaklak. Tinignan ko kung may card na nasa bulaklak pero wala naman akong nakuha.
Napatuwid ang likod ko nang maisip kung sino ang posibleng magpadala sa akin ng bulaklak. Nilingon kong muli si Aly na kumakain pa rin. Humarap din siya sa akin at sumimangot. “Twin, paano ka makakamove on kung tatanggapin mo ‘yang bulaklak galing sa ex mo? Besides, sabihan mo nga ‘yang Ian na ‘yan na tantanan ka niya. Nabubwisit na naman ako sa kanya at sa baliw na girlfriend niya…” irap nito.
It’s been a week, already. Nakikita pa rin ang mga sugat ko. Nakita na rin ito ni Mommy at Daddy. Aly had it covered, though. Kahit na napagalitan siya ni Daddy dahil sinabi nito na siya ang may gawa ‘non dahil ginigising ko siya at nainis siya sa akin. Hindi naman alam nila Mommy ang sa may braso ko dahil laging long sleeves ang suot ko.
“Kumain ka na nga lang,” ngumiti ako sa kanya. Ipinaalam ako ni Aly kay Daddy na isasama niya ako sa Ai’s. Pumayag naman si Daddy nang sabihin ni Mommy na isang linggo na akong grounded. Sinabihan na rin ako ni Daddy na pwede na akong magpunta sa SD at Ai’s. Pero hindi pa rin pwede sa Blue’s Haven…
Matapos naming kumain ay naligo na ako at nagbihis. Sinulyapan ko ang bulaklak sa vase na nasa ibabaw ng lamesa sa gilid ng kama ko. Hindi ko napigilang ngumiti. Hindi naman ako sigurado kung sa kanya galing ang mga iyon, ngunit malaking bahagi ng isip ko ang nagsasabi na siya ang nagpadala ng mga iyon.
“Twin, let’s go?” narinig kong tawag ni Aly sa akin mula sa labas ng kwarto ko. Kumatok ito at binuksan ang pinto at sinilip ako. Tumango naman ako sa kanya bago kinuha ang bag ko at lumabas ng kwarto ko.
“Tinapon mo na ‘yung bulaklak?” tanong niya sa akin habang pababa kami ng hagdan. “May problema ka sa bulaklak, Aly?” hindi ko mapigilang mapangiti sa kanya. Tinitigan niya naman ako ng masama. “May problema ako sa ex mo,” sagot niya sa akin. “And I blamed myself, okay?” nag-iwas siya ng tingin. “Pinipilit ko siya sa’yo kasi akala ko talaga, seryoso siya sa’yo. Akala ko talaga okay siya. Pero hindi pala…” huminga ito ng malalim bago tumingin sa kanya. “I’m really sorry…”
Ngumiti ako bago niyakap si Aly. “It’s not your fault. Don’t blame yourself. Alam ko na gusto mo lang akong maging masaya…” mahinang sabi ko sa kanya.
“Of course! You’re my twin sister. Gusto ko talaga na maging masaya ka, kaya sa susunod, yung magiging boyfriend mo, kikilatisin ko muna talagang maigi!” ani Aly habang seryosong-seryoso ang mukha.
Tinitigan ko lang siya.
Alam ko naman ang kahihinantnan ng nangyayari… pero hindi ko mapigilan ‘yung nararamdaman ko. Kahit na minsan, gusto kong sabihin kay Aly kung ano ang nangyayari, hindi ko rin magawa. Hindi ko alam kung maiintindihan niya ako. Kung katulad ni Kol, maiintindihan niya kami.
Sa pagkakakilala ko kay Aly, alam kong hindi.
“Let’s go? I heard Jahann’s there…” ngumiti sa akin si Aly at hinila na ako papunta sa sasakyan niya. Habang nasa biyahe kami’y si Aly lamang ang nagsasalita. Pinagbabawalan niya akong kausapin si Dean para raw magmukhang tanga si Dean na daldal ng daldal pero walang kausap. Noong mga bata naman kami’y walang problema kay Dean at Aly. Kahit naman kasi hindi kami literal na lumaki na magkakasama, katulad ng mga pinsan naming at ng iba pa, hindi naman nawawala ang communication naming lahat.
