“CAN we talk?”
Natigilan ako nang may humarang sa akin habang naglalakad ako papunta sa classroom. Nakabalik na kami sa Manila at resume na rin ng klase namin. As usual, tinanong kami ng mga magulang namin tungkol sa mga sugat nila Keij, Theon at Jahann. Inakala pa ni Mommy na nag-away ang tatlo. Hindi naman nila sinabi ang totoong dahilan kung bakit sila napaaway. Gaya ng sabi ni Kol, kung sasabihin nila ay kaming apat nila Aly, Lean at Ate Caryl ang mapapagalitan. Okay lang daw sa kanila na sila na lang.
Nilingon ko si Ian na nakatayo sa may harap ko. It’s been a while since I last saw him. Base sa nakikita ko, nabawasan ng timbang si Ian. Mukha rin itong stressed.
“What are you doing here?” luminga-linga ako. Wala naman siguro si Anika sa paligid. Isa pa’y hindi naman siguro makakapasok si Anika ng basta-basta rito.
“Anika’s not here, don’t worry…” tila nahulaan ni Ian ang iniisip ko nang luminga ako. Hindi naman ako sumagot. Nag-iingat lang naman ako.
“Can we talk, please?” tanong niyang muli sa akin. Huminga ako ng malalim. Nababasa ko naman ang mga messages sa akin ni Ian. Nagtetext siya, nag-iiwan ng mensahe sa facebook, maging sa twitter. Gusto niya akong makausap. Sinasabi niya rin na gusto niya ako, mahal niya ako.
“Ian, sa palagay ko’y mas mainam na huwag na tayong mag-usap.” Ayokong maging harsh sa kanya, pero alam ko rin naman na kailangan. Hindi makakabuti kay Anika, lalo pa’t nagdadalang-tao ito na malaman na kinakausap ako ni Ian. Buntis ang babaeng iyon at may pagka-bayolente. Ayokong may gawin na naman siyang makakasakit sa ibang tao at sa sarili niya.
“Please, Cherinna…” hinawakan ni Ian ang dalawang kamay ko dahilan para mapapitlag ako. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko ang pagsusumamo sa mga mata ni Ian. “Please?”
“Ian…” marahan kong binawi ang kamay ko sa kanya. “Just take care of Anika. Pati ng magiging anak niyong dalawa…” ngumiti ako sa kanya.
“But I love you…”
And I’m in love with someone else…
“Cherinna…”
Sabay kaming napalingon ni Ian nang tawagin ako ni Kol. Humakbang siya papalapit sa akin at tinignan si Ian. Wala naman itong sinabi kay Ian dahil lumingon siya kaagad sa akin. “What are you doing here? You’ll be late,” puna niya sa akin. Nilingon ko si Ian na tila nainis sa pagdating ni Kol.
“Sige, Ian…” paalam ko sa kanya bago humakbang papalayo. Tila hindi nakikita ni Kol si Ian dahil hindi na nito muling tinapunan ng tingin ang lalaki.
“Anong ginagawa ‘non, dito?” tanong ni Kol na sumunod pala sa akin. Nilingon ko naman siya. “He wants to talk to me…” I replied. Hinawakan ni Kol ang likod ng siko ko habang naglalakad kami nang may makasalubong kami na grupo ng mga estudyante na halos sakupin ang daan.
“Your boyfriend won’t like it,” mahinang sabi ni Kol sa akin. Siniko ko naman ito.
“What? I’m being honest, Cherinna,” kumunot ang noo niya sa akin. “Alam ko naman ‘yon. Hindi mo na kailangan ulitin sa akin,” I rolled my eyes. Narinig ko ang pagtawa ni Kol. Napailing naman ako.
“Sige na, ito na ‘yung room ko. Salamat,” ngumiti ako sa kanya bago pumasok sa loob ng classroom ko. Hindi pa kami nagkikita ni Jahann ngayon dahil nang dumating kami ni Aly ay wala pa ang sasakyan ni Jahann.
Naupo na ako at naupo sa tabi ko si Iris. “Seatmate na tayo since wala na si Ian dito,” ngumiti siya sa akin. Tinignan ko lang siya at tumango. “Oh my gosh, I’m sorry. Hindi ko dapat binabanggit si Ian, right? Sorry talaga. I know it’s hard to move on, but we’re always here for you, Cherinna…” ngumiti siyang muli sa akin bago inabot ang kamay ko.
