REDEEMING JAMES (Filipino) Chapter 15

NANGINIG ang mga tuhod ni Sasha at napakapit sa magkabilang tagiliran ni James kasi para siyang nalulunod at kinukuryente ng halik nito. At nang kagatin nito ang ibabang labi niya at pinaraan ang dila roon pagkatapos ay muntik na siya mapaungol. Muntik na rin niya hindi mapigilan ang sariling tumugon at makipaglaban ng halik. Pero effective siguro talaga ang pagdidisiplina at panenermon ng kanyang ama mula pagkabata niya. Kahit kasi para siyang sinisilaban sa attraction na nararamdaman para kay James, aware pa rin siya na maraming tao sa paligid. She was aware that she needs to be in her best behavior or people might talk bad about her and her family.

Kaya inilapat ni Sasha ang mga palad sa dibdib ni James at bahagya itong itinulak palayo. His body is too strong and too hard that he didn’t even budge. Pero tumigil agad ito sa paghalik sa kaniya at inalis ang kamay sa batok niya.

“Why did you kiss me? You don’t even like me,” pabulong pero marahas na sabi niya.

Ngumiti si James pero lalo lang siya nabahala kasi may kakaibang kislap ang mga mata nito. Na para bang may masamang plano na tumatakbo sa isip nito. Na para bang pinaglalaruan siya nito.

“Sasha, is everything okay?”

Napaderetso siya ng tayo, nanlaki ang mga mata at parang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang boses ni Hosea. Marahas na napalingon siya. Nakatayo na pala malapit sa kanila ang bestfriend niya at si Pearl. Uminit ang mukha ni Sasha nang mapansin ang makahulugang tingin ng babae.

Humakbang siya palayo kay James, thankful na hindi na masyadong makirot ang natapilok niyang paa kanina. Naka panic mode ang utak niya pero pinilit niyang huwag iyon ipahalata. Dumeretso siya ng tayo, pumihit paharap sa dalawang at ngumiti na para bang hindi siya nahuli ng mga itong nakikipaghalikan sa dilim.

“Everything is fine. I just met someone I know,” kaswal na paliwanag ni Sasha na kay Pearl nakatingin. Hindi kasi niya kayang salubungin ng tingin ang mga mata ni Hosea. His voice awhile ago didn’t sound angry or disgusted, just curious. Kaya mas natatakot siyang makumpirma na talagang wala lang dito na makita siyang may kasamang lalaki.

“Really? Magkakilala kayo ni James Salgado, Sasha?” manghang tanong ni Pearl. Napakurap siya at saka lang napansin ang pagkamangha at… inggit sa mukha ng babae. Ang weird kasi hindi ba bisita nito ang lalaki? Bakit kung umakto ito parang hindi close ang mga ito?

Napasulyap tuloy siya sa katabi niya na hindi tuminag sa pagkakatayo at pagkakatitig sa mukha niya. Na para bang hindi ito interesado sa mga bagong dating. Tumaas ang kilay ni James, halatang hinihintay ang isasagot niya. Naningkit ang mga mata ni Sasha bago ibinalik ang tingin kay Pearl. “Not really. But we’ve met before.”

“Where?” biglang tanong ni Hosea, may kakaiba sa tono. Napilitan na tuloy siyang tingnan sa mga mata ang matalik na kaibigan. She was caught off guard when she saw the alarmed and worried look in his eyes. Napansin din niyang naging tensiyonado ang kaibigan niya. Parang nalaglag ang puso niya sa sahig nang marealize na kilala din nito si James. At nang magtama ang mga paningin nila naintindihan niya agad ang tahimik na sinasabi nito, Get away from him, Sasha. That man is dangerous.

Oh, Hosea. Alam ko. Unang beses pa lang kami nagkita alam ko na ‘yan. Pero bago pa makapagsalita o makakilos man lang si Sasha ay may tumawag sa pangalan ni Pearl, mukhang bagong dating na namang bisita. Lumampas sa kanila ni James ang tingin ng birthday celebrant, sandaling halatang nahirapan kilalanin ang tumawag dahil sa dilim. Umaliwalas ang mukha nito nang makalapit sa kanila ang dalawang babae at nakipagyakapan at beso kay Pearl.

Sinulyapan ni Sasha si James at nagtama ang kailang mga paningin. Mukha pa rin itong hindi interesado sa mga taong nasa harapan nila. She leaned to him a little so she can whisper, “Hindi ka pa aalis?”

Tumaas ang mga kilay ni James at biglang yumuko kaya halos magdikit na naman ang mga labi nila at bumulong, “Not yet.”

Kumunot ang noo ni Sasha, inis itong tiningnan at saka humakbang uli paatras. Nafu-frustrate siya na hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Ang sigurado lang niya hindi makakabuti sa kaniya na maging sentro ng interes nito. Nakapagdesisyon na siyang magpapaalam kina Pearl at Hosea na mauuna na siya umalis pero natigilan siya nang makitang nakatingin na rin sa kaniya ang dalawang babae na kaibigan ni Pearl. Natigilan siya nang mapansin ang rekognisyon sa mukha ng isa.