Nang makarating kami sa Ai’s ay pinauna na ako ni Aly na umakyat sa studio dahil dadaanan pa raw niya si Tito Dale. Hindi naman ako nagreklamo pa at dumiretso na ako sa at nauna doon. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok.
Mayroon silang kinukuhanan base na rin sa mga nakabukas na mga ilaw sa studio. Si Jahann ang photographer nito habang may ilang naghahawak ng ilaw. Si Dean naman ang nasa may harap ng computer na naroon. Napangiti ako habang nakatingin kay Jahann. Seryoso ang mukha nito habang nagsasabi sa model ng pose nito, maging ang pagkunot ng noo nito ay nakakatuwa sa paningin ko.
“Next set tayo,” ani Jahann na lumingon kay Dean na naroon. Napagawi ang tingin niya sa kinaroroonan ko. “Creep,” halatang nabigla siya nang makita ako. I waved my hand and smiled. “Hi,” bati ko sa kanya. Hindi ko sinabi sa kanya na magpupunta ako roon kaya naman hindi na nakakapagtaka ang gulat sa mukha niya. Hindi rin sinabi ni Aly dito dahil kagabi lang siya nagpaalam kay Daddy.
“Cherinna!” nakangiting tawag sa akin ni Dean bago tumayo. Lumapit siya sa akin at niyakap pa ako. “Buti may ibang mukha naman dito. Sawang-sawa na ako sa mukha ng kakambal mo, eh…” muling sabi ni Dean.
Lumapit si Jahann sa amin at tinapik si Dean. “That’s enough,” saway nito rito. “Namiss ko lang si Cherinna…” nakangising sabi ni Dean bago lumingon sa akin. “Magaling na ba ‘yan? I heard what happened…” tanong nito na akmang hahawakan ang pisngi ko.
“Break muna, sabihan mo sila,” hinawakan ni Jahann ang braso ni Dean bago pa man nito mahawakan ang pisngi ko. Napipilitang tumango si Dean sa kanya bago ngumiti sa akin at nagpaalam. “I’ll talk to you later,” sabi pa nito sa akin.
“Hindi mo sinabi na pupunta ka dito,” ani Jahann habang iginigiya ako papunta sa upuan na naroon. Napatingin ako sa babaeng model na kinukuhanan kanina. Underwear pala ang inimomodel nito.
“Hindi mo sinabi sa akin na nalipat na ang Boracay dito,” sagot ko naman sa kanya. Kumunot ang noo at nilingon ni Jahann ang babaeng tinitignan ko. Ngumiti sa kanya ang model.
“Sige, ngitian mo rin siya…” mahinang sabi ko.
Nag-iwas ako ng tingin nang lingunin ako ni Jahann.
Damn. Ayokong magtunog selosa pero… ipinikit ko na lamang ang mga mata at huminga ng malalim. Pagdilat ko ay nakatingin pa rin sa akin si Jahann at may ngiting nakapaskil sa gwapong mukha nito.
“What?” tanong ko habang pilit na hindi sinasalubong ang mga tingin niya.
“She’s pretty…” he commented and then looked at the model again.
Magaling.
“Ah…” ngumiti ako ng pasarkastiko sa kanya. “Kukuha lang akong tubig,” paalam ko sa kanya bago tumayo at pumasok sa isang pinto na naroon. Alam ko na nagmimistulang pantry iyon sa studio. Siniguro ni Daddy noon na bawat studio sa Ai’s ay mayroon ‘non, dahil na rin sa amin ni Aly.
Hindi ko pa naisasara ang pinto ng pantry nang pumasok si Jahann. Nakangiti pa rin siya sa akin. “Are you jealous?” tanong niya na tila nang-aasar. “Tigilan mo nga ako…” irap ko naman bago binuksan ang ref na naroon at naghanap ng maiinom. Hindi ko maiwasang mapasimangot.