Napangiti ako ng alanganin. “I’m fine, Iris…”
“You don’t have to pretend that you’re okay. We’re here. If you need a shoulder to cry on, we’re here…” hindi pa nakuntento si Iris at niyakap ako.
I just smiled a little. I feel the sincerity… but still, hindi naman naaalis sa akin ang katotohanang may gusto si Iris kay Jahann. Ayoko siyang ituring na kakumpetensiya dahil alam kong walang ganoon. Wala kami sa isang kompetisyon kung saan si Jahann ang premyo.
Maybe, I am threatened.
Threatened because of our situation.
Agad akong umiling ng marahan para palisin ang agam-agam sa isipan ko. I should not be that negative. Pinipilit ni Jahann na pagaanin ang pakiramdam ko sa sitwasyon namin, ayokong sayangin ang efforts niya, pero ang takot na nararamdaman ko, patuloy kong kinikimkim.
“Are you okay?” tanong ko kay Iris nang lumayo siya ng bahagya sa akin. Ngumiti siyang muli bago umiling. “I’m not. May girlfriend na si Jahann, eh…” tumawa siya ng pagak. “And until now, that girl’s still a mystery to all of us. Iniisip ko na baka nagbibiro lang si Jahann na may girlfriend siya para sumuko na ako, pero hindi naman ako ganoon, Che.” Sumandal si Iris at dumiretso ang tingin.
“Kung may girlfriend nga siya, fine,” nagkibit-balikat ito. “Girlfriend pa lang ‘yon. Hindi pa naman sila. May pag-asa pa ako…” sumulyap siya sa akin at ngumiti.
“Iris…”
“I’m not fine, but I will be. Hindi ko naman ginusto si Jahann para isuko ko na lang agad, eh.”
Hindi ako nakapagsalita. Huminga na lang ako ng malalim at saka sumandal. Ayokong isipin ang mangyayari kung magkakaalaman na. I don’t want to hurt them, lalo na si Mommy at Daddy. Pero mahal ko si Jahann.
Halos maghapon kaming magkasama ni Iris. Laking pasasalamat ko na lang din na hindi siya nagsasabi sa akin ng tungkol sa mga plano niya para mapansin siya ni Jahann.
Naabutan naming nakaupo sa may bench na nasa parking sina Lean. Naupo ako sa tabi niya nang tumayo si Enzo.
“Si Aly, didiretso daw sa Ai’s,” ani Lean sa akin. Tumango naman ako dito. Ang alam ko’y kailangan ni Aly magpunta doon dahil may pipirmahan pa ito.
“Sa Blue’s Haven tayo mamaya, ah?” aya ni Lean. Pasimpleng napailing na lang ako. Nagkayayaan lang naman na magpunta sa Blue’s Haven kahapon. Since Friday ngayon, umoo na lang silang lahat.
“Kevyn will be there,” kinikilig na sabi ni Lean sa akin.
“Crush na crush mo talaga, no?” natatawang sabi ko. Tumango-tango naman siya sa akin. “He’s really handsome, Che. Boyfriend material pa…” proud na sagot niya naman sa akin.
“How about his fans? Baka mamaya ibash ka nila, ha?” paalala ko sa kanya. Malimit namang ganoon sa mundong ginagalawan ni Kevyn. Higit lalo pa’t may kaloveteam ito. May mga fans na sobrang OA na ayaw na napapalapit sa iba ang idolo nito. Kung mapapalapit man ang idol nila sa iba, walang katapusang pambabash ang gagawin.
“We’re not doing anything wrong naman, Che. We’ll be fine,” ngumiti sa akin si Lean. Tumango na lang ako. Wala naman akong magagawa kung tutuusin.
Ilang sandali pa’y dumating na rin si Kol. Napakunot ang noo ko nang hindi nito kasama si Jahann.
“Anong oras ba mamaya?” tanong ni Keij kay Enzo. Nagkibit-balikat si Enzo.
“Sarap mong kausap,” inakbayan pa ito ni Keij bago nilingon si Lean. “Anong oras tayo mamaya?” tanong nito sa kakambal ni Enzo.
“7 pm? Nandoon naman na kami ng mas maaga,” sagot ni Lean kay Keij. Nilingon naman ni Keij si Theon. “Sunduin mo ako, ah?” utos nito kay Theon.
