At dahil nga misis ang pagpapakilala kay Aria ni James. Hindi na kinailangan pa ng dalaga na mamuhay sa naunang set up na napag-usapan nila ng binata. Ngayon ay normal na parang totoong may- bahay nga ang trato sa kanya ni James.
At masasabi niyang sa kabila ng katotohanang nalalaman niya, may mga pagkakataong nakakalimutan niya iyon. Kung minsan mas nararamdaman niya na totoo sa kalooban ni James ang lahat ng affection at concern na ipinapakita nito sa kanya.
Matapos ang pagbisita nilang iyon sa ama ni James ay nagsimula naring pumasok muli sa trabaho ang binata.
Ang totoo hindi pa naman talaga nito gustong gawin iyon. Siya lang ang nagpumilit gawa ng maramung trabaho nang naiwan sa opisina ang binata.
Sa gabi umuuwi sa kanya si James sa San Benjamin. Hindi niya alam kung bakit pero palagi, nakaugalian na niya ang maupo sa terrace ng bahay para doon maghintay.
"I'm home," ang binata nang salubungin niya ito.
Humaplos sa puso ni Aria ang ngiting iyon kaya awtomatiko siyang mahigpit na yumakap kay James saka walang anumang salitang nanatili lang sa ganoong ayos.
"Masarap pala sa pakiramdam na may misis kang naghihintay ng pag-uwi mo," bulong ni James saka hinalikan ang kanyang ulo.
Ngumiti si Aria saka inilayo ang sarili sa binata. "Nakapagluto na ako, kain na tayo?" aniya.
Tumango-tango si James saka pagkatapos ay inilabas mula sa likuran nito ang hawak na single rose.
Takang pinaglipat-lipat ni Aria ang paningin kay James at sa hawak nito. "P-Para saan?"
Nagkibit ng mga balikat ang binata. "Wala lang, gusto ko lang," anitong pinakatitigan siya habang nangingislap ang mga mata.
Nahihiyang napayuko si Aria. "First time," aniya napakagat labi pa pagkatapos.
Ngumiti lang si James habang nanatiling nakatitig sa kanya. "I told you to expect the best things and surprises from me, hindi ba?"
"Oo nga naman,sir," aniyang napahagikhik pagkatapos. "kain na tayo?"
Noon siya inakabayan ni James papasok ng kabahayan. " Gutom na nga ako eh, ikaw ba ang nagluto?"
"Syempre naman, caldereta, paborito mo," sagot niya saka sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.
"Minsan gusto kong isipin na kaya mo na nga akong basahin kasi alam na alam mo kung ano ang gusto ko," si James na nakaupo na sa kabisera ng hapag.
"Parang ikaw lang," sagot ni Aria saka sinimulang isikasuhin ang binata. "hindi mo na kailangang magsalita, kasi nasasabi na sa akin ng mga mata mo, kung ano ang talagang gusto mo," pagsasabi ng totoo ni Aria.
MAINIT na damdamin ang humaplos sa puso ni James sa sinabing iyon ng dalaga.
"Masaya ka ba dito kasama ako?" hindi alam ni James kung bakit niya naitanong iyon. Ang alam lang niya, gusto niyang marinig ang sagot ng dalaga.
Noon kumilos ang isang kamay ng dalaga sakq masuyong hinaplos ang pisngi niya.
"Oo naman, masayang-masaya," anitong nangingislap ang mga mata sa kislap.
Hinawakan ni James ang kamay ni Aria na nasa mukha niya saka iyon inilapit sa kanyang mga labi at hinalikan. "Ako rin, nasanay na nga akong nandito ka. Nasanay na akong nakikita ka, nasanay na akong kasama ka palagi," aniya habang matamang nakatitig sa mukha ni Aria.
Pagkatapos kumain ay sa bar counter ng bahay niya nagtuloy si James. Habang si Aria ay nauna ng umakyat para matulog.