“You’re Sasha Dela Torre, right? Kaibigan ni mommy ang mama mo. She often visits your mansion for the dinner parties. In fact nandoon siya ngayon sa inyo kasi inimbitahan siya ni tita Vivian.”

Nanlamig si Sasha at kahit nakontrol niya ang facial expression niya ay hindi pa rin niya napigilan ma-tense nang banggitin nito ang kanyang ina. Tipid na ngumiti siya. “I see.” Kasi ano pa ba ang puwede niyang sabihin? Na malamang tumitirik na ang mga mata at napapaos sa kakasigaw ang nanay nito ngayon dahil may kaulayaw na lalaki? Kasi iyon naman talaga ang nangyayari sa mga dinner party na inoorganisa ni Vivian Dela Torre mula pa noon.

“Hindi mo ako natatandaan? Sumama ako kay mommy noong huling gabi ng lamay ng papa mo….” Biglang nagbago ang facial expression ng babae na para bang ngayon lang may narealize. “But I feel bad for Senator Dela Torre. Kailan lang siya namatay pero pareho nang nagpa-party ang asawa at anak niya.”

Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ni Sasha kahit pa naramdaman niyang naging tensiyonado at mabigat ang hangin na nakapalibot sa grupo nila. Ramdam din niya ang intense na titig ni James sa kaniya. She hates the fact that he was seeing and hearing everything.

“Salamat sa concern mo,” polite na sagot niya. Kasi iyon ang turo ng tatay niya simula noong maliit siya. Kahit ano pang ibato sa kaniya na mga salita o kahit pisikal pa siyang saktan, kailangan niya ngumiti at maging civil. Kasi kaunting pagkakamali, kaunting pagpapakita ng galit o iritasyon ay magiging mantsa raw sa reputasyon ng pamilya nila. Sinunod niya ang papa niya kasi sa isip niya, tama na ang mantsa na iniiwan ng kanyang ina sa reputasyon nila. Ayaw na niya dumagdag pa.

Halatang na disorient ang babae kaya nginitian pa niya ito. Pagkatapos nilingon niya si Hosea na nakakunot ang noo at parang balak pagsabihan ang babae. “Hinahanap ko nga pala kayo kasi magpapaalam na ako.”

“Then let’s go,” mabilis na sagot ng bestfriend niya.

“Pero ang aga pa,” reklamo ni Pearl na mahigpit na kumapit sa braso ni Hosea. “You promised you will spend my birthday with me.”

May bumikig sa lalamunan ni Sasha nang makitang nagdalawang isip ang bestfriend niya. Napakurap siya at napaigtad nang biglang hawakan ni James ang siko niya. “Let’s go.”

Gulat na napalingon siya sa lalaki. Naramdaman din niyang napunta rito ang tingin ng mga kasama nila. “Go where?” nagtatakang tanong niya.

“Somewhere we can fuck each other without anyone disturbing us,” ni hindi kumukurap na sagot ni James.

Napanganga si Sasha habang narinig naman niya ang marahas na singhap hindi lang ng mga nasa grupo nila kung hindi maging ng ibang mga tao sa paligid na kanina pa yata nakikinig sa usaspan nila sa kabila ng malakas na tugtog.

“What is wrong with you?” manghang usal niya bago pa niya napigilan ang sarili.

Umangat ang gilid ng mga labi ni James na para bang natuwa itong nagpakita siya ng inis. Humigpit ang hawak nito sa siko niya. “Go with me.” Demanding ang boses nito, isa sa mga nakakapag-pairita kay Sasha. Pero sa gilid ng mga mata niya nakikita niya si Hosea at si Pearl na nakakapit pa rin sa braso nito.

Ayaw niya sana pero nakaramdam siya ng inis na sinama pa siya roon ng lalaki pero iba naman pala talaga ang ipinunta nito roon. He was supposed to comfort her and to talk to her. Pero hayun at may ibang nakakapit sa braso nito. May namuong pagrerebelde sa dibdib niya at siguro nakita ni James iyon sa kanyang mga mata kasi nagbago ang paraan ng pagtitig nito sa kaniya. “Okay. Let’s go,” sagot niya.

“Sasha!” reklamo ni Hosea.

Ilang segundong nagtama ang mga paningin nila ni James bago niya nilingon ang matalik na kaibigan at nginitian ito. “I’ll call you later.” Hindi na niya hinintay magsalita uli ang kaibigan niya. Mabilis siyang nagpaalam kay Pearl at binati uli ito ng ‘happy birthday’ bago tumalikod. Sandali pa naglalakad na sila ni James paalis sa party. Halos mabutas na ang likod ni Sasha sa mga tingin na nararamdaman niyang nakasunod sa kanila pero hindi sila lumingon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.