Sumandal si Jahann sa pader na naroon. “What I said was true, she’s pretty. But I don’t like her, Creep.”
Nilingon ko siya. “But she’s pretty, right?” tanong kong muli. Ngumiti siya sa akin at tumango. Tinitigan ko siya ng masama.
Buhusan kitamg tubig diyan, eh.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. “I love you, you should always remember that…” mahinang bulong niya. Naramdam ko ang paghalik niya sa buhok ko. “You’re the prettiest for me, they’re nothing compared to you…”
Hindi naman ako sumagot sa kanya pero hindi ko napigilang mapangiti. “Let’s go out, di pa tapos ‘yung trabaho ko…” hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa noo. “I’m happy that you’re here…” muling sabi nito bago naunang lumabas sa akin.
Matapos akong kumuha ng tubig ay lumabas na rin ako. Naabutan kong papasok din si Tito Dale at kasunod nito si Aly.
“Jahann, Dean…” tawag nito sa dalawa. “Hanggang anong oras ang schedule ng shoot?” tanong niya sa dalawang lalaki.
“Just two more sets and we’re done, Dad. Why?” tanong ni Dean sa ama. Lumapit na rin ako sa kanila at naupo sa couch. Nakatayo naman si Jahann sa may gilid ko.
“Why, Tito?” tanong din ni Jahann sa lalaki.
“Nothing. Try to finish everything fast. I’ll be back after an hour…” sabi nito bago nagpaalam sa amin.
“May kasalanan ka, no?” akusa ni Aly kay Dean nang umalis na si Tito Dale. Kumunot naman ang noo ni Dean. “May nagsasalita ba? Wala akong naririnig, eh…” sabi nito bago bumaling sa akin. “May narinig ka, Cherinna?” tanong niya pa. Natawa naman ako bago nilingon si Aly na halatang nabwisit kay Dean.
Tinapik naman ni Jahann si Dean.
“Ikaw na kumuha ‘don. Use your own camera…” sabi nito.
“Pahiram na lang ng sa’yo…” ani Dean. Tinignan lang ito ni Jahann. Hindi nagpapahiram ng camera si Jahann. Actually, hindi niya pinapahawakan sa iba ang camera niya. Hindi ko rin alam kung bakit pero hindi niya gustong may nakikialam ng gamit niya. May sarili akong gamit kaya hindi ko naman ginagalaw ang kanya. Si Aly naman, mas sanay sa camera ng cellphone nito.
“Ang yabang talaga ng Dean na ‘yan,” reklamo ni Aly na naupo sa tabi ko.
“Akala ko ba huwag siyang kakausapin para magmukhang tanga? What happened?” pang-aasar ko rink ay Aly. Hinampas niya naman sa akin ang unan na nasa may couch.
“Asikasuhin ko lang ‘yon,” paalam sa akin ni Jahann bago tumalikod at sinamahan si Dean. Si Jahann pa rin ang kumuha ng pictures habang nakaalalay si Dean sa kanya.
“Ang professional ni Jahann talaga…” ngumiti si Aly. Sang-ayon ako sa sinabi niya. Totoo namang professional si Jahann magtrabaho. Ilang beses ko naman na ring nawitnessed ang bagay na iyon. Isa pa ay dedicated siya sa lahat ng ginagawa niya.
Nag-order na lang kami ng makakain habang hinihintay na matapos ang shoot nila. Si Aly naman ay sa kabilang studio ang photoshoot.
Bumalik si Tito Dale habang tinitignan nila Jahann ang pictures.
“Jahann, Dean…” he called them. Naupo ito sa isang silya na naroon. Lumapit naman ang dalawa at naupo sa tabi ko si Jahann. “I’ll go out muna, Tito…” paalam ko pero sinabihan naman ako ni Tito Dale na okay lang na naroon ako.
“It’s for our Christmas party…” pagsisimula nito. “Kerko told me to let you decide what’s going to happen…” sabi nitong muli. “I already told you about this last week, right?”