Sa pagkakaisip sa pangalan ng dalaga ay agad na napangiti ang binata. Pagkatapos ay dinala niya sa bibig ang hawak na baso saka sumimsim ng alak.
Anong nangyayari sa'kin? Anong ginawa mo?
Ang tanong na matagal naring naglalaro sa isipan ng binata mula nang unang beses na may mangyari sa kanila.
Aminado siya na sa lahat ng babaeng nagdaan sa buhay niya, si Aria ang pinaka-maganda kung pisikal na kaanyuan lang ang gagawin niyang basehan. Ito ang pinaka mabait, pinaka malambing, at higit sa lahat, ito ang nag iisang babaeng hindi naghabol sa kanya.
During sex ugali na niya ang gumamit ng condom. Pero kay Aria, kahit noon pa mang una, palagi ay nakakalimutan niya ang bagay na iyon. Hindi niya tiyak kung dahil ba iyon sa matinding desire na nararamdaman niya para rito pero iyon ang dahilan na nakikita niya.
Ayaw niyang isipin na baka nagkakaroon na siya ng feelings para sa dalaga. Hindi niya cup of tea ang wedding, ang pagpapatali sa isang babae habang buhay, pero bakit nagawa niyang hingin ang kamay ng dalaga sa ina nito mismo?
Naguguluhan niyang tinungga ang lamang alak ng kopita saka na umakyat para matulog.
Sa kwarto niya nabungaran ng binata ang magandang mukha na nakahiga sa gitna ng kanyang kama.
Nilapitan niya ito saka pinanood sa tahimik na pagkakahimbing. Saka siya napangiti ng wala sa loob habang nakatitig sa magaganda nitong mga labi.
"Angel's lips," anas niya saka ginagap ang kamay nito. Inilagay niya iyon sa ibabbaw ng kanyang bukas na palad. "masyadong maliit ang kamay mi kumpara sa kamay ko," aniyang tumawa ng mahina.
Sa bulsa niya noon dinukot ni James ang isang maliit na kahon. Binuksan niya iyon saka nakangiting tinitigan ang isang magandang gold bracelet.
Regalo niya iyon sa dalaga bukod sa single rose na ibinigay niya rito kanina at ngayon ay nasa vase na at nakapatong sa bed side table ng kama.
"Gusto kong makita mo ito agad bukas, Love," aniya habang isinusuot sa natutulog nang si Aria ang alahas.
"J-James?"
Nakatayo na siya nang marinig ng binata ang boses na iyon. "H-Hey I'm sorry kung nagising kita, Love," aniya rito.
Ngumiti lang si Aria na magsasalita pa sana pero natigilan nang makita ang bagay na nakasuot sa braso niya.
"Wow, ang ganda nito James," ang humahangang naisitaInig nito.
"Naisip ko lang kasi na sa'yo lang babagay iyan," compliment ng binata. "tama nga ako," dugtong pa nito.
"Thank you," aniyang bumangon saka inabot ang binata na niyuko naman siya para sa isang maalab na halik. "parang hindi pa natin nasubukan dito," ang tinutukoy niya ay ang malaking kama ng binata.
Tumawa si James. "We'll get there soon," anitong mabilis siyang binuhay habang mariing hinahalikan. "But for tonight, I want to taste every secret part of your body right here," saka siya nito ibinaba sa kulay itim nito leather sectional.
Nang maramdaman ni Aria ang mabilis na pagpasok ng daliri ni James sa bukana niya ay napaigtad ang dalaga. Gusto sana niyang magpakawala ng isang masarap na ungol pero bigo siya dahil hindi parin bumibitiw si James sa pagkakahalik sa kanya.
"You want more?" tanong sa kanya ni James nang pakawalan nito ang mga niya.
"Yes, I want more," pagkasabi niyon ay siya na mismo ang kumabig sa batok ni James saka humalik rito ng mariin.