POWER OF DESIRE Chapter 11

"SLEEP,alam kong pagod ka" si James nang ilapag nito ang pagod niyang katawan sa gitnan ng malambot nitong kama.

"Inubos mo ang lakas ko eh" si Aria na tumawa ng mahina saka hinila ang putting kumot.

"Here, isuot mo. Ipapalaba ko na muna iyong damit mo" anitong inalalayan siya sa pagbangon matapos iabot sa kanya ang t-shirt nito.

"You have a very nice and soft skin, alam mo ba iyon?" si James nang muli ay mahantad rito ang kahubaran niya.

"Ilang beses mo ng sinabi iyan" aniyang sinubukang isuot ang t-shirt pero inawat siya ng lalaki.

"I already marked you as mine, see?" anitong pinadaanan ng hintuturo nito ang maliliit na marka sa katawan at dibdib niya.

"J-James..." aniyang nag-iinit ang magkabilang pisngi dahil sa ginawing iyon ng binata.

Umangat ang sulok ng labi ni James saka siya hinalikan. "Gusto mo bang kumain?" pagkuwan ay tanong nito.

Ngumiti siya matapos isuot ang damit."Wala akong panty," ang natatawang sagot niya.

Umiling ng magkakasunod ang binata saka kinurot ang tungki ng kanyang ilong. "Brief ko gusto mo?"

Sandaling nag-isip si Aria saka nagsalita. "Pwede na kaysa wala."

Nagkibit ng balikat nito ang binata. " Kung ako ang tatanungin mo, I prefer you naked lying in my bed" anito sa nang-aakit na tono.

Marahas na napasinghap si Aria. "Pwede ba," hindi na niya natapos ang iba pang gustong sabihin dahil pinutol na iyon ng binata.

"Magpahinga ka na, ako na ang maghahatid sa'yo pauwi anitong kumuha ng brief sa chest of drawer saka inihagis sa kanya."

Natitigilang sinundan lang ni Aria ang binata na nagsabing ipapalaba ang nabasang mga damit niya. Pagkatapos ay nahiga at nagkakasunod na nagbuntong hininga.

Nandito siya kasi alam niyang hindi lang iyon dahil sa trabaho. Dahil katulad ni James, mukhang hinahanap, hanap narin niya ang binata. 

NANG makabalik ay dala na ni James ang malinis na damit ng dalaga. Inabutan niya si Aria sa kwarto niya na noon ay mahimbing nang natutulog. Ibinaba niya sa accent chair ang dala saka maingat na naupo sa gilid ng kama.

Tahimik niyang pinakatitigan ang magandang mukha ni Aria. Mabilis na nagbalik sa isipan niya ang mainit na sandaling pinagsaluhan nila kanina. Kasabay niyon ang matinding epekto na naman ng isiping iyon sa pagkalalaki niya.

Parang tukso ang mga labi nitong gustong-gusto niyang halikan. Pero ayaw niya itong magising kaya nagpigil siya. Lumabas siya ng kwarto saka isinara ang pintuan. Sa sala siya nag-stay at doon nanood ng TV.

Pasado alas kuwatro nang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto. "Gising kana pala" aniyang hindi napiilang suyurin ng tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa.

Hindi niya maintindihan pero habang tinititigan niya itong suot ang sariling damit niya, parang may kung anong mainit na damdamin at paghahangad na namang naramdaman siya gayong napaka-simple lang naman ng ayos nito kung tutuusin.

"Iyong damit ko?" ang bungad nitong tanong.

"Accent chair" sagot niya. "gusto mo bang kumain muna? Ako na ang maghahatid sa'yo pauwi" aniya kahit alam niyang sinabi na niya iyon kanina sa dalaga.

"Okay lang naman kahit huwag na, maaga pa naman" sagot ng dalaga sa kanya.

Umiling siya ng magkakasunod. "Gusto ko ring makilala ang pamilya mo" nasa tono ni James ang pinalidad kaya marahil natigilan doon ang dalaga.

"ANO?" ang hindi makapaniwalang tanong ni Aria sa binata.

Nagkibit ng balikat nito si James. Bumangon at saka binuksan ang ref at naglabas ng malamig na tubig. "Bakit masama ba?" ang tanong nito.

Nagtatanong ang mga matang pinakatitigan niya ang binata. "Para saan?" ang tanging naitanong niya.

"Gusto ko" anitong nilapitan siya saka dinampian ng simpleng halik sa labi. "sige na, para makalakad na tayo" anito pa pagkatapos.

Walang nagawang tahimik na nagbihis lang si Aria. Malisyoso pa ang ngiting pumunit sa mga labi ni James nang itulak niya pasara ang pinto. "Nasaan na si Mang Damian?" ang naitanong niya nang nasa parking na sila ng gusali.

"Pinauwi ko na muna. Kailangan din niya ng pahinga" anito sa kanya.

Tumango-tango lang si Aria sa sinabing iyon ng amo. Hindi sila na-traffic ng binata dahil gumamit ito ng Wase. Kaya naman wala pang isang oras ay narating na nila ang kanila. "Pasok ka muna, sir James?" tukso niya rito.

Nagsalubong ang mga kilay ng binata. "Hey" protesta nito.

Natawa doon si Aria. "Ano, eh ang usapan kapag tayong dalawa lang hindi ba? Saka magtataka ang nanay at tatay ko pag nag-first name basis ako sa'yo" paliwanag niya.

