Return of the Groom Chapter 33

Kabanata 30: Photoshoot

Kanina pa ako hindi pinapansin ni Gabo. Pagkatapos ng nadatnan niya kaninang umaga sa pagitan namin nina Mick at Elliot ay tahimik siya buong maghapon at tila walang planong kausapin ako. Kahit sa tangalian namin. Ngayon ay tahimik siyang naghuhugas ng pinggan.

At dahil ayaw kong magtalo ulit kami ay hindi na ako sumubok na kausapin siya. Siguro ay pahuhupain ko na muna ang galit niya dahil halata naman na galit siya dahil sa nasaksihan.

Kung iniisip niya na sasabihin ko ang 'I love you' kay Mick ay nagkakamali siya. Well, baka nga sinabi ko iyon pero wala naman sigurong katotohanan iyon.

Dahil hindi ko na mahal si Mick! Hindi na talaga!

Hindi lang ako sigurado kung bakit hanggang ngayon ay pinipilit ko pa rin ang aking sarili na paniwalaan iyon. Hayst.

Ala una ng hapon ay dumating si Techno sa penthouse. Katatapos lang ni Gabo maghugas ng mga pinggan. Dumaan siya sa sala kung nasaan kami ni Techno. He's here to update me on his plan to take down Pete and Kao.

"Hi, Gabo! How are you?" tanong ni Techno sa aking kapatid.

"I'm fine, Kuya Techno. Si Kuya ang kamustahin mo dahil parang nahuhulog na ulit kay Mick. Knock some sense into his head, will you Kuya Techno?"

Agad akong tinaasan ng kilay ni Techno. He crossed his arms. Kumunot ang noo ko.

"Really, Goob? Pasinungalingan mo ang sinasabi ni Gabo. Tell me you're not falling for Mick's traps!"

"I do not have to defend myself because it isn't true." depensa ko habang nakaupo sa sofa. "Bold of you to assume, Gabo!"

"Hindi ako naniniwala, Kuya. Kitang-kita ko. Hindi ako bulag. At mas lalong hindi ako tanga! I just wish that what you're saying is true!"

"Aba, siguraduhin niya lang talaga! Dahil sa oras na balikan mo si Mick, pwede mo ng kalimutan na magkaibigan tayo! Dahil kapag binalikan mo pa siya, hindi ka na lang tanga, Goob. Inutil. Inutil ang itatawag ko sa'yo!"

"Yes Kuya Techno. Kalimutan niya na rin na may kapatid siya." si Gabo habang nakatayo malapit sa TV.

"Pwede bang tumigil na kayong dalawa? I will never get back with Mick! Kaya tumigil kayo sa mga banta niyo!"

"I'm just making sure that you're still with us." si Techno. "Well anyway, I've heard what I wanted to hear, let's talk about why I came here."

Pagkatapos noon ay umalis na si Gabo at nagtungo sa kanyang kwarto. Naiwan kaming dalawa ni Techno.

"What's your plan?" I raised a brow.

"Pete's family owns a chain of shopping malls. While Kao's family owns a chain of restaurants. My plan is to burn their establishments to the ground." He said it like it was just a piece of cake.

Samantala ay ikinagulat ko iyon. Hindi kaya sobra naman yata iyon?

"By estbalishments, you mean lahat ng buildings na mayroon sila?" kumunot ang aking noo.

"Yes. Every single one. Pati ang mga bahay nila. Including their resthouses."

Nanlaki ang mata ko. "Seryoso ka ba diyan? Paano kung malaman nila na tayo ang nag-utos?"

Sa totoo lang, kinakabahan ako. I know that what we'll be doing is arson. And it is punishable by law. Medyo okay pa sana kung isang building lang, but based from what I've heard, maraming gusali ang susunugin.

"I think it's very dangerous, Techno. Someone might get killed with that. Ayaw ko namang may madamay na mga tao." nag-aalala ang boses ko.

"Don't worry, Goob. Sa gabi naman uumpisahan ang sunog kaya siguradong walang mga tao."