“Uuwi muna ako, matutulog ako…” ani Theon sa amin. “Sabay na ako sa’yo. Idaan mo ako sa amin,” habol ni Keij dito.
Napatingin ako kay Kol na nilalaro ang keychain nito. Nilingon niya rin ako. “Let’s go? I’ll drive you home…” aya ni Kol sa akin.
“Si…” agad kong natigilan bago ko pa masabi ang pangalan ni Jahann. “Sige…” tumayo na ako at kinuha ang bag ko.
“Ikaw, Iris?” tanong ko sa kanya habang nakatingin sa amin ni Kol. Umiling siya sa akin. “Pupunta pa ako sa Ai’s ngayon, eh. Kita na lang tayo mamaya,” ngumiti siya bago lumapit at bumeso sa akin. “Ingat kayo…” paalam niya sa amin.
“Ikaw din,” sagot ko sa kanya. Sabay din namang umalis si Enzo at Lean dahil dadaan pa ang mga ito kay Tita Cyan.
“Where’s Jahann?” tanong ko kay Kol nang makasakay ako sa sasakyan niya.
“Ai’s,” tipid na sagot niya sa akin.
Inayos ko na lang ang seatbelt ko at naupo ng maayos. Nabasa ko rin ang text ni Jahann sa akin. Pinatawag siya ni Daddy kaya naman kinailangan niyang magpunta ng Ai’s.
“Do you want to eat?” basag ni Kol sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nilingon ko naman siya. “Your treat?” pagbibiro ko. Hindi naman masama ang loob ko na hindi nagpakita si Jahann sa akin ngayon. Besides, magkausap lang kami kagabi.
“Kailan ba kita pinagbayad?” kunot-noong tanong niya sa akin.
“Ba’t ang sungit mo?” hindi ko mapigilang matawa. Kaya hindi talaga pwedeng magkakasama si Enzo, Kol at Jahann, eh.
Hindi naman sumagot si Kol sa akin. Nagdrive lang ito hanggang sa makarating kami sa isang fast food chain.
Magmemessage sana ako kay Jahann pero binura ko na lamang iyon at inilapag ang phone ko.
“What’s wrong?” agad na tanong ni Kol sa akin. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
Umiling ako. “Itetext ko sana si Jahann na magkasama tayo, eh. Kaso nandoon si Aly at si Iris. Baka mamaya, makita nila ‘yung message ko…” sabi ko bago dinampot ang burger na nasa mesa at kumagat doon.
Alam ko namang okay lang kay Jahann dahil si Kol naman ang kasama ko. Ayoko lang na mag-alala siya kung nasaan na ako dahil hindi ako nagsabi sa kanya. Hindi rin naman si Jahann ang tipo ng tao na inaalam ang lahat. Gaya ng sinabi niya sa akin, may tiwala siya sa akin.
“Ako na ang bahala kay Jahann. Just eat,” sabi ni Kol sa akin. Tumango na lang ako sa kanya at patuloy na kumain.
Hinatid niya ako sa bahay pagkatapos. Sinabihan din ako ni Kol na siya ang susundo sa akin mamaya para magpunta sa Blue’s Haven. Tumanggi na ako dahil pwede naman akong mag-cab na lang mamaya ngunit nagpumilit si Kol. Katwiran nito’y mas okay na sunduin niya ako para safe kaysa mag-cab. Hindi na lang ako nakipagtalo pa rito.
Agad naman akong dumiretso sa kwarto ko at nagpalit ng damit at nahiga sa kama. Mamaya pa naman ako susunduin ni Kol kaya maaari pa akong magpahinga. I checked my phone to see if there’s a message from Jahann. Wala akong nakitang galing sa kanya. Maybe he’s busy. Kung minsan naman ay ganoon talaga sa Ai’s. Hindi na nila nachecheck ang phone nila sa dami ng ginagawa nila.
Napagdesisyunan ko na lamang na umidlip na muna para mamaya. Alam ko naman na pupunta si Jahann sa Blue’s Haven. Sinabi rin iyon ni Kol sa akin kanina.
Bandang alas-siyete naman nang sunduin ako ni Kol sa bahay namin. Base sa message ni Aly sa akin na nabasa ko nang nagising ako, mauuna na siya sa Blue’s Haven at doon na lang kami magkita na dalawa. Gusto kong magtanong kung sabay na ba sila ni Jahann na magpupunta roon pero pinigil ko ang aking sarili.
