REDEEMING JAMES (Filipino) Chapter 48

Kumurap si Sasha at saka lang niya nakitang nagbago ang emosyon sa mga mata nito. Parang may sumipa sa sikmura niya kasi mukha itong iiyak. At nang umangat ang mga kamay nito at humawak sa magkabilang tagiliran niya na para bang gusto siya nito yakapin pero nagpipigil, muntik na rin umangat ang mga braso niya para higitin ito padikit sa katawan niya.

Sa halip huminga lang ng malalim si James at pinagaan ang tono. “Pero napagtapos ko ng pag-aaral si Martin at kahit hindi perpekto ang buhay namin hanggang ngayon, mas maayos na ang sitwasyon namin kaysa noong mga bata pa kami. Pareho na kaming may magandang career. Hindi na namin iniisip kung may pambili ba kami ng pagkain at iba pang gusto namin o kung may bubong kaming masisilungan. Decades of our lives might be a living hell but we got past that stage now.”

Hindi nagsalita si Sasha at naging matiim ang titig sa mukha ni James to the point na nailang na siya. “What?”

Humigpit ang kamay nito sa magkabilang tagiliran niya at marahang umiling. “May naisip lang ako itanong pero feeling ko wala akong karapatan sabihin. Applicable din kasi sa akin at sa totoo lang iniiwasan ko rin sagutin.”

Kumunot ang noo ni James at hindi naiwasan ilapit ang sarili sa dalaga hanggang isang dipa na lang ang espasyo sa pagitan ng kanilang mga katawan. “Sabihin mo na.”

Huminga ng malalim si Sasha, sandaling ginagat ang ibabang labi bago sinalubong ng tingin ang mga mata niya at malumanay na nagsalita, “Sabi mo, maganda na ang mga career ninyo, financially stable na rin kayo pareho base sa kuwento mo. Pero higit kanino man ako ang nakakaalam na hindi ibig sabihin na kaya mo mabili lahat ng mga materyal na bagay ay okay na ang buhay mo. You said you got past the hellish moment of your lives but is that really true?”

Hindi nakasagot si James at parang sinaksak ng patalim ang kanyang dibdib. Lalo na nang may gumuhit na malungkot na ngiti sa mga labi ni Sasha. “Being functional and financially stable doesn’t really mean a person has a good life, James. People can look fine and even happy on the outside but inside they are still living in their own version of hell.”

“Paano mo nasabi iyan? Paano malalaman ng isang tao kung talaga bang okay siya o hindi?” mahinang tanong ni James.

“Simple lang. Kailangan mo lang tanungin ang sarili mo kung masaya ka ba talaga at kung may peace of mind ka. Are you truly happy right now, James? Are your mind and heart at peace?”

“No. I’m too messed up to be happy. And I did a lot of evil things in my life I don’t deserve peace,” mahinang sagot ni James. “Are you happy, Sasha?” balik tanong niya bago pa niya mapigilan ang sarili.

Ngumiti lang ito at hindi nagsalita. Pero nakita naman niya sa mga mata nito ang sagot sa tanong na iyon. He saw longing, misery and sadness in her beautiful eyes. Bigla parang hindi makahinga si James. Hindi lang dahil alam na alam nito kung ano ang tunay na nararamdaman niya na para bang bukas na libro siya para rito.

He was more affected by her silent admission that deep inside she was also living in her own version of hell. He knew that since the first time they met two years ago. He knew that everytime they fuck and whenever she let her vulnerability slip from her hard exterior. But this is the first time she voluntarily allowed him to see her real feelings. And the fact that this beautiful and strong woman has always been miserable inside fucking hurts.

Iyong kirot na nararamdaman ni James sa dibdib niya ay nahaluan ng galit. Galit para sa kung sino mang dahilan kaya miserable si Sasha. Umangat ang mga kamay niya at lumapat sa magkabilang pisngi ng dalaga. Pagkatapos yumuko siya at mariin pero sandali lang hinalikan ang mga labi nito. Nang ilayo niya ang mukha nakita niyang nanlaki ang mga mata nito, halatang nagulat sa ginawa niya.