"We can never be sure about that. And besides, sino ang papayag na gawin iyon para sa atin?"

Ngumisi siya na parang sinasabi na naisip niya na rin iyon.

"I once represented a gang leader in court to get custody of his children. At naipanalo ko ang kaso. Sinabi niya sa akin na handa siyang gawin ang kahit na anong bagay dahil sa utang na loob. Ngayon ay sisingilin ko na siya. His gang runs all througout the country. Kaya may mga tauhan siya sa Luzon, Visayas, at Mindanao."

"Sobra naman na yata ito, Techno. Paano naman ang mga taong mawawalan ng trabaho? We will leave thousands of people unemployed if we burn those buildings down. Kagaya ng mga sales lady at ng mga waiters."

"I also have a plan for that. Remember when we were able to transfer funds to Dean's accounts? We can do it again, and this time, sa mga accounts naman nina Pete at Kao. We will drain their funds. Pati funds ng mga kompanya nila. Marami akong kilalang hacker na ipinagtanggol ko noon sa korte. And they will be willing to help. We will transfer the moneys to every single employee that they have. Nang sa gayon ay kahit mawalan sila ng trabaho, they will still have the money to support themselves until they find a new job."

"I'm not sure, Techno. This is just too risky. Natatakot ako. This is beyond my moral principles."

"Look at me, Goob." utos niya sa akin dahil sa baba ako nakatingin. Ginawa ko ang gusto niya.

"What they did to you was also morally wrong. But was it against their moral principles? Of course!" tumayo si Techno mula sa kanyang upuan at nilapitan ako. Umupo siya sa aking tabi. "Bago ka nila hinalay, naisip nila at alam nilang mali ang gagawin nila! But they still did it! Did you deserve it? No, you did not! But they still did it anyway. Now, do they deserve this? Totally! Kung tutuusin nga ay dapat mas malala pa ang mangyari sa kanila. We will only make them poor and suffer. Hindi natin lalabagin ang karapatang-pantao nila kagaya ng ginawa nila sa'yo. So why worry? They were animals. They do not deserve pity."

Tumayo ako at naglakad-lakad sa may sala, iniisip ang mga posibleng mangyari.

"Hindi ako naaawa sa kanila. I'm just worried na may madamay pang iba."

"Don't worry, Goob. I will make sure that no one will get hurt. Tanging sina Pete at Kao lang ang magdurusa." sinubukan niya akong kumbinsihin.

Kahit saang anggulo ko siya tingnan, mapanganib pa rin talaga. The risk is too much.

Hinarap ko si Techno.

"No, Techno. I do not agree with this plan. This is just too much. Too much risk. I'm not even sure if I'll be happy if this happens. Kahit nga sa nagyari kay Dean nakokonsensya ako. Hindi ako sigurado kung tama ang ginawa natin. Sure, I want to make them pay for what they did to me, it's just that I think this is too much." malungkot kong saad.

"Tama nga si Gabo. You are turning soft. I am so disappointed, Goob. I planned this for many weeks tapos tatanggihan mo lang? Tsk tsk." umiling-iling siya.

"I'm sorry, Techno. I just really think this is too much. Hindi ko kayang sikmurahin. Maybe we should just think of another way to get even with them? Just not burn buildings."

"It's your call. Nasasayangan lang ako because this would be the perfect way to get revenge."

"Basta. I do not agree to do it." pinal ang aking desisyon.

"Fine. Just give me another week to think about how I'll make them pay for what they did to you." pagsuko niya.

"Thank you, Techno. Just promise me that you will not carry out the plan."

"I promise. Iisip ako ng ibang plano."

Tumango-tango ako. Tumunog ang door bell kaya kumunot ang noo ko. I wasn't expecting another visitor.

Iniwan ko si Techno sa may sala at tinungo ang pinto.

Agad kong naikuyom ang aking kamao nang makita si Dean sa labas pagkatapos kong pagbuksan.

"What are you doing here?" I gritted my teeth.

Malungkot ang kanyang mukha at nangingitim ang ibaba ng kanyang mga mata, halatang kulang sa tulog sa mga nagdaang-araw.