“What’s with the long face?” asar ni Kol sa akin habang nasa biyahe kaming dalawa. Umiling ako. “Wala.” Sumandal ako at tumingin sa labas.
Hindi naman ako paranoid. May tiwala rin ako kay Jahann. Hindi rin naman ako clingy… pero bakit ngayon, gusto ko siyang tawagan nang tawagan para alamin kung nasaan siya at kung sino ba ang kasama niya?
Nilingon ko si Kol na nagmamaneho at nakatingin sa kalsada.
“He loves me, right?” tanong ko sa kanya. Nilingon niya naman ako at tila nabigla sa tanong ko. “What are you talking about?” tanong niya habang nakakunot ang noo.
“Si Jahann. Mahal niya ako, diba?” tanong ko ulit kay Kol.
Pinitik nito ang noo ko. “Kol!” pinanlakihan koi to ng mata bago tinakpan ang noo ko.
“What kind of question is that? Alam mo naman ang sagot, diba?” tila inis na sabi ni Kolb ago muling tumingin sa daan.
Pinuno ko ng hangin ang dibdib bago naupo muli ng maayos.
“Mahal ko rin siya…” mahinang sabi ko bago ipinilig ang ulo at tumingin sa labas. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa mga poste, ilaw, sign boards na nakikita ko hanggang sa makarating kami sa Blue’s Haven.
As usual, maraming tao ang naroon.
Pumasok na kami ni Kol at dumiretso sa VIP room na nakalaan para sa amin. Naabutan ko namang halos kumpleto na sila roon—maliban kay Jahann. Si Kuya Kiro at Ate Caryl ay nakita kong nasa may ibaba na.
“Hi, Cherinna,” bati ni Kevyn sa akin. Ngumiti ako ng tipid sa kanya. Hindi naman lingid sa kaalam ng lahat na magkaibigan si Ian at Kevyn. Hindi nakikialam si Kevyn sa nangyari sa amin ni Ian at nagpapasalamat ako sa bagay na iyon.
“Where’s Jahann?” tanong ni Kol kay Aly. Nilingon ko ito bago naupo sa tabi ni Keij. Inabutan ako ni Keij ng isang bote ng alak. Umiling naman ako. “Pinapahawak ko lang sa’yo,” natatawang sabi nito sa akin. Tinitigan ko naman siya ng masama.
“They’re on their way. Sabay na sila ni Iris. Hinatid niya pa kasi sa bahay nila si Iris tapos hinintay na rin para sabay silang pumunta dito,” sagot ni Aly kay Kol.
Napatuwid ang likod ko sa narinig.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Kol. Huminga ako ng malalim bago sumandal.
“Sa baba tayo,” aya ni Theon kay Keij. Tumayo naman si Keij at inaya ako pero tumanggi na ako. Sumama sa kanila si Lean, Enzo, Aly at Kevyn.
“Are you okay?” tanong ni Kol sa akin. Sinulyapan ko naman siya bago tumango. “Jahann is Jahann. Alam natin ‘yon,” ngumiti ako ng malungkot.
Halo-halo ang nararamdaman ko.
Nagseselos ako, gusto kong mainis, gusto kong magalit, pero nangingibabaw ang inggit.
Naiinggit ako kay Iris.
Naiinggit ako na malaya silang dalawa ni Jahann.
“Kumain na muna—Cherinna…” hinawakan ni Kol ang kamay ko nang abutin ko ang isang bote na nasa lamesa.
“Chill, Kol. I’m fine…” natatawang sabi ko sa kanya. “Besides, light lang ‘to. Hindi naman ako malalasing…” sabi ko sa kanya.
“Tss…” napailing siya habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya bago ininom ang laman ng bote.
“Cherinna, stop it. Hindi ‘yan tubig…” muling pinigilan ni Kol ang kamay ko. Hindi ko mapigilang matawa. “Panglima pa lang ‘to, ang OA mo, ah?” saway ko naman sa kanya. Hindi pa rin bumabalik ang mga kasama namin at dalawa lang kami ni Kol ang naroon sa loob.
Sabay kaming napatingin sa pinto nang bumukas iyon at iniluwa si Jahann. Agad na kumunot ang noo ni Jahann nang makita ako at ang hawak ko.
“Uminom ka?” agad na lumapit sa akin si Jahann at kinuha ang bote na hawak ko.