Tumango si Jahann. “Yeah. How about if we just give back the blessing we got?” tanong nito kay Tito Dale. Kumunot ang noo nito. “What are you suggesting?” tanong nito. Nakatingin lang ako kay Jahann.
“Remember Child’s Hope Foundation?” he asked. Tito Dale nodded.
Child’s Hope Foundation ang orphanage na pagmamay-ari ng pamilya ni Mommy. Ang alam ko’y si Tito Thunder ang nag-aasikaso roon.
“We can have our Christmas Party there and—“
“I don’t think that’s a good idea, Jahann…” putol ni Tito Dale sa sinasabi nito.
Napakunot ang noo ko. That’s actually a good idea. “Sorry to interrupt, Tito. But if we’ll do that, mas okay, diba? We can talk Tita Steph and Tita Cristine para magsponsor ng cakes and cupcakes, we can ask Tito Blue to sponsor drinks… I mean, fruit drinks. If we need flowers, I’m sure Blooms will give us what we need. We can also ask Tito Hunter, Tito PJ and—“
“Kerko won’t approve it…” tinignan ako ni Tito Dale. “Try something else, instead. Huwag sa orphanage…”
“Why not?” tanong ni Jahann dito.
“Just think of something else, Jahann,” sabi nito bago tumayo.
Sumandal si Jahann at tumingala bago pumikit.
“Sa SD na lang kaya?” tanong ko sa kanya. Sinusubukan kong tumulong. “Tapos dalhin doon ‘yung mga batang ulila? Husay mo, Che…” ani Dale na natatawa.
Hindi naman nagsalita si Jahann. Tila nahulog ito sa malalim na pag-iisip.
Hinintay lang namin na matapos ang shoot ni Aly bago kami umalis. Sabi ni Aly ay nasa SD sila Keij kaya pupunta rin kami roon. Hindi naman din nakipagtalo si Jahann nang sabihin ko sa kanya na kay Aly ako sasabay. Ayoko naman na maghinala si Aly. Hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang nangyayari.
Pagdating namin ay nakita naman na agad namin sila Keij, Theon, Lean, Enzo at Iris.
“Ba’t ngayon lang kayo?” tanong ni Keij sa amin. Nagkibit-balikat si Jahann bago hinila ang isang upuan at itinabi sa isa pang bakanteng silya bago naupo sa tabi ni Kol.
“Guys, remember Dean? Yeah, ang pangit niya pa rin…” ani Aly bago naunang naupo sa silyang kinuha ni Jahann. Tinignan naman ito ni Jahann bago tumingin sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. Naupo ako sa tabi ni Enzo. Umupo rin si Dean sa tabi ko.
“Pero crush mo ako, no?” tanong ni Dean kay Aly. Nagtawanan naman ang lahat.
“Excuse me, hindi ka kagwapuhan no,” irap naman ni Aly dito.
“Aly, gwapo naman si Dean, ah?” tudyo din ni Lean sa kakambal ko. “Tsaka it’s time for you to have a boyfriend!” tila excited na sambit nito.
“Why, do you have a boyfriend?” tanong ni Enzo sa kakambal nito. Lean rolled her eyes. “Kapag niligawan na ako ni Kevyn, meron na…” ngumisi ito pagkatapos.
“Asa ka pa. Bakla ‘yon,” kontra naman ni Theon kay Lean.
“Ikaw nga ang walang girlfriend, so bakla ka?” irap ni Lean kay Theon.
“May baby ‘yan si Theon!” biglang humalaklak si Keij. “Hindi niya lang alam pangalan…” inakbayan pa nito si Theon.
“Gago, tangina mo,” sabi naman ni Theon kay Keij.
“Pero si Jahann ang may girlfriend, diba?” biglang sabi ni Keij. Nagtinginan ang lahat kay Jahann.
“What?” halatang nabigla si Iris sa narinig. Napatuwid naman ang upo ko habang nakatingin kay Jahann.
“May girlfriend ka na?” tinignan ni Aly si Jahann.. “Oh my gosh! Sino? Bakit hindi namin kilala?” tanong pa niya dito. “Paano si…” lumingon siya sa gawi ni Iris na nakatingin lang kay Jahann.
