REDEEMING JAMES (Filipino) Chapter 40

Hinaplos ni Sasha ang buhok nito at hinalikan ang tuktok ng ulo sa masuyong paraan na ikinagulat niya mismo. Sandaling nag-alala siya na baka napansin nito iyon at biglang mag back off na naman.

But he surprised her when his arms tightened around her waist and he began to thrust upwards in a rough and hard manner, getting her closer and closer to the edge. “James, oh my God,” ungol niya nang marating niya ang rurok. Nanginig ang buo niyang katawan at hindi na niya napigilan ang halos pasigaw na ungol.

“Sasha, fuck,” James cursed as he buried his face on her neck. His arms grew tighter around her waist to the point that it was hard for her to breathe but she didn’t care because she felt him thrusting inside her uncontrollably, his climax hitting him as hard as it did her. She rides him through his orgasm, feeling the spasms as he empties into the condom.

Mayamaya pareho nang nanlambot ang mga katawan nila. Huminga ng malalim si Sasha at isinubsob ang noo sa balikat ni James. Unti-unti na kumakalma ang paghinga nila nang maramdaman ni Sasha ang magaan na dampi ng mga labi nito sa bandang balikat niya. Hindi niya alam kung bakit pero biglang may bumara sa lalamunan niya at uminit ang gilid ng mga mata niya sa gesture na iyon na baka nga hindi naman big deal para rito.

Natakot siya sa naging reaksiyon niya kaya dahan-dahan siyang kumilos, inangat ang sarili mula sa kandungan ni James at pumuwesto sa passenger’s seat. Nilingon siya ng binata na tumaas ang mga kilay, tahimik na nagtatanong. Kaswal na ngumiti si Sasha kahit sa totoo lang litong lito siya sa nararamdaman niya. “Now I know car sex feels amazing,” pabirong sabi niya.

Mahinang natawa si James. “I’m glad you enjoyed it.”

Sandali silang nagkatinginan lang at parehong may tipid na ngiti sa mga labi. Kaso mayamaya pareho rin silang nailang sa bagong atmosphere na iyon sa pagitan nila. Tumikhim si Sasha. “Well, we should go na bago pa tayo mahuli ng security.”

James smirked as he fixed his car seat. Binuksan nito ang compartment, kumuha ng tissue at inabot sa kaniya. Kaswal iyong inabot ni Sasha, pilit pinigilan ang sariling ma-touch sa gesture nito. Sandali pa tahimik at abala na sila sa paglilinis ng kani-kanilang katawan. Pagkatapos hinintay siya ng binata na matapos magbihis bago nito binuhay ang makina ng kotse. “Ihahatid na kita pauwi.”

Tumango si Sasha. “Thank you.”

Tinaasan lang siya ng mga kilay ni James bago tuluyang pinaandar ang sasakyan.

MAY MGA TAO sa loob ng ground floor lobby ng condominium building ni Sasha nang huminto ang sasakyan ni James sa tapat niyon kaya hindi na niya ito pinalabas. Hindi na rin naman ito namilit na ihatid siya hanggang sa loob kaya pagkatapos ng awkward na pamamaalam ay bumaba na siya ng kotse nito. Hindi pa siya nakakapasok sa loob ng building humarurot na ito palayo. Napahinto tuloy siya at napasunod ng tingin sa alikabok na iniwan nito. May pangungulila siyang nakapa sa puso niya na ikinagulat niya. Marahas siyang umiling, tumalikod na at tuluyang pumasok sa gusali.

Pagdating ni Sasha sa condo unit niya saka lang niya kinuha sa clutch bag ang cellphone na sa totoo lang buong biyahe niya nararamdamang nag ba-vibrate. Marami siyang missed call mula sa dalawang numero. Ang isa si Hosea at ang isa ay unregistered number pero alam niya kung sino ang nagmamay-ari. Bigla sumama agad ang mood niya lalo na nang bigla na naman mag call ang numero na iyon na agad niyang ikinancel. Pagkatapos tinawagan niya ang abogado niya.

“Tito Robert, may alam ka po ba kung bakit tawag na naman ng tawag sa akin si mama?” Isang marahas na buntong hininga pa lang ng matandang abogado nanlamig na si Sasha. “Did she get in trouble again? Naubos na ba niya ang mana niya?”