“I’m fine,” sabi ko naman sa kanya. “Wait, galit ako sa’yo. I don’t want to talk to you…” iniwas ko ang mukha sa kanya.
“Nakailang bote na siya?” narinig kong tanong ni Jahann kay Kol.
“Five,” tipid na sagot ni Kol sa kanya.
“Five? And you just watched her drink five bottles?” naramdaman ko ang inis sa boses ni Jahann.
“Duh, lima lang ‘yon, Jahann. I’m not even drunk!” I hissed. “Galit ako sa’yo, ayaw kitang kausap,” muling sabi ko sa kanya at tumalikod ako ng upo sa kanya.
“Creep…”
“I’ll go outside,” paalam ni Kol sa aming dalawa ni Jahann bago ito tumayo at lumabas ng kwarto.
Naramdaman ko ang kamay ni Jahann sa may bewang ko at pinapaharap ako. “Creep, look at me…”
“Ayoko,” iniwas ko ang tingin sa kanya.
“Creep…”
“Ayoko. If I look at you, I won’t be mad anymore, so I won’t look at you…” nakasimangot na sabi ko. Medyo nahihilo na ako kahit na nakakatatlong bote pa lang naman ako. Sadyang mababa ang tolerance ko pagdating sa alak. Idagdag pang hindi pa ako kumakain.
“I’m sorry…” mahinang sabi ni Jahann sa akin. “I wasn’t neglecting you, alright? But I was with Dad the whole afternoon…”
“Bakit hinatid mo si Iris? Sabay pa kayong nagpunta dito…” nakasimangot na tanong ko sa kanya.
“What? No. I was with Dad, alright? Hindi si Iris.”
Nilingon ko siya. “Are you telling the truth?” tanong ko sa kanya.
“There’s no reason for me to lie…” bulong niya sa akin.
Tumango ako sa kanya. “Okay. I’m not mad anymore,” sabi ko sa kanya bago akmang aayos ng upo nang kabigin ako ni Jahann at maramdaman ko ang labi niya sa mga labi ko.
I immediately closed my eyes and mimicked the movement of his lips.
I heard him moan.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang balikat ko. Tinignan ko naman siya. Ipinikit niya ang mga mata at saka huminga ng malalim. “That was supposed to be just a smack, Creep…” he breathed. I felt his warm breath on my cheeks. “Damn it.”
“Are you mad that I responded?” lumayo ako sa kanya at tinignan siya.
“Are you kidding me?” he laughed softly. Sinimangutan ko si Jahann. Hinawakan ni Jahann ang dalawang kamay ko at dinala iyon sa mga labi niya para halikan. “You have no idea how much I want to kiss you…” mahinang sabi niya sa akin.
“I’m your groom, remember?” he smiled at me. Kumunot ang noo ko sa kanya. “What are you talking about?” nanlalabo ang tingin na pinagmasdan ko ang mukha niya.
Naramdaman ko ang paghapit niya sa akin.
“You’re drunk, iuuwi na kita…” sa halip ay sabi niya sa akin.
“Wait, what groom are you talking about?” tanong kong muli sa kanya kahit na gusto ng pumikit ng mga mata ko.
“Let’s go home,” he replied. “Jahann what are you—“ natigilan ako nang idikit niyang muli ang labi sa mga labi ko.
“Iuuwi na kita…” ani Jahann sa akin. Hawak niya ako sa bewang nang lumabas kaming dalawa. Hindi ko sigurado kung sino ang nakasalubong namin kay Kol at Keij pero kinausap ito ni Jahann bago kami nakalabas ng bar. Hindi na rin ako nakapagpaalam kay Aly dahil umiikot na ang paningin ko.
“I’m not drunk,” sabi ko kay Jahann nang isuot nito sa akin ang seatbelt ko dahil hindi ko mapasok-pasok iyon.
“Yeah, right,” sarkastikong sagot naman niya.
Nilingon ko siya ng sumakay na siya sa sasakyan niya. “I love you…” mahinang sabi ko sa kanya. Sumandal ako habang nakatingin sa kanya.
“I love you, too…” hinawakan niya ang pisngi ko. “I don’t regret falling in love with you, Creep. And I’ll fight for us,” ngumiti siya sa akin.
I know you will and I hope, I’m stronger than you because I really love you, Jahann.
I don’t want to lose you.