Napasandal ako at kinuha ko ang isang baso ng tubig na naroon at uminom.
“Seryoso, Jahann? May girlfriend ka na? Why you’re being secretive?” tanong ni Lean kay Jahann.
“May girlfriend ka na talaga?” boses naman ni Iris ang narinig ko.
Damn. Ano bang sinasabi nitong si Keij?
“Iyon ba ‘yung tinetext mo kanina pa? Tapos sabi mo hindi nagrereply?” nakisali na rin si Dean sa pagtatanong.
“Sino ‘yung girlfriend mo nga?” tanong muli ni Aly kay Jahann.
“Cherinna…”
Natigilan ako nang bigla akong tawagin ni Kol. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
What the hell?
“Aren’t you curious who’s the lucky girl?” he smiled playfully.
Biglang tila tinambol ang puso ko dahil sa tanong ni Kol sa akin.
Tumingin naman si Aly sa akin at kumunot. Maya-maya ay ngumiti ito. “Yeah! Maybe if you’re the one who’ll ask him,” lumingon ito kay Jahann, “sasabihin niya kung sino…”
Sumandal si Enzo at ngumiti. “Ask him,” sabi nito sa akin.
“Oo nga, Cherinna!” pagsang-ayon naman ni Lean.
“Why are you so curious about her?” nakasimangot na tanong ni Jahann sa kanila bago sumulyap sa akin.
“Kasi hindi namin siya kilala…” sabi naman ni Aly.
Sumandal si Jahann at humalukipkip.
“Alright, just describe her to us…” ani Enzo. Tinitigan ito ng masama ni Jahann.
“Yeah, anong itsura niya? Anong nagustuhan mo sa kanya?” tanong ni Aly.
Jahann sighed. “She’s the prettiest girl I’ve ever seen. She’s not perfect, yes. But she’s enough. She’s simple, but just one smile from her and everything else can go to hell. She’s everything I want…”
Hindi ko namalayan na nakangiti na ako habang nakatingin kay Jahann.
“Tangina, tinamaan nga ‘to!” natatawang sabi ni Keij.
“Aww, I bet she’s beautiful, Jahann…” ngumiti si Lean sa kanya.
Tumingin sa akin si Kol at ngumiti.
“Punta lang ako sa CR,” paalam ko sa kanila bago ako tumayo at dumiretso sa banyo sa loob ng shop. Paglabas ko’y naabutan ko si Iris na nakatayo sa may harap ng salamin.
“Iris…”
“Hindi ba ako maganda, Cherinna?” tanong niya sa akin.
“What?” lumapit ako sa kanya at naghugas ng kamay.
“I really like Jahann. I mean… hindi naman kasi siya mahirap magustuhan, eh. Pero may girlfriend na siya ngayon…”
Hindi ako nakasagot sa kanya.
“Whoever that girl is… I hate her. I hate her so much…”
Napatingin ako sa kanya.
“Iris…”
“I won’t give up, Cherinna…” bumaling siya sa akin at saka ngumiti. “Jahann will be mine…” sabi niya bago pumasok sa isang cubicle. Naiwan akong nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.
But he’s mine, Iris.
Lumabas na ako at bumalik sa mga kasama namin. Bakante na ang upuan ni Aly dahil lumipat ito sa tabi ni Enzo. Naupo naman ako sa tabi ni Jahann.
“Are you okay?” tanong niya sa akin.
Tumango ako. Kinuha ko ang cellphone ko at may itinype doon.
Hindi ako possessive mula pagkabata. I used to share everything with Aly. But now… I can’t do that anymore. Lalo na kung si Jahann ang pinag-uusapan.
I gave him my phone. Kumunot ang noo niya bago inabot ang phone ko.
I looked away.
After a few seconds, ibinalik niya ang phone ko sa akin.
I want to hear you say those words. Damn, Creep. You never failed to surprise me.
On top of the message, there’s those three words I tpyed.
I love you.