“I guess malapit na, Sasha. Lately kinukulit ako ng mga abogado niya dahil gusto raw i-contest ang testamento. Pero wala silang makitang butas at sigurado akong alam ng mama mo at ng mga abogado niya na isa lang ang paraan para mapunta sa kaniya ang lahat ng naiwang kayamanan ng papa mo.”

Humigpit ang hawak niya sa cellphone at mariing tumiim ang mga labi bago nagsalita, “They are waiting for me to fail. Iyon na lang ang pag-asa niyang makuha lahat ng mana. Pero hindi ko hahayaang mabigo akong tuparin ang nakalagay sa testamento, tito. I will not let her get everything.”

“I know, Sasha. I also know how you’ve been working hard for the past two years. At susuportahan kita kahit na anong mangyari. Pero gusto kong maging maingat at alerto ka rin. Sinasabi ko ito sa ’yo hindi bilang abogado kung hindi bilang matalik na kaibigan ng papa mo at pangalawang ama mo na rin. Vivian can do anything when she wants to get something. Nakakaalarma na sinusubukan ka niyang kontakin.”

“Alam ko tito. I will be more careful,” sabi ni Sasha. Sandali pa sila nag-usap bago niya tinapos ang tawag.

Ilang minutong napatitig lang siya sa kawalan bago ibinalik ang tingin sa screen ng cellphone niya. Natutok ang pansin niya sa mga pangalan ni Hosea sa missed calls list niya. Sa totoo lang mula nang sabihin nito sa kaniyang magpapakasal na ito ay hindi na niya sinasagot ang messages at calls nito. Sigurado na wi-weirdohan na sa kaniya ang binata at alam ni Sasha na hindi niya puwede patagalin ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa. Hindi niya ito puwede iwasan ng matagal.

Sumalampak ng upo sa sofa si Sasha, paulit-ulit na huminga ng malalim at saka tinawagan si Hosea. Ilang ring lang sumagot na agad ang bestfriend niya.

“Sasha.”

Nakonsiyensiya siya nang marinig ang magkahalong worry at relief sa boses ng lalaki. Pasimple siyang huminga ng malalim at pinilit ngumiti kahit hindi naman siya nito nakikita. “Hey. Sorry ngayon lang kita natawagan. Sobrang busy kasi ako sa kampanya,” pagsisinungaling niya.

“It’s okay. Alam ko na siguradong hectic ang schedule mo lately. Lalo na at dalawang buwan na lang eleksyon na. I’m sorry if I asked you to help me tell my parents about my fiancée. Hindi ko na dapat dinagdag sa iniisip mo ang tungkol doon. Ako na ang bahala roon. Pero Sasha… I really want you to meet her. Gusto ko ikaw sa mga kaibigan ko ang unang makakilala sa kaniya.”

“Okay,” sagot ni Sasha. Nagulat siya sa sarili at mukhang ganoon din si Hosea kasi napasinghap lang ito sa kabilang linya at hindi agad sumagot. Hindi niya inaasahan na magiging madali para sa kaniyang pumayag. Narealize din niya na mas kalmado ang puso niya ngayon, hindi katulad noong una nitong sabihin sa kaniya ang tungkol sa plano nitong pagpapakasal. Unti-unti na bang nababawasan ang attachment bordering to obsession niya para kay Hosea? Posible ba talagang mangyari sa loob lang ng halos dalawang linggo ang isang bagay na lampas isang dekada na niyang sinusubukan gawin?

“Great. Sabihin mo sa akin kung kailan ka libre. Kami ang mag a-adjust sa schedule mo kasi alam kong busy ka,” sabi ng matalik niyang kaibigan, halata ang kasiyahan sa boses.

Ipinilig ni Sasha ang ulo para ibalik sa kasalukuyan ang isip. “Okay. See you soon, Hosea.”

“See you, Sasha. And thank you. I mean it.”

May humagod na init sa puso niya kasi naramdaman niya ang sincerity ni Hosea. Tipid siyang ngumiti. “Alam ko. Good night, Hosea.”

“Good night, Sasha.”

Nang matapos ang tawag medyo nagulat pa siya na magaan ang pakiramdam niya. It suddenly made her hopeful that maybe she will be able to face his fiancée with a smile. Na baka magiging sincere ang kasiyahan niya na nakahanap si Hosea ng babaeng gusto nito makasama habambuhay. Kasi deserve iyon ng pinakamabait na lalaking nakilala niya sa buong buhay niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.