"Okay" ang binatang nangingiti siya kinindatan. "pasalamat ka, kasi kung hindi, mabibinyagan mo itong kotse ko" dugtong pa ng binata.

Napasinghap siya. "S-Seryoso?"

Umangat ang sulok ng mga labi ng binata. "Heavy tinted ito,walang makakakita" ang makahulugan nitong sagot.

Mabilis na naglikot ang imahinasyon ni Aria sa sinabing iyon ng binata. Kaya naman hindi na siya nagtaka nang maramdaman niya ang matinding pag-iinit ng buo niyang mukha.

"T-Tara na nga, kung anu-ano ang sinasabi mo" nang mahimasmasan ay nagpatiuna na siyang bumaba ng kotse.

Sa kabahayan ay nagulat pa siya nang makitang may naghihintay pala sa kanyang kung sino. "Anong ginagawa mo dito, Norman?" ang galit niyang bungad kay Norman.

"Gusto sana kitang makausap" anitong tumayo pero mabilis na natigilan nang kasunod niyang pumasok ng kabahayan si James. "at sino naman ang isang ito?" ang galit nitong tanong saka madilim na tinitigan ang binata.

"B-Boss ko! Saka ano bang pakealam mo? Umalis kana nga! Break na tayo hindi ba?" ang irita niyang taboy sa lalaki saka ito mabilis na tinalikuran.

Nagpakawala ng buntong hininga si Norman saka matiim na sinulyapan si James na nakamata lang. "Mahal kita" ang maikli nitong sabi sa nag-uulap na mga mata.

MABILIS na nakaramdam ng hindi maipaliwanag na inis si James nang makita niyang mabili na nagbago ang emosyon sa mga mata ni Aria gawa ng sinabing iyon ng lalaking tinawag nito kanina sa pangalang Norman.

"P-Please, gusto ko ng mag-move on" nabasag ang tinig ni Aria doon at lalong nagsalubong ang mga kilay ni James.

"Hindi mo kailangang gawin iyon, kasi mahal na mahal parin kita" giit ni Norman na ginagap pa ang palad ng dalaga.

"Bitiwan mo ako" ang galit na protesta ng dalaga sa mahina pero mariing boses.

"Sino bang pinagmamalaki mo? Itong boss mo?" ang lalaking dinuro siya.

Naramdaman ni James ang matinding galit dahil doon. Pero kahit sabihing babaero siya, hindi naman siya bastos at mahilig gumawa ng gulo sa bahay ng may bahay kaya pilit niyang kinalma ang sarili.

"Tumigil ka! Walang kinalaman si sir James dito. Umalis kana! Hindi na kita gustong makita kahit kailan!" ang galit na galit sagot ni Aria. Dahilan kaya napalabas ang sa tingin niya'y mga magulang ng dalaga.

"Anong nangyayari dito?" ang lalaking napansin niyang kamukhang-kamukha ni Aria.

"Pasensya na po Tito..." hindi na pinatapos ginoo ang iba pang gustong sabihin ni Norman.

"Nakiusap ka, pinagbigyan ka namin ng asawa ko. Pero kung ganitong gumagawa ka ng gulo, mas magadang umalis kana, kundi iba-baranggay kita" anito sa mahinahon pero galit na tono.

"Pero Tito..."

"Umalis kana" sagot ulit ng lalaki.

"Pasensya na po sir" nang makaalis si Norman ay naiiyak siyang hinarap ni Aria.

Pilit ang ngiting pumunit sa mga labi niya nang makita ang pamumuo ng mga luha ng dalaga. Pakiramdam niya ay gusto niyang habulin si Norman para bugbugin. "It's okay" sagot niya.

"Oo nga pala sir, nanay at tatay ko po" pagpapakilala ni Aria sa kanya sa mga magulang nito. "nay, tay, si sir James. Boss ko" pagpapatuloy nito.

"Naku papasukin mo, nakakahiya naman at nandiyan siya sa may pinto" ang ina ni Aria na ipinakilala sa kanya ng dalaga sa pangalang Cita.

"Kumusta po kayo?" ang binatang kinamayan ang mga magulang ni Aria na malungod namang tinanggap ng mga ito.

HINDI maunawaan ng dalaga ang saying nararamdaman niya habang pinagmamasdan ang mga magulang niyang masayang nakikipagkwentuhan kay James. Mabuti nalang at pabulong nang itanong ng mga ito sa kanya ang tungkol doon. Lalo na ang nanay niyang inalok pang sa bahay nila na maghapunan ang binata na tinanggihan naman nito gawa ng ine-expect raw ito ng ama nito for dinner. Ang mga kapatid niyang sina Anya at Alex ay napagkamalan pang bago niyang nobyo ang binata kaya hindi iyon narinig ni James.

"Salamat sa paghatid" nang ihatid niya nang ihatid niya ito sa labasan.

Tumango ito. "See you tomorrow, sa condo ko" anito.

Nagsalubong ang mga kilay ni Aria. "W-What? Akala ko sabay kayong maghahapunan ng Papa mo?"

"Yeah, dadaan ako doon for dinner tapos aalis din. May pupuntahan tayong importante bukas kaya huwag kang mali-late" bilin nito.

"P-Pwede kong malaman kung saan?" tanong niya.

Nangalatak ang binata. "Malalaman mo bukas," pagkasabi noon ay sumakay na ito ng kotse saka nagmaneho palayo.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.