Hindi niya ito masisi kasi nagulat din siya sa ginawa niya. Nawala ang rationality niya, natabunan ng matinding urge na pawiin kahit kaunti lang ang misery at lungkot na nakita niya sa mga mata ng dalaga. Kung bakit halik ang naisip niyang paraan, hindi niya alam. Ang alam lang niya gusto niyang mapagaan ang pakiramdam ni Sasha.

Someday, find a woman you will really care about… Biglang nag echo sa isip ni James ang boses ni Laney. Nagulat siya at hindi nakakilos. Kumurap si Sasha at bumakas ang pagtataka sa magandang mukha. “What’s wrong? Bigla ka namutla?” worried na tanong nito sabay hawak sa magkabila niyang mga kamay na nakalapat pa rin sa mga pisngi nito.

Umiling siya, ibinuka ang bibig pero walang maisip sabihin. For the first time in his life, nablangko ang utak niya habang nasa presensiya ng isang babae. But then this is also the first time he met someone like Sasha Dela Torre.

Hindi pa rin makapagsalita si James nang biglang tumunog ang doorbell. Pareho silang natauhan at sabay na napalingon sa nakabukas na pinto ng kuwarto. “Dumating na yata ang food delivery,” komento ni Sasha.

Tumango siya at humakbang palayo. “I’ll go get it. Pumunta ka na sa kusina.”

“Okay,” sagot ng dalaga na marahan nang binitawan ang mga kamay niya. Binalewala ni James na nanghinayang siyang naghiwalay ang mga kamay nilang dalawa. Mabilis siyang tumalikod, tumiim ang bagang at tahimik na minura ang sarili. Because what in the actual fuck is happening to him? Hindi niya maintindihan at sa totoo lang ay hindi pa rin siya handang intindihin.

ANG LAKI ng pasalamat ni Sasha na mabilis ang pagdating ng food delivery. Hindi lang dahil gutom na talaga siya kung hindi dahil naputol ang tensiyon sa pagitan nila ni James kanina sa kuwarto nito. Kahit nang mag-isa siya magpunta sa kusina, hindi pa rin niya ma process sa isip kung ano ba ang nangyari sa kanilang dalawa ng binata. They were just casually talking about his brother but suddenly everything became too serious and… too emotional.

Ilang minuto ang kinailangan niya para kalmahin ang sarili at sigurado siyang ganoon din si James kasi kahit nang marinig na niyang nagpaalam ang delivery boy at sumara ang pinto wala siyang narinig na footsteps. He must have been shaken with these new feelings too, just like her.

Nang sumulpot ang binata sa kusina ay napansin ni Sasha na hindi na ito tensiyonado at kalmado na rin ang facial expression. Thankfully nagawa na rin niya ito ngitian nang ilapag nito sa lamesa ang malaking plastic bag ng pagkain. “May kanin ‘yan?”

Umangat ang gilid ng mga labi nito at isa-isang nilabas ang tupperware. “Marami. Sit down and let’s eat.”

Tumango si Sasha at umupo sa isang silya. Aabutin na sana niya ang isang tupperware pero naunahan siya ni James. May init na humaplos sa puso niya nang isa-isa nitong ilapag sa harapan niya ang kanin, mga ulam at kubyertos. Pagkatapos lumapit ito sa refrigerator at kumuha ng dalawang bote ng mineral water.

“Thank you,” mahinang sabi niya nang ipatong nito ang isang boses sa tabi niya.

Tiningala niya ito at nang magtama ang kanilang mga paningin ay gumanti ng tipid na ngiti si James. Pagkatapos hinila nito ang silya na katabi ng sa kaniya at umupo. Sumikdo ang puso ni Sasha nang magdikit ang mga binti nila sa ilalim ng lamesa. Hindi niya tuloy alam kung matatawa o maiinis siya sa sarili. They’ve been fucking for how many times already so why did that simple contact made her stomach flutter?

Alam mo kung bakit, Sasha. Mabilis na pinalis niya ang mga salitang iyon sa isip niya. Sa halip nag focus na lang siya sa pagkain.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.