"I'm here to say sorry and ask for your forgiveness, Goob. Alam kong malabong mapatawad mo ako, pero umaasa ako." punung-puno ng pagsisisi ang kanyang boses. "Hindi ako makatulog. I keep thinking about the horrible thing I did that night. Binabangungot ako ng konsensya, Goob. Please help me feel at peace." pakiusap niya.

Mas lalo kong naikuyom ang aking mga kamao. Hanggang ngayon, nandidiri pa rin ako. "If not forgiving you means that you get to suffer more, Dean, then I'm sorry. I will never forgive you. Habang-buhay ka sanang singilin ng konsensya mo. Habang-buhay ka sanang magdusa. Because I will never forgive you for what you did to me during that night. I will never forgive you!" galit kong saad.

"Goob, sino yan?" tanong ni Techno mula sa aking likuran. "The fuck? What are you doing here, Dean? How did you get past security? Get fucking lost!"

Malakas ang pagkakasara ni Techno sa pintuan kaya tuluyang natabunan si Dean. We heard him banging on the door. "Goob, please! I'm begging you! Matatahimik lamang ako kung patawarin mo ako! Pakiusap!" Nakutuban kong umiiyak na siya habang sinasabi niya iyon. "My whole life is ruined now. But it doesn't matter. All I need is your forgiveness. Because my brain is killing me! Please Goob!"

"Umalis ka na, Dean! I am calling security!" si Techno sabay labas ng kanyang cellphone.

Bumilis ang aking paghinga dahil unti-unti ko na namang naaalala ang mga nangyari sa gabing iyon.

Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili. Hindi nagtagal ay narinig ko mula sa labas ang pagpapaalis kay Dean.

"Let me go! Goob, please. I just need you to forgive me! Please! Let me go!" naririnig ko ang pagpupumiglas ni Dean.

Hindi nagtagal ay natahimik din ang paligid.

"Are you okay?" tanong ni Techno.

Tumango ako. "Y-yes. I just need a few seconds to calm myself."

Dinala niya ako pabalik sa sofa at pinaupo roon. Kumuha siya ng isang baso ng tubig. Pinangalahatian ko iyon.

Techno stayed with me for another thirty minutes, trying to make me feel calm and comfortable.

I am so thanful for having a friend like him. Hindi man kami palaging nagkakasundo sa mga gustong mangyari, sigurado naman akong tunay ang pag-aalala niya para sa akin. I can always rely on him. Si Techno ang klase ng kaibigan na talagang mararamdaman mong swerte ka sa kaniya.

If it wasn't for him, siguro ay wala ako sa kinatatayuan ko ngayon.

"I have a court hearing at two. I'm sorry, Goob but I have to leave. Tawagin ko nalang si Gabo para madamayan ka. I don't want to leave especially with what just happened ngunit gindi ko naman puwedeng hindi siputin ang hearing dahil kawawa naman ang kliyente ko." malungkot niyang saad.

"It's okay, Techno. I'll be fine. Besides, I have a photoshoot by three pm. Sabay na lang tayong umalis." sagot ko.

"Sigurado ka bang okay ka lang para magtrabaho? Pwede mo namang icancel na muna ang project mo para sa araw na ito."

"I'm fine. Siguro ay nabigla lang kanina. But I'm fine now. Don't worry about me." binigyan ko siya ng isang mahinang ngiti upang mas lalo siyang makumbinsi.

"Sigurado ka ha?"

Tumango na lamang ako.

---

Sabay kaming bumaba ni Techno sa parking lot kasama si Kuya Dominic. Techno used his car to go to his court hearing while Kuya Dominic and I used my car. Kasama namin ang driver patungo sa set. Nasisiguro kong nasa eskwelahan pa si Elliot dahil alas tres pa ang dismissal niya.

Sampung minuto bago mag alas tres nang makarating kami sa set. Agad akong inayusan ni Kuya Dominic para sa photoshoot.

Habang inaayusan ay may natanggap akong mensahe mula kay Apo.

Apo: Hi crush. Pwede ba kitang sunduin sa set niyo?

Natawa naman ako sa mensahe niya. Kuya Dominic eyed me suspiciously. Ngunit hinayaan niya lang ako.

Ako: Baliw. Sige. Siguro mga five kami matatapos.

Kaninang umaga kasi ay naikwento ko sa kanya ang proyekto ko ngayong araw.

Apo: Noted crush 😉 Mga 4:30 matatapos ang meeting ko with a client. Baka puwedeng date na rin tayo 😂

Ako: Pag-iisipan ko pa HAHAHA

Apo: 😥😥😥

Hindi ko na siya nireplyan. Nang matapos make-upan ay tinawag na ako at pinapwesto sa may backdrop. For today, I am doing a photoshoot for a magazine cover. And not just any magazine, but the most famous magazine here in the country.

Suot ko ang isang brown suit na tinernuhan ng black shoes.

Nakakailang-kuha na ang photographer. Sigurado akong maganda ang lahat ng kuha ko dahil ginagalingan ko ang mga pose. I always remember to do my best in all the things that I do.

Lumipas ang tatlumpung minuto at bumukas ang pinto ng set. Nanlaki ang mata ko nang makita ang dalawang lalaking pumasok.

---

Mick's Point of View

"Daddy Mick, I want to see Papa at work. I've never been to any of his works before. Can we go there?" tanong ni Elliot habang nakaupo siya sa passenger seat ng aking sasakyan. Suot-suot niya ang seatbelt.

Kakukuha ko lang sa kanya mula sa kanyang eskwelahan. Kasalukuyan akong nagmamaneho at papunta sana kami sa aking opisina.

"I'm not sure about your Papa Goob, buddy. You might just distract your Papa." sagot ko.

"I will behave, Daddy. I promise." itinaas niya pa ang kanyang kanang kamay na tila nanunumpa.

Naisip ko iyong pag-uusap namin ni Goob tungkol kay Elliot. He made it clear that he isn't hiding our son anymore from the world. So I guess it won't be a problem to him if I bring our son to wherever he's working right now, right?

"Okay bud. Let me just stop the car and check we're he's at."

Simula noong dinala ako ni Goob sa bahay kung saan naghubad siya sa aking harapan ay marami akong napagtanto. Isa na roon ay ang bigyan siya ng espasyo. I felt like I was suffocating him so in order to give him more air, I am trying to keep my distance. Kaya naman hindi ko na siya pinasusundan pa. So I really have no idea about his whereabout. Ngunit nasisiguro ko naman na nagpost si Kuya Dominic sa kanyang IG story ng larawan kung nasaan sila ni Goob kaya ang ginawa ko ay viniew ang IG story niya. At tama nga ako.

After ten minutes, we were already at the building where they were having his project.

Tila hinihila ako ni Elliot dahil sobrang excited siyang pumasok kami roon. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mata ni Goob nang mapansin kami.

I gave him a smile.

"Papa Goob!" tawag ni Elliot. Mabilis kaming nilapitan ni Goob.

"Hey, baby. What are you doing here?" hinalikan niya ang pisngi ng bata. Agad kaming pinagtinginan ng mga tao roon.

"Wanted to see you, Papa." si Elliot.

"I'm sorry if we're here. Gustong-gusto kasi ni Elliot na panoorin la kaya dinala ko siya rito. I hope you don't mind." nahihiya kong saad.

Goob seem tensed now. Hindi lang ako sigurado kung dahil ba kay Elliot o dahil sa akin.

"It's okay. I don't mind." sagot niya sa akin bago muling harapin si Elliot. "Just behave, baby. Okay?" nginitian siya ni Goob.

Hindi ko mapigilan ang tuwa sa aking puso. I don't know, but seeing Goob kneeling in front of our son makes my heart happy. It's like we are a family and Elliot and I are here to support Goob.

That thought made me sad too. Dahil alam ko sa sarili ko na kasalanan ko kung bakit hindi kami pamilya ngayon.

Hanggang ngayon ay pinagtitinginan pa rin kami ng mga tao. Ang iba ay nagbubulung-bulungan. A staff guided me and Elliot to the side and gave us chairs where we can sit as we watch Goob. Bumalik na si Goob sa kanyang pwesto at nagpatuloy na ang photoshoot.

Maingay si Elliot. Kaya malimit na napapalingon ang mga tao sa amin. Ngunit hindi naman siya pinagsasabihan ng mga staff.

"Go Papa Goob!"

"That's my Papa!" tinuro niya ang ama tila nagyayabang sa mga tao.

Napapangiti na lamang ako sa pagiging inosente ng bata.

But Goob still seem nervous and tense. Kanina ko pa nakikita sa mukha niya na kinakabahan siya at hindi makapag-focus. Panay ang sulyap niya sa aming banda at madalas nagtatagpo ang aming titig. Mabilis naman siyang nag-iiwas ng tingin.

"Papa Goob looks so beautiful and handsome at the same time, Daddy Mick." kumento ni Elliot. You're so lucky to have him."

"How I wish I still have him, buddy." malungkot kong saad.

Tumutulo na ang pawis sa noo ni Goob kaya nagdesisyon ang photographer na pagpahingahin muna siya.

Agad siyang lumapit sa amin kaya agaran din ang aking pagtayo.

"Is Elliot distracting you?" tanong ko nang makalapit siya.

"No. I'm fine with Elliot being here." sagot niya.

"Then is it me? Am I making you feel uncomfortable? Naiilang ka ba sa akin?"

"I-it's not like t-that." nauutal ang kanyang sagot at hindi siya makatingin sa akin.

"I completely understand. I'm sorry about it." napalunok ako. "Lalabas na lang ako upang hindi ka na mailang."

"No. It's o-okay."

"Naintindihan ko, Goob. If my presence bothers you, then I will leave. Diyan lang ako sa labas maghihintay. Elliot can stay here. Perhaps your make-up artist can look after him." Hinarap ko si Elliot. "Buddy, I'll just be outside. Kita nalang tayo mamaya pagkatapos, okay? Just stay put and behave." bilin ko sa kanya.

Pagkatapos noon ay hindi ko na hinintay pa na magsalita ulit si Goob at lumabas na ng set. Mabigat man sa damdamin ay ginawa ko iyon.

Siguro ay isang oras akong naghintay sa labas. Inaliw ko na lamang ang aking sarili sa pamamagitan ng pagtingin sa mga pictures ni Goob sa kanyang Instagram. Kahit paano ay naibsan ang aking lungkot na nararamdaman.

Bumukas ang pinto at isa-isang lumabas ang mga tao mula sa loob. Hinintay ko na makalabas si Goob at Elliot. Mabilis akong tumayo nang lumabas sila.

Nakabihis na si Goob at handa ng umalis.

Nilapitan ko sila.

"Tapos na kayo?" tanong ko sa kanya.

Tumango lamang siya. Ganoon din ang ginawa ko bago muling magsalita. "Kung okay lang sa'yo, ako na ang maghahatid sa inyo pauwi."

Napatingin si Goob sa aking likuran kaya nilingon ko ang kanyang tinitingnan. Nakita ko si Apo na kararating lamang.

"Elliot will still be staying with you, right? I have some place to go. Ihatid mo nalang siya sa condo mamaya." ani Goob at ibinigay sa akin si Elliot upang buhatin siya. Tinanggap ko ang bata.

He kissed Elliot's forehead. "I'll see you later, baby. Enjoy the rest of the day with your Daddy Mick. I love you." dagdag ni Goob.

"Goodbye Daddy. I love you too." sagot naman ni Elliot.

Lumapit si Apo kay Goob at hinalikan ang kaniyang pisngi. Hindi ko iyon inasahan kaya hindi ko manlang naisara ang aking mga mata upang hindi iyon makita at maprotektahan ang sarili.

Pagkatapos noon ay umalis na silang dalawa. Sabay silang naglakad. Naramdaman ko na lamang ang paninikip ng aking dibdib at ang unti-unting pagkadurog ng aking puso.

Ang